Share

Chapter 3

Lexi's PoV

"Lexi, ano na ang balita sa in-apply-an mong trabaho?" tanong sa akin ni Aki. Kaibigan at kaklase kong pareho kong naghahanap ng trabaho.

Umiling ako rito. "Alam mo mukhang malabo, mas malabo pa sa salamin mo. Kailangan talaga ng experience para makapasok sa nga company. At kung minsan dinadaan sa palakasan ng kapit. Alam mo na iyong iba may backer, may mga kamag-anakan na empleyado. Samantalang ako may asawa naman sa company per heto pinaghintay ako."

Itinulak ako ni Aki. "Ilusyunada! Hindi pumapatol si Ally sa mga katulad natin. Kaya imbes na pagpantasyahan mo si Ally, ang mabuti pa humanap na lang tayo ng trabaho sa job fair na gaganapin bukas. Sumama ka na lang sa akin." Bumili si Aki ng softdrinks at biscuits sa tindahan na pinagtatambayan namin.

"Saan ba iyan?" nagtatakang tanong ko sa kaibigan.

"Dito lang sa Urdaneta, lalayo pa ba tayo? Wirings company rin ito kaya kapag nakapasok tayo makikita mo pa rin si Ally mo. Kailangan na kailangan ko na ng trabaho, Lexi. Kung hindi talaga ako makuha sa trabahong gusto ko, hindi na siguro masama kung sa call center na lang ako magtratrabaho kaysa naman sayangin ko ang isang taon sa pagiging tambay ko," ani Aki sa akin sabay abot sa softfrinks na nakabote pa.

"Ang hirap talaga kapag dito sa Pilipinas. Hayaan mo Aki, kapag naging kami ni Ally, magiging boss ka rin," pagbibiro ko sa aking kaibigan na seryosong-seryoso pa rin.

"Ikaw puro ka biro," nakasimagot na sabi nito sa akin.

"Wala namang masama na mangarap, Aki. Malungkot din naman ako dahil kailangan ko rin ng trabaho pero ang buhay maikli lang kaya dapat na masaya tayo palagi at---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng short ko.

Number lang ang rumehistro sa screen kaya hiindi ko sinagot dahil ilang beses na akong nabibiktima ng prank call ng mga scammer.

Muli pang nag-ring ang cellphone ko at naiinis kong sinagot ang caller.

"Hello! Kung sino ka man na scammer ka wala kang---"

"Hi, may I speak to Miss Lexi De Asis," formal na sabi ng kabilang linya. Ibinaba ko ang hawak kong softfrinks at napatayo rin ako.

"T-This is Lexi De Asis, speaking. May I know who is this?"

"This is James Alcantara of Sandoval Wirings. I'm glad to tell you that you are eligible for the vacant position. Kindly report tomorrow at my office."

Halos bumuka ang bibig ko sa aking narinig. Nakuha ako sa bilang asawa ni Ally Sandoval, magiging Misis Ally Sandoval na ako.

"T-Thank you so much sir. I promise to do my best."

"Congratulations Miss De Asis. See you tomorrow morning," sabi nito at nawala na sa linya.

Niyakap ko nang mahigpit si Aki. Hindi nito maintindihan ang ginagawa ko.

"Ano bang nangyayari sa iyo?" takang tanong ng aking kaibigan.

"Aki, natanggap ako na asawa ni Ally! I mean sa trabaho ko! Aki, magiging Misis Sandoval na ako," tuwang-tuwa sabi ko dito.

"Wow, congratulations, Lexi." Namilog ang mga mata ni Aki at niyakap ako. "Masaya ako para sa iyo, Lexi. Sana ako na ang susunod na matanggap sa trabaho."

"Oo naman, mangyayari din iyan sa iyo Aki. Sobrang saya ko, sabi ko naman sa iyo may dalang suwerte talaga iyong good moral ko noong highschool tayo."

Bumitiw sa pagkakayakap sa akin si Aki. "Ano? Dinala mo iyong good moral mo noong highschool tayo."

Ako lang kasi sa batch namin ang may good moral character na puro good ang nakalagay. Wala naman kasi akong nilabag na rules noon sa eskuwelahan ay masipag pa akong estudyante kaya ako may magandang record ng good moral sa batch ko.

"Oo, suwerte kasi iyon para sa akin Aki. Sige maiwan kita riyan at kailangan kong mag-beauty rest para bukas. Kailangan maganda ako at fresh kapag nagkita kami ni Ally."

Kinawayan na lamang ako ni Aki na iniwan ko sa may tindahan. Hindi pa rin ako makapaniwala. At hindi ito isang panaginip lang, totoo na ito. At bukas na bukas din ay magsisimula na ang buhay ko bilang Misis Sandoval. Matutupad din ang pangarap ko na maging mayaman at makapangasawa ng isang Ally Sandoval.

KINABUKASAN nagising ako ng alas otso ng umaga. Hindi ko inakala na hindi ako magigising ng maaga. Kasalanan ito ng alarm clock ko na hindi tumunog sa oras na inilagay ko. 

Pagkatapos kong naligo ay nagbihis na ako ng formal attire. Hindi man lang ako nakapag-make up. Hindi ko na naasikaso ang sarili ko dahil alas otso ang pasok ko dapat sa opisina ngunit unang araw pa lamang ay late na ako.

