Share

Chapter 5

Nang masigurong nasa tamang silid na si Rosie ay agad ding umalis si Anita.

Samantala, may halong pandidiri at pilyong ngiti ang ekspresyon ni Rosie nang makita ang kanyang sarili sa salamin ng kanyang silid. Ang nagkalat na sarsa ng mga ulam at mantika nito ay nasa kanyang damit.

Kung hindi lang niya kinailangang makatakas sa mga mapanuring mga mata ni Sebastian ay hindi niya ito gagawin. Buti na lang ay sanay na siya dahil ganito naman ang kanyang inaakto sa kanilang bahay.

Bakit ba pakiramdam niya’y may iba pang tinatago ang Sebastian na iyon? Totoo bang hindi siya nakakakita?

Rosie decided to take a shower after that thought.

Napapikit na lamang siya nang maramdaman ang mainit at mabangong tubig na nanggagaling sa bathtub nang sandaling lumusong siya roon.

This is the kind of life she’s always dreamt of. Kumain, maligo sa mabango at mainit na tubig, at matulog. Wala siyang ibang iisipin kundi ang kanyang mga plano.

Hindi niya kailangang magpanggap sa harap ng kanyang witch stepmother at stepsister. Living alone is an ideal life for Rosie, at pagkatapos nito ay saka niya kokontakin si Elton.

Napangiti siya sa isiping iyon.

Alam niyang labis ang gulat ng mga kasambahay, bodyguard, at ng ibang mga tao pa sa dining room kanina nang makita ang inakto niya, ngunit wala siyang pakialam. Ang importante ay kasal na sila ni Sebastian.

Ang lalaking iyon na iisa lang yata ang emosyon—blangko. Ang hirap tuloy basahin ng mga iniisip niya. Ganon ba talaga pag bulag?

Matapos ang lagpas isang oras ay umahon na si Rosie saka ipinulupot sa kanyang katawan ang bath towel na naroon. 

Kumakanta-kanta pa siya nang lumabas siya ng banyo, ngunit halos takasan siya ng ulirat nang bumangga sa kanya si Sebastian.

“Ah—! Bad guy! Paano… paano ka nakapasok? This is Rosie’s room! Ayaw kita rito!” Gulat na gulat niyang tanong at niyakap ang sarili sa takot na baka binobosohan siya nito ngunit napangiwi rin nang maalalang bulag nga pala ito.

Sebastian quietly and coldly sat on the bed. His aura is dark and dim. Wala na namang emosyon.

“This is my house and you’re my wife. What do you expect? Sa labas ako matulog at ikaw dito?” Masungit na sagot nito sa kanya.

Napanguso siya. Sasagot pa sana siya ngunit agad niyang naalala ang pagpapanggap.

Rosie clapped her hands while jumping a little like a child. She giggled and held Sebastian’s arm.

“Puwede kang makapasok kahit ni-lock ko ang door? How did you do that? Ang galing! Turuan mo si Rosie! It’s fun, mister! It’s fun! I love fun things!” She cheered foolishly.

Napaawang ang bibig ni Sebastian. Just like what his bodyguard told him, she really has autism and always acts like this? But why does he get this feeling that there’s something more here?

Sebastian sighed and got their room key out of his pocket. He handed it to Rosie and just nodded.

“Yes, using these keys. You can have these if you want.”

Walang pagdadalang-isip na hinablot ni Rosie ang susi sa kamay ni Sebastian at ngumiti nang malawak sa lalaki.

Hindi niya malaman kung sino ba ang tanga sa kanilang dalawa. Siya na nagpapanggap lang o si Sebastian na hindi makakita. 

Bakit ibibigay nito kaagad sa kanya ang spare keys ng silid niya? At bakit siya pumapasok sa silid niya nang walang paalam? Manyak siguro ang lalaking ito. Balak ba siya nitong bosohan?

This is her room! Ano naman ngayon kung sa kanya ang bahay na ito?

Sigurado siyang malaki ang bahay na ito at maraming kwarto. Hindi pa naman sila kasal at alam niyang nagpapanggap lang naman silang mag-asawa. No one can enter this room, including him! Tsk!

“Have you taken a bath?” Tanong bigla ni Sebastian sa kanya. Bahagya nitong tinagilid ang kanyang ulo.

“A-ah, oo!” Nauutal niyang sagot at niyakap muli ang sarili. “Bakit mo tinatanong?”

Although she married voluntarily, Rosie didn't plan to have any physical contact with Sebastian at all, lalo na ang sex!

She just wanted to have an excuse to leave the Samaniego family nang sa ganon ay makalaya na rin siya sa mga kalupitan ng mga ito.

 Ito lang ang tanging naisip niyang paraan kaya pumayag siya.

Naisip niyang kung ipagpapatuloy niya sa bahay na ito ang pagiging “autistic”, hindi magtatagal ay mapapagod at pandidirihan siya ni Sebastian at iwanan na lamang siya nito—bagay na pabor na pabor sa kanya.

“Maliligo ako. Can you put water in the tub and wait for me?” kalmado nitong mando sa kanya. Ramdam niya ang awtorisasyon sa boses nito.

“N-ngayon na ba?” Naguguluhan niyang tanong. 

“Yes, please,” ani Sebastian sa malamig na tono.

Kinagat ni Rosie ang kanyang ibabang labi. Gaya ng sinabi niya sa kanyang ama ay magiging masunurin siya sa kanyang “asawa”, ngunit hindi dahil takot siyang saktan at pagmalupitan nito, kundi dahil sa pag-aalalang baka makahalata si Sebastian at magkaroon ng ideya tungkol sa kanyang kalagayan.

And she would never want that to happen. Masisira ang kanyang mga plano. Bulag lang ang lalaking ito at hindi tanga.

“Anong gusto mong tubig, mister? Hot water or cold water?” Tanong niyang muli kay Sebastian.

“Hot water,” matabang na sagot nito sa kanya.

Napanguso si Rosie. Hindi man lang maglabas ng kahit na anong emosyon!

“Okay! Mainit na tubig. Maglalagay ng mainit na tubig sa tub…” usal niya at nagmartsa na patungo sa banyo.

Binuksan niya ang faucet at nilagay iyon sa hot water. Kinuha na rin niya ang shower gel at nilagyan ang tub habang patuloy ang paglagaslas ng tubig.

“Mister, you can’t see because you’re blind… di ba? Tutulungan ka ni Rosie…” aniya nang lumabas siya ng banyo at hinawakan ang braso ni Sebastian.

Napansin pa niya ang pagkunot ng noo nito ngunit hindi na niya pinansin pa iyon at iginiya na ang lalaki patungo sa banyo.

Samantala, hindi mapigilang mairita ni Sebastian sa tawag nito sa kanya.

Mister? Ayos lang sana kung manggagaling sa hindi niya kakilala, pero mula sa isang babae na may “autism”? No. He doesn’t like it. It’s not for him.


Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status