Share

Chapter 15.

NATIGIL si Alie sa pagsasara ng roll up door ng shop nang may matanawan siyang pamilyar na bulto sa kabilang bahagi ng kalsada. Hapon na 'yon at magsasara na siya para umuwi sa bahay nila.

"Erwann?" Hindi siguradong tanong niya. Pinaliit pa niya ang mata para aninagin ito.

"Alie!" Tawag nito at kumaway. Pagkaraan ay tumakbo ito palapit. Hindi niya alam pero parang sinisilihan siya ngayong nasa harapan niya ito. "P-pwede ba kitang kausapin?" tanong nito nang tuluyang makalapit.

Imbes na magsalita ay tango lang ang naging tugon niya. Hindi niya inaasahan ang presensya nito. Kaninang umaga lang ay ito ang paksa ng usapan nila ni Mandy at ngayon ay nasa harapan niya ito.

"Magsasara ka na? Tutulungan na kita," anito at ito na ang humila sa roll up door. Hindi siya nakahuma ng kunin nito ang susi at ito na rin ang mag-lock no'n.

"S-salamat," kiming turan niya.

Nang matapos ay tumayo ito at pinagpag ang nagusot na puting polo shirt. Pero imbes na tumuwid ay nabahiran pa ng dumi ang suot nito
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
thanks to u author
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
sna nga lng totoo c erwann sa narramdaman nya sau alie,kc may isang kokontra malamang at un ay ang babaeng nagkakagusto kay erwann
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status