“I love you, Matthew,” bulong ni Prim sa asawa. Pinagmasdan niya ito habang himbing na himbing sa kanyang pagkakatulog. Ni hindi ito nagmulat ng mga mata ng idampi nito ang kanyang labi sa kanyang pisngi. ”Pagud na pagod ang ang aking mahal na asawa!”
Napangiti siya kay Matthew. Madaling araw kasing gising ang mga babies at ayaw namang tulugan ni Matthew ang mga ito. Nilalaro pa talaga niya ang mga sanggol na wala namang kamuwang-muwang sa oras. Aliw na aliw talaga siya.
Sina Helen at Carol ang tumutulong sa pag-aalaga sa kanila kapag hindi nagising si Matthew sa sobrang puyat.
May segment din si Matthew dahil first time niyang mag-alaga ng mga babies. Hindi pinalampas ng Teo at Thea ang mga stolen moments ng ama kasama ang kambal na lalaki ng mga Aragorn. Pinagtawanan siya habang pinag-aaralan kung paano bihisan ang mga sanggol. Takot na takot siyang buhusan ng tubig ang mga ito habang pinaliliguan. Pinandidilatan
Matagal ang recovery ng mga tadyang ni Matthias. But the miraculously heal on its own. Hindi na kailangan ng surgery. After six months, Matthias is beginning to respond. Si Matthew ang mas madalas na dumadalaw sa anak dahil buntis na si Prim.Natapos na ang therapy ni Matthias. Parang walang bakas ng aksidente sa kanyang katawan. Normal na ang kanyang paglalakad. Hindi na niya kailangang i-wheelchair o kaya ay magsaklay. Clear na ang kanyang mga laboratory test.Nainggit siya sa maraming kasiyahan na hindi man lang siya nakasama dahil patuloy pa itong nagpapagaling.“Mommy, please go home!” Iyon ang mga unang salita ni Matthias sa ina ng magkamalay ito.Sa ospital nagpagaling si Matthias. Hindi siya iniuwi kaagad. Minabuti rin ni Matthew na matapos nito ang kanyang recovery period at maging ang kanyang therapy. Hindi nakahabol sa graduation si Matthias ngunit puwede itong sumabay sa gradu
Natanggap ni Matthew ang imbitasyon na iyon sa Trinity High. Sa totoo lang, sapat na sa kanya na nagpapadala ng tulong ang Aragorn Winery Corporation. Hindi siya masyadong nagpapaunlak sa mga imbitasyon lalo na kung karamihan ay bata. Alumni kasi siya ng paaralang iyon at sa matagal na panahon ay palagi rin niyang tinatanggihan ang paanyaya ng mga ito. Ngunit hindi sa pagkakataong iyon. Mahalaga ang okasyon dahil ika-isandaang taong anibersaryo ng Trinity High. “Good morning, Mr. Aragorn. I am Ma. Thea Watanabe, a grade4 - Ambassador. Welcome to Trinity High. Let me accompany you to the event area,” masiglang bati ng batang babae habang naka-uniform at may kulay-maroon na sash, mahaba ang buhok at nakatirintas, may braces at nagniningning naman ang mga mata sa tuwa sa likod ng mga salaming iyon. Hawak nito ang isang tablet kung saan nakalagay ang impormasyon ng taong kanyang dapat salubungin. Kaya parang kila
Hindi ipinahalata ni Prim ang kaba habang kumakain ang tatlo niyang anak. Tahimik na bumalik si Thea sa tabi niya at tinapos ang kanyang kinakain. “Who’s that man? Where did you meet him?” tanong niya pagkaupo ng anak. “Ah, he is Mr. Matthew Aragorn, Mommy. He is sponsoring the Scholarship Program in Trinity High.” At nakikinabang ang kanyang anak sa Scholarship na iyon dahil matalino ang anak niya. “Who’s that beside her?” tanong niya habang sumusubo ng pagkain. “I think, that the famous model Judea Cooper. She is so pretty,” pabulong na tugon ng anak. “His wife…” “Oh, his wife. That’s good!” Tumango-tango siya. Tiningnan ni Prim ang mga anak. Hinaplos niya ang ulo ni Matthias at ngumiti lang ito sa kanya. Itinuloy ang pagkain niya. Unang lumabas si Thea through caesarian section, sumunod si Teo at si Matthias ang pinakahuling lumabas kaya parang
Inihahabilin ni Prim ang kanyang mga anak sa kanyang Tita Joy dahil may dadaluhan siyang Flower Arrangement Competition na isinagawa mismo ng kanyang kompanya sa ibang bansa upang i-promote ang Eufloria. Dumiretso siya sa school ng kanyang mga anak upang sunduin ang mga ito. Sa kabila ng pagiging abala ni Prim sa kanyang trabaho, hindi niya kinakalimutan ang kanyang responsibilidad sa mga anak. Kahit na nagkakaroon siya ng business trip sa ibang bansa, sinisikap niyang makadalo pa rin sa mga school activities ng mga ito. Mahalaga ang presensiya niya kahit minsan ay patapos na rin ang palatuntunan. “Hindi ka ba natatakot na isang araw ay bigla kang tanungin ng mga anak mo kung sino ang tatay nila?” Matagal na panahon na rin at iyon lang din ang paulit-ulit na inuusisa ng kanyang tita. Kinamatayan na nga ng kanyang Lola Matilda ang sama ng loob dahil sa nangyari sa kanya.  
