Share

Chapter 21: SECRET MEET UP

Matagal na rin pinag-iisipan ni Matthew ang hakbang na gagawin para makumpirma ang kanyang haka-haka tungkol sa mga bata. Gusto niyang malaman sa bibig mismo ni Ms. Watanabe kumbakit ganoon kagaan ang loob niya sa mga ito. Umiisip siya ng paraan ngunit inadya ng pagkakataon na mangyari ang lahat.

Tinawagan ni Matthew si Matthias ngunit humihikbi ito sa kabilang linya. Naisip niyang pinagalitan ito ng kanilang ina. Ngunit hindi niya inasahang maririnig ang boses ng babae sa kabilang linya. Mukhang nalaman na niya ang tungkol sa cellphone ng mga bata.

Si Prim mismo ang kumontak kay Matthew at nakiusap kung puwedeng magkita sila. Inaasahan na ni Matthew ang tawag na iyon. Nakaupo siya sa sopa at kasalukuyang umiinom. Niluwagan niya ang kanyang kurbata. Seryoso niyang tiningnan ang larawan ng mag-anak sa ibaba ng kanyang office table.

See you tomorrow, Ms.Watanabe.” Kakaiba ang ngiti ni Matthew.

 

Bb.Taklesa

Tunghayan natin ang muli nilang pagkikita.

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status