The Mirciless Son-in-law

The Mirciless Son-in-law

By:  figuresofspeech  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 ratings
28Chapters
2.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Wixon Foltajer was born with a silver spoon in his mouth. Ngunit dahil sa labanang yaman ng kanyang mga magulang at ng angkang Monato ay napunta siya sa isang mahirap na mag-asawa. Sa paglipas ng panahon ay nakilala niya ang mayamang babae na si Umica Sares at sila ay nagpakasal. Kasal man ay lage naman siyang ininsulto at minamaliit ng mayayaman nitong kamag-anak. Hanggang sa siya ay biglang nawala dahilan upang inakala ng lahat na patay na siya. Lumipas ang mga taon at muli siyang nagbalik bilang isang makapangyarihan na tao. Isang walang kinatatakutan na lider ng kanilang makapangyarihang angkan, na nagtatago sa dati niyang mahirap na buhay noon.

View More
The Mirciless Son-in-law Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
figuresofspeech
Hello po sa mga readers ko ng story na ito!!! Thank you so much po sa suporta......... Every Monday po ang update natin. Sana po ay patuloy kayong nakasubaybay. Best regards, Ka-merciless!!!...
2023-02-14 21:50:57
3
user avatar
Ssl Sodhiyah
Please po.maganda po anh story author ...
2023-01-27 22:34:15
1
default avatar
Shalom Ayat
Sana may update na po! Salamat ...
2023-01-27 22:18:58
2
user avatar
Crystal Samantha Khakharo
Ang Ganda Ng storya
2023-01-25 21:57:37
1
28 Chapters
Pagkamatay
Matapos palayasin sa mansyon ay naglakad siya sa pribadong kalsada ng pangalawang pinakamataas na subdivision sa Folmona. Paulit-ulit na itong nangyayari sa kanya subalit paulit-ulit din niyang iniintindi para sa kapakanan ng kanyang asawa. Sa ngayon ay wala siyang ibang magagawa kung hindi ang magtiis muna sa masamang ugali ng angkan nito. Inaaliw na lang niya ang sarili habang nakatingin sa naglalakihan at naggagandahang mga mansyon sa Monato subdivision. Pangarap niya noon pa man na bilhan si Umica ng mansyon. Hindi sa Monato subdivision, kung hindi sa pinakamayamang subdivision sa Folmona, ang Foltajer mountain. Doon ay nakatayo ang mga first class mansyon at nasa state of the art ang seguridad sa loob ng mga naninirahan doon. Hindi basta-basta ang halaga ng isa sa mansyon doon, kaya alam niyang hanggang panaginip at pangarap na lang muna siya ngayon. Lagi niyang sinasabi sa kanyang sarili na kung mangangarap man siya ay sasagarin na lang niya.Hawak-hawak niya ang kanyang bisikle
Read more
Pagtatagpo bilang pulubi
Mataman siyang nakatitig sa babaeng nasa screen monitor. Panay din ang hagod niya sa pisngi nito gamit ang kanyang hinlalaki.“Umica . . .” bulong niya sabay hilot sa kanyang sintido. Maraming taon na ang lumipas nang magising siya sa mula sa pagkaka-comatose. Dahil sa pinsalang natamo mahigit limang taon na ang nakalilipas ay naapektuhan ang kanyang emosyon. Mabilis mag-init ang kanyang ulo at nawawalan siya ng pasensya. Nang magising anim na buwan na ang lumipas ay pumasailalim agad siya sa isang anger management program, umiinom din ng antidepressant na gamot at dumaan sa rehabilitation ang buo niyang katawan.“Umica . . . Sh*t!” anas niya nang muling nabali ang hawak niyang pen. Pang-apat na ito ngayong araw. Kaya ay nagpasya na muna siyang magpahangin at ikalma muna ang kanyang isipan. Malayo ang kanyang tingin habang hinihithit ang mint flavor tobacco, nang bigla na lang nag-ring ang kanyang telepono.“Mom,” sabi niya at ibinaba sa ashtray ang tabacco’ng hawak.“Have you read th
Read more
Pagbabalik sa trono
Nang masigurado na niyang nakalayo na siya ay saka pa lamang siya tumigil. ’Di naman siya hinihingal sa haba ng tinakbo niya, ngunit hinihingal siya sa ’di sinasadyang pagtatagpo nila ng kanyang asawa.Kahit maraming taon na ang lumipas ay asawa pa rin niya ito. Hangga't di iyon nawawalan ng bisa ay sa kanya pa rin si Umica. ‘Your beauty is timeless, my love . . .’ Iniisip niya habang naghahanap ng maaaring kanyang matitigilan. Matapos ang ilang sandali ay tumigil na rin siya sa paglalakad at sumandal muna saglit sa isang lumang pader na nilulumot na. Dahil sa porma niyang naka-reading eyeglasses, sombrero at jacket ay ’di maipagakakailang mapagkakamalan talaga siyang masamang tao, o pulubi. Idagdag pa ang backpack niyang may punit at mumurahin. Bahagya na rin siyang umupo sa gilid upang pagpahingahin ang mga paa niya. Wala sa sariling napatingala siya sa isang lumang building. Nilulumot na rin iyon at inakyatan na ng mga vines.“Heto, kuya. Kainin mo para mas maayos kang makapag-isip.
