Nasa biyahe na si Asha at Jill patungo sa Rizal province, nananakit na ang pwet ni Asha sa kakaupo. Halos isang oras na silang nasa biyahe at mabuti na lamang at hindi traffic dahil mas matatagalan sila.
Nanood na lang si Asha ng anime movies habang tutok na tutok naman si Jill sa pagmamaneho.
Habang nanonood si Asha ay bigla na lang nagprino si Jill kaya tumilapon ang telepono ni Asha, "Sh*t, Jill what happened?" agad na tanong ni Asha.
Pati si Jill ay nagulat din, nang tingnan ni Asha ang nasa harapan nila ay laking gulat niya ng makita niya ang tatlong lalaki at ang kaawang awang lalaking nakahandusay na pinagsisipa at pinagsusuntok ng tatlong kalalakihan.
Agad lumabas ng kotse si Asha at sumunod naman Jill. Asha gritted her teeth because of the sudden rage when she saw how does bast*rd hurting that helpless guy.
"Hey, stop that or I'll call the p
Pagkarating sa presinto ay agad lumabas ng kotse si Asha pero bago pa yun ay natawagan na niya ang abogado niya.Baka pati silang dalawa ni Jill makasuhan dahil sa kalagayan ng tatlong lalaking iyon.Nang makapasok sa presinto ay agad silang kinuhanan ng statement kaharap ang tatlong lalaki na bugbog sarado.“Bakit ganito kalala ang inabot ng tatlong ito? Athlete ba kayo? UFC fighters?” nagtatakang tanong ng babaeng pulis na kumukuha ng statement nila.Nagkatinginan silang dalawa ni Jill at nagkaintindihan sila sa pamamagitan lang nito. “Mga ordinaryong mamamayan lang po kami ma'am,” sagot ni Jill na namumula ang pisngi.Alam na alam ni Asha ang ganitong reaksyon, “Gusto lang po talaga naming ipagtanggol ang kapwa namin ma'am kaya ganyan ang inabot nila,” dagdag ni Asha. Pati siya namula ang pisngi sa sagot niya.“Gra
Tinulungan ni Asha si Apollo na tumayo. Nakita niya itong nakatayo lang sa gitna ng kalsada habang may paparating na truck kaya agad niya itong tinulak.“Dapat hindi ka lumalabas ng walang kasama,” nag-aalalang sabi ni Asha. Kakatapos lang nilang maglibot ni Jill at ito na naman ang naabutan niya.“Wala kang pakialam,” masungit na tugon nito habang pinapagpagan ang sariling damit para matanggal ang dumi.“Tsk ang sungit,” bulong ni Asha sa sarili. “Ano yun?” biglang tanong ni Apollo na mukhang narinig ang sinabi niya.“Huh? Ah wala yun,” sabi niya at inayos ang sarili mabuti na lamang ay hindi sumalpok ang truck sa kabahayan pagkatapos makaiwas kay Apollo.“My god Apollo! Ano bang ginagawa mo ha!” singhal ng ina nitong namumula ang tainga sa galit at pag-aalala sa anak.
Agad tumayo si Apollo at saka lang niya nalaman na nasa loob pala siya ng kwarto ng kanyang ina. Dito na siya nakatulog pagkatapos ng nangyari kagabi.Maingat siyang naglakad palabas at mabuti na lamang at hindi na siya ulit nabangga sa kahit na anong bagay sa loob ng kwarto.Agad niyang pinihit pabukas ang pinto at gaya ng ginawa niya kagabi ay dumikit ulit siya sa pader para malaman niya kung saang parte na siya ng bahay nila.Makalipas ang ilang segundo ay narinig ni Apollo ang mahinang tunog ng kanyang tiyan na hudyat na gutom na siya. Kaya nang makapa niya ang door knob ng panghuling kwarto ay agad siyang tumalikod sa pinto ng kanyang likod bago humakbang ng tatlong beses saka niya nahawakan ang hawakan ng hagdanan pababa.Napalunok si Apollo ng maalala ang itsura ng hagdanang ito. Mahaba ang hagdan at napakaraming baitang. Mahigpit na humawak siya sa hawakan ng hagdan saka humakbang ng dahan dahan.Nakita ng isang katulong si Apollo na mag-is
Pagkatapos kumain ay umuwi na lamang si Apollo kasama si Manang Fe, kailangan niyang sanayin ang sariling tainga na maging matalas sa lahat ng tunog na naririnig niya.“Naku hijo kung nakikita mo lang si Asha siguradong hahanga ka sa kanya,” pagkukwento ng matanda habang naglalakad sila pauwi. Kanina pa ito nagkukwento ng kung ano ano tungkol kay Asha.“Manang just stop talking about her,” masungit na asik ni Apollo sa matanda. Nagsisimula na siyang mainis sa dalaga kaya umuwi na lang siya agad.“Ahh sige, doon na lang muna ako sa likod bahay,” pagpapaalam ng matanda at dali daling umalis. Napahawak si Apollo sa kanyang sintido, hirap na hirap siyang matutunan ang una nitong itinuro sa kanya.It's really not easy to tell the direction of things just by hearing it lalo na kung mahina lang. Naiwan si Apollo sa living room at nag-iisip ng pwede niyang gawin para masanay niya ang kanyang pandinig.Maya maya pa ay nak
