Nasa labas pa lamang ng naka sarang pinto ng simbahang iyon ay rinig na ni Nicole ang malamyos na musika sa loob ng simbahan, hindi niya rin mapigilan ang ngumiti dahil sa excitement.Ikakasal na siya sa isang Shawn Alexander Montefalco, sa nag iisang lalaking minahal niya ng sobra sobra.Sa ama ng pinakamamahal niyang anak na si Alexandrea.Sa kanyang CEO.Naramdaman ni Nicole ang pag higpit ng hawak sa braso niya ng kanyang lola, agad niya naman itong tiningnan.“I know I have said this countless times already iha, but congratulations again. I am very happy for you.”Naka ngiting sabi ng matanda, mariin pa siyang napa pikit nang halikan siya nito sa noo kasabay ng pag ayos nito sa suot niyang belo.Hindi na nakuhang mag pasalamat ni Nicole nang marinig ang hudyat ng wedding organizer na mag uumpisa na ang seremonya.Nahigit niya ang pag hinga kasabay ng pag bukas ng pinto ng simabahang iyon, bumungad sa kanya ang napakagandang ayos sa loob ng simbahan, nag kalat ang mga kulay put
Agad na napa ngiti si Nicole nang magising, mukha kasi agad ni Alexander ang bumungad sa kanya.“Morning beautiful wife.”Naka ngiting bati ni Alexander kay Nicole habang mataman siya nitong tinititigan.“Good morning naughty husband.”Ganting pag bati niya naman dito saka inangat ang kamay para bigyan ito ng mahigpit na yakap na mabilis naman nitong tinangap, agad niya pang iniwas ang mukha nang tangkain siya nitong halikan sa labi, agad namang nangunot ang noo ng kanyang asawa dahil doon.Bago pa man ito mag salita at mag reklamo ay naunahan niya na.“I know this is our honeymoon, alam ko rin na mag asawa na tayo pero hindi pa ako nag to-toothbrush, kaya alis na… mag hihilamos ako.”Sabi niya rito, dahilan ng malakas nitong tawa, pabiro naman itong inirapan ni Nicole saka mahinang itinulak palayo.Muli pang nangunot ang noo niya nang sa halip na lumayo sa kanya si Alexander ay lalo pa itong umusod palapit sa kanya, agad pang napalitan ng mahinang hagikhik ang kunot na kunot niyang
“She strives to inspire other people to live a meaningful life one that is beyond self, ladies and gentlemen to give the response on behalf of the graduating batch-“Parang maiihi sa excitement si Nicole habang nag hihintay na tawagin ang pangalan niya ng administrator ng unibersidad na pinapasukan niya na siya ring kasalukuyang nag bibigay ng speech ngayon para sa graduation ceremony.Eto na ang araw na pinaka hihintay ni Nicole, ang araw na mag tatapos na lahat ng pag hihirap niya at pag pupursige na tapusin ang pag aaral.“Our universities’ summa cum laude, from the college of aeronautical engineering Natalia Nicolette Lorenzo.”Isang masigabong palakpakan ang na tangap ni Nicole mula sa mga propesor, sa kapwa niya mag aaral na mag tatapos ngayong gabi at pati na rin mula sa mga bisita na nanunuod ng graduation ceremony ng kanilang unibersidad.Proud na tumayo si Nicole mula sa kinauupuan at nag lakad paakyat sa entablado ha
Habol ang hiningang nagising si Nicole mula sa masarap na pag tulog.Bukod kasi sa nagulat siya ng sobra ay pakiramdam din ni Nicole ay nalulunod siya, paano ba naman kasi ay isang tabo ng tubig ang ibinuhos mismo sa mukha niya, hindi lang yata basta isang tabo ng tubig, nag yi-yelong tubig pa. Napa balikwas din siya ng bangon dahil bukod sa napaka lamig ng tubig na iyon ay dahil din sa sakit ng matitigas na bagay na tumama sa mukha niya, kaya pala, nag lalakihang ice cubes pala ang mga iyon.“Tingnan mo nga naman, napaka sarap naman ng buhay mo mahal na prinsesa ano?”Malakas ang boses na sabi sakaniya ng kaniyang pinsang si Luciferia. Base sa itsura nito ngayon ay alam niyang ito ang nag buhos sakaniya ng malamig na tubig dahil bukod sa ang malditang pinsan niya lang naman ang nasa harap niya ngayon, hawak din nito ang isang kulay asul na tabo.“P-pasensiya na po ate Lucy, na late po ako ng gising, puyat po kasi ako dahil sa graduation party
