"Sir, ngayong araw gagawin ang physical test ng bagong mga niña," imporma ni Barnald sa boss na nakatayo sa harap ng tinted glass wall sa opisina nito, nakatanaw si Luca sa stage sa ibaba.
"Kasama ba si Carnation?"
"Yes, sir. Pumirma siya ng kontrata kahapon at opisyal na siyang niña ng Casa de Lujuria," sagot naman ni Barnald sa boss na nakatalikod pa rin sa kanya.
Nakasusuyang ngumisi si Luca dahil sa narinig. "And here I thought she'd turn down the offer. After all, a woman is still a woman," komento niya. Hindi nagsalita si Barnald. Noon pa man alam na niyang malaki ang galit ng boss niya sa mga babae. Wala siyang alam sa nakaraan nito, ngunit nakasisiguro siyang hindi magtatanim ng galit ang boss niya sa mga babae kung hindi ito nasaktan ng isang Eva noon.
"Tumawag nga pala ang kapatid niyo, sir. He offered to participate in our new recruits' physical tests." Sumimsim si Luca ng rum mula sa hawak na baso. Hinarap niya ang assistant at pinagkibit-
Sa saliw ng musikang sway ni Rosemary Clooney—remix version. Parang mga sawa na lumingkis sa pole ng stage ng Casa de Lujuria ang tatlong strip dancer. Kagulat gulat ang lakas ng bisig ng tatlong babae, hindi sila bumabagsak sa sahig kahit pa anong posisyon ang gawin nila. Para bang naging kaisa na nila ang madulas at malamig na pole. Nag-iwas ng tingin sa stage si Carnation nang sa isang swabeng kilos ay wala ng suot na pang-itaas na damit ang babaeng nasa gitna. Erotiko itong gumiling at lumingkis sa pole. Naghiyawan ang mga lalaki sa lounge area ng main floor, tila mga leon sa gubat ang mga ito na nakakita ng masarap na pagkain at takam na takam iyong matikman. Isang malalim na pagsinghap ang ginawa ni Carnation bago tinalikuran ang stage at tinungo ang bar counter sa dulo ng hall, sa kanang bahagi ng twin imperial staircase kung manggagaling sa stage. Isang linggo mula noong araw ng physical test, sa main floor ng Casa de Lujuria agad siya nagtrabaho. Ang
"Kumusta naman ang bagong part time job mo?" Nahinto sa pagbabalat ng mansanas si Carnation dahil sa tanong na iyon ng madrasta. Nilingon niya ito at nginitian. Rest day niya ngayon at naisip niyang tulungan ang madrasta sa pag-aalaga ng daddy niya. "Ayos naman po," tipid niyang sagot dito, iniiwasan na makapagsalita ng 'di dapat. Mahirap na, baka iba ang masabi niya at pagdudahan siya ng madrasta. Hindi puwedeng malaman ng pamilya niya ang totoong nature ng trabaho niya. "Eh… ang mga kasamahan mo sa hotel? 'Di ka ba nila kinakawawa doon?" Lumapad ang ngiti sa labi ni Carnation. Ibinalik niya ang atensyon sa pagbabalat ng mansanas at nagsalita, "Wala naman po akong na encounter na ganyan, tita. Sa tingin ko naman hindi gano'n ang mga tao sa hotel." Totoo naman, mababait ang mga tao sa hotel, sa ngayon. Hindi pa kasi niya kilala ang lahat at hindi pa niya nakakasalamuha ang ibang mga niña. "Mabuti naman kung gano'n." Pagkatapos balatan at hiwai
"How's your night, dolt? Mukhang naka-score ka ah? Bagong ligo, eh!" tukso agad ni Primus nang pumasok sa opisina niya ang kaibigan nilang si Wregan. Nilingon ito ni Luca. Bagong ligo nga ito tulad ng sinabi ni Primus. 'Did this f*cktard ravish her already?' tiim bagang na tanong ni Luca sa isipan. Tch! Bigla ay nakaramdam siya ng pagka-asiwa. Yet, Luca managed to ignore his feelings. Ano man ang nangyari sa dalawa wala siyang pakialam. They aren't his business after all. Dapat pa nga siyang matuwa dahil kumikita ang Casa de Lujuria. "I'm feeling good dolt," nakangising sagot ni Wregan kay Primus. Naupo ito sa tabi niya, nagsalin ng alak sa sariling baso at inisang lagok iyon. "Ahuh? So why are you here? Not satisfied with your virgin flavor of the month?" tukso pa rin ni Primus na lalong nagpa-inis sa kanya. Wregan is playing with his niña again and this time, si Carnation ang napili nitong paglaruan. Gawain na talaga ito ng kaibi
"I will pay for the damage. I'm even willing to double the price, if you tell me who was the girl who hit me that night. I need to know her." Tumaas ang isang kilay ni Luca. This old man— Sandoval, is too desperate to get her. He calls him from time to time. Interesado itong mabili sa kanya si Carnation. "Mr. Sandoval, I can't do that. Labag sa patakaran ng nightclub ang hinihingi mong pabor. In fact, hindi ko ipinagbibili ang niña ko. Pagbibigay aliw ang negosyo ko Mr. Sandoval, hindi human trafficking," mariing pagtutol ni Luca. Alam na nito na siya si Mr. Lust kaya ganito na lang kakulit ang matanda. Wala na itong pakialam sa pagiging VIP member, pero nalipat naman ang interes nito kay Carnation. Gusto raw nitong bilhin ang niñang nang pampas dito ng bote sa ulo. "No. Alam kong kaya mo siyang ibigay sa akin Mr. Lust. I want to have her. Gigil na gigil ako sa ginawa niya sa akin." Napailing siya sa sinabi ng matanda—f*ck! Ang kulet talaga! "Mr. Sandoval, hi
