SYDAKO na lang ang naiwanang mag-isa rito sa loob ng opisina. Nasa alas tres pa lang ng hapon nang magpaalam si Yuan na aalis na. May ilang mahahalagang bagay pa raw kasi siyang aasikasuhin bago bumiyahe bukas patungong Thailand.Heto ako't parang tangang napapangiti, sa tuwing naaalala ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa. Nai-imagine ko pa rin ang paninitig niya. Ang paghaplos niya sa aking baywang at ang mainit niyang hininga na siya na ring nagmistulang hangin na nalalanghap ko, habang magkalapit kami sa isa't isa. Lahat ng iyon ay paulit-ulit na bumabalik sa aking ala-ala. Hindi ko maintindihan at hindi ko rin maipaliwanag kung ano ba ang maitatawag dito. Pero dito ako sigurado— na walang pagsidlan ang nararamdamang saya ngayon ng puso ko.Umuwi na rin ako agad nong sumapit ang alas cinco ng hapon. Katulad ng inaasahan— Wednesday, Baclaran Day, kaya dobleng traffic ang sumalubong sa akin sa daan. Halos umabot din ng dalawa't kalahating oras ang biniyahe ko pauwi sa amin.H
SYDNakasuot siya ng black long-sleeve polo, na itinupi ng hanggang siko ang manggas, itim na pantalon at black leather shoes, na pwede na yatang manalamin dahil sa sobrang kintab ng mga ito.Sa likod niya ay isang bilog na mesa na nababalutan ng puting tela. Sa magkabilaan no’n ay mayroong dalawang gold steel na upuan, na tanging sa mga catering services ko lamang nakikita. Sa ibabaw naman at mayroong nakasinding dalawang kandila, isang bote ng mamahaling red wine, wine glasses, mga kulay gintong kubyertos at puting pinggan.Tumalikod siya. Pagkaharap niya ay may bitbit na siyang malaking bouquet ng puting Stargazer!Natulala ako. Gulat at sorpresa ang nararamdaman ko sa mga sumandaling ito.Ang bilis-bilis ngayon ng tibok ng puso ko!Humakbang na siya, palapit sa akin. Unti-unti nang rumerehistro sa ilong ko ang mabango niyang amoy. “Good evening, my princess. For you...” mabini niyang sambit. Inilahad niya ang hawak na bulaklak. Mas malaki at mas bongga ito, kumpara sa ibinigay niy
SYD Destined to be mine, raw?! E’di wow! Nasobrahan naman yata sa kumpiyansa itong taong ‘to! Ni hindi nga siya sigurado kung mapapa-oo niya ‘ko, tapos, ganon na agad ang kakanain niya? “Ganyan ka ba talaga? Masyado kang advance mag-isip.” Tatawa-tawa pa ako habang sinasabi iyon sa kaniya. Samantalang siya, ni hindi man lang nagbago ang seryoso niyang mukha. Medyo nahiya tuloy ako, kaya’t nagbaba ako ng tingin. Hindi na lang din ako umimik pa. Inihilig ko ulit ang aking ulo sa malapad na dibdib ni Yuan. Muli kong naramdaman ang malalakas na tibok ng puso niya, gayun din ang mabibigat niyang paghinga. Napangiti na naman ako dahil doon. Ang sarap makulong sa kaniyang mga bisig. Iyong tipong ipinapadama ng mga ito ‘yong assurance na safe ako sa piling niya. Na wala ni sino man ang maaaring makapanakit at makaagaw sa’kin, sa kaniya. Ang natural na init na nagmula sa kaniyang katawan ay unti-unti nang nagbibigay sa akin ng kakaibang sensasyon— nakakadarang… nakakapanghina. Ngayon ko
SYDWALA naman akong balak na patagalin ang paghalik na gagawin ko sa kaniya. Ilang segundo lamang ang pinalipas ko at inilayo ko na rin agad ang mga labi ko, sa kaniya.Saka ko lang nasilayan ang hitsura ni Yuan, nang tuluyan ko nang nadistansiya ang sarili, sa kaniya. Nakatulala siya sa akin. Parang hindi makapaniwala sa nangyari.“You kissed me?” manghang saad niya. Uminit ang mukha ko sa pagkapahiya. Mali yata ang ginawa ko— maling-mali! Gusto ko mang pagalitan ang sarili, ngunit huli na— nagawa ko na. Hindi naman siguro big deal sa kaniya ‘yong ginawa ko. Ni hindi nga yata iyon matatawag na kiss, eh. Sinayad ko lang naman ‘tong nguso ko sa kaniya. Ano ba naman ‘yon, kumpara sa mga naranasan niya?Mula sa pagkakaumang ng bibig, unti-unting nabuo ang maganda niyang ngiting umabot na yata hanggang tainga.Alanganin kong ginantihan ang kaniyang ngiti. Iniyuko ko ang aking ulo sapagkat hindi ko matagalan ang mga tingin niya.Pero ang mas ikinaloka ko ay ang mga sumunod pang sinabi ni
