Share

Chapter 9.1

ELIJAH'S POV

Sabado na naman. At wala si nanay at kapatid ko. May pinuntahan kasi e. Wala naman akong magawa pagkatapos ko mag-almusal, kaya nilinis ko nalang ang buong bahay namin. Para naman hindi magalit si nanay sa 'kin, hehe.

Alas dyis na malapit na mag-tanghalian. Anong oras kaya uuwi sina nanay? At, ano naman kayang ulam ang mailuluto ko? Hay, naku. Hirap mag-isip. Nilinis ko muna ang cr namin. Ito naman kadalasan nag inuuna ko kapag naglilinis ako ng bahay. Binuhusan ko ng tubig at winalis-walisan ko ang sahig para naman matagtag ang dumi. Pagkatapos, binuhusan ko ng downy para nman bumango. Hindi naman ganun kaganda ang cr namin pero ang utos ni nanay dapat pa rin daw malinis ang cr.

Sunod naman ang sala. Maliit lang naman ang sala namin e. May tv din kami. Isang sofa, maliit na lamesa sa harap ng sofa at tig-isang upuan sa magkabilang gilid ng lamesa at sa harao ang tv. Tamang walis walis lang ako at pinupunasan ang mga pictures namin na nakasabit lang sa dingding. Pagkatapos ko sa sala, sinunod ko ang dalawang kwarto namin. Hindi naman ako nahirapan linisin dahil malinis naman talaga ang kwarto namin kaya wanalisan ko lang 'to para matagtag ang alikabok, kung meron man. At, nagluto ng tanghalian para kina mama at sa kapatid ko.

Simple lang naman ang bahay namin. Kahit first floor lang, may sala naman, at dalawang kwarto na sakto lang sa amin nina nanay ang laki. Ito pa lang kasi ang napapatayo ni papa. Dito nagkasya ang ipon nila ni mama noon. Buti nga nakapag-aral ako sa pangarap kong school sa De LaSalle, dahil sa pagsusumikap nina nanay at tatay. Hindi naman namin hiniling magkapatid na magkaroon ng magandang bahay katulad ng mga nakikita namin sa palabas sa tv at dito sa lugar namin sa Cavite. Gusto lang namin ang simpleng buhay pero masaya at buo kahit nasa ibang bansa si papa.

Nakangiti akong nagpapahinga sa sofa namin habang naka harap sa electricfan. Wala naman na akong gagawin. Saan naman kaya pwedeng tumambay? Sa kakaisip ko. Bigla nalang pumasok sa isip ko si Carlisle. Tama, doon nalang muna ako. Tapos na din naman akong maluto ag maglinis ng bahay kaya tinawagan ko di Carlisle.

"Hello," sagot niya sa tawag ko.

Napangiti naman kaagad ako. "Wala naman, gurl. Kamusta ka? I mis s you. Busy kaba? Ako lang mag-isa dito sa bahay e, wala si nanay. May inasikaso sa pala-pala. Kasama niya kapatid ko. Boring nga e. Btw, goodmorning!"

"Sige. Punta kana lang dito now. Tapos, papuntahin ko din sina Aya. I'll buy some foods and drinks. Then, let's bond. Is that okay?" Sagot niya. Galante din talaga nitong kaibigan ko, e . Sweet pa.

Napatalon kaagad ako sa tuwa dahil pumayag siya. "Sige! Magpapalit na 'ko. 'Wag mo na ako sunduin ako nalang pupunta dyan, wait for me huh? Thankyou bestfriend! Boring lang talaga dito e."

"I'll change some clothes. Your welcome. Take your time. Bye." Sagot niya at binaba na ang tawag.

Pagkatapos namin mag-usap ni Carlisle, naligo na kaagad. Tapos na din naman ako magluto at maglinis ng bahay. Hindi naman magagalit si Nanay kung umalis ako e, basta mag paalam lang ako o mag-iwan ng note at idikit sa ref.

Pagkatapos ko maligo nagbihis na kaagad ako. Pinili ko nalang damit ay isang pants at puting t-shirt tapos sandals ko. Okay na din 'to, mukhang bagay naman e. Niladlad ko nalang ang buhok ko medyo lampas din sa balikat ko parang yung kay Carlisle. Hindi ko na sinuot ang salamin ko dahil hindi ko naman kailangan at walang klase. Minsan kasi nanlalabo ang mata ko kaya binilhan ako ni nanay ng salamin.

Nagsulat kaagad ako sa note at dinikit ko sa ref namin. Para alam ni Nanay na umalis ako. Sinarado ko kaagad ang pintuan at lumabad na ako.

Hindi naman ako nahirapan mag-abang ng jeep dahil may tumigil din sa harapan ko. Sumakay kaagad ako at nagbayad.

"Manong, sa WinWard nga po sa tapat lang. Isa po." Sabi ko sa driver at inabot ang bayad.

Ilang minuto lang nakarating naman kaagad ako. Sa Main ako ng highschool ng dasmarinas bumaba. Hinintay ko magdaanan ang ibang sasakyan bago ako tumawid. Pumasok kaagad ako sa pinaka gate ng WinWard.

"Malayo pa siguro yung kina Carlisle dito. Ilang minuto pa siguro ang lalakarin ko." Sabi ko sa sarili ko at patuloy na naglakad.

