“Haleer hindi ako choosey, excuse me! I’m just protecting myself!”
Nakataas pa ang isang kilay ng dalaga habang sinasabihan niya ang kausap sa cellphone.
"Sige na, pansinin mo naman yong tao. patay na patay daw sayo."
Ang sabi naman ng nasa kabilang linya at maririnig na humahalakhak pa ito.
“Ayaw ko! Kung gusto mo sayo nalang!”
"Grabe ka naman pinsan."
“Over my dead but delicious body! Ayaw ko!”
Giit ng dalaga.
"Sige ka, may miyembro nanaman ng kulto ng SMP ngayong disyembre."
“Okay lang na maging miyembro pa ako ng SMP o Samahan ng Malalamig ang Pasko basta ayoko! Kung gusto mo ipakilala mo kay Agnes, para masiyahan naman ang bruha!”
“Goodbye!”
Ang sunod-sunod na sigaw ng dalaga sa kanyang kausap sa kabilang linya.
Napatawa pa ang kausap dahil alam nito na namumula na ang dalaga sa sobrang inis. Hinahapo at nangagalaiti ang dalaga at tinanggal ang suot na bluetooth speaker sa taenga para makapag-pukos siya sa pagmamaneho. Kanina pa siya tinatawagan at kinukulit ng isang pinsan niya at nais daw siyang mameet in person ng kaibigan nitong Australian national.
“Ready self?”
Ang pabulong na tanong ni Maricor sa sarili habang binabaybay ang kahabaan ng high way.
“Kalma ka lang self. Magiging okay ang lahat.”
Ang pilit na pagpapakalma niya pa sa sarili dahil parang nais niya nalang mag-U turn at bumalik nalang ng city sa sobrang kaba na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
Napakalakas ng hanging amihan na nagmumula sa dagat at damang-dama iyon ng dalaga mula sa pagmamaneho nito ng kanyang lumang sasakyan. Disyembre 18 na at ilang tulog nalang at sasapit na ang pasko.
Tanaw na tanaw niya ang ilang mga parol na nakasabit sa bintana ng bawat tahanan na kanyang madaraanan. Maging ang ilang malalaking nakalagay sa mga street lights tanda na paskong-pasko na talaga.
Pasado alas dos na ng hapon ng dumating ang dalagang si Maricor sa lugar kung saan gaganapin ang kanilang alumni party. Ipinarada niya ang kanyang lumang wranggler na pamana pa ng nakakatandang kuya niya sa parking area ng resort. Galing pa sya sa university na tinuturuan niya ng mahigit tatlong taon. Bumiyahe siya para umattend ng misa bago ang holiday vacation nila ngayong Disyembre. She is a college instructress in Social Studies and a master's degree holder at the age of 28 sa isang Kolehiyo dito sa Iloilo. After makapag-attend ng misa at matanggap ang regalo plus bunos mula sa admin ay kaagad siyang bumiyahe para sa panghapong event.
Nang araw na iyon, she was wearing a skinny jeans na pants at blue na long sleeved-blouse. Naka tuck-in iyon at hapit na hapit sa katawan ng dalaga. Nagsuot din ito ng wedges na 2 and ½ inches lang ang taas. Matangkad siya sa height na 5'5 with a petite body at mas dumagdag pa sa tangkad ng dalaga ang wedge nito. Long hair din siya na naka v-cut at kinulaya iyon ng kulay ash blonde. Besides pasko naman sabi niya at hindi naman bawal sa trabaho niya ngayon. Halos ang ibang mga members ng faculty sa Saint Claire ay napapalingon sa kanya at kumakaway. Sino nga ba ang hindi makakakilala eh dati siyang member ng faculty. Nakita niyang kumaway ang mga kaklase at kaibigan niya sa isang tent. She is so damn gorgeous! Kahit pasuotin mo yata ng basahan ay standout pa rin ang luk-luka.
Pero di muna siya lumapit doon. Nagpunta muna sya sa mga co-faculty at mga heads niya dati para bumati at ng makapag-batian ay nag excuse na muna ito na pupunta sa tent ng section nila. Pagpunta ng dalaga sa itinalagang tent ng section gumamela ay grabeng kumustahan, halakhakan at batian ang nangyari.
