Share

Driver

Kararating lang ng buong angkan ng mga Sares, maging sila ng kanyang asawa. Buong akala ng mga ito ay wala silang masasakyan. Ngunit hindi inaasahan ng mga ito na mismong si Osmond ang maghahatid sa kanila ni Umica sa main mansyon ng mga Sares sa loob mismo ng Monato subdivision. Alam niyang galit ang mga ito sa kadahilanang ang taong halos yukuan ng lahat ng mga taga Folmona ay nagmaniho lamang ng sasakyan para sa kanila ng asawa niya. Tanda pa niya sa kanyang isipan ang itsura ng mga nakakita sa pangyayari kanina na kulang na lang ay sumuka ng dugo.

Matapos ang pangyayari sa Triad launching, kung saan ay bumida nang husto ang kanyang asawa ay agad na silang dumeritso sa mansyon ng mga Sares. Sa mansyon na kahit kailan ay hindi siya naging welcome maging hanggang sa ngayon. He could still vividly feel the hostile atmosphere that is undeniably suffocating. Alam niyang kung ’di dahil sa kanyang asawa ay kanina pa siya pinakaladkad palabas ng mga guwardiya ng matandang Sares. Sa ngayon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status