Share

Chapter 7.2

Chapter 7.2

"Do you know what kind of girl you're with Wyatt?" Natigil sa paglalakad si Wyatt and I can feel that he's raging mad right now. "She's been with different kind of man, old or not. She's selling her fle—" bago pa man matapos ni Fred ang gusto niyang sabihin ay nakalapit na sa kaniya si Wyatt at pinaulanan siya ng suntok.

Sa bilis ng pangyayari hindi ko man lang naramdamang umalis siya sa tabi ko at ngayon ay nasa harapan n siya ni Fred.

"Oh my God! Wyatt!" I screamed as everything sink in. I don't know what to do. 

His eyes are bloodshot and void of emotions. He's keep on throwing punches to Fred's face. Fred's nose bleed, his lips and brows has a large cut. His face is starting to turn purple because of the bruises Wyatt's punches caused.

Akmang susuntok din si Fred pero nakailag si Wyatt. Nang suntukin siya ni Wyatt ay tumilapon siya sa sahig. 

Lumapit na ako kay Wyatt to stop him. He might kill Fred here! And the scene is caughting everyone's attention. Baka bukas nasa headline na siya ng balita!

"Wyatt! Stop it! Baka mapatay mo siya!" 

Hinawakan ko ang braso niya para mapigilan siyang suntukin pa ang lalaki. Iniwaksi niya ang kamay kong nakahawak sa kaniya na nagpagitla sa akin.

"I'm really going to kill this bastard!" He then again throw punches after punches to Fred's face, halos hindi na nga makilala. Galit na galit talaga siya.

"Please? Tama na... Let's go home okay?!" Pakiusap ko pa. "Umuwi na tayo... " 

Hindi siya nakinig sa akin, sinuntok niya pa din si Fred. Akmang lalapit na ako sa kaniya nang kamuntikan na akong mahagip ng suntok ni Fred! 

Muntik pang maging punching bag 'yong mukha ko! Nakita 'yon ni Wyatt kaya sinuntok muna niya si Fred bago lumapit sa akin. May mga dumating na ding mga security para daluhan si Fred na ngayon ay halos mabasag na ang mukha. 

"The next time you spit those words again, I'm gonna kill you!" Banta pa niya kay Fred na halos mawalan na ng malay.

Did he punch Fred because of that?! Pinagtatanggol niya ba ako? When realizations hit me, my heart started to beat abnormally. The only person I'm seeing is Wyatt, he wiped his lips using his thumb.

My world stopped when he looked at me, his expression turned soft. Wala na ang bakas ng galit na kitang-kita kanina habang sinusuntok niya si Fred.

"Hindi ko sinabing pumagitna ka. What if you'll get punch huh? What will you do?" sermon niya. Pinulot niya ang tuxedo niyang sout ko kanina na ngayon ay nasa sahig na pala.

Hindi ako nakasagot sa kaniya. Muntikan na akong masuntok! I haven't been punched my whole life! Hindi pa rin bumabalik sa normal na pagtibok ang puso ko.

"Tsk. I might really kill him if that happened." 

Tiningnan ko ang mukha niya, checking if may sugat siya o ano. May maliit na cut siya sa labi niya, I don't how he got that. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari halos hindi ko na masundan ang mga pangyayari.

Hinawakan ko ang mukha niya at tiningnan ng maigi ang sugat, agad siyang lumayo sa akin at umiwas ng tingin. 

Shit. Sana di niya narinig! Ano bang iniisip ko?!

"What are you? A professional boxer? Really?" Sermon ko habang naglalakad kami papunta sa parking lot. "Pano kung napatay mo 'yon ha? Hindi ka ba natatakot makita ang pangalan mo sa headline bukas? Baliw ka ba?" 

"So you're more worried of him than me? Edi puntahan mo!" bwelta niya.

"Baliw ka ba? Do you really think na sasama ako sa gagong 'yon?" 

"The way he talked to you earlier, I guess you did go with him!" Tumataas na ang boses niya. He looked really damn mad!

"Nakasunod na nga ako sa'yo ang dami mo pang sinasabi!" Inis na sagot ko.

Niluwagan niya ang sout na tie at binuksan ang tatlong butones ng sout na long sleeves. He also rolled the sleeves of it up to his elbow. Lukot na lukot na ang sout niyang long sleeves. 

Tuloy-tuloy siya sa paglalakad papunta sa sasakyan niya. Pinatunog niya 'yon, pumasok siya sa sasakyan niya na hindi man lang niya ako hinintay. Padabog kong binuksan ang pintuan ng sasakyan niya at pumasok. 

"Are you forced to be with me?"

"Huwag mo akong kausapin!" I crossed my arms over my chest.

Huwag mo akong kausapin kasi hindi ko alam kung bakit ganito 'yong nararamdaman ko! Hindi nakakatulong ang presensiya mo! Dadagdag pa 'yong amoy at boses niya!