Hinigop ko ang kapeng tinimpla sa akin ni nanay. At nagmadali akong lumabas ng aming bahay. Mabilis akong pumara ng tricycle para ihatid ako sa opisina. Kalating oras pa ang tatakbuhin ng tricycle na sinakyan ko.

"Manong Fernan, hindi ho ba tayo bibilis?" reklamo ko sa matandang suki ko sa tricycle.

"Naku, Lexi. Hindi ko magawang nagmadali dahil baka mas lalo tayong mahuli at---"

Bigla akong nakarinig ng pagsabog ng gulong. Huminto kami no Manong Fernan sa tabi ng kalsada. Pumutok ang isa nitong gulong at kinailangan kong bumaba ng tricycle ni Manong Fernan.

Ano ba itong kamalasan ko ngayong araw. 

"Pasensiya ka na, Lexi. Mukhang kailangan kong magpalit ng gulong. Hindi ba kita maihahatid ngayon sa trabaho mo sa Urdaneta."

"Sige ho, okay lang," kalmadong sabi ko kahit na ang totoo ay naiinis na ako sa sarili ko.

Kung hindi sana ako na-late sa paggising baka nasa office na ako ngayon.

Wala akong nagawa kun'di sumakay ng angkas. Nakarating ako sa Sandoval Wirings at mabilis akong pumasok sa loob ng company.

Pagpasok ko sa building pinagtitinginan ako ng mga tao. Nasipat ko ang sarili ko salamin dahil sobrang gulo pala ng buhok ko at ang damit ko gusot-gusot. Napaka-haggard ng mukha ko.

Nagsalubong ko sa hallway si Ally kasunod ng isang babae.

Huminto ako sa paglalakad at bumati rito. "Good---"

Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay masama na itong tumingin sa akin.

Tumingin ito sa suot na relo. "Ikaw ba ang bagong hired na assistant secretary ko? Late ka ng fourty five minutes, unang araw mo pa lamang sa trabaho mo at iyan kaagad ang record mo sa akin? Mas nauna pang pumasok ang mga janitor sa iyo." Nilampasan ako ni Ally.

"Sir kasi po," sumunod ako rito.

"Go away! Pamella, ikaw na ang bahala sa bagong kapalit mo sumasakit ang ulo ko sa ganiyang kairesponsableng empleyado!" Tumuloy ito sa elevator at naiwan ang babaeng kasama ni Ally sa tabi ko.

Pamella ang nakalagay sa name plate na suot nito. Bumuga ito nang malalim at tumingin sa akin.

"Doon tayo sa office ko, Miss De Asis. Ibinilin ka sa akin ni Sir James kaya ako muna ang magsasabi sa iyo ng mga dapat mong gawin," mahinahon na sabi nito sa akin.

Nakagat ko na lamang ang ibang labi ko habang nakatingin ako kay Pamella. Hindi na talaga naging maganda ang trato sa akin ng magiging asawa ko.

Nang makapasok ako sa office ni Pamella ay inabutan niya ako ng salamin at suklay.

"Ayusin mo muna ang sarili mo. Kailangan mong maging presentable lalo na at magiging secretary ka ni Sir Ally. Kung eight o' clock ang oras ng trabaho mo dapat alas syete nandito ka na sa company. It means, hindi dapat ikaw ang hinihintay ni Sir Ally kun'di ikaw ang maghihintay sa kaniya. Lahat ng meetings ni Sir Ally dapat alam mo, pati na mga oras at segundo. Kailangan mong malaman lahat iyon at mai-record sa noted mo. Palagi mo ring tatandaan kung sino ang mga makakausap mo through telephone, may iba kasi na nagpapa-set ng meetings kay Sir Ally nang biglaan kaya kailangan mong isingit sila sa schedule ni sir," mahabang paliwanag ni Pamella.

"Pasensiya ka na talaga ma'am."

"Walang word na pasensiya at sorry kay Sir Ally. Trabaho ito kaya kailangan mong gawin ang best mo, Miss De Asis. Kailangan mo rin na maging friendly sa lahat ng mga ka-workmates mo. And maging friendly sa boss mo."

Nagseselos tuloy ako kay Pamella. Mukhang close ito kay Ally. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Mas maganda naman ako sa babaeng ito ng thirty percent.

"Nakikinig ka ba sa akin, Miss De Asis?" pang-uulit sa akin ni Pamella.

"Yes po ma'am."

"Gawin mo lahat ng best mo Miss De Asis. Maraming may gusto ng position na nakuha mo kaya dapat na maging masipag ka at sumunod sa mga job order. Iyan lang ang mga sinabi sa akin ni Sir James na sabihin ko sa iyo. Ito-tour kita dito sa company para alam mo kung ano at kung saang department ka pupunta kapag inuutusan ka ni Sir Ally na magpapirma ng mga papers na kailangan niya. Kailangan mong tandaan na mabuti para hindi ka nagkakamali."

Binigyan ako ni Pamela ng notebook at ballpen. Sumunod ako sa kaniya at lahat ng mga sinabi niya sa akin ay sinunod ko. Matalino naman akong tao minsan nga lang hindi gumagana ang utak ko kapag may kaharap na akong guwapo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status