Share

Chapter 12.

PABABA SI Erwann ng hagdan nang matanawan niya ang abuela sa veranda. Nag-aayos ito ng mga bulaklak sa vase. Araw ng linggo kaya kagabi pa lang ay naroon na siya para doon matulog.

Nilapitan niya ang matanda na mukhang abala sa ginagawa. Hinalikan niya ito sa buhok at niyakap. "Good morning, Gran. Where did you bought the flowers?" Nakangiting tanong niya at umupo sa kaibayong silya na naroon. Iisang tao lang ang pumapasok sa isip niya sa tuwing nakakakita ng bulaklak.

"Oh, I bought these outside the church this morning. Hindi masyadong maganda ang pagkakaayos kaya inilagay ko na lang sa vase. Hindi kagaya noong binibili ni Fred kay Alie. 'Yon ay maganda at sariwa." Lalong lumawak ang ngiti sa labi ng binata makaraang banggitin ng abuela ang pangalan ng dalaga.

"I'm glad that you still remember her name," aniya.

"She's way better than Carrie. You know I regret setting you up on a date with her. Kung hindi lang siya apo ng aking Amiga..." Ibinitin nito sa ere ang sasabihin at umiling.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status