"Wow! Thank you!" Sarkastiko niyang sagot bago pinaandar ang sasakyan. 

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa mansyon. Ipinarada niya lang ang sasakyan sa harapan at mabilis na lumabas. Hinintay niya muna akong makalabas bago niya pinatunog ang sasakyan para ma-lock ito at naglakad papasok sa mansyon.

Pagkapasok namin sa mansyon, madilim na ang boung sala. Tanging mga maliit na ilaw na lang na mula sa kusina ang nagbibigay liwanag sa boung lugar. Umaakyat na si Wyatt sa hagdanan nang makita ko, pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig at umakyat na din.

Naligo lang ako at nagbihis ng pantulog na damit. Dinala ko din ang nakita kong first aid kit sa banyo, nilagay ko muna 'yon sa ibabaw ng kama ko bago kinuha ang cellphone ko para mag-check ng mga messages. Nakalimutan kong mag open ng mga messages kanina dahil sa mga nangyari.

Dalawang tao lang ang nag-message sa akin; 'yong nurse na nagbabantay kay Daddy at si Catelyn. Una kong binasa ang message ni Nurse Tessa, she updated me about Dad's condition. I texted her to text me if may problema. Pagkatapos kong ma-send ang reply ko, sunod ko namang tiningan ang kay Catelyn.

CATELYN: 

How are you? Masarap ba?

I mean, 'yong mga foods HAHAHAHA

Natawa ako sa text niya, alam kong iba 'yong iniisip niya habang nagtitipa ng text para sa akin. Baliw din eh. I texted her a simple yes and said that I'll see her when I get home.

Pagkatapos no'n ay lumabas ako ng kwarto dala ang cellphone at ang first aid kit. I halt when I was already in front of his room. I breathe heavily and calm myself before I lift my arm and knocked on his door thrice.

"What do you want Cora?!" Sigaw niya mula sa loob na nagpapitlag sa akin. 

Bakit kasi sumisigaw?

"Ah... This is not Manang Cora..." Kinakabahang sagot ko. 

Hindi siya sumagot sa akin, galit pa rin siguro siya. Aalis na sana ako nang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Bumungad sa akin ang preskong mukha ni Wyatt. Basa pa ang buhok niya, halatang bagong ligo pa. Siguro ay nagpapatuyo siya ng buhok no'ng kumatok ako dahil nakasampay pa sa balikat niya ang isang puting tuwalya.

"What?!"

Napatalon ako sa biglaan niyang pagsigaw. Nang makabawi ay itinaas ko ang dalang first aid kit.

"Gamutin natin 'yang sugat mo." Lakas na loob kong wika sa kaniya

"I can handle my self," suplado niyang sagot, halos magsalubong na ang kilay niya sa sobrang pagkunot ng noo.

"Please?" 

Bumuntong hininga siya at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto ng kwarto niya. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at sumalubong sa akin ang pamilyar na amoy na kadalasan kong naaamoy sa kaniya. His perfume is all over his room and I can see him all over this four cornered room.

Madilim sa loob ng kwarto niya, at wala man lang kailaw-ilaw. Nilingon ko siya na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa may pintuan. Mukhang nakuha naman niya ang ibig sabihin ng tingin ko nang nakita kong kinapa niya ang switch na nasa gilid ng pintuan at ini-on ang ilaw. 

Malaki ang kwarto niya, puti at brown ang mga tanging kulay na makikita sa loob. Nasa gitna naman ang king size bed niyang kama, lumapit ako doon at umupo. Inilabas ko ang mga nasa loob ng first aid kit. 

"Halika dito," saad ko. 

Tamad siyang lumapit sa kama at umupo sa tabi ko. Nilagyan ko ng alcohol ang cotton pad, at binalingan siya.

"Yuko, ang taas mo." Kahit nakaupo na siya ay mas mataas pa din siya sa akin. 

Napaatras ako nang bigla siyang yumuko, ilang hibla na lang ang layo ng mukha namin. Halos maduling na ako, pero parang wala lang sa kaniya iyon samantalang parang hinimatayin na ako sa distansya naming dalawa.

Beat. 

Dinig ko na ang mabilis na pagtibok ng puso ko, napalunok ako nang parang may kakaiba akong nararamdaman. Binalewala ko 'yon at sinimulan nang inilapat ang cotton sa sugat niya. 

Muntikan pa akong mabuwal nang bigla na lang niyang isandal ang noo niya sa balikat ko. Nanigas ako sa kinauupuan ko at hindi makagalaw, tanging ang mga mata ko lang ang ginalaw ko para tingnan siya.

"Problema mo?" 

He shook his head and breathe heavily. Umayos siya sa pagkakayuko kaya pinagpatuloy ko ang paggamot sa sugat niya. Pagkatapos kong lagyan ng alcohol at betadine ang sugat niya ay kumuha naman ako ng band aid.

"Name them," natigil ako sa pagdikit ng band aid nang magsalita siya. 

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

"Name them all and I'll hunt them down."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status