Read more
Triad launching
Nang nakauwi si Umica ay agad na siyang pumasok sa kanyang silid. Wala siya sa mood at ’di na rin siya kinulit ng mga magulang niya. Nagpapasalamat naman siya dahil lagi siyang binibigyan ng space ng mga ito kahit ’di pa niya hilingin.Matapos ayusin ang sarili ay nahiga siyang naroon pa rin sa isipan niya ang lalaking kanyang nakita sa store. Mabilis siyang tumayo at kinuha sa aparador ang unan ni Wixon. Pinagmasdan niya iyon nang ilang minuto bago muling humiga sa kanyang kama. Niyakap niya iyon nang mahigpit hanggang sa nakatulog na siya.Kinabukasan ay nagising siyang nababahala pa rin at panay ang titig sa labas ng bintana. Mataas na ang sikat ng araw at ayaw pa rin niyang lumabas sa kanyang silid. Her thoughts wandered at walang sawang sinariwa ang mga alaala nila ng nawawala niyang asawa.“It’s been six years, Wixon . . . Nasaan ka na ba?” Malungkot ang kanyang mga mata hanggang sa nagsimula na iyong magtubig. Umica rarely cries. Simula nang mawala si Wixon ay lubos na siyang
Read more
Madame
Katatapos lang ni Wixon na maglibot sa kanilang mansyon. Nakakita siya ng ilang mga concerns ngunit ’di naman gaanong alarming. Nasira lang ang mood niya dahil sa mga namatay na kabayo ng kanyang ama. Wala ng laman ang kwadra matapos e-attemp ng ina niya noon na dalhin kasama nila ang mga kabayo, ngunit na-ambush ang sinakyan nito at namatay lahat. Papasok na sana siya sa kanyang silid nang tumunog ang cell phone niya. Agad niya itong kinuha at salubong ang mga kilay na tinanggap ang tawag.“Master Wixon. Nasa bus stop na po ang Madame.” His mood lightened nang narinig iyon. He wanted to see Umica. Pero alam niya na ’di pa iyon maaaring gawin. Kailangan muna niyang ilabas ang tinatago niyang mga plano. Hindi man lahat ngunit sapat upang makasama ito ulit.“And?” Although the news was good, yet he was still anticipating for more lalo’t wala siya sa kinaroroonan ng asawa upang siya mismo ang umalalay dito.“Na-pull out na po ang old busses na bumabyahe sa route ng Monato subdivision. T
Read more
Hinimatay; Ospital
Kalat na kalat sa buong distrito ng Folmona ang ginawang local press conference ng Foltajer group. Mas lalo pa itong naging mainit dahil nagpakilala na siyang bagong hahawak sa kapangyarihan ng mga Foltajer sa Folmona. Nakilala ng lahat ang kanyang pagbabalik, ngunit ’di ang kanyang mukha. Sa ngayon ay sobrang naging mainit ang mga pangyayari sa loob ng kanilang lugar. And to make his real identity safe, ang kanang kamay niya ang nagpakilala bilang Wixon Foltajer.“Kumusta ang imbitasyon para sa pagsali ng Sares clan sa Triad launching, Osmond?” Nakatingin siya sa labas ng kanyang opisina, sa harap ng isang bulletproof glass wall. Tanaw niya ang mga dumaraan doon, maging ang mga taong labis na nagsusumikap sa buhay. Ganoon din siya dati. Sinusubukan lumaban sa buhay upang magtulungan ang uliran niyang asawa—ngayon ay nanganganib mawala sa kanya nang tuluyan ’pag nagtagal pa ang sitwasyon.“Wala pa rin pong sagot, Master Wixon. Mukhang may gaganapin pa po na pagpupulong, ayun sa nakuha
Read more
“Bring this mess with you.”