Maricor is just a weird and stubborn student dati. Siya na yata ang pinaka wierdo pero funny na estudyante sa campus. Nakasuot ng napaka kapal na salamin at may braces sa mga ngipin. Happy go lucky kahit na minsan ay nabubully at walang pakialam sa mangyayari sa future. Noon iyon dahil nag iba na ang paningin nila sa kanya ngayon. Sino ba naman ang mag-aakala na ang dating medyo lalaki kumilos at parating napapagalitan dahil mababa ang score sa quizzes ay isang college professor na sa isang sikat na unibersidad sa iloilo. Although hindi niya talaga type ang ummattend sa mga ganito ngunit may isang bahagi ng isipan niya ang nagnanais na dumalo. Ito ay dahil kay Ariel. Ang kanyang first love eversince high school sila. Ito ang dahilan kung bakit kanina pa siya kinakabahan.
Naupo siya sa isang stall doon at nakipag apiran pa sa mga kaklase/katropa niya dati. Si Maricor ang babaeng walang pinipiling kaibigan. Bakla, tomboy, lalaki o babae. Basta masaya siya.
"kumusta naman ang ninang ng anak ko?"
Mula sa likuran ay narinig ng dalaga si JD. Ang kabarkada nito na kagaya nya noon ay happy go lucky din. Ngunit ng makilala ang asawa niya ngayon at nagkaroon ng sariling pamilya ay biglang naging uliran. Meron na itong minamanage na auto and motor shop. Binigyan niya si maricore ng isang bote ng flavored beer. Siniko siya ni Maricor.
"Ay ang pinaka paborito kong kumpare!" ang napapalatak sabay sigaw at ngiti na sambit ng dalaga.
"Ano ka ba naman. Ako lang naman ang paborito mong kumpare dahil ako lang ang may anak na ikaw ang ninang." Ang natatawa namang sabi ni JD.
"Hoy ikaw ha? Namumuro ka na. Halos madami na ang naiambag ko na customer sa shop mo, ninang pa rin ba ang nasa isip mo? Porket pasko ngayon." Ang nagpapout pang sabi ng dalaga sa kaibigan.
"Tsaka, lahat yata ng estudyante na galing sa university namin na may motor at sasakyan ay sa shop mo nagpupunta. Recommended ko sa kanilang lahat ang shop mo kaya wag ka nang magparinig diyan.'' Ang natatawa pero umiirap na dugtong pa nito sa kaibigang si JD.
Marami pa ang nagsidatingan nilang mga kaibigan at dating kamag-aral. Nakikita niyang pasosyalan pa ang iba. Sabay nalang silang nagkindatan nila Menchie at naghalakhakan dahil halata talaga na nais magpa-impress ang ilan. Samantala, ay busy ang iba niyang mga kabarkadang babae dahil nagbabarbeqcue at nagpeprepare sa tent nila ang mga ito. Kanya-kanyang tent ang bawat batch nila. Medyo kunti nga lang ang dumating. Umakyat na rin ang emcee sa taas at nag umpisa na ang program after 30 minutes. Medyo nakakarami na rin siya ng flavored beer habang namumulutan ng barbeque ng magtawag ang emcee gamit ang mic. May laro daw at bongga ang ibibigay na mga papremyo. Nagpunta muna siya sa comfort room at nagbihis ng maong shorts at T-shirt. Pinalitan niya rin ang wedge na suot ng kulay puting rubber shoes.
Pagbalik sa tent ay hinila kaagad ang dalaga ng mga kabarkada niya sa high school. Marami talaga ang gusto na isali siya sa batch nila. Ang turing sa kanya ay amazona. No wonder naman kasi sa tindig palang ng dalaga ay kakabahan ka na. Ang unang naging laro ay ang sack race. Ang dalaga ang pangalawa sa huli. Si May Ann ang pinaka sa likuran niya. Pareho silang matangkad kaya natatawa nalang ang mga kasama dahil may mga tore daw na nakabantay sa likod. Nanalo nga sila sa laro dahil sa bilis nang pagtalon.
Marami pang parlor games ang sinalihan ng magkakaibigan.
“Maricor bilis!” ang sigaw ni Menchie sa kanya ng mga ora na iyon. Nakasubo sa bibig niya ang isang baraha na may nakalagay na isang kutsara ng harina. Kailangan na niya iyong ipasa sa isang kagrupo nila pera tila yata at binibiro siya ng tadhana dahil sa phereperal vision niya ay may bigla nalang nahagip ang kanyang mga mata at ahil doon at tila siya naging bato. Nanlamig ang kanyang buong katawan at nablangko ang kanyang sistema sa kanyang mga nakita.
