Kabanata 17Hindi na umuwi si Ròisìn."It's been three days pero hindi pa rin siya umuuwi. Eunice Paye, anong gagawin ko? Should I report it to the police? Nag-aalala na ako sa kaniya," mahina kong sabi sa kabilang linya.Napahawak ako sa noo ko habang naglalakad papunta sa may dining table. Kinakagat ko ang aking daliri at hinintay ang sasabihin ni Eunice Paye."Hindi ba siya nagpaalam sa'yo?" tanong niya sa akin. Umiling ako kahit hindi niya nakikita. Hindi ako umupo sa upuan, bagkos ay naglakad ulit ako pabalik sa living room."Hindi. Hindi siya nagpaalam sa akin," sambit ko at muli akong naglakad papunta sa living room.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko dahil nakaramdam ako ng sakit sa sintido. Tumigil ako sa paglalakad at pagkatapos ay pinakiramdaman ang sarili. Nang huminto ang sakit ay tumuloy ako papunta sa living room at umupo sa sofa."You should report it. Hindi na normal sa isang lalaki ang mawala ng tatlong araw. Lalong-lalo na kung hindi nagpapaalam pwera na lang k
Kabanata 18Sa pagmulat ko ng mata ay si Rio na agad ang nakita ko. He's attentively looking at me. Umiwas ako sa kaniya ng tingin dahil sa pagkailang."Bakit ako nasa ospital?" Mahinang tanong ko sa kaniya habang tinitingnan ang kamay kong nangangalay dahil sa serong nakalagay."You fainted," tipid niyang sabi. Halata ko sa kaniyang boses ang pagkainis."Bakit ka nandito sa Manila? It's unusual, Rio. Bakit yata napasugod ka dito?" Hindi makapaniwala na tanong ko sa kaniya."Why is it unusual? Masama bang mag-alala sa'yo?" may diin at inis na sabi niya.Umiling ako at pagkatapos ay napangiti ng pilit. Hindi pa rin nagbabago. Mainitin pa rin ang ulo niya."Sinong nagsabi sa'yo na nasa ospital ako?" pag-iiba ko ng usapan.Malakas siyang napasinghal at pagkatapos ay tumayo siya mula sa pagkakaupo. Inilagay niya ang magkabilang kamay sa bulsa niya. Mariin niya akong tiningnan habang ako ay nakatingin din sa kaniya."I received a call though your phone. Hindi ikaw ang nakausap ko kaya nag-
Kabanata 19"Where did you go?" Bungad na tanong ko kay Ròisìn nang makita ko siyang pumasok sa loob ng bahay namin.Mabilis ko siyang pinasadahan ng tingin. Wala na ang suot niyang coat at nakabitin ito sa kaniyang kanang balikat. Ang kaniyang polo shirt ay may maliliit na gusot sa kwelo. Pansin ko rin ang buhok niyang sabog at hindi sinusuklay.Mas lalo kong naramdaman ang pagngitngit dahil sa galit. Bakit ganito ang ayos niya? Para siyang nakipaglaro sa hindi nakakasunog na apoy! Init ng katawan niya ay sa ibang babae niya ginagawa?"Work," Tipid niyang sagot sa akin. Ang kaniyang mga mata ay umiwas sa akin ng tingin.Kinagat ko ang aking ibabang labi at inis akong napabuntong hininga. Pumikit ako nang mariin bago ko siya nilapitan. Ngayon ay nagtatanggal na siya ng sapatos. Pabalang ko itong kinuha sa kaniya. Walang pag-iingat kong inilagay sa shoe rack ang kaniyang sapatos.Tiningnan ko siya ng mariin. "Three days? No, it's four days to be exact. Bakit hindi ka man lang umuwi?"A
Kabanata 20Pagkatigil ng sasakyan sa aming unahan ng bahay ay may kabilisan akong bumaba. Ang aking mukha ay nakasimangot habang sinasaraduhan ang pinto. Gumawa ng malakas na ingay ang pinto ng kotse dahil sa pagsara ko nito.Wala akong maramdaman na miski kaunting saya habang naglalakad ako papunta sa gate ng apartment namin. Napasulyap ako ng saglit sa kaniya. Naging mabilis ang pagkilos ni Ròisìn kaya naabutan niya akong nagbubukas ng gate.Ang kaniyang buong atensyon ay nasa akin at pansin ko ang malambot na ekspresyon ng kaniyang mukhang masarap paltukin.Binigyan ko siya ng isang nakakamatay na irap.Bakit ganito ang lalaking ito? Parang asong naging maamo.Nang tuluyan kong lakihan ang pagkakabukas ng gate ay pumasok agad ako. Alam ko na sumunod siya sa akin. Hindi ko na siya pinansin at tumuloy lang ako sa paglalakad papunta sa pinto ng bahay namin. Rinig ko ang pagsara ng gate.Kinuha ko ang susi sa aking bag at pagkatapos ay ipinasok ko agad ito sa butas na nasa door knob.
