Share

Chapter 4

Pero para kay Tisoy masarap ang puwestong iyon na noon pa niya pangarap ng tawagin niyang Mahal si Irene sa tricycle noon.

"Love at first" kung yun man ang tawag doon.Yun ang naramdaman nya ng una niyang makita si Irene. Kaya nga kahit paghingi lang sana ng tulong ang pakay niya sa dalaga ay nauwi siya sa malaking pagkakamali..isang malaking pagkukunwari.

"Good night Mahal" Bulong ni Tisoy at isang halik sa toktok ng babaeng iniibig ang ibinigay niya bago nito ipinikit ang mga mata. Hindi na rin namalayan ng binata na nakaidlip siya ng nakaupo at yakap si Irene.

Kinabukasan ay maaga nga silang nagpunta ng hospital.Inasikaso ni Irene ang kailangan ng kapatid hanggang sa mailipat ito sa ward. Nagpaalam si Irene na hindi papasok sa araw na iyon pero hindi siya maaring mag leave dahil paano ang gastusin nila pag wala siyang sinahod. Kaya ng sumunod na araw ay inasa niya kay Tisoy ang  pagbabantay sa kapatid.Nagpalitan na lamang sila pag uwi niya.

Tinawagan ni Irene ang ang asawa ng kuya niya at ibinalita ang nangyari iyak ito ng iyak at halos gustong umuwi pero kakaalis lamang nito halos pitong na buwan pa lamang kaya hindi pa ito makakauwi. Sa pagtawag ni Irene sa hipag ay doon niya nalaman na magkagalit pala ang magasawa.

Hindi pala gusto ng kapatid niya ang pagalis nito.Sabi ng hipag niya gusto daw  ng kuya niya na umalis ito kapag kasal na sila pero sinamantala ng hipag na may bakante at oportunindad na makaalis. Hindi pala komokontak ang kuya niya sa hipag mula ng umalis ito.

Tinanong niya kung bakit tinaggap ni Kuya niya ang motorsiklo.Hindi rin daw alam ng hipag niya pero ang kuya na daw niya ang nagtuloy ng hulog nito. Sinabi ng hipag niya na gusto nitong  tulungan sa gastusin ng kuya niya pero ilihim na lang dahil baka magalit o baka ayaw ng magkaroon ng koneksiyon ng kuya niya dito. Narinig niyang humahagolhol na ng iyak ang hipag niya kaya alam nyang mahal pa nito ang kapatid.

"Cge ate ako na pong bahala.Pero sasabihin ko sa kanya na tumulong ka paglabas na niya ng hospital ung wala na siyang magagawa pa" Sabi ni irene.

Sinabi rin niyang babalitaan ang hipag from time to time. Halos apat na araw na ang kuya niya sa hospital at medyo maayos na ito.Gumising ito sa ikalawang araw panay angvsorry sa kanya. Inihahabilin pa siya kay Tisoy. Napansin ni Irene na matapos ang halikang namagitan sa kanila ni Tisoy ng gabing iyon ay hindi na iyon naulit pa bagamat hindi naman umiiwas si Tisoy.

Parang wala namang nagbago dito pati pakikitungo sa kanya malambing pa din ito at maasikaso. Hindi na ito muling nagtangkang halikan siya kahit good night kiss man lang kapag papasok na siya sa silid niya ilang gabi na ang nakalipas. Hindi naman sa atat siya pero totoong umasa sng puso niya na may magbabago sa pagitan nila at trato ng binata sa kanya.

Inaasahan niyang magiging mas malambing ito at inaasahan niyang mauuwi sila next level pero mukhang bigo siya. Sa ilang araw na nagdaan ay nakaramdam ng tampo si Irene ayaw man niya pero yun ang nararamdaman ng puso niya.Maliit na bagay pero ewan niya pero nasaskatan siya. Ilalabas na ng hospital ang kuya niya bukas at ngayon na lamang ng huling pagkakatoan nila ni Tisoy na makapag usap na mga bagay tungkol sa kanila. Nangangapa man ay alam ni Irene na  may special sa pagitan nila ni Tisoy at gusto lamang niya iyong  alamin.

Samantalang si Tisoy naman ay nakadungaw sa gate habang iniinom ang kanyang  beer. Bukas na ang discharge ng kapatid ni Irene kapag nagkataon ay baka mawalan na siya ng pagkakaong masolo ang dalaga. Ramdam niya ang pagtatampo ng dalaga sa kanya.Hindi ito galit pero hindi na malambing katulad ng dati lalo na kinaumagahan matapos ang halik na namagitan sa kanila.

Nagdadalawang isip si Tisoy kung mapaninindigan ba niya ang damdamin.Natatakot siyang masasaktan niya ang dalaga kapag bumalik na siya sa katotohanan. Pero kanina mula sa hopsital ay tila iwas si Irene sa kanya. Parang galit ito. Mas malala kesa ng mga nakaraang araw.Kay lalogn bumigat ang pakiramdam ni Tisoy at lalong nabalisa.