Nang mai-announce nga ng emcee na nanalo ang batch nila Maricor kahit pa sabihing natalo sila sa larong harina relay ay dali-dali siyang tinawag sa taas ng stage para ibigay ang premyo. Kaagad namang umakyat ang dalaga sa entablado at nakipabiruan pa siya sa emcee. Isa din sa mga naging kaibigan niya noon at naging co-faculty."Ma'am Zaavedra, ano naman ang naging source of energy mo at bakit mo nabuhat ng bonggang-bongga si Menchie?"Ang naloloka at maarteng tanong ng baklang emcee.Sinagot naman siya ng dalaga ng pahalakhak."Simple lang sir Albert, prayers, 3 bottles of flavored beer and you. Charrooot!"Grabeng halakhakan ang nangyari sa loob ng hall na iyon. Maging ang ibang batches at mga faculties and heads. Naloka ng husto ang baklang kaibigan at sinakyan naman ang joke ng dalaga."Ms. Zaavedra, wala bang magagalit ngayon dito sa hall na ito kung hahalikan kita?''Ang ganting sakay naman ng emcee."Ahm hindi ko alam. Pero feeling ko talaga galit siya. Dati pa."Ang makahulugan
Tila yata at may namumuo ng masamang panahon! Este namumuong luha sa mga mata ng dalaga ng mga oras na iyon pero pinilit niyang kumalma.“Tangayin sana ng malakas na ipo-ipo ang sakit na nararamdaman ko ngayon pati na rin yong mga taong naghihiyawan dahil sa korni na proposal sa harapan ko!”Naidagdag pa ni Maricor sa mga panalangin niya.Napaisip nalang siya na korni ang proposal dahil super-duper bitter as in bitter pa sa bitter gourd talaga ang dalaga ng araw na iyo. Nasabi niya na korni kasi bitteret/ampalaya/apdo ng bangus at lahat ng mapait sa mundo ang nafe-feel ng dalaga.May dala itong isang bouquet ng roses na kulay pink, white at orange. Bumaba ito sa hagdan ng stage at sumunod dito ang mga kasama niya na ngayon ay may bitbit nang placard at may nakasulat. Di gaanong mabasa ni maricor ang mga nakasulat na letra dahal nagkadeperensya na ang mata nito at kailangang icorrect ng salamin na sinusuot niya ngayon.Mukha itong tutubi sa pinili ng kaibigan niyang design. Inilibre si
PASURAY-SURAY at halos nakakapit na sa pader ang dalaga habang naglalakad papuntang powder room ng Orange Club Paradise sa isla ng Boracay. Umiikot na ang kanyang paningin at gusto ng bumagsak ng kanyang katawan sa sahig at doon na lang humiga.“Yes! Yes! I’m very much okay.”“Don’t mind me. Thank you!”Ang sunod-sunod na sabi ng dalaga na nag thumbs up pa sa isang bouncer na lumapit para alalayan siya.Umiral nanaman kasi ang defense mechanism ni Maricor at mabilis na hinarang sa pamamagitan ng pagtaas ng dalawang kamay at pag-wave na ipinakita sa papalapit na bouncer.“Sigurado po ba kayo ma’am?” Ang concern na tanong ng bouncer.“Yes, 100 percent kaya ko. Malakas to!” Ang sabi pa ni Maricor habang nakatukod ang isang kamay sa pader at ang sa kabila naman ay nagdemo na nagpapakita ng muscle sa kanyang kamay na tila siya talaga at super strong.Pasado alas diyes na ng gabi at kanina pa nagsimula ang annual Love Boracay sa Isla. Apaka-uingay ng paligid at punong-puno ng tao ang bawa
“Okay lang sabi ako!” Ang naiinis na sabi ng dalaga at may pasigaw pa. Inalalayan pa ang ulo ng dalaga para maihiga sa kulay red na carpeted na sahig ng hallway. It was strange. May naamoy siya. Familiar ang amoy na iyon. Actually, parang may naalala siya sa pabangong iyon. Amoy vanilla na medyo pomelo na medyo kape. Basta kakaiba. Masarap sa ilong. Nakakakilig. Nakakainlove. Yon ang description niya sa scent na iyon. Nang maimulat niya ang mga mata ay blurred na ang kanyang nakikita. Pero, she felt the warm, and she felt that she is safe. Blurred na blurred na ang nakikita niya sa paligid hindi lang dahil sa kalasingan kundi dahil sa dim light na mayroon ang hallway. Kanina ng magpunta ang dalaga sa comfort room bago pa magpakalasing ay hindi pa iyon madilim. Ngayon ay napakadilim na. Nahulog pa ang suot niyang salamin. Di na niya maaninag kung sino ang mga nakakasabay niya o nakakabonggo pero naaninag niya na matangkad ang taong ito, medyo mahaba ang buhok at mabigote ang mu
