Gabi na at nakatulala pa rin si Apollo habang nakahilata sa kanyang kama. Hating gabi na at hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.
“It's so soft,” usal ni Apollo. He can't get enough of Asha, her skin is so soft and warm. So comfy.
Ramdam pa rin ni Apollo ang balat nito sa kanyang mga palad. Para siyang nawala sa sarili nang mahaplos niya ang malambot nitong labi.
Wala sa sariling napahawak si Apollo sa kanyang labi, agad siyang napatayo ng makaramdam siya ng pagkauhaw.
Dahil hating gabi na ay natutulog na ang lahat sa bahay kaya dahan dahang naglakad si Apollo ng sa ganun ay hindi niya maabala ang tulog ng mga tao roon.
Pababa na ng hagdan si Apollo nang makarinig siya ng ingay sa kusina, mahina lang iyon pero rinig na rinig niya dahil na rin sa katahimikang bumabalot sa buong bahay nila.
Nagtaka si Apollo dahil ang alam niya ay wala ng gising ng ganitong oras bukod sa kanya. Dahan dahang humakbang si Apollo pababa ng hagdan para
Tahimik na pinagmamasdan ni Mrs. Almazan ang anak niyang natutulog. Halata sa mukha nito ang pagod at pag-iyak.“What happened Ashton?” tanong ng ginang sa kaibigan ng anak niyang nasa tabi lamang niya.“Honestly tita, hindi ko alam. Naalimpungatan kasi ako kagabi tapos parang may narinig akong bumagsak kaya bumaba ako tapos nakita ko na lang si Apollo sa kusina na duguan na at parang may hinahanap,” pagkukwento ni Ashton. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang kilabot sa kanyang katawan ng mabasa niya iyon.Pakiramdam niya ay parang may mali sa lahat ng nangyayari, “Jesus, ano ng nangyayari sa anak ko,” bulalas ng ginang at napaluha na lamang. Akala niya ay maayos na ang lahat pero nagkakamali siya.“He keep saying Lucienda's name, para bang naroon si Lucienda kahit wala naman,” dagdag ni Ashton saka pasimpleng hinaplos ang sariling braso dahil naramdaman niya ang pananatayo ng balahibo niya.Mrs.
Pagkatapos ng nakakapagod na pagtakbo nila Jill at Asha ay agad na silang umuwi para magbihis.“Mga apo kung lalabas kayo, pakiusap mag-iingat kayo. Muntikan ng mabundol ng kotse si Ashton kaninang umaga sabi ng mga kapitbahay natin,” nag-aalalang sabi ng matanda habang nagbuborda sa sala ng bahay.Nagkatinginan si Asha at Jill, “I'll just check Ashton, wanna go with me Ash?” pag-aaya ni Jill na agad namang sinang-ayunan ni Asha.“Kung ganoon ay kumuha kayo 'nung niluto kong Letche Flan para may maibigay kayo sa kanila,” sabi ng matanda.Agad gumalaw si Asha at Jill saka nagtungo sa bahay nila Apollo.“You just need some rest, tapos linisin mo palagi ang sugat mo para hindi magkaimpeksyon,” narinig nila ang boses ng doctor na nasa living room.“Hi Ashton!” pagbati ni Jill kay Ashton na kasalukuyang ginagamot ng doctor. “Hey! Halika kayo!” tugon ni
Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay agad bumaba si Apollo, hindi pa man siya tuluyang nakababa ay agad siyang inakbayan ng kaibigan niya.“Okay ka na ba?” tanong nito saka pasimpleng ginulo ang buhok na nakapagpairita sa kanya.“Stop that! Kakasuklay ko pa lang niyan!” naiinis na tugon ni Apollo saka nagpatuloy sa pagbaba.“Nakaayos tayo ngayon ah, ano meron Almazan?” parang nang-aasar na tanong ni Ashton sa kaibigan.“Bakit? Bawal na ba mag-ayos ngayon kahit wala namang ganap?” masungit na tanong ni Apollo.“Bakit di ka na lang muna maglakad lakad sa labas, Ash pakisamahan na lang si Apollo,” biglang sabi ni Ashton.Agad kumunot ang noo ni Asha at nagtataka itong tiningnan, “Sige na,” dagdag pa nito.Agad tumayo si Asha saka nilapitan si Apollo na tahimik lang, “Ashton is right, kailangan mo munang maglakad lakad,&rdqu
