Share

Chapter 11

11.

Hindi ko alam kung kailan ako tumigil sa pag-iyak pero nakatulugan ko na ito. Nagising na lang ako na nilalamig at parang pinupukpok ang ulo ko sa sakit. Hindi ko alam kung umalis ba si Raze kagabi pagkatapos ko makatulog. 

Sinubukan kong bumangon pero napahiga lang din ulit dahil nanghihina talaga ang katawan ko. Balak ko ulit tumayo pero biglang may gumalaw sa gilid ko. Sinilip ko ito at napaawang ang labi ko nang makita si Raze na pupungas-pungas pa sa tabi ko. 

"How are you feeling?" he asked when he saw me looking at him. 

"I'm feeling sick," I answered and he chuckled. 

"Yes, because you are sick," he told me. I groaned because of that and I tried to get up again but this time he helped me and put a pillow behind me. 

"I'll get you some water," he said and got up from my bed. 

I watched his back as he went out from my room. Tinignan ko ang suot ko at napansin na iba na ito. I am wearing one of my pajama dress and I am wearing… socks? 

"Here," sabi ni Raze ng makabalik galing sa kusina siguro. Agad naman akong uminom sa tubig na binigay niya. 

"Why are you crying last night?" nasamid naman ako sa tanong niya. Napaubo ako ng sunod-sunod at hinagod naman niya ang likod ko. 

"Are you okay?" he asked and I nodded. 

"Yes, yes," sabi ko. "Uh, wala, I just had a bad day lang siguro," sabi ko. 

Tinitigan naman muna ako nito ng mariin bago tumango-tango. Pinatong ko muna ang baso sa bedside table ko at si Raze naman ay lumabas ulit ng kwarto. Napahinga naman ako nang maluwag ng hindi na niya dinugtunga pa ang tanong niya. Kung may isa ‘mang tao na ayokong makaalam ng sikreto ko, si Raze na ‘yon. Natatakot ako na baka kamuhian niya ako at iwasan ako. Hindi ko yata kakayanin iyon dahil pamilya ko na rin si Raze. 

Nabalik naman ako sa reyalidad ng pumasok si Raze sa kwarto na may dalang isang mangkok ng egg soup at dalawang slice ng tinapay. Umayos ako ng upo sa kamat at hinintay siya na makalapit sa akin. Umupo siya sa harap ko at inilagay ang foldable table sa harap ko. Ipinatong niya doon ang mangkok baso at isang piraso ng gamot. 

“Eat this,” he said and I was about to pick up the bowl when he held it first. I tried to reach it pero nilalayo lang niya iyon sa akin kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.

“Akin na ‘yan. Paano ako makakakin niyan?” inis na sabi ko sa kaniya pero poker face lang din niya ako tinitigan pabalik.

“Hindi mo kaya,” sabi niya at sumandok mula sa mangkok at hinipan iyon. Iniwas ko ang mukha ko ng iniumang niya iyon sa bibig ko.

“Akin na, Raze. Kaya ko,” sabi ko. Tumango naman siya kaya napangiti ako doon. Inabot niya sa akin ang kutsara at ipinatong ulit ang mangkok sa mesa sa harap ko.

Kinuha ko ang kutsara at sumandok na doon pero ia-angat ko pa lang ang kamay ko nang mabaitawan ko ang kutsara at bumaik lang ito sa mangkok. Sinubukan ko ulit pero nanghihina talaga ang kamay ko. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Raze kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“I told you, ako na,” sabi niya at kinuha na ang kutsara ulit at sumandok ulit at hinipan ito para hindi gaanong mainit kapag sinubo ko. 

“Fine,” sabi ko at humigop na ng sabaw na iniumang niya sa akin.

“Wala kang choice okay? Nanghihina ka kaya huwag na matigas ang ulo,” pangaral niya sabay pitik sa noo ko. 

“May sakit ako tapos ginaganyan mo pa ako,” pangongonsensya ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

Sa totoo lang, kapag may sakit ako, kadalasan, nandiyan si Raze. Na-trauma yata noong nasa senior high pa lang kami. 