“Sir Ycon tumawag po ang taga-police station. Magpapaareglo daw sana ang mga nanggulong guest kanina.” Ang sabi ng isa sa mga assistant ng binata. “Hayaan mo sila." At hinigop ang umuusok pang kape sa tasa. "Kung kinakailangan na matulog siya sa loob ng karsel ay matulog siya doon.” Ang mapaklang sambit niya at pumanhik na sa hagdanan at dumiretso na sa kwarto sa itaas para magpahinga. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ng mga oras na iyon. Galit siya dahil sa nangyari 8 years ago. Pero nang makita niya ito kaninang umiiyak ay nandoon pa rin ang fondness niya dito. Kakarating niya lang from US. Hindi siya dumeretso ng uwi sa kanilang mansion sa manila. Tinatamad siyang makipag-usap o makipag-kumustahan sa kanyang mga magulang at sa mga kapatid. After that insident ng magpakasal ang ate niya na si Jean ay lumayo na ang loob niya sa kanila. Imbes na sana ay okey na ang lahat at nagpakatino na siya ay ganun na lang ang pagkasuklam niya sa mga nalaman. He builds a strong and th
“Hindi pa maanghang.”Ang sabi ng binata sa chef nila nang tikman niya ang buffalo wings na niluto nito para sa order ni Hannah.“Sir, napakaanghang na nito.”Katwiran ng Chef sabay tikim at napaubo pa ito sa nalasahan.Napansin niyang kumukunot na ang noo ng chef pero sinunod pa rin ang sabi niya na dagdagan ng extra hot sauce ang buffalo wings.“Bro, anong ginagawa mo dito? Let me guess, wag mong sabihin na may balak kang maging chef o di kaya gusto mong magpa impress sa mga chicks?”Ang gulat na tanong ni Pocholo sa kaibigan.“The best way to a woman's heart is through her stomach daw kasi.”Ang pabirong sagot naman ni Ycon sa kaibigan.“Lintik na! Naloko na! Sino ang malas na babae?”Ang excited na tanong ng kaibigan nito.“Mamaya bro makikita mo.”Ang tipid na sabi nito at ngumisi ni Ycon sa kaibigan.Nang mapansin kasi ni Pocholo, ang isa niyang kabarkada at co-owner din ng kanilang hotel/resto-bar na nandoon pala ito sa loob ng kitchen ay agad itong nagulat dahil mag-dadalawang
Muntik pang halikan kanina ng binata si Maricor. Kulang na nga lang ay kaladkarin niya ito at kidnapin nalang. Pero nasuntok siya nito at sapol sa panga. Medyo masakit. Napaisip siya kung ganun din kaya ang pagkakasuntok niya sa pinsan nito noong nagkalaban sila at nalumpo ang pinsang si Ellah? Pasalamat siya at unti-unti nang nakakalakad ang pinsan ngayon pero nandoon pa din ang hinanakit ng binata sa mga ginawa ni Maricor. Mas nangibabaw pa rin ang galit ng binata at pinabitbit niya papuntang police station kanina.Nahiga na muna ang binata sa kanyang kama at napatitig nalang sa kisame ng kanyang kwarto. Naalala niya ang mga pangyayari kung paano sila unang nagkakilala ng dalaga.Flashback…Kasalukuyan siyang nakikipaglampungan sa babaeng anak daw ng presidente ng home owners sa village nila ng buksan ng kanilang kasambahay ang pinto. Nagulat pa ito sa mga nakita at agad tumalikod.“What the hell!” ang bigkas ng binata dahil sa pangdidisturbo ng kasambahay.“Inay ko po, pasensya na
“Naku Juskooolooooord! Hindi pa ako puwedeng mategy! Paano nalang ang sambayanang pilipinas kung wala akong maiaambag sa bansa!” "Ayaw ko pang mag-disappear sa mundong ito na virgin!" Ang sambit ng dalaga sa isipan at tumakbo ito para di siya mahagip. Pero dahil sa pagtakbo ay nalaglag yong mga cake niya. “Yong mga cake waaaaait!” Parang eksena sa telebisyon ang mga nangyari ng mga oras na iyon. Nakatawid nga ang dalaga sa kabilang daan pero ang mga inorder na cake ay hindi nailigtas. “Nasave ko nga yong self ko pero yong mga cakes para sa mga bata ay hindi…. Paano na? huhuhu.” Ang sabi pa nito sa sarili at para nang maiiyak. Tumakbo naman ang mga enforcer para patigilin yong may ari ng ferrari. Tumigil nga ito. Oh shemay! Lumabas ang napakatangkad na lalaki. Mukha itong artista. Nakashades pa ito ng kulay itim. Mukhang bad boy ang kilos at tindig. Nakasuot din ito ng leather jacket at T-shirt na kulay puti sa loob, naka itim na pantalon at black leather shoes na parang boots