Ano na balak mong gawin ngayon?" tanong ni Drake, kaibigan ni Asha. Ngayon ay nasa isang fast food chain sila para kumain ng tanghalian kahit 6pm na."Matulog," maikling sagot ni Asha na nababagot na kakahintay sa pagkaing in-order nila."Punta ka kaya muna sa probinsiya, tamang tama hinahanap ka ni lola eh dalawin mo na muna," suhestiyon ni Drake.Kakatapos lang ni Asha sa isang misyon at ngayon ay may ilang linggo itong pahinga para na rin gumaling ang mga sugat nito."Sure, tingin ko mas okay na doon na lang muna ako magpahinga," pagsang-ayon ni Asha.She can feel the pain in her back, thighs, shoulder, and arms. Unti-unti na kasing nawawala ang anesthesia na itinurok sa kanya kanina para matanggal ang bala sa balikat niya.Asha wear dark colored clothes at naka jacket pa para matakpan ang mga sugat at pasa niya sa kat
"Iniinom mo ba lahat ng gamot na binigay ko sayo?" tanong ni Doctor Jace kay Asha.Nag follow up check up kasi si Asha to make sure na gumagaling na ang sugat niya.Natigilan si Asha, nakalimutan niya kasing uminom kanina after niyang kumain dahil nanggulo sila Drake at Easton."Yeah," sagot ni Asha. Doctor Jace knows that Asha is lying. "You do know that you need to take the medicines to heal your wounds faster," paalala ni Doctor Jace.Tumango lang si Asha at maya maya pa ay nakatulala na ulit. Asha is thinking of ways on how to make her vacation meaningful aside from sleeping and eating. Maybe Drake's idea of vacation in the province with Lola Ciel is a great one."Okay we're done," anunsiyo ni Doctor Jace, agad namang tumayo si Asha at isinuot ulit ang t-shirt at jacket niya.&nbs
"Mom, nasaan si papa?" tanong ng batang si Asha.Nakasuot ito ng pantulog habang bitbit ang malaking Doraemon stuffed toy.Nilingon ng magandang ginang na nakaupo sa Piano bench ang anak na kinukusot ang mata at halatang inaantok pa."May inayos lang saglit ang daddy anak, mamaya uuwi na rin siya," sabi ng ina ni Asha at nilapitan ang anak saka binuhat ito."Ang tagal naman niya mama, sana umuwi na siya para tabi tayo matulog inaantok na kami ni Doraemon ko eh," maktol ni Asha sa ina.Ngumuso pa ito at kinakamot ang pisngi, ganito ang ginagawa ni Asha kapag naiinis siya o may hindi siya nagustuhan.Mahinang natawa ang ina ni Asha at pinanggigilan ang pisngi ng anak saka pinaulanan ng halik ang buong mukha ni Asha at humahagikhik si Asha sa ginagawa ng ina."Gusto mo ba
Narinig ni Asha na may nag doorbell kaya agad siyang tumayo at pinuntahan ang pinto.Pagkabukas ay agad niyang nakita si Jill na nakasuot ng all black attire."Hi Ash good morning, ano tara na?" bati ni Jill sa kanya. "Hello, good morning," bati rin ni Asha at agad kinuha ang maleta niya."Daan muna tayo sa grocery store, bibili ako ng chocolates," sabi ni Asha bago lumabas ng unit niya at isinarado ang pinto."Sure, bibili rin ako ng pang snack natin," masiglang turan ni Jill.Naglalakad na sila papunta ng elevator at kada taong madadaanan nila ay napapatingin kay Jill.Naka bad girl attire kasi ito taliwas sa mukha nitong mukhang anghel. Makulit at madaldal ito na parang hindi napapagod kakasalita.Ikinawit ni Jill ang isang kamay nito sa braso ni Asha h
Naabutan ni Asha si Rowan na sinusuntok ang punching bag habang nakasalampak naman sa sahig si Lexi.Pawisan na si Rowan pero hindi pa rin ito tumitigil, mas lalo lang nitong nilalakasan ang pagsuntok."Naglalabas ka ba ng sama ng loob?" tanong ni Asha saka pumasok sa loob. Napatingin sa gawi niya ang dalawa.Itinaas ni Asha ang supot na dala, "Chocolates," sabi na at doon ay agad lumapit ang dalawa sa kanya at basta na lang kinuha sa kanya ang supot na may lamang chocolates."Salamat Ash!" sabi ni Lexi na agad nilantakan ang mga tsokolate. Pareho ng nakasalampak sa sahig ang dalawa kaya umupo na rin si Asha sa sahig."Bakit nagba-boxing ka na ngayon? Pinayagan ka na ba ng doctor mo?" nagtatakang tanong ni Asha kay Rowan.Napatigil naman ito sa pagkain at napatingin sa mata ni Asha, bigla itong ngumisi at parang naintindihan na ni Asha ang sitwasy