Azrael Morthon, a young billionaire and a business tycoon. He was dubbed as the devil incarnate in the business world. Mas naging malupit pa ito nang mamatay ang pinakamamahal nitong babae, at wala man lang itong nagawa para maligtas ang babae. Kaya nang ilibing si Aingelle ay sumumpa si Azrael sa puntod ng babaeng mahal niya. ''I'll make them pay, Ain. I will. Pinapangako ko `yan sa `yo.'' Puno ng galit ang puso ng binata. He will not spare a soul for his revenge. Ano kaya ang kayang gawin ni Azrael para sa ngalan ng paghihiganti at pag-ibig? Mahahanap kaya ni Azrael ang mga salarin? Na siyang dahilan kung bakit nawala ang pinakamamahal niyang babae. Kung mahanap man niya, makamit kaya niya ang inaasam na hustisya? Paano kung mahulog ang loob niya sa babaeng naging dahilan ng kan'yang pighati? The same woman who killed his precious Ain. What if Ain was alive?
View MoreAingelle POVHindi ako makapaniwala na agad itong nag-aarrange ng isang meeting."Can—" wait? Kung tatangihan ko iyon. Sasabihin noon na hindi pa ako naka move on sa kanya. Kahit ang totoo ay hindi naman talaga.Or hindi ko talaga ginawa ang magmove on."Okay, sabihin mo sa kanya na darating ako."Pumasok na ako sa loob ng opisina ko. Hindi ko agad nagawa ang mga paper works ko."May mga damit pa ba ako sa closet ko?" wala sa sarili kong tanong. "Or baka pangit ang mga damit ko?"Bigla akong natauhan at namula. Huminga ako ng malalim. Isinandal ko sa swivel chair ang likod ko at ulo ko."Hindi pwedeng mahalata nito na natutuwa ako na magkikita kaming muli. Dapat galit ako sa kanya. Sana ay magawa ko iyon."Pinagpatuloy ko sa araw na iyon ang mga trabaho ko. Lalo na sa meeting ng kumpanya. Minu-minuto din ang pagpapa-appointment ni Mr. Clinton. Ayaw ko siyang makausap. Hindi ko alam, kung bakit mabigat ang dugo ko sa kanya.Kinagabihan ay umuwi ako at nag-ayos. Dahil 7pm ang dinner mee
Aingelle POVNakarating ako sa venue, kung saan gaganapin ang isang birthday party. Kahit na hindi ko kilala ang nagbi-birthday, tanda ng pagbibigay ng respeto ay pumunta na lang ako.Hinawakan ko ang gown ko at naglakad sa isang red carpet. Papasok sa isang hotel. Agad kong inilibot ang aking paningin sa buong hotel, sobrang ganda ng pagkakagawa."Ms. Vanguardia?" tawag pansin sa akin ng isang lalaki.Agad ko itong hinarap at nginitian. "Mr. Clinton."Nilingon ko ang babaeng kasama nito. Hindi ito ang asawa nito."This is Ms. Analiza Andromenda.""Nice to meet to you, Ms. Analiza.""You too, Ms. Vanguardia."Hindi ito ang asawa niya. This is his mistress. Bali-balita na may kabit ang lalaking ito. Hindi ko naman akalain na lalabas sila agad sa publiko."How are you.""I am fine. Kahit na medyo, pagod dahil sa dami ng meeting. Sobrang hectic ng schedule ko.""Sana ay paunlakan mo ang dinner meeting ko.""Basta ba, hindi ako busy."Marami pa akong nakilala na kilalang mga businessman.