Sa isang malaking ospital na pag-aari ng pamilyang Casas, ay naroon si Wixon at ang buo niyang pamilya. Nasa loob sila ng isang private suite kung saan ay nakahiga naman si Umica, ang kanyang asawa sa isang hospital bed. Nasa tabi siya nito at hindi nagsasawang pagmasdan ang maganda nitong mukha. Kahit nakapikit ito ay alam niyang ito’y umiiyak. Paminsan-minsan niyang pinupunasan ang luha nitong panaka-nakang naglalandas sa gilid ng mga mata nito. Ngayon ay nakahinga na rin siya nang maluwag dahil panatag at banayad na ang paghinga nito. Ramdam din niya ang titig ng kanyang ina at mga biyanan sa kanyang likuran, subalit ayaw muna niyang magbigay ng detalye hangga't ’di nagigising si Umica. Sa tuwing nagkakasalubong ang kanilang mga tingin ay nginingitian lamang siya ng mga ito. Na para bang eni-enjoy lamang ang kanyang presensya.Sa gitna ng kanilang katahimikan ay bigla iyong nabulabog nang tumunog ang handbag ng kanyang asawa. Dahil dito ay napunta ang atensyon nila sa hawak na bag
Read more
Mabitin
Makalipas ang dalawang oras matapos ang komusyon na nangyari sa loob ng silid ng kanyang asawa ay nagmulat ito ng mga mata. Ngunit panandalian lamang iyon dahil pumikit ding muli.“As I've said, Tito Pandro. Umica is perfectly fine. She needs this rest too. Ang importante ay ’di muna siya dapat ma-stress,” ani Doc. Haillie na masama pa rin ang tingin sa kanya. Pinatawag itong muli ng mga magulang niya nang gumising si Umica.“Salamat talaga, hija. Kung wala ka ay ’di ko alam kung ano ang gagawin,” wika ng Papa Pandro niya at niyakap ang asawa.“Uhm! Hija . . . Kumusta iyong bills namin? Naka-ultimatum pa rin ba?” tanong ng Mama Linda niya. Alam niyang nag-aalala ito dahil isa ang hospitalization nito noon sa nagpalaki ng utang ng kanyang asawa.“Oh . . . Mga Tita at Tito, kung sino man ang gumawa ng paraan para sa inyo ay maraming salamat sa kanya.” Kita niya ang naguguluhan na mukha ng kanyang mga magulang at tutok na tutok sa Doctora.“A-ano ang ibig mong sabihin, hija?”“The billin
Read more
A friend
Ramdam ni Wixon ang nanlalamig na mga palad ng kanyang asawa. Nasa isang latest edition luxury car sila ngayon, at papalapit na sa Casas height, isa sa pag-aari ng mga Foltajer. Isa ito sa pag-aari nila na nananatiling namamayagpag sa Folmona kahit ilang taon na ang lumipas. Isa itong five star hotel and restaurant. Tanyag na puntahan ng mga guest sa Folmona sa tuwing may malalaking pagtitipon ng mga mayayaman. Isa rin ito sa assets niya na hiniwalay sa pag-aari ng mga Foltajer, upang maiwasang madamay sa kasagsagan ng krisis noon sa kanyang pamilya. Ito ay nasa pangangalaga ni Froso at Osmond, bilang plantalya na may-ari nito hanggang sa ngayon. Basi sa kwento ng kanyang ina, ang kambal ay naiwan sa pangangalaga ng iba pa nilang mga tauhan nang namatay ang mga magulang nito noong na-ambush ang ama niya. Mula noon ay halos ibinigay na ng kambal ang buhay ng mga ito sa pamilya niya.“Ma-mahal . . . Ki-kinakabahan ako,” sabi nito na mas humigpit pa ang kapit sa kanyang braso at palad. M
Read more
Savior
“Umica, aking apo, bakit ’di mo sinabing nakalabas ka na pala mula sa Ospital? Hindi ka man lang nagpasundo sa Tito Yandro mo o ’di kaya ay sa iyong Tita Sandra. How are you feeling, hija? Baka ay masyado mong pinipwersa ang iyong sarili?” Wixon felt the urge to squeeze the old man's throat habang nakikinig sa mga pagkukunwari nito. Hawak nito ngayon ang kamay ng asawa niya. Malinaw naman niyang nakikita sa mukha ni Umica ang matinding kasiyahan. Mga ngiting may kalakip na pressure kung kanyang tawagin kahit noon pa man. He couldn't blame his wife kung bakit ganito ito. After all, his wife was raised to become a good follower sa pamilya nito. Ngunit ramdam niya sa hangin ang matinding pagkukunwari sa awra ng matandang Sares.“Lolo . . . Ayos na po ang pakiramdam ko. Pasensya na po kung ’di ako nakadalo sa last meeting sa kumpanya. Nagkaroon lamang po ako ng emergency,” anito at dahan-dahang lumingon sa likuran nito. ‘Is she going to tell them that I'm alive?’ But Umica didn't say any
Read more
DMCA.com Protection Status