"Care to tell me what you're thinking?" Napatingin si Alyssa sa nagmamanehong si Mark. "Kanina ka pa kasi tahimik." "Bakit ganun, Mark? I feel so helpless." Sabi ni Alyssa sa binata. "Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. 'Yun bang parang wala akong magawa sa mga nangyayari. Nang makita ko 'yung tatlong kidnappers kanina, akala ko magkakaroon na ng kasagutan ang mga katanungan ko. Akala ko matatapos na kung anuman ang mga nangyayari sa akin. Ayon pala, it's just the beginning. Marami pa palang mangyayari na hindi ko inaasahan." "Sweetheart..." "No. Ayaw ko mang maliitin ang sarli ko. Pero 'yun talaga ang nararamdaman ko sa ngayon." "Sweetheart..." Itinabi muna ni Mark ang kotse sa gilid ng daan saka bumaling kay Alyssa. "Sweetheart, makinig ka sa akin. Mareresolba natin ang problemang ito. Huwag mong isipin na nag-iisa ka. Nandito ako at ang pamilya mo. Hindi ka namin pababayaan." Niyakap ni Mark si Alyssa. "Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo." Napaiyak na ng tuluyan
"Hi! Yssa.""Celine." Sabi ni Alyssa nang makalapit ito sa kanilang puwesto at nakipagbeso-beso. "Kumain ka na ba?""Katatapos lang, but thanks anyway." Sagot ni Celine. "By the way, sasadyain talaga dapat kita sa condo mo kung hindi kita nakita today.""Why?""Gusto kang kunin ni Erica na magmodel ng mga bagong disenyo n'yang wedding dress.""Sure. Kailan ba kamo 'yun?""This coming month ang alam ko." Sagot ni Celine. "Hayaan mo, sasabihan ko kaagad s'ya na tawagan ka para sa iba pang detalye.""Okay.""Paniguradong matutuwa si Erica kapag nalaman n'yang pumayag ka." Masayang sabi ni Celine. "Alam mo namang idol na idol ka ng kapatid kong 'yun.""Alam ko naman 'yun. Kaya nga hindi ko s'ya bibiguin sa nais n'ya.""Talaga! Salamat, Yssa." Sabi ni Celine at niyakap si Alyssa. "Mauuna na nga rin pala ako." Kapagdaka'y nagmamadaling paalam ni Celine. "Naalala kong may kailangan pa nga pala akong gawin.""Okay. See you some other time then.""Yeah." Sabi ni Celine. "Saka alam ko namang nak
"Hindi kita masasamahan bukas." Sabi ni Mark kay Alyssa habang nasa elevator silang dalawa patungong penthouse. "It's alright." Sagot ni Alyssa. "Kasama ko naman si Jaycee."Biglang hinila ni Mark si Alyssa payakap sa kanya. Hindi iyon inaasahan ng dalaga kaya napasubsob s'ya sa dibdib nito."Where are your reflexes, sweetheart?" Bulong ni Mark kay Alyssa."Ha??" Naguguluhang sagot ni Alyssa.Natawa si Mark. "Sabi ko..." Hindi itinuloy ni Mark ang kanyang sasabihin bagkus ay hinalikan na lang n'ya si Alyssa sa labi.The kiss was gentle at first until it became deep and passionate. Alyssa wanted to resist, but her body urged her to respond. She kissed back to Mark with the same passion. "Sweetheart..." Sambit ni Mark. "We need to stop now or else..."Natauhan si Alyssa at biglang nahiya. Isinubsob n'ya ang kanyang namumulang mukha sa dibdib ni Mark. "Nakakainis ka talaga. You always tease me."Natawang muli si Mark. "Cause I find it amusing, sweetheart." Mahinang bulong nito sa dalag
Matapos makausap ni Mark si Alyssa, nagtext s'ya kay Matt upang sabihin dito na mauuna na s'yang umalis at i-send na lamang nito ang report na nakuha nila sa kanyang email.Habang binabagtas ni Mark ang corridor, biglang tumunog ang fire alarm. Nataranta at nagkagulo ang mga shoppers sa Indigo."Huwag po kayong magpanic." Kalmadong sabi ni Mark sa mga shoppers. "Dito po ang gawi patungong emergency exit. Huwag po tayong magtulakan." Itinuro ni Mark sa mga nakakasalubong n'yang shoppers ang emergency exit. Mayamayapa'y napagawi ang kanyang tingin sa VIP Section. Naalala n'yang may sariling nga palang emergency exit ang section na 'yun."Miss Torres...""Master Clyde...""Paki-assist ang mga VIPs natin sa emergency exit.""Opo, Master." At mabilis itong tumalima upang asistehan ang mga VIPs na naroroon.Umikot si Mark sa buong VIP Section upang masigurong walang maiiwang tao roon."Master Clyde..." Tawag ng mga saleslady kay Mark habang papalapit ang mga ito sa kanya."Kumusta kayo?" Ta
