"Grabe ka naman, boss! Hindi niyo pa nga kilala 'yang babaeng 'yan, gusto mo na kaagad na angkinin! Paano kung may asawa pala 'yan? E 'di, masasaktan ka din sa huli? Naintindihan ko na nangungulila ka kay Ma'am Ira pero matagal na po siyang wala. Kailangan niyo na po'ng mag-move-on pero... 'wag naman sa ganito, boss. Mali 'tong ginagawa mo. Paano naman ang pamilyang naghihintay sa babaeng 'yan, boss? Kawawa din sila kung ganoon," mahabang litanya ni Graziana sa boss na si Thunder Santillan, ang kasalukuyang CEO ng Santillan Group of Companies.
"Shut the f*ck up, Grazie!" singhal ni Thunder sa kan'ya. "Naririndi na ako sa bunganga mo. Wala kang ginawa kung hindi ang sermonan ako! Sino ka ba, ha? Secretary lang kita!She might be the one who can make me whole and happy! So please, leave. Hindi ko kailangan ng sermon mo, o ni Kuya! Out!"
Natitigal si Graziana sa narinig. Parang may pumipiga sa puso niya ng mga sandaling iyon. Oo nga naman, sekretarya lang siya nito. Bakit pa kasi siya nangingialam?
Napalabi siya dahil iba na ang tono ng pananalita ng boss. Paniguradong galit na ito.
Bakit? Concern lang naman siya, ah. Paano nga kung masaktan ulit ito dahil sa babaeng nakahimlay sa hospital bed na ito? Malamang sa malamang, masasaktan ulit siya. Kasi nga... mahal niya ang boss.
Oo, mahal na mahal niya ang boss, mula pa noong unang maupo siya sa upuang nakalaan para sa kan'ya bilang sekretarya nito. Matagal na siyang inlove dito. Kahit na may asawa na ito hindi niya napigilan ang sariling hindi ito mahalin. Kaya nga kahit gaano pa kabigat ang work load niya sa trabaho ay tinatanggap niya para lamang dito. Gano'n naman talaga ang mga nagmamahal, nagtitiis makasama lang ang iniibig. Umaasa kasi siya, na mahalin din siya nito, kagaya ng mga napapanod niya sa television, mga boss na nai-inlove sa sekretarya.
Oh, yes! Matagal na niyang ipinagdarasal na mangyari iyon sa pagitan nila ng boss. Pero nang malaman niyang pinalitan nito ang mukha ng babaeng iniligtas nito ng mukha ng dati nitong asawa, para na namang dinudurog ang puso niya. Pero wala, e. Mahal niya talaga. Magtitiis na naman siya.
Akala pa naman niya nagkakagusto na ito sa kan'ya sa mga nakalipas na taon, 'yon pala hindi. Kaibigan at sekretarya lang talaga ang turing nito sa kan'ya. Sandalan sa tuwing may problema ito. Mukhang ganoon na lang siguro ang role niya sa buhay nito.
Sana kasi hindi na ito nakipagmabutihan sa kan'ya bilang kaibigan. Ito tuloy, umasa siya at nasasaktan naman siya.
Ba't 'di man lang kasi siya nito makita bilang babae? Bakit? Maganda, masipag at sexy naman siya kagaya ng dati nitong asawa? Bakit hindi man lang kasi nagkakagusto sa kan'ya ang boss niya na ito?
"What are you waiting for, Grazie? Pasko? Bagong taon? Get out, now!" matigas na sabi nito sa kan'ya.
Kailangan bang ulit-ulitin sa harap niya?
Napapikit siya saglit at inayos ang sarili. "Fine! Uuwi na ako! Bahala ka sa buhay mo! Huh! 'Wag na 'wag kang tatawag o kakatok sa bahay ko para sabihing malungkot ka! Never na kitang ico-comfort! Hindi mo pa rin talaga makuha na concern lang ako sa'yo? Hindi dahil sa kung sino lang ako boss. Hindi mo lang ako secretary, kaibigan mo din ako, remember? Ayoko talaga kasing nakikita kang malungkot," aniya dito na ikinatigil nito.