Sabi ko na nga ba't ilang minuto din ang ilalakad ko. Nakarating naman ako ng matiwasay sa bahay ni Carlisle dito. Malaki din pala ang binili niyang bahay dito sa WinWard. Second floor siya. Sino kaya ang kasama niya dito? Mag-isa lang kaya  siya?

Nag-doorbell ako dahil hindi sumasagot si Carlisle sa tawag ko. Siraulo talagang babae yun. Naiirita na ako dito sa kinatatayuan ko dahil  nakailang doorbell na ako ay wala pa ring lumalabas na tao para pag-buksan ako ng gate. Wala na akong nagawa kundi gawin ang kanina ko pang iniisip. Pumasok ako sa loob ng bakuran niya, baka kasi nakatulog lang si Carlisle kahihintay sa akin.

Nasa sala na nila ako pero wala akong makitang tao. Ilang beses kong tinawag ang pangalan ni Carlisle dahil baka sakaling nakatulog lang siya sa itaas.

"Carlisle! Andito na ako!" Sigaw ko habang tinatawag ang pangalan niya.

Nakailang tawag ulit ako pero wala pa din. Wala naman akong nagawa kundi maupo nalang sa sofa at tawagan siya, pero ring lang ng ring ang cellphone niya. Nainip na ako kaya tumayo muna ako at tinignan yung mga pictures na nakapatong sa maliit na cabinet.

Ang ganda ni Carlisle nung bata at hanggang ngayon na dalaga na siya. Tinignan ko pa yung ibang pictures. Andun yung pictures ng mama at papa niya at ibapa niyang pictures. Na grumaduate siya ng elementary at highschool.

Tinignan ko pa yung iba. At napahinto ako sa isang picture na nakita ko. Isang picture ng batang lalaki at binata. Kilala ko ang lalaking nasa picture. Kapatid ni Carlisle, si.... si Clint.

Napangiti ako dahil sa itsura niya. Hindi ko maiwasan na hindi siya pagmasdan ng matagal.

"Ang cute at ang gwapo mo talaga, Clint." Bulong ko sa sarili ko habang hawak hawak ang litrato.

Hindi ko sinasadya na maihulog yung litrato na hawak dahil sa pamilyar na boses na narinig ko mula sa aking likuran. Halo halo na ang nararamdaman ko, lalo na ang kaba.

"What are you doing?" Tanong ni Clint.

Napapikit ako dahil sa sobrang kaba. Ramdam ko na pinagpapawisan na ako, pero kinalma ko ang sarili ko. Kaya mo yan, Eli. Dahan-dahan akong humarap sa kan'ya.

"W-wala. Tinitignan ko langyung mga pictures. Pasensya na, hinihintay kasi ako ni Carlisle dito. Kanina pa ako nagdo doorbell pero walang nalabas, e. Kaya pumasok na ako. Sorr--," Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang bumakas ang pinto.

"Hoy, ano yan ha!?" Sigaw na tanong ni Arya, nakapamewang pa siya. Patay talaga.

"Wala. Nahulog lang yung pictures. Kainis ka, Carlisle. Kanina pa ako nandito ang tagal mo!" Irita kong sabi sa kan'ya.

Pumunta siya sa dining area at nilapag dun yung mga pinamili niyang pagkain na kakainin namin. Ang dami naman.

"Sorry na. Namili pa ako, e. Tsaka, sinundo ko 'tong kambal hehe," nakangiti pa siya.

Lalo tuloy akong nairita dahil hindi lang siya ang tumatawa pati ang kambal. Kainis naman, oh.

Tinignan ko si Clint kanina seryoso siya. Pero, ngayon nakangiti na siya sa akin na para bang nang-aasar. Baliw ba 'to? Hindi ko alam kung ano ang naisip ko at tinaasan ko lang siya ng kilay.

Iniwan ko siya sa sala at pinuntahan sina Carlisle sa dining area. Nagtatawanan sila doon, pero tumigil din ng dumating ako. Mga abnormal din, e. Sabay-sabay kaming kumain ng tanghalian dahil pare-parehas lang kaming mga gutom.

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa pamilya, mga nakaraan, at yung magiging resulta ng exam namin.

Dumating ang hapon kaya nanonood nalang kami ng movie sa sala. Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin kay Clint. Sino ba naman ang hindi magkaka-crush dito. Kahit lagi siyang seryoso, may side din naman siya na mabait at caring. Hays, Eli. Napaiwas kaagad ako ng tingin dahil napatingin din siya sa akin. Nginitian niya ako pero umiwas nalang ako ng tingin at pasimpleng ngumiti.

Hindi ko pa nararamdaman ang ganito na magkagusto sa isang tao. Pero, dito kay Clint. Hindi ko maintindihan at nagustuhan ko nalang siya agad agad. Malabo man na magustuhan niya ako ng pabalik , pero ako patuloy mo pa rin siyang gusgustuhin kahit hanggang sikreto nalang. Pero, kung may pagkakataon na magustuhan at mahalin niya din ako. Hindi ako magsisisi na mahalin din siya ng sobra-sobra. Kahit masaktan pa ako sa huli.

____________________________________

____________________________________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status