Pumasok ang binata sa loob ng bahay ng hindi na makayanan ang pagkabalisa at naabutan niyang gising at nanunuod pa ng k-drama ang dalaga. Umupo siya sa tabi nito.Balak sanang makipagkuwnetuhan pero tumayo agad si Irene.

"Matutulog ka na ba?, Ahh sige" Sabi nito at pinatay na ang Tv at dvd saka humakbang na pabalik ng silig niya. Papasok na siya ng silid ng pigilan siya ni Tisoy.

"Ren, antok ka na ba?" Sabi ni Tisoy hindi alam kung paano sisimulan ang gustong sabihin.

"Papasok na ako sa kuwarto obious ba?" Maayos naman ang tanong nito at malambing pero iwan ni Irene naiinis siya sa katorpehan nito.

"Ren, galit ka ba? may nagawa ba akong mali. Sorry kung meron man" Malambing pa ring sabi nito.

"Alam mo ba ang inihihingi mo ng sorry Tisoy?"

"Oo yung nakaraang gabi?" Nasaktan si Irene. So he feel sorry pala.Kaya pala hindi na inulit pa ng h*******k.

"I feel sorry kase hindi ko nasabi ang dahilan ng gabing iyon. I feel sorry para din sa ngayon" Sabi pa nito.

"Bakit?" Litong tanong ni Irene.

"Kase gustong kung ulitin yun" sabi ni Tisoy at lumapit ng husto sa kanya. Kinabahan si Irenen at napaatras kaya napapasok si Irene sa loob kaya pati si Tisoy ay nakapasok na din.

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan" Kunwari ay galit galitan ng sabi ni Irene pero nanginginigbna siya sa kilig.

"Can I kiss you again Ren?"

"Gaganyan ka tapos bukas parang balewala na naman" may himig tampong sabi ni Irene.

"Sabi na nga ba nagtatampo ang mahal ko"

"Ano? ano"kamo?" sabi ni Irene.

"Sabi ko gustong gusto kitang halikan noong nakaraan pa" Sabi nito at hinalikan na nga siya ulit. Isinara ni Tisoy ang pinto.Nakaramdam ng kilig si Irene dahil hinihintay niya ang sandaling ito na muling  makasama ulit si Tisoy. Isang nakakanginig ng tuhod na halik ang ibinigay nito mapusok at mas mainit kesa noong nakaraan. Isinandal pa siya nito sa dingding saka isinandal naman sa kanya ang buong bigat nito.

Sobrang sarap ni Tisoy humalik yung  parang expert yung tipong halik pa lang titirik na ang mga mata nya. Kaya siguro hinanap hanap niya din dahil nakakaadik talaga. Hindi naman si Tisoy ang una niyang kahalikan May mga nakarelasyun na rin siya yung isa nga malalim at matagal pa niyang naging syota since high school pero ipinagpalit siya sa mas matanda sa kanya pero may ari ng pa loadan daw sa lugar nito.

Nalilibre ata ng unli yung loko kaya ayun nabuntis nito kaya ayun no choice kundi pakasalan. Kahit na ipinagduldulan ng syota niya na lasing lang daw ito at siya ang mahal. Si Irene na rin ang bumitaw. Hindi madaling magbalik ng tiwala. At lalong hindi kaya ng konsensya niya na may maapektuhang bata.

Pero iba ang mga halik na ipinararamdam ni Tisoy, medyo hindi niya maipaliwanang pero iba.Ibang iba kesa sa halik ng lahat ng ex niya.

"Ren.. i miss you" Bulong sa kanya ni Tisoy. Para namang nalunod ang puso niya sa saya sa bulong na iyon.

" I miss you too akala mo dyan..." Sabi ni Irene sa pagitan ng mga halik na sinasagot naman niya ng kasing init na halik.

"Ren, alam ko baka hindi mo paniwalaan pero  gusto ko pa ring sabihin" Sabi Tisoy saka tumigil sa paghalik sa kanya at tumitig.Alam niyang kapag binitawan niya ang salitang gustyong sabihin ay wala na itong atrasan.Sana lamang ay si Irene na nga ang tamang babaeng matagal na inyang hinahanap.matanggpa sana nito an lahat.

Ngumiti si Tisoy ito na tila ba siya inaakit samantalang matagal na siyang hibang at akit na akit sa mga simpleng sulyap at ngit nito. Para siyang palaging nahihipnotismo sa titig pa laamg ni Tisoy.Ilang besbes na nga niyang nasalo ang panty niya dahil madalas mahulog" biro ni IRene sa isipan.

" I like you Ren" Sabi nitong titig na titig  sa kanya.

"Weeh...di nga?" Ewan niya naman  niya kung bakit yun ang naisagot niya sa pagkaroma romantic na moment na iyon. Tumamawa ito yung sexy at nakakabaliw na tawa yung bang tawa na kapag narinig mo mapapahubad ka.

"Ang cute mo talaga Ren, kaya lalo kang nakakabaliw" Sabi nito.

"Ay ayun lang nagmukha naman itong goons sa dialogue na yun"

"Wag mo na lang akong paglaruan Tisoy. Libre na nga pagtira mo pati kiss mo libre na aba sumusobra ka na ha" Biro ni Irene.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
m_🏹
" ganda ng kwento!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status