"Yssa...nandito na ang sundo mo." Bulong ni Celine kay Alyssa nang makita nitong pumarada ang isang itim na BMW sa harap ng shop. "Buti naman." Sagot ni Alyssa. "Kanina pa kasi ako kinakabahan nang hindi ko mawari." "Asus...saglit mo pa lang na hindi nakita si Mark nagkakaganyan ka na." Nakangiting tukso ni Celine kay Alyssa. "Hindi kaya." Pagpapaliwanag pa ni Alyssa. "Talaga lang na kinakabahan ako kanina pa." "Hey! Is that Ate Alyssa's boyfriend?" Nakikiusyoso na ring tanong ni Erica sa dalawa. "Yes, my dear sister." Mabilis na sagot ni Celine sa tanong ng kapatid. "At bagay na bagay sila ng Ate Alyssa mo. Di ba?" "Indeed, Ate." Agarang sagot ni Erica. "And I think they are a perfect match made in heaven." "I agree with you, sis." Kinikilig na sabi ni Celine."Ehemmm...naririnig ko kaya kayo." Sabi ni Alyssa sa dalawa. "Ate Alyssa..." Baling na sabi ni Erica kay Alyssa. "If he really likes you, accept him. Kasi 'yung mga ganyang klase ng guy, they are hard to find." "Alam n
"Hello, everyone." Bungad na pagbati ni Third Young Master Dave sa mga taong nasa silid ni Laura. "Nahuli ka na naman, Kuya Dave." Sagot ni Alyssa dito. "I know, and I'm sorry for that." Sabi nito. "Ang importante nakahabol ako. Nasaan na ba ang pamangkin ko?" "Narito na po siya." Sagot ng nars habang papasok ito sa silid karga ang isang sanggol. "Oh! There you are.' Excited na sabi ni Third Young Master Dave at kinuha ang sanggol mula sa nars. "Kuya Dave... baka mabitawan mo." "Brat... relaxed. Hindi ko siya mabibitawan." Sabi ni Third Young Master Dave sa kapatid. "He's right, brat." Sang-ayon naman ni Second Young Master Xander dito. "Sanay na sanay si Dave magkarga at mag-alaga ng mga bata. Noong maliit ka pa, siya ang madalas na nag-aalaga sa sa'yo." "You're right, Xander." Natatawang sabi ni First Young Master Kyle. "Natatandaan ko pa noon kung gaano kabilis patigilin ni Dave si Alyssa sa pag-iyak. Habang tayo ay hindi malaman ang gagawin." "Talaga?" Hindi makapaniwal
"You're nine weeks pregnant."Paulit-ulit sa isipan ni Celine ang sinabing iyon ni Doktora Mendoza. Ngayon pa lamang nagsi-sink in sa kanya ang mga katagang iyon matapos siyang lumabas sa clinic nito."Anak... s1orry kung nabigla ako sa pagdating1 mo." Bulong ni Celine habang hawak ang kanyang tiyan. "Masaya ako kahit hindi ko ito inaasahan. Huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan."Bumuntong-hininga muna si Celine bago niya pinaandar ang kanyang kotse. Sa kanyang condo muna siya ngayon uuwi. Nais niya kasing mapag-isa. Saka na niya sasabihin kay Erica ang kanyang kalagayan.Pagdating ni Celine sa kanyang condo ay naupo muna siya sa couch. Nakaramdam siya ng pagod at parang nais niyang matulog. Tumingin siya sa kayang wristwatch. Ayon doon ay mag-aalas tres na ng hapon. "Anak... umidlip muna tayo." Bulong ni Celine sa kanyang tiyan.Inalis ni Celine ang kanyang sandals at saka nahiga sa couch. At ilang sandali pa lamang ay nakatulog na siya.Sa mansyon ng pamilya Araneta..."Ate Z
~Mark~ "Mom, puwede po ba tuwing summer lagi na po nating gagawin ang ganito?". Tanong ng 5 year old na si Mark sa kanyang ina habang tuwang-tuwa na tumatakbo sa dalampasigan. "Oo naman, anak. I promise, cross my heart na tuwing summer lagi na natin itong gagawin. Di ba, Dad? nakangiting tugon ng kanyang ina sabay baling sa kanyang ama. "Yes, anak. Pangako namin 'yan." Sagot ng kanyang ama. Pagkatapos nang isang oras, nagyaya ang kanyang ama na mag-island hopping sila. Gamit ang kanilang yate nilibot nila ang ibat'ibang isla na malapit sa lugar na iyon. Narating nila ang Verdes Island. Isa itong maliit na isla na napapalibutan ng matatayog na puno. Ang dalampasigan nito ay sadyang nakakaakit tingnan dahil sa napakaputi nitong buhangin. Maraming wild flowers at endangered plants sa paligid. Wala kang makikitang anumang resort dito. Kaya ang isla ay masasabing isang virgin island pa. Nalibang silang mag-anak sa pag-iikot sa buong isla kaya hindi nila namalayan na tanghalian na. May