Tahimik na nagmaneho si Matthew. Wala ring imik si Dea dahil pagod din ito at wala na siya sa mood para makipag-usap. Sa matagal na panahon ay halos kilala na niya ang ugali nito. Sa kabila ng lahat ay mahal pa rin niya ito. To nurture your marriage, you have to float in love several times, seventy times seven pa nga dapat sa asawa. Ngunit sa tuwing titingnan niya ang asawa, nararamdaman niyang may kulang. “Honey, why don’t we go for a honeymoon? What do you think?” Hinawakan nito ang kamay ng asawa at hinalikan. Nakapikit pa ang asawa habang nakasandal sa front seat. “There you are again. How many honeymoons are we going to do when we only married once in our life? Nakakita ka lang ng bata, ako na naman ang binabalingan mo. Matris lang ba ang mahal mo sa akin?” paangil na sabi nito at hinila niya ang kamay sa asawa at saka humalukipkip. Iyon palagi ang linya ni Dea pero hindi niya naiisip na
Maagang gumising si Matthew upang pumasok sa opisina. Tulog na tulog pa ang kanyang asawa. Hinalikan niya ito at binulungan ngunit wala itong reaksyon. Kontento pa rin naman siya sa kanyang nakikita. Maraming lalaki ang inggit na inggit sa kanya dahil siya ang pinalad na mapangasawa ang isang tulad ni Judea ngunit iyon ang akala nila. Hindi nila alam kung gaano sumasakit ang ulo niya dahil sa ginagawa ng asawa. Tumunog ang kanyang cellphone. "Hello, kumusta? About tonight? Sige, I’ll meet you there,” tugon nito kay Noah Madrigal na isa ring successful businessman. Nakakatuwa ang kanyang kaibigan dahil napangasawa nito ang caregiver ng kanyang Lola Natalia. Malapit silang magkaibigan ni Noah. Sa kanya humingi ng payo ang lalaki kung ano ang gagawin. Napasubo kasi sa isang arranged marriage ang kaibigan dahil sa huling kahilingan ng kanyang lola na mamamatay na. Walang masama dahil dalaga naman
Hindi na nakapagpigil si Matthew sa kanilang sitwasyon ni Dea. Madaling araw na itong dumating. Madilim sa sala ng pumasok siya sa loob ng kabahayan. Kitang kita ni Matthew kung paano tinanggal ng asawa ang kanyang mataas na takong habang humawak ng mabuti sa knob ng pinto dahil sa kanyang kalasingan. Pagbukas ng ilaw ay gulat na gulat siya ng makita si Matthew na nakaupo sa single sopa chair at nakasalumbaba. Mulat na mulat ang mata at titig na titig sa kanya habang hawak sa kanang kamay ang baso ng alak. “Lasing na lasing ka ah!” Halatang pasuray-suray itong maglakad ng lumapit sa kanya. Yumuko ang babae. “Sweetheart!” Hahalik pa sana ang babae ngunit umiwas si Matthew. ”Adelle and the rest of the company went to Manila Yacht Club. We have never been there. Can we stay there for a weekend vacation, Honey?” Hinila niya ang babae at pinaupo sa long sopa. “Ouch! Ano ba?” “I don’t care where yo
Bandang alas diyes ng umaga gumising si Dea. Balewala sa kanya ang nangyari ng nagdaang gabi. Hindi niya kailangang ma-guilty. Alam niya kung paano mapapaamo ang lalaki. Kaya niya itong paglaruan sa kanyang mga palad. Alam niyang si Matthew pa rin ang magso-sorry at hahabol sa kanya. Hindi niya kailangang mag-alala. “Anong oras umalis ang Sir Matthew mo?” “Maaga po, tulad ng dati,” nangingiming sagot ni Madame Paulita, siya ang cook sa bahay na iyon. “Heto na po ang almusal.” Steemed rice and sunny side up ngunit nakasimangot siyang tumingin sa matanda. “Almusal ba ito? Pakakainin mo ako ng ganito? Ipagluto mo ako ng iba. Allergic ako sa eggs.” Mabilis na kumilos ang mga kasambahay. Maging ang matanda at nataranta. Hindi naman kasi nito ugaling mag-almusal. More on bread and fruits lang siya. Moody rin siyang mag-almusal. Picky sa pagkain kaya hindi madaling tandaan kun