“Late na ako!”Malakas na sigaw ni Nicole nang inaantok pang na silip ang orasan at nakitang halos ilang minuto nalang at mag a-alas syete na, dali dali siyang bumangon mula sa kinahihigaang banig saka dalidaling tiniklop ang ginamit na kumot at saka maayos na inilagay iyon sa cabinet na gawa sa kahoy kasama ang isang pirasong manipis na unan, nirolyo niya rin ang gutay gutay nang banig na sa pagkaka tanda niya ay may pitong taon niya na yatang ginagamit, saka maayos ding itinabi iyon sa ilalim ng sirang sofa na gawa sa kawayan.Matapos iligpit ang hinigaan ay saka siya kumuha ng pamalit na damit sa isang maliit na karton na na hingi niya pa sa kalapit na tindahan, kinuha niya rin ang tuwalya na maayos na naka hanger saka mabilis na nag tatakbo pa punta sa bahay ng kaniyang tiyang Norma para maligo.Katulad ng inaasahan ni Nicole, isang lumilipad na plangana nanaman ang sumalubong sakaniya pag pasok na pag pasok niya palang sa loob ng bahay.Mabuti nalang
Agad na sinalubong si Nicole ng isang lalaking guard na nag babantay sa entrance ng malaking building na dapat ay papasukan niya.“Good morning po sir.”Magalang niyang pag bati sa guard na sa tantiya ni Nicole ay nasa kwarenta mahigit palang ang edad.Bumati siya ng good morning dito kahit pa alam niyang siya mismo ay hindi good ang morning dahil sa bastos na lalaking nang agaw na nga ng kape niya binastos pa siya at sinuhulan ng tatlong libo.Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon, kapag nag kita sila ulit ay sisiguraduhin ni Nicole na titirisin niya talaga na parang garapata ang bastos na iyon, kahit pa nga aminado siya sa sarili niya na hindi mukhang garapata ang lalaking iyon. Sa gwapo at macho ng lalaking bastos na naka harap niya kanina ay papasa iyong modelo na crush na niya. Kaya lang sa sobrang gwapo kaya siguro saksakan iyon ng yabang.Pinilit alisin ni Nicole ang bastos na lalaking iyon sa isipan at nag focus nalang sa guard na kas
Napaka malas niya, mali mang sabihin ang bagay na iyon dahil lalabas na masyado siyang ungrateful sa lahat ng blessings na natangap niya sa buong buhay niya pero iyon ang nararamdaman ni Nicole ngayon. Alam niyang mali na sabihing malas siya dahil sa mabuting taong tumulong sakaniya para maka pag tapos ng pag aaral sa kolehiyo at sa kaniyang malupit na tiyahin pati na rin sa mga malditang mga anak nito kahit pa nga hindi sigurado ni Nicole kung dapat ba siyang mag pa salamat sa pag kupkop sakaniya ng mga ito o hindi. Isama na rin ang pag graduate niya sa kolehiyo bilang summa cum laude, dapat siyang maging grateful sa lahat ng bagay na iyon pati na rin sa iba pang blessings na natatangap niya araw araw alam niyang wala siyang karapatan na sabihing malas siya.Pero talagang pakiramdam ngayon ni Nicole eh napaka malas niyang tao.Sa lahat ba naman kasi ng taong pwede niyang maging boss kung sakali mang matangap siyang mag trabao sa malaking kumpanyan
Buong akala ni Nicole ay ang opisina na ng masama ang ugaling CEO ang pinakamaganda at pinaka malaking opisin sa buong building na iyon, ngunit nang maka pasok siya sa opisina ng kung sino mang nag pa tawag sakaniya ay na-realize ni Nicole na mali siya, hindi ang opisina ng bastos na CEO ang pinaka maganda at pinaka malaki, kung ikukumpara ang opisina ng hambog na iyon sa opisinang pinasukan niya ngayon ay lalabas na langam lang iyon kumpara dito.Namamanghang inilibot ni Nicole ang ulo sa kabuoan ng opisinang iyon, napaka linis niyong tignan dahil sa kulay puti ang theme niyon, kumpleto rin sa mga gamit, mayroon ding maliit na kusina, sala set TV at kung ano ano pa. Papasa na ngang bahay iyon eh, mas malaki pa sa bahay ng kaniyang malditang tiyang Norma.Hindi agad nakita ni Nicole ang taong ipinunta nila doon, mayroon kasing kwarto sa may bandang gilid hula ni Nicole ay iyon marahil ang nag sisilbing tangapan ng taong umuukopa ng kwartong iyon sa malaking kompanyang kinaroroonan niy