“Hindi pa maanghang.”Ang sabi ng binata sa chef nila nang tikman niya ang buffalo wings na niluto nito para sa order ni Hannah.“Sir, napakaanghang na nito.”Katwiran ng Chef sabay tikim at napaubo pa ito sa nalasahan.Napansin niyang kumukunot na ang noo ng chef pero sinunod pa rin ang sabi niya na dagdagan ng extra hot sauce ang buffalo wings.“Bro, anong ginagawa mo dito? Let me guess, wag mong sabihin na may balak kang maging chef o di kaya gusto mong magpa impress sa mga chicks?”Ang gulat na tanong ni Pocholo sa kaibigan.“The best way to a woman's heart is through her stomach daw kasi.”Ang pabirong sagot naman ni Ycon sa kaibigan.“Lintik na! Naloko na! Sino ang malas na babae?”Ang excited na tanong ng kaibigan nito.“Mamaya bro makikita mo.”Ang tipid na sabi nito at ngumisi ni Ycon sa kaibigan.Nang mapansin kasi ni Pocholo, ang isa niyang kabarkada at co-owner din ng kanilang hotel/resto-bar na nandoon pala ito sa loob ng kitchen ay agad itong nagulat dahil mag-dadalawang
Muntik pang halikan kanina ng binata si Maricor. Kulang na nga lang ay kaladkarin niya ito at kidnapin nalang. Pero nasuntok siya nito at sapol sa panga. Medyo masakit. Napaisip siya kung ganun din kaya ang pagkakasuntok niya sa pinsan nito noong nagkalaban sila at nalumpo ang pinsang si Ellah? Pasalamat siya at unti-unti nang nakakalakad ang pinsan ngayon pero nandoon pa din ang hinanakit ng binata sa mga ginawa ni Maricor. Mas nangibabaw pa rin ang galit ng binata at pinabitbit niya papuntang police station kanina.Nahiga na muna ang binata sa kanyang kama at napatitig nalang sa kisame ng kanyang kwarto. Naalala niya ang mga pangyayari kung paano sila unang nagkakilala ng dalaga.Flashback…Kasalukuyan siyang nakikipaglampungan sa babaeng anak daw ng presidente ng home owners sa village nila ng buksan ng kanilang kasambahay ang pinto. Nagulat pa ito sa mga nakita at agad tumalikod.“What the hell!” ang bigkas ng binata dahil sa pangdidisturbo ng kasambahay.“Inay ko po, pasensya na
“Naku Juskooolooooord! Hindi pa ako puwedeng mategy! Paano nalang ang sambayanang pilipinas kung wala akong maiaambag sa bansa!” "Ayaw ko pang mag-disappear sa mundong ito na virgin!" Ang sambit ng dalaga sa isipan at tumakbo ito para di siya mahagip. Pero dahil sa pagtakbo ay nalaglag yong mga cake niya. “Yong mga cake waaaaait!” Parang eksena sa telebisyon ang mga nangyari ng mga oras na iyon. Nakatawid nga ang dalaga sa kabilang daan pero ang mga inorder na cake ay hindi nailigtas. “Nasave ko nga yong self ko pero yong mga cakes para sa mga bata ay hindi…. Paano na? huhuhu.” Ang sabi pa nito sa sarili at para nang maiiyak. Tumakbo naman ang mga enforcer para patigilin yong may ari ng ferrari. Tumigil nga ito. Oh shemay! Lumabas ang napakatangkad na lalaki. Mukha itong artista. Nakashades pa ito ng kulay itim. Mukhang bad boy ang kilos at tindig. Nakasuot din ito ng leather jacket at T-shirt na kulay puti sa loob, naka itim na pantalon at black leather shoes na parang boots
Kung hindi lang mahal ng binata ang ate nito ay hindi niya ito pagbibigyan. Isang buwan palang ang nakakalipas ng dumating ang binata dito sa Pilipinas ay kinaladkad na siya ng mga pinsan at kapatid dahil nga aattend daw sila sa post-grad-celebration. Pinsan ng boyprend ng Ate niyang si Jane ang may celebration at sa paborito nilang bar ito gaganapin. Ayaw sana nitong sumama dahil mas gusto nitong magbabad sa loob ng bahay at tawagan ang mga kaibigan para mag chill o kaya ay makipagdate siya kay Cooleen, one of those women na nagkakandarapa na maka-date niya. Kanina ay nahuli pa siya ng kasambahay na nakikipaglampungan sa anak ng president ng home owners sa village nila. Tinakot niya naman ang probinsyanang kasambahay na wag magsusumbong dahil papalayasin niya ito.Masaya na siya ngayon na nakikita ang ate niyang parati nalang nakangiti. Nagpapasalamat siya dahil nakamove on na ito sa 5 years relationship niya sa kanyang ex. Ang ex nito na pasikreto niyang ginantihan noon. Sinunog l