Kabanata 21"I'm leaving, Edraly. See you tonight," mahinahon niyang pagpapaalam sa akin.Ibinigay ko sa kaniya ang suit case na naglalaman ng mga documents at gamit niya sa opisina. Hindi naman ito mabigat kaya hindi ako nahirapan sa pagbubuhat nito. Tinanggap niya ito gamit ang kaliwang kamay."Keep safe," may maliit na ngiti sa mukha na sabi ko.Inayos niya ang kaniyang kwelyo gamit ang kanang kamay. Kita ko na nahihirapan siya. Aabutin ko sana ito at ako na ang gagawa ngunit natigilan ako sa paglapit sa kaniya. Bakit ko nga ba aayusin iyon? Medyo galit nga pala ako sa kaniya.Medyo lang? Marupok ka, Girl?Hindi ba't sinabi kong hindi?"Iyon lang?" tanong niya sa akin. Pansin ko sa kaniyang mukha ang pagkawili."What? Are you expecting for more?" nakakunot ang noo na tanong ko sa kaniya.Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at pagkatapos ay nagkamot siya ng ulo niya."Yes. Your husband is leaving." Halata sa boses niya ang matinding pagkadismaya."So?" nakahalukipkip na tugon ko
Kabanata 22Maraming nagsasabi na kung nagsimula raw kayo sa pagkakamali ay mananatiling mali at malungkot ang buhay. Ngunit tama nga kaya sila?Gulong gulo na ang isip ko. Hindi ko na alam kung anong susundin ko. Ang utak ko ba na nagsasabi na huwag kong hahayaan ang sarili ko na tuluyang mahulog sa kaniya o ang puso ko na ipinagsisigawan na sundin ko ang itinitibok nito?Ano nga ba? Nahuhulog na ako sa kaniya at hindi ko alam kung makakabuti ba ito sa akin. Magiging maganda kaya ang kalalabasan nito?Ang isip at puso ko ay gulong gulo na.Kaya kong ibigay ang buong puso ko kay Ròisìn ngunit paano nga ba siya? Kaya niya din ba? Ganoon din ba siya?Ako nga lang ba kung saka sakali? Alam kong playboy siya at nangangamba ako na baka lokohin niya ako.Babae lang ako at natural na sa amin ang mag-isip ng mga negatibong bagay.I'm not difficult, I want to make sure that he's earnest and willing to change for me so that I can give him my whole heart without any hesitation. When Edraly loves
Kabanata 23"Do you want a fruit shake?" Tanong niya sa akin kaya napatigil ako sa pagtitiklop ng aking damit.Tumingin ako sa hawak niyang mangkok na naglalaman ng mga strawberry at isang baso ng tubig sa kaliwa niyang kamay. Pagkatapos ko siyang tingnan ay ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ko ng mga damit namin."Sige.""Ipagagawa kita. Anong prutas ang gusto mo?" tanong niya sa akin kaya muli ko siyang tiningnan.Sumilay ang ngisi sa aking mukha at pagkatapos ay mabilis kong tiningnan ang kaniyang harapan na bahagyang nakaumbok. Umiwas din ako doon ng tingin habang tumatawa."Banana," sabi ko habang ngumingisi sa kaniya."Mahilig ka sa banana?" May ngisi niya ding tanong sa akin.Tumawa ako at pagkatapos ay tumango. Hindi ko alam kung bakit nakikipag-usap ako sa kaniya ng ganito. Siguro ay gusto ko lang siyang pasabikin tapos pag-mainit na ay iiwan na sa ere. Para mainis sa akin tapos ako ay tatawa lang."Yes. Mas madami ding nutrients ang nakukuha sa saging. It's good for the health,
Kabanata 24Itinigil niya ang kotse sa tapat ng entrance ng Mall. "Gusto mo bang samahan kita?"Tinanggal ko ang seatbelt ko at pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko sa gilid ng upuan ko. "No. Kaya ko na namang mamili mag-isa. Ayoko rin na umabsent ka sa trabaho.""Alam mo naman na mas priority kita," Sabi niya kaya nakuha niya ang atensyon ko.Ang kaniyang ekspresyon ay para bang nagdadalawang isip. Nakakunot ang kaniyang noo at pansin ko ang pagbuntong hininga niya.Ngumiti ako sa kaniya bago ko hinawakan ang kaniyang pisngi. Naging kalmado siya sa aking ginawa."Magiging ayos lang ako. Huwag ka nang mag-alala. Kikitain ko rin si Paye sa coffee shop, baka abutin kami ng tatlong oras sa pagkukuwentuhan," Pagbibigay alam ko sa kaniya."Sasamahan ka ba niya sa pamimili?" naninigurado na tanong niya.Umiling ako at pagkatapos ay tinanggal ko ang pagkakahawak sa kaniyang mukha."Hindi. May lakad siya mamayang hapon," Sagot ko sa tanong niya.Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Nagkamot