Magkasama kami noon na kumakain sa park dahil masiyadong maraming tao sa fast food chain na pagkakainan sana namin. Tapos na talaga kami kumain at nagpapahinga na lang kami doon habang nagkukwentuhan nang biglang umulan. Mabilis akong sumilong sa isang waiting shed doon sa gilid pero si Raze, tinapon pa ang mga pinagkainan namin kaya agad ko siyang tinakbo. Madali akong nagkakasakit kahit maulanan lang ako ng kaunti pero baka magkasakit din si Raze. 

“Huy, tara na! Mamaya na lang natin ‘yan ayusin!” yaya ko sa kaniya pero nakatingin lang ito ng diretso noong matapon niya ang mga kalat namin. Sinilip ko ang tinitignan niya at may mga bata na masayang naliligo at naglalaro sa gitna ng ulan. 

“Gusto mo rin?” tanong ko sa kaniya at mukhang doon lang siya natauhan. Tinignan niya ako at umiling sabay ngumiti ng halatang pilit. Hindi talaga bagay sa kaniya ang ngumiti ng ganiyan, halatang plastic. 

“Sus, gusto mo eh,” sabi ko sa kaniya.

“Huwag na, Cass. Baka magkasakit ka pa,” sabi niya sa akin pero umiling lang ako at hinila ko siya. Ilang beses na ako nakaligo sa ulan noong bata pa ako kaya alam kong masaya iyon, gusto ko rin iparanas sa kaniya iyon.

“Tara na!” sabi ko at hinila siya. Nakangiti naman niya akong tinitignan nang mahila ko siya sa gitna ng park. 

“What are you waiting for?” tanong ko sa kaniya at nagpaikot-ikot ako sa gitna ng ulan at ginaya naman niya ako. 

Tawa kami nang tawa sa mga pinag-gagawa namin at natigil lang kami ng medyo tumila na ang ulan. Wala naman kaming problema kung paano kami uuwi ng ganito dahil may dalang sasakyan si Raze. Naglakad na kami papunta sa pinagparkan namin ng sasakyan niya. Tumatawa pa rin kami habang nagkukwentuhan at agad niyang pinatunog ang sasakyan nang makalapit kami doon. Binuksan niya ang pinto at may kinuha. May sasabihin sana ako sa kaniya noon ng biglang nandilim ang paningin ko.

Nang nagising ako, doon ko lang nalaman kay Mommy na hinimatay raw ako at may sakit. Nagulat na lang ako noon nang magpakita si Raze na may dalang mga pagkain at natawa naman si Mommy sa kaniya. Naguilty raw siya dahil hindi niya raw ako pinigilan na maligo, nagkasakit pa raw ako. Kaya noong gabing iyon, binantayan at inalagaan niya lang ako. Nagpaalam din siya kay Tita Marizel na doon muna siya sa amin matutulog. Akala ko nga sa guest room siya tutuloy pero nang magising ako, nakita ko siyang nakadukdok sa tabi ko at mukhang doon pa nga natulog.

Simula nang mangyari iyon, palaging nandiyan si Raze para alagaan ako lalo na kapag may sakit ako. Hindi siya umaalis na tabi ko at hinihintay pa na bumuti ang pakiramdam ko bago niya ako lubayan at doon na ulit matulog sa kanila. 

Luckily, naubos ko ang mga pagkain na ibinigay niya sa akin. Masarap din naman kasi ang niluto ni Raze. Ininom ko na rin ang gamot pagkatapos na pagkatapos ko kumain at agad akong nakatulog. 

Nagising ako ulit maga-alas tres na ng hapon, medyo bumubuti na ang pakiramdam ko kaya nang sinubukan ko bumangon, hindi na ako gaanong nanghihina. Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko si Raze na pinapatay ang kalan. Mukhang kakaluto lang niya ah.

“Kakaluto mo lang?” tanong ko sa kaniya. Nilingon niya ako at agad na nilapitan.

“Bakit ka tumayo kaagad? Okay ka na ba? Hindi na ba masakit ang ulo mo?” sunod-sunod na tanong niya. Natawa naman ako sa reaksiyon niya.

“Kalmahan mo lang, Raziel Dylan,” sabi ko sabay tawa pero napipilan ako ng seryoso niya akong tinignan. “Medyo okay na ako at hindi na gaanong masakit ang ulo ko. Parang nas-suffocate kasi ako sa kwarto kaya lumabas ako,” sambit ko sa kaniya. 