SYD Nandito na kami sa labas at nakatayo sa tapat ng kotse ni Yuan. Sumulyap ako sa amin, upang alamin kung walang nakasilip sa kahit na isang miyembro ng pamilya ko. Nang masigurong wala nga, ibinalik kong muli ang matalim at nagbabaga kong tingin sa kaniya, sabay unday nang malakas na suntok sa kaniyang sikmura. “Argh! Babe! Ang sakit! What was that for?” gulat na reklamo niya, habang hinihimas ang bahaging sinuntok ko. “Talagang masasaktan ka sa’king, baliw ka!” sabay umbag ulit sa kaniya. Dito ko planong ituloy ang extension ng gigil ko sa kaniya. “Ouch! Nakadalawa ka na, ha!” Halatang iniinda na ni Yuan ang ginawa ko, dahil nakangiwi na ngayon ang mukha niya. “Akala mo nakalimutan ko na ‘yong ginawa mo, ha! Para ‘yan sa panghihipo mo sa’king, maniyak ka!” “Pero nasampal mo na ‘ko kanina, ‘di ba?! Tingnan mo nga ‘tong pisngi ko, oh, may bakat pa ng kamay mo,” nakangusong maktol niya. Aba’t nagawa pa talagang magpa-cute ng mokong. Akala niya naman, uubra ‘yon. “Kulang pa ‘y
SYD Pinag-isipan kong mabuti ang ipinakiusap niya sa akin noong gabing ‘yon. Ngunit, hindi ko talaga alam, kung bakit sa kabila ng mga ipinagtapat ni Yuan ay hindi ko pa rin talaga magawang maniwala sa kaniya— para kasing may pumipigil, na hindi ko mawari kung ano. Kaya ang ending, sasakyan ko na lang muna, sa ngayon, kung ano man ang trip ng lalaking ‘yon. May bakas nga nang panghihinayang sa mukha ni mama, no’ng sabihin ko sa kanila na hindi ko pa naman talaga officially sinagot si Yuan. Boto pa naman sana silang lahat sa kaniya. Sino ba naman kasi’ng hindi, ‘di ba? Oo nga’t nasa kaniya na ang lahat ng mga magagandang katangian na hinahanap ng isang babae, sa lalaki. Isa siyang perfect boyfriend material— matalino, guwapo, perpektong hubog ng katawan na talaga namang kababaliwan ng mga kabaklaan at kababaihan. Higit sa lahat, mayaman. Plus points pa na may respeto sa mga nakatatanda at mapagkawang-gawa sa mga nangangailangan. Ngunit, sapat na ba ang mga katangian niyang ‘yon pa
SYD Tinalikuran ako ni Miss Roxanne, nang hindi nawawala ang pagkakangiti sa kaniyang mga labi. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa may pinto, nang bigla namang bumukas iyon. Iniluwa nang malapad na pintuan ang fresh na fresh na si Sir Resty. Katulad ni Yuan, talaga namang wala ring maipipintas sa isang ito, pagdating sa kaguwapuhan. “Oh! Nandito na pala ang mga naggagandahang dilag ng AGC, eh! Good morning! Good morning, ladies!” masiglang biro niya sa amin. Naki-ride on naman si Miss Roxanne sa pang-uuto niya. “Naks! ‘Yan talaga ang gusto ko sa’yo, Sir Resty, eh! Hindi ka marunong magsinungaling! Kaya lab lab kita, eh!” “Of course! Ako pa ba? You know me well, Miss Roxy!” nagmamalaking saad niya, sabay kindat. Parehas silang bumunghalit ng tawa. Ilang pagkukulitan pa ang ginawa ng dalawa, bago ako nagawang balingan ni Sir Resty. “Nice! Pumapag-ibig na talaga ang pinsan ko, ah!” Lalong lumapad ang pagkakangiti nito, pagkakita sa kumpol ng bulaklak na bitbit ko.
NILASAP ko ang lamig ng tubig na inihilamos ko, sa aking mukha. Medyo nawala ang amats ko at nakaramdam ng kaginhawahan, dahil sa ginawa kong iyon. Hinayaan ko lang umagos at kusang matuyo ang mga butil-butil na tubig, na nagkalat sa aking balat. Mariin kong nakagat ang ibabang labi, nang maalalang muli ang imahe ni Yuan, habang may nakayapos na babae sa kaniya. Suminghap ako, habang maiging pinagmamasdan ang repleksyon ko, sa malapad na salamin, na nasa harapan ko. Sinipat ko ang kabuuan ko. Sa buong buhay ko, mukhang ngayon lang yata ako nakaramdam ng insecurity sa sarili. Aaminin ko, na walang wala itong hitsura at porma ko, kung ikukumpara sa mala-modelong tindig ng kasama niya. Ayokong lamunin ng negativity, na unti-unti nang nabubuo sa utak ko. Ayokong mag-over think. Ayoko siyang pagdudahan, lalung lalo na, ang pag-isipan siya ng kung anu-ano. Hindi ako dapat magpadala, sa bugso ng damdamin. Ang babaw naman kasi, kung pagbabasehan ko lang ang naka-upload na photo na ‘yon.