Aingelle POV"Pwede ka ng umalis, mommy!" Taboy ko sa ina ko. Ayaw ko siyang nandito. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya sa akin. 5 years ago."Ain, pakinggan mo naman ako.""Tama na!" sigaw. Ayaw kong marining ang paliwanag niya. Akala ko, concern siya sa akin. Kaya tinulungan niya akong makapagtago kay Daddy Amel. Pero hindi. Nilinlang niya ako."5 years, mommy. 5 years kong dala-dala ang sakit na ginawa mo sa amin. Lalo na kay Maria Lyn. Kahit na wala pang muwang si Maria Lyn noon.""I am sorry," umiiyak nitong saad sa akin. "Hindi ko ginusto iyon, Ain. Napilitan lang ako na gawin iyon.""I don't believe you!""Please.""No, umalis ka na."Umalis na si mommy sa pamamahay ko. Hindi ko alam kong paano niya kami natunton. Bigla akong kinabahan sa kaligtasan ni Maria Lyn."Okay ka lang, Ain?""Butler Ali, paigtingin mo ang kaligtasan ng dalawang anak ko. Lalo na si Maria Lyn. She is carefree.""Okay, Ain. Sasabihan ko si Ezekiel. Gusto mo din bang ipaalam ko sa kanya?"Napalingo
Azrael POVNaikuyom ko ang kamay ko nang maglakad papalayo sa akin si Aingelle. Alam kong nasaktan ko ito. Kahit na wala naman talagang nangyari sa amin ni Carmen.Pero nakita niya ako at si Carmen na lumabas mula sa isang kwarto. Kaya sapat na iyon, para masaktan ko talaga ang babaeng mahal ko.Bumaba na ako. Ayaw kong istorbuhi pa si Aingelle. Tama lang na itigil nito ang kasal namin. Para sa kanya din naman ang lahat ng ito.Nasa malawak na sala si Butler Ali."Sir.""Just take care of her, Butler Ali. Kahit na wala ako sa tabi niya at babantayan ko pa rin siya.""Hindi nyo naman kailangan gawin ito, sir.""Kailangan. Pasensya na din ay nadamay pati si Carmen sa plano ko.""Naiintindihan ko po kayo."Nilapitan ko si Carmen na umiiyak. Dahil alam nito na mawawalay siya sa ama niya. Itinayo ko si Carmen. Hinawakan ang balikat nito."Job well done, Car."Mas lalo itong umiyak. Mabait na bata si Carmen. Ginawa lang nito ang iniutos ko sa kanya. Kaya niyakap ko ito."Alam ko na hindi mo
Aingelle POVBumangon na ako at pumasok sa banyo upang maligo. Nang matapos na ako ay agad akong lumabas. Tanging nakatapis lang na tuwalya ang suot ko sa aking katawan. Muntik na akong bumalik sa loob ng banyo ng nasa kama si Azrael at nakaupo.Pumunta ako sa walk in closet ko. Upang magsuot ng roba. Dahil kailangan ko pang ayusin ang sarili ko. Mamayang 8 pm ang party. 5 pm na at kailangan ko ng maghanda. May dalawang oras pa akong nalalabi.Umupo ako sa tukador ko. Habang si Azrael naman ay nakatayo na, wala ni isang saplot sa katawan. Umiwas ako. Dahil naaalala ko na naman ang panaginip ko.What if? May relasyon talaga silang dalawa ni Carmen. Matagal akong nawala. Alam ko at hindi santo si Azrael. Alam ko din na may naging babae ito. Pumasok si Azrael sa loob ng banyo at naligo.Nakabihis na ako ng matapos sa pagligo si Azrael. Make up na lang ang kulang sa mukha ko. Nakaterentas din ang buhok ko. Pumasok ito sa walk in closet, paglabas nito ay nakabihis na ito. Lumapit ako sa ka
Aingelle POVNakatulugan ko pala ang pag-iyak. Nagising na lang ako na kumakalam ang aking tiyan. Bumangon ako. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa si Azrael. Nakaupo ako ngayon sa kama ko."Umalis na ang mommy mo."Hindi ako sumagot. Buong akala ko, anak ako ni daddy. Hindi pala. Anak pala ako sa labas ni mommy.Naramdaman ko na lang ang isang bisig na yumayakap sa akin. Bumubos muli ang mga luha ko."Kaya pala ganun na lang ang ginawa ni daddy sa akin. Hindi pala niya ako anak.""Shh! Tahan na, gusto mo bang kausapin ang totoo mong ama?"Hindi ko alam. Gusto ko man siyang kausapin ay para bang hindi ko kaya na harapin ito."Hindi ko alam, Azrael."Nanatili ang yakap nito sa akin. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Kailangan ko pang maghanda. Para sa pagpasok sa opisina. Kahit na late na ako ay papasok pa rin ako. Ngayon sana ang pagpapakilala sa akin ng Butler Ali, pero napurnada pa."Saan ka pupunta?" tanong ni Azrael."Magbibihis, kailangan ako sa opisina.""May party mam
