Late nang nakauwi si Prim sa bahay nila. Nagmamadali pa siya. Tulog na ang mga bata pagdating niya. Nagising ang kanyang Tita Joy na nagbukas ng pinto para sa kanya.
“Mano po!”
“Kaawaan ka ng Diyos. Kumain ka na ba, Prim?”
“Yes, Tita. Kumusta po ang mga bata? Pasensiya na po kasi hindi kaagad ako nakaalis sa store kanina.”
Maraming customer sa Hallyu Tower Mall. Dito palaging nagkakaroon ng mahabang pila sa labas.
“Okay naman sila. Sabihan mo pala ang anak mo, si Matthias. Medyo napagsabihan yata ni Fernan kanina dahil nadatnan niya ito na may kausap habang naghihintay ng sundo. Masyado kasing palakaibigan itong anak mo sa mga may edad.”
“Thank you po, Tita. Bukas na lang po.” Dahan-dahang umakyat ng pangalawang palapag si Prim. Kulay pink na pinto ang kanyang binuksan, ang kuwarto ni Thea.
Natutuwa siya dahil napaka-active
Matagal na panahong sinusuyo si Prim ng lalaki ngunit hindi niya alam kumbakit walang spark pagdating kay Fernan. Guwapong lalaki si Fernan kahit magsuot siya ng pang magsasaka sa kanyang bukid, lulutang pa rin ang kanyang kakisigan. Kahit ipagtulakan siya ng kanyang tita Joy ay hindi niya magawang sumunod. Kung lola Matilda nga niya ay walang nagawa, ngayon pa kaya na okay naman siya sa loob ng sampung taon. Naalala niyang tanong ni Fernan. “Kailan mo ba ako sasagutin?” Madalas niyang palipad-hangin. Lahat naman ay idinadaan ni Prim sa biro. Ayaw lang niyang masaktan ang binata kaya sinasakyan niya ang trip nito. Gaano man katotoo ang mga ito sa loob niya. “Ano bang tanong mo?” “Kailan mo nga ako sasagutin?” “Nang ano ba? Sasagutin ng ano?” “Anglabo mo kasing kausap…” &nb
Sa katapat lang na kainan ay hindi nila pansin ang mga matang kanina pang inggit na inggit sa kanilang kasiyahan. Matamang nagmamatyag, seryosong nakatingin sa gawi nila at saka nilagok ang alak na nasa baso. Napailing siya habang nakikita ang tatlong bata. Tinitigang mabuti si Prim sa di-kalayuan. Nilaro ng kanyang daliri ang baso ngunit ini-imagine na labi ng babae ang pinaglalaruan nito. Bigla siyang napayuko at itinago ang pagngiti nito ng mag-isa. Bakit niya muling nakita ang babaeng iyon? Napayukong muli si Matthew at umiling, basta’t ang alam lang niya, ang ngiting iyon… ang ngiti ng babaing nakasama niya ng isang gabi. Sigurado siya na si Miss PRW iyon. “Miss PRW, you are making me crazy! Just tell me who you are,” sabi niya sa sarili. “You are making me look like a fool!” Mahigpit niyang hinawakan ang baso. “You can’t escape from me this t
Walang nagawa si Prim. Pinagbigyan niya si Fernan na lumabas silang dalawa. Pinaghandaan naman niya ang kanyang pakikipag-date rito kahit medyo hindi palagay ang kanyang kalooban. Mabilis na dumating ang araw ng Linggo at ipinaalala ni Fernan ang date nila. “I’ll fetch you at around 6PM,” text message nito kay Prim, habang tumitingin ng isusuot para sa kanyang pag-alis. “Balita ko ay may date kayo ni Fernan,” usisa ng tita habang nasa kuwarto nito at dala ang hamper ng mga bagong labang damit. “Nai-chika po ba sa inyo ng mga bata?” Madalas si Matthias lang naman ang madaldal sa kanila at dakilang storyteller talaga. “Alam mo naman si Matthias. May maitatago ka pa ba sa bibig ng anak mo?” “Ewan ko po ba doon at kung anong naisip. Nagpapasamang kumain sa labas.” Maagang naghanda sa sarili si Prim. Ayaw niyang paghintayin si F
Dumating ang araw ng kompetisyon na ginanap sa auditorium sa loob ng Francisco Hall, katabi lang ng school library. Maliit lang ito at sapat lang sa mga kalahok ng contest. Kabadong – kabado si Matthias ngunit tinapik siya ng kanyang kuya na si Teo. “Kaya mo ‘yan!” Nag-apir pa ang dalawa. Hinawakan ni Matthias ang balikat ng kuya at napabuga ng hangin. Nasa taas sila ng stage, sa likod ng makapal na telon. “Inhale, exhale,” utos ng kapatid kay Matthias. “Kaya mo, Matthias! Kaya mo, ‘yan!” Sumilip si Teo at nakitang marami na ring makikinuod lalo na ang mga kaklase nila sa Grade4- Rizal. Nakita rin niya si Thea habang kausap ang isang lalaki. Napangiti siya at hindi sinabi sa kapatid kung sino ang kanyang nakita. Kilala niya ang lalaki kahit nakatalikod ito. “Help me, Lord.” Naibulalas na lang ni Matthias. “Bababa na ako. Manunuod kami ni Thea sa i