“Bakit bigla ka na lang umalis?” tanong ni Asha kay Apollo na ngayon ay nakasalubong na ang kilay.“Backing out already?” tanong ulit ni Asha ng hindi sumagot si Apollo. “How do you help him?” tanong ni Ashton na kanina pang nakatitig kay Asha.Medyo naaasiwa na si Asha sa paraan ng paninitig nito pero pinipilit na lang niyang baliwalain. “I help him to be independent as a blind man,” simpleng sagot ni Asha saka lumapit kay Apollo.“Suko ka na ba?” tanong ni Asha. Nakita ni Asha ang na dumilim ang mukha ni Apollo sa tanong niya. “No, ginagawa ko ang tinuro mo,” malamig na sagot ni Apollo.“Can just try to swallow your pride?” hindi maiwasang tanong ni Asha. Natigilan si Apollo at ibinuka ang bibig pero wala namang lumabas na salita roon.“Bud, she's pretty,” biglang sabat ni Ashton na nakasandal lang sa pader habang nakatingin sa kanila
Kinabukasan ay bumalik ulit si Asha sa bahay nila Apollo pagdating ng hapon, naabutan niyang naglalakad si Apollo mula sa pintuan hanggang sa living room at mahinang nagbibilang.Tahimik niya itong pinagmasdan, nagagawa nito ng tama ang itinuro niya at natutuwa siya para ito.Tumikhim si Asha para makuha ang atensyon nito, “You're doing great,” komento niya sa ginagawa ng binata. Tumigil ito sa ginagawa at agad na humarap sa kanya.Asha is surprised, “Mukhang tumatalas na pandinig mo,” natutuwang turan ni Asha.Simple lang para isa ibang tao ang nagawa nito pero napakalaking achievement ito para sa kanilang dalawa. “Yeah, I ask my friend Ashton to help me at medyo nasasanay na ako,” sagot ng binata.“Akala ko kalokohan lang ang alam ng lalaking iyon, well anyway naparito ako para ipagpatuloy ang pagtuturo sayo,” imporma ni Asha sa lalaki.Agad ng hinawakan ni Asha ang kamay ng binata para umpis
Mabilis na ginamot si Asha at nanatili sa tabi niya si Jill at Lola Ciel na bakas pa rin sa mga mukha nito ang pag-aalala.Dahil sa dami ng dugong nawala kay Asha at sa dami ng latay niya sa likod ay mabilis siyang nakatulog. “Hindi ko dapat ginawa iyon,” wala sa sariling usal ng matanda habang nakatitig sa apo niyang mahimbing na natutulog.“Lola pareho naman nating hindi ginustong mangyari ito.” Hindi alam ni Jill kung papaano papagaanin ang loob ng matanda dahil alam niyang ang sarili nito ang sinisisi sa nangyari kay Asha.Kahit siya ay hindi makapaniwalang ganun pala kalaki ang sugat ni Asha sa balikat para dumugo ito ng todo. “Kasalanan ko ito.” Bigla na lang umiyak ang matanda matapos niyang sabihin iyon.Napayakap na lamang si Jill sa matanda habang hinahaplos ang likod nito, “Lola, kayang kaya ni Asha iyan. Siya pa eh mas matibay pa sa kalabaw iyan,” pagpapagaan ng loob ni Jill sa matanda.Hi
Hindi mapakali si Asha habang nakahiga sa kanyang kama sa private room ng hospital. Mahimbing ng natutulog si Jill at Lola Ciel sa sa katabing kama ni Asha.Kanina pa siyang papaling paling sa higaan niya, hirap na hirap si Asha na makatulog lalo na't naririnig niya ang walang humpay na iyakan sa labas ng kanyang silid.Napaupo na lang ulit si Asha, hindi niya ramdam ang sakit ng katawan dahil sa pain reliever na ininom niya. Tumayo siya at dahan dahang naglakad dahil baka marinig siya ni Jill.Hila hila niya ang dextrose habang naglalakad sa magulo at maingay na hallway ng hospital. Pumasok sa elevator si Asha saka pinindot ang rooftop.Nang makarating sa roof top ay agad siyang naglakad at tinanaw ang tanawin sa ibaba. Makailang segundo ay nakaramdam ng kakaiba si Asha, naramdaman niya ang presensiya ng isang taong nagtatago sa isang malaking drum na nasa gilid lang.Walang iba