“Hello nanang Pilar?” Si Jean iyon ang kapatid ni Ycon. Tumawag ito sa isa sa mga katiwala ng pamilya nila sa mansion sa city of pines. “Ay hello anak bakit ka napatawag?” Ang nag-aalang boses ng mayordoma ang nagpatawa sa dalaga. “Wala naman po. Sasabihin ko lang po sana na pupunta kami next week diyan. Kasama po ang pamilya ng nobyo ko. At halatang kinikilig pa ito.“Ha? Totoo ba? Yong bago ba yan?” Bakas sa tinig ng mayordoma ang kasiyahan sa dati niyang inaalagaang dalaga. “Opo nanang.” Ang excited din niyang sabi.“Oh sige maghahanda kami. Teka nagkakaproblema pala sa karne dito sa Baguio. Maaari ba ineng na ang mga tauhan nalang diyan sa maynila ang mamili? Ang farm sa Benguet ay nagkaproblema din daw sabi ni Pakito dahil tumama nanaman ang virus sa mga alagang baka at mga manok.” Ang paki-usap naman ng mayordoma. “Sure po nanang. Ipapakilala po kita sa kanya pagkadating na pagkadating namin diyan.”“Sis tanungin mo nga si nanang kung kaylan niya hihiwalayan si tatang Pakito
“Nanang Gina, mamayang madaling araw dadaanan po siya ng ate ni Baste. Paki-ayos nalang po ang mga gamit na dadalhin niya.” Ang bilin ni Jean at nagpaalam na sa mayordoma. Magkausap ang ate ni Ycon at ang mayordoma ng mansion nila. Tumawag ang matanda sa babae para ireport ang nangyaring kumosyon kanina sa labas. Wala ang mga magulang ng magkakapatid dahil parating nasa ibang bansa for business trip. Ang tatlong babaeng magkakapatid at ang nag-iisang bunso kung sa totoo lang ay ang matandang mayordoma ang halos nagpalaki at itinuturing na pangalawang ina ng mga Lee. Sa apat na magkakapatid dalawa na ang may kanya-kanyang asawa. As usual it was a fix marriage. At yon ang ikinagagalit ni Ycon sa sarili niyang pamilya. Ang tao sa mansion nila dito sa maynila ay ang ate niya nalang na si Jean na busy din sa pamamahala ng negosyo at ang ilang mga kasambahay, driver at guards. Alas dos y media pasado ng madaling araw ng dumaan ang isang ate ni Baste sa mansyion ng mga Lee. Nalula pa ito
“Gago talaga itong bakulaw na to. Kapal talaga ng mukha. Di daw ako maganda at seksi. Eh ano naman? Tsaka di ako kagaya ng mga babaeng matitigan lang siya ay malalaglag kaagad ang panty. Haist nakakainis. Mukha itong ewan at lakas ng apog. Nakakainis. Nasobrahan sa kagwapohan at yaman pero kinulang naman sa kabaitaan at kabutihan.” ang pasimple pero nanggigigil na bulong ng dalaga sa sarili ng bumaba na siya nang makapag park ang lalaki ng sasakyan.“Hoy manang ano nanaman ang binubulong-bulong mo diyan?” Ang paninita ng binata dito.“Wala. Teka yay listahan ka ba?” ang tanong ng dalaga sa kanya. “Anong listahan?” Ang nakamaang na tanong nito.“Listahan. As in listahan ng mga ipapamili natin ngayon.” Ang naiinis na tinig ng dalaga.“Wala. Card lang meron ako pero listahan wala.” ang pasarkastikong tugon niya.Napasapo nalang ang dalaga ng kanyang ulo. “Saan ka ba naman makakita na card ang gagamitin mong pambayad sa ipapamili mo sa palengke?” Ang naghehisterikal pang tanong ng dalag
“Boss ayaw magbigay. Matigas talga ang matandang Lee.” Ang narinig na sabi ng binatilyo sa isang armadong lalaki at kausap ang boss nito. Ang boss na may dahilan kung bakit siya ngayon ay may piring sa mga mata at nakatali pa. Halos di na rin siya makagalaw sa sobrang sakit ng kanyang katawan. Kung susuriin ay may mga gasgas siya sa mga braso at may ilang pasa sa katawan. Pilit kasi siyang nanlaban sa mga tauhan ng lalaking nagpakidnap sa kanila ng kakambal niya. Mas lalo pa siyang nagalit ng paggising niya kanina ay wala na ang kapatid at hindi niya alam kung saan ito dinala. “Ate, ayaw daw magbigay.” Narinig niya pang may kausap ulit ang isang lalaking kumidnap sa kanila. Kung pagbabasehan ay isang babae ang kausap nitodahil tiinawag itong ate at parang pamilyar sa kanya ang boses ng babae pero hindi niya matandaan kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon base sa lakas ng boses nito.“Punyeta naman Donny! Ito nalang ang alas natin. Pero kung wala hala idespatsa na itong isa.”