Share

Chapter 5

Katatapos lamang ng meeting nila sa opisina kasama ang department heads ng dumating ang mga kaibigan ni William sa opisina. Nandoon si Greg, Lance at Brix. Sila ay kilala na ni Madel dahil na rin madalas sila sa bar noon. Si sir William lamang nya ang di nya masyado nakakasalamuha.

Nagulat pa ang tatlo ng makita nila ito sa mesa ng assistant. "Madel my dear is that you?" Bulalas ni Lance na di nakaligtas sa pandinig ni William na kakapasok lamang sa opisina nito. Napakunot ang noo nito kaya imbes na umupo ay lumabas muli ito.

"Sir Lance, kayo po pala! Nandyan po si sir sa loob." Sagot ni Madel at binati din nito sina Greg at Brix. "Hi po sir Greg , sir Brix. Long time no see po."

"Why didn't you tell us na dito ka pala sa WCC mag wowork. Dun ka na sana sa kompanya ko.i would have hired you as my assistant as well." Sagot ni Lance

"Why did you fire your assistant? And what are you guys doing here?" Tila naiinis na sabat ni William.

"Relax bro. You know Lance is just kidding. And we are here kasi diba ngayon ang final fitting ng mga suit natin for my wedding next week?" Saad ni Greg

"Do i need to go with you guys. Pwede naman mamaya after office hours. " Ayon kay William

" Madel my dear, may meetings pa ba ang boss mo? Mukang ayaw nya umalis ng opisina eh. Di man lang nya nabanggit na ikaw pala ang pumalit kay Jane. " Winika ni Lance

"Sir wala na po sya meetings. Bukas na po uli. Pero di pa po na revise yung project proposal na inaayos niya. " Sagot ng nahihiyang si Madel.

"Yun nalang pala bro. Come on ang tagal na nating di nakalabas. Unwind lang tayo saglit. For sure sa kasal na tayo magkikita. Malay mo makilala mo na mamaya ang babaeng pwede mo maging date sa kasal ni Greg." Brix said.

" I have a date at pwede ba wag nyo na guluhin si Madel dyan. Madami pa siyang aayusin. At please just wait for me at the lobby may ibibilin lang ako kay Madel." Sagot ni William. Wala naman na syang magagawa sa kakulitan ng mga friends nya.

"Talaga bro,you have a date? Does that mean pwede ko na din maging date si Madel my dear?" Wika na Lance.

"Po?" Sagot ni Madel

"NO!" Sagot ni William na nagpakunot sa noo ng tatlo nyang kaibigan.

"Just go guys and leave Madel alone!" Ani William.

"Madel, if William didn't invite you as his date, don't worry kasi you are invited. You have a plus one and i will send your invitation here tomorrow. Vienne would love to see you kasi hinahanap ka nya sa akin nung nag bar kami. So I will see you at my wedding ok? I won't take no for an answer." Wika ni Greg bago sila bumaba papuntang lobby. Napatango na lamang si Madel dahil pinoproseso pa rin nito ang naganap.

Napatanong na lamang sya sa sarili.

" Bakit no ang sagot ni sir eh ako dapat ang masusunod? Bakit naman nya ako aayain as his date? Sino kaya isasama ko? Ano isusuot ko? Hay bahala na nga!" Yan ang mga kataga sa utak ni Madel

Inis na inis na naman si William lalo sa kaibigan nyang si Lance. What was his point of inviting Madel as his date. At bakit Madel my dear pa ang tawag nya dito. Si Madel naman parang kinikilig pa. Dapat alam nyang bawal ang landian dito sa opisina. Magbabago sya ng rules para sa mga kaibigan lalo na kay Lance. Dapat sa receptionist sila magsabi bagi umakyat sa opisina.

Teka. Bat ba ako naiinis kahit maglandian sila eh ano ngayon? Bigla na uli naalala nya ang pagyakap ni Lance kay Madel sa bar. Lalo na naman siyang nainis pero di na kay Lance kundi sa sarili kung bakit masyado sya affected. Inaayos na lamang nya ang files na kailangan nya ipa revise kay Madel at pati ang gamit bago umalis.

"Madel here are the documents you need to revise. After you finish that pwede ka na din umuwi. I also want you to call for a meeting sa ating Marketing department bukas ng umaga para sa mga Ads ng launching ng ating shipping business. Then i also want you to send my mom and dad flowers for their wedding anniversary at iconfirm mo na pupunta tayo sa dinner party bukas. Ok" sunud-sunod na sabi ni William.

Napahinto naman ng pagtetake notes si Madel ng sabihin ni William na pupunta sila sa dinner party. Bat pati siya kasama.

"Sir pati po ako pupunta sa party? Di ba po family affair yun?"

"Yes. You heard me right. You will come with me dahil baka may mga business proposals dun. I need you to remind me sa mga proposals na pwede sa company. " Palusoy ni William kahit di naman yun ang dahilan.

"Ganoon po ba sir. Cge po" wala nang inang maisagot si Madel

"You need to buy your dress for tomorrow. Here's my debit card don't worry i will text you the pin. And also buy a nice dress, shoes, bag and accessories for Greg's wedding."

"Bakit naman po sir pati sa kasal. May pambili naman po ako sir." Nagtatakang sagot ni Madel sa sinabi ng Boss.

"Don't ask any questions. Just do it. Ako ang magbabayad cause you will be my date. Just buy anything you need. Bye."

Di na nakasagot si Madel. Nagtataka siya sa gestures ng boss at kung bakit sya ang date nito.

Wala na syang nagawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status