“Still, you should’ve called me, para naalalayan kita,” sabi niya sa akin at hinawakan ako sa braso. Nahigit ko na naman ang paghinga ko nang dahil sa ginawa niya. Lagi na lang ganito ang reaksyon ko kapag nagdidikit ang balat namin. 

“I’m really okay, I can manage na,” sabi ko habang inaalalayan niya ako sa mesa. 

“Ininit ko ang niluto ko kanina para kapag nagising ka, mainit ulit ang kakainin mo,” sabi niya sa akin. Tatayo sana ako para kumuha ng plato at kubyertos nang maunahan niya ako. Nilapag niya sa akin ang mga iyon at inilbas rin ang pitsel ng tubig at isang baso. Umupo rin siya sa tabi ko at akmang sasandukan pa ako nang pigilan ko siya.

“Ako na, Raze, kaya ko na, don’t worry,” sabi ko sa kaniya. Mabuti naman at agad niyang ipinaubaya sa akin ang paggawa no’n. Naglagay na ako ng kanin at sinigang na niluto niya. Agad akong kumain nang maka-paglagay ng ulam at kanin sa plato. 

“Eat slowly please,” he said and filled my glass with water.

“Sorry, can’t help it, ang sarap ng luto mo, first time ah,” pang-aasar ko pa sa kaniya.

“Excuse me?” sabi nito bigla.

“Bakit? Dadaan ka?” pang-iinis ko. “Charot lang,” bawi ko nang makita ang seryoso niyang mukha.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain at nang matapos ay kinuha na niya iyon at siya na ang naghugas. Ako naman ay dumiretso na sa kwarto ulit at kumuha ng isang libro sa book shelf ko. Only a few know about my love for books. Only my adoptive parents, Raze, Lily and Kuya Steve know this.

“Drink this before you read,’ Raze entered and handed me a tablet. I popped it into my mouth as he handed me the glass of water.

“Thank you,” sabi ko at lumabas na siya pero hindi rin nagtagal ay pumasok ulit at umupo sa kama ko. Binuksan niya ang laptop na dala niya at nagsimulang mag-type.

“Work?” tanong ko habang nakatuon pa rin ang mata ko sa binabasa ko.

“Yes, I have to read and approve these proposals as soon as possible,” he answered.

“Bakit hindi ka pumasok? That’s important!” I exclaimed and closed the book that I am currently reading. 

“You are more important than these mere papers,” he said and I was taken aback. 

“O-oh,” was the only thing that I could mutter.

I continued reading the book until I felt sleepy. I placed it on the bedside table and I lifted the comforter so I could slide in. I glanced at Raze who’s now sitting at my bean bag.

“Aren’t you tired?” I asked but his attention is still on the screen of his laptop. 

“A little bit but I’m about to finish this so… yeah,” he replied. 

Tumango na lang ako sa kaniya at mabilis akong nahila ng antok. Naalimpungatan ako ng maramdaman ang paglundo ng kama sa gilid ko at inayos rin ako nito sa pagkakahiga ko. Iyon lang ang huli kong natandaan bago ako natulog ulit.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi, sinilip ko ang gilid ko at nakita si Raze na mahimbing ang tulog at hindi ko alam anong sumapi sa akin pero inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at hinawakan ang mukha niya. 

I’m really blessed that I have a friend like him. I’m thankful because he helped me a lot throughout these years. Hindi ko rin inakala na magiging ganito kami dahil sa totoo lang, akala ko magiging pansamantala lang ang pagkakaibigan namin. But I don’t know how, when and where did this feeling started to grow. Ngayon naiintindihan ko na. Kung bakit ganito na lang kabilis ang tibok ng puso ko kapag nandiyan siya at tuwing magkadikit kami. Hindi kaba o nerbyos ang nararamdaman ko at lalong hindi rin takot.

Matagal kong pinapaniwala ang sarili ko na magkaibigan lang kami at hanggang doon na lang pero hindi ko inakala na ako mismo ang babali doon. Ngayon na, napagtanto ko na hindi lang kaibigan ang tingin ko sa kaniya kun’di higit pa roon. 

“I like you, Raze,” bulong ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status