Aingelle POVPumasok na ako ng kusina. Para magluto ng almusal namin ni Azrael. Alam kong sumunod sa akin si Azrael at iniwan ang babaeng iyon doon.Naghahanda ako ng lulutuin ko ng yumakap ito sa akin mula sa likuran ko."Hindi ko alam na pati sa mansion ko ay nagdadala ka ng babae.""Hindi ko babae iyon, wala naman akong babae. Hindi ko nga kilala ang babaeng iyon eh.""Ewan ko sa iyo.""Lets go home.""Hindi ako pwedeng umuwi, alam mo kung bakit. Alam kong nakawala si Amel, Azrael. Kailangan ko ding tutukan ang kumpanya na noon pa ay nakatayo.""I know. But, I need you."Humarapa ako sa kanya. "Kailangan din kita, Azrael. Pero kailangan din ako ng kumpanya ko."Binalikan ko ang niluluto ko. Pumasok naman ang babae."Hey, babe. Nandito ka lang pala," malanding sambit ng babae.Bago pa makalapit ang babae kay Azrael ay hinarap ko na ito."What do you want.""Excuse me. Magluto ka na lang diyan, inday. Magiging busy kami ng lalaking iyan.""Carmen!" sigaw ni Butler Ali."What dad?""P
Aingelle POVNgayong bumalik na ang ala-ala ko. Hindi ko akalain na nakalimutan ko ang lalaking mahal ko. Hinaplos ko ang mukha ni Azrael. Payapa itong natutulog sa tabi ko. Nakayakap sa akin at nasa dibdib ko ang mukha nito, nakabaon.Kagabi, nailipat na sa pangalan ni Keir ang mga ari-ari-an na dapat at sa akin talaga. He is now the new heir of our clan. The Vanguardia Legacy. Pag nagkaroon ng kapatid si Keir. Hahatiin nila ang kayamanan. Sa ngayon ay si Keir muna ang magmamana noon. Kahit nailipat na sa akin ang kayamanan ng aming angkan at nailipat na ulit kay Keir nang walang nakaka-alam.Ako, si Azrael, si Butler Ali, at ang Attorney lang ng aming pamilya ang nakaalam. Kahit na nailipat ko na ang ari-ari-an ko kay Keir once na may masamang mangyari sa akin ay alam ko na mapapanatag ako.Kahit na walang masamang mangyari sa akin. Mamatili iyong kay Keir. Mananatili iyon sa anak ko. Hinaplos ko ulit ang buhok ni Azrael. Gumalaw ito. Kagabi, pagkapasok namin sa kwarto ay agad niya
Azrael POVNagising ako, dahil sa pagbuhos sa akin ng isang tubig. Pupungas-pungas ako sa pag gising. Naramdaman ko din ang isang kadena na nakagapos sa akin. Ngayon ko lang nalaman na nakatayo pala ako at nakagapos paitaas ang kamay ko gamit ang isang kadena. Hinila ko iyon."Hindi mo iyan matatanggal," tumatawang saad ng isang lalaki.Nanlilisik ang mga mata kong tinitignan ito."What did you do to, Aingelle?" galit kong tanong sa lalaki.Ngumisi lang ito. "Tapos na ako sa kanya. Kaya pinaubaya ko na siya sa mga tauhan ko. Siguro sa ngayon nabili na siya ng iba!" tawang sambit nito.Galit ko siyang tinignan."Ano ba ang kailangan mo kay Aingelle, Amel. She is your daughter."Tumawa si Amel ang ama ni Aingelle."Yeah, she is but not as biologically. She is not my daughter. They are not my daughters. Anak sila mula sa kataksilan ng aking asawa!" galit na sigaw nito sa akin.Nagulat ako sa rebelasyon ni Amel sa akin.Tumingala ang lalaki. "Akalain mo iyon, inipotan ako sa ulo ng asawa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.