Kinabukasan ay tahimik na kumain ang mga bata. Hindi na masyadong nag-usisa si Prim kung anong nangyari sa contest. “Thea, are you okay?” Hindi siya sanay sa katahimikan ng mga ito. Napatingin siya kay Matthias “Yes, Mommy. Why?” Napailing lang si Prim. Hinaplos ang ulo ni Matthias na nasa tabi lang niya. Nginitian naman si Teo. “Mommy…” “Yes, Teo.” “Can we attend the Family day this Sunday?” “Oo naman…” “What I mean is…” Huminto na si Mateo. Alam ng ina ang ibig nitong sabihin. Taun-taon naman talaga silang uma-attend ng Family Day kaya lang, hindi sila nakakasali sa mga palaro dahil palagi silang kulang. Hindi na balak ni Prim na isama si Fernan sa okasyon. Ito marahil ang nag-uudyok sa kanya upang pangatawanan ang pagiging ama ng tahanan. Ayaw na niya itong abalahin pa. Tahimi
Pagkatapos ng awarding ay hindi na niya na-congratulate ang mag-anak. Nakailang tawag na sa kanya si Naomi. Nag-voice message na ito sa kanya. Nagmadali siyang nagtungo sa parking area ngunit bago pa siya makasakay sa loob ng kotse ay may kamay na pumigil sa pinto nito. Hindi rin niya inasahan ang muling paghaharap ni Matthew at nang tito ni Matthias sa parking lot ng Trinity High pagkatapos ng programa. Nagngingitngit ito sa galit. Kitang kita sa kanyang nanlilisik na mga mata. “Bakit palagi kang lapit ng lapit sa mga bata?” “Sinong mga bata? Ah, doon ba? Sa mga anak ni Mrs. Watanabe?” Pinakatitigan niya ang lalaki ng mata sa mata. “Bakit kailangan kong sagutin ng tanong mo?” “Layuan mo ang mga bata!” “Sino ka ba para pagbawalan ako?” “Don’t mess with Watanabe. Tahimik na ang buhay nila kaya huwag kang manggulo.” “Exc
Ilang araw ding nagpalamig ng sitwasyon si Fernan. Hindi niya nagawang tumawag kay Prim dahil nagsisi siya sa kanyang ginawa. Hindi tuloy niya alam kung paano susuyuin si Prim. Alam niyang galit ang kaibigan sa kanya. Sinundan niya ang mga ito sa Trinity High dahil alam niyang Family Day. Nabanggit ni Bella na hindi papasok sa opisina ang babae kaya ipinakisuyo na tawagan si Fernan upang may makasama sila sa operasyon ng flower shop sa buong maghapon. “Sir Fernan, absent daw po si Ma’am ngayon kaya pumunta raw po kayo dito.” Kasalukuyan siyang pumaparada sa parking area. Kanina pa niyang naririnig ang kaguluhan sa quadrangle dahil sa palarong pampamilya. Maingay talaga doon tuwing Family Day dahil bawat pamilya ng batang Trinity High ay imbitado. Kahit sina Prim at ang mga anak nito ay hindi nakakalimutang dumalo. Iyon ang mga okasyon na palagi niyang hinihintay sa buong taon bukod sa Foundation Day.
Binalewala ni Prim ang mga simpleng pasaring ni Mr. Aragorn. Tama naman talaga siya, walang aksidente sa mundo. Kumbakit magaling sa storytelling si Matthias at sa paraan ng paghatsing nito ay dahil mana siya sa kanyang ama. Kumbakit pare-pareho sila ng hilig sa pizza ay dahil nakuha rin nila sa ama. Marahil nakuha din ang talino nito dahil matalino siya. Ayaw niyang kabahan. Palagi lang niyang sinasabing nagkakataon lang. Pero bakit naman mukhang tutulungan niya si Mr. Aragorn na magpalit ng damit? Ibig din bang sabihin eh, nagkataon lang? Si Thea ang parang mas mabilis makahalata. Siya ang nagtanong kumbakit pareho sina Mr. Aragorn at Matthias ng habit sa paghatsing. Siya din ang nagtanong kung alam ba ng ina ang katapusan ng kuwento. Tahimik lang ito. SKYCRAPER TOWER- BUSINESS CENTER ARAGORN WINERY CORPORATION OFFICE OF THE CEO &nbs