"J-just leave, Grazie. Please?" anito sa mahina ng tinig.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago tumalima. Inis na hinigit niya ang sling bag at mabilis na lumabas ng silid na iyon. Pabagsak na isinara niya iyon.
Nilingon pa niya ang pintuan kasabay ng paggalaw ng itaas na labi niya.
"Bwisit! Paano mo nga ako makikita, kung sa ibang tao ka naman nakatingin! Matagal na akong nandito sa tabi mo, boss pero para lang akong hangin sa'yo. Sana makita mo rin ang halaga ko, Thunder. Sana makita mo rin ako bilang isang babae," naisatinig niya habang hindi inaalis ang tingin sa pintong nilabasan.
Malungkot na hinayon niya ang sarili palabas ng hospital na iyon. Pumunta siya para ipaalam, na handa na ang gamit ng babaeng hanggang ngayon ay wala pang malay dahil sa aksidente, at handa na rin ang chopper na sasakyan ng mga ito pabalik ng Bicol.
Dalawang beses pa na tinampal niya ang d****b bago binilisan ang lakad palabas ng ospital na iyon.
Napalabi siya ng maalala na naman ang sinabi ni Thunder na sekretarya lang siya nito.
Napakahirap talaga kapag one-sided love lang!
Sabay na napatingin si Graziana at Ace sa television nang muling ibalita ang pagkamatay ni Laura Miller Hernandez, na asawa ng retired army, na si Astin Kier Hernandez. Namatay si Laura sa mismong helicopter crash, na malapit sa farm ni Thunder. Isa ang mga Hernandez sa pinakamayamang pamilya sa bansa kaya naman balitang-balita ito.Sa totoo lang, ilang beses ng ibinalita iyon pero nagbibingi-bingihan lang sila ni Ace sa katotohanan. Matindi ang paniniwala nila na ang babaeng tinulungan ni Thunder at si Laura ay iisa. Pero hindi nila masabi iyon kay Thunder dahil unti-unti ng nahuhulog ito. Mahigit dalawang buwan na mula ng magising si Laura at wala nga talaga itong naaalala. Ang masaklap pa, buntis ito at hindi naman nga ang boss ang ama. Pinanindigan talaga ni Thunder na ito nga ang asawa ni Laura, at paniwalang-paniwala naman ang huli.
“Boss, ito na po ang mga dapat mong pirmahan. Ne-review na din po ni Sir Ace ‘yan. Pirma mo na lang po ang kulang.” Nilapag niya ang makapal na papeles sa table nito. Kakarating niya pa lang pero dumeretso agad siya sa library nito nang malamang naroon ito. Mabuti na iyon para hindi na niya ipatawag sa kabilang bahay nito kung saan kasama ang asawa-asawahan nito.“Thank you,” anito sabay kuha ng mga papeles. Sumubsob na ito doon kapagkuwan. Hindi naman ito nakipagkuwentuhan kagaya noon.Pitong buwan ng ganito ito sa kan'ya. Pormal na silang nag-uusap simula nang gabing halikan siya nito. Hindi niya alam ang drama nito, e ito naman ang naunang humalik sa kan'ya noon. 'Yon lang naman ang huling tagpo nila ng boss, na medyo awkward.Iwas na i
Nagkunwari siyang seryoso pagbalik ng boss. Hindi niya ito tinawag pero parang tantiyado nito ang oras kung kailan siya matatapos. May dala itong pagkain pagbalik. Nilapag nito sa side table. May kinuha itong foldable na mesa at inilatag nito sa gilid ng kama. Sinundan lang niya ito ng tingin nang kunin nito ang pagkain sa mesa at inilipat sa nilatag nitong mesa."Sit here," utos nito sa kan'ya. Umusog siya pero nang mahirapan bigla na lang siya nitong binuhat palapit. Hindi niya maiwasang lumunok ng laway.Ang bango kasi ng boss. Nakaka-tempt. Parang ang sarap halikan."What?" untag nito nang mapansing titig na titig siya."Kakain na po," wala sa sariling sambit niya.
Hindi nakatulog ng maayos si Graziana kaka-isip sa nangyari sa kanila ni Thunder. Naguguluhan na siya sa boss. Hindi siya nito gusto pero nagpaakit sa kan’ya. Ang hirap pala talaga espelingin ng boss niya. Mahirap bang aminin na na-attract din ito sa kan’ya? Iba ang nakikita niya sa mga mata nito nang halikan niya at matapos nitong gawin ang hindi dapat gawin. Alas-kuwatro na siya yata nakatulog kaya tinanghali siya ng gising. Kung hindi pa niya narinig ang sunod-sunod na katok sa pintuan ay hindi pa siya magigising. Dahan-dahan siyang humakbang. Naka-tip toe pa siya dahil sa sugat niya. Si Allan ang bumungad sa kan’ya na ikinagulat niya.Papungas-pungas pa nga siya. “H-hi!” bati niya rito sabay baba ng damit na medyo naka-angat. Naipon kasi lahat sa itaas ng tiya
Walang nagawa si Graziana kung hindi papasukin na lang ang boss sa apartment niya. Hindi naman na siya babalik. Nasabi lang niya iyon para umalis na ito. Kaso, hindi naman kumagat sa sinabi niya.Alam niyang nakasunod lang ito sa kan'ya. Ang tahimik nito hanggang makapasok.Iniwan niya ito saglit at kumuha ng maiinom. May whiskey pa siyang naka-display kaya 'yon ang dinala siya sa sala. May dala din siyang kopita at bucket na may lamang cube ice para dito. Nakaupo na ito sa sofa nang datnan niya.Napaangat siya ng kilay nang suyurin nito ang kabuuan niya. Naka-dress kasi siya. Hindi ito sanay nagsu-suot siya ng ganon. Bihira lang siya kasi magsuot kapag may party lang."Bagay sa'yo," anito nang mak
"Ma'am, ikaw daw po talaga ang maghahatid sa kabilang bahay." Natigilan siya nang marinig ang sinabi ni Ellen. "Nakakainis talaga 'to si boss," kausap niya sa sarili. Napakamot pa siya ng ulo kapagkuwan. Kaya nga sinama niya si Ellen ngayon para ito ang maghatid sa kabilang bahay ng mga pinamili niya. Napako na kasi sa tabi ng bata si Thunder, hindi na daw makapunta sa malaking bahay nito para kunin ang ini-utos nitong mga pinamili niya. Halatang sabik na sabik talaga sa anak, ang boss. "Samahan mo na lang ako, Ellen." Tumango ang assistant kaya kinuha na niya ang ilang plastic, ito na ang nagbitbit ng natira. Nasa labas ng bahay
Nakaingus na sinundan ng tingin ni Grazie si Thunder na paakyat.Paano ba siya maka-move on nito. Kung iisipin niya kasi ayaw nitong may ka-date siyang iba. Feeling niya lang naman. Nakakahiya tuloy sa kaibigan ng kakambal nito. Naka-oo na siya.Hinanap niya ang telepono sa maliit na hand bag at tinawagan si Ace, na kaagad din naman nitong sinagot."Hi, Doc Ace! Darating ba si uhm, ano bang pangalan no'ng kaibigan mo? 'Yong bagong prospect natin?""Si Drake Del Castillo ba? Yes, on the way raw siya. Diyan ka daw niya susunduin sa bahay ni Thunder," ani ng kakambal ng boss.Hindi niya mapigilang mapamura sa isip. "Ha?!"
Itinaas ni Grazie ang kamay at itinakip sa mukha sabay porma ng peace sign sa boss. Hindi naman niya kasi sinasadya."Kung alam mo lang kung gaano ako nagpipigil, Grazie!" anito nang bumulong sa kan'ya."Sorry na nga boss, e!""Hindi 'yan mawawala dahil lang sa sorry," makahulugang saad nito.Napalunok siya sa sagot ng boss. Naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin kaya tumayo siya. Hinawakan nito ang kamay niya at tiningnan siya na puno ng pagbabanta. Buti na lang may lumapit na isang shareholder dito kaya bumitiw ito sa kan'ya.Sinamantala niya iyon para umalis sa tabi nito. Lumapit siya sa assistant at tumulong. Pagkatapos ng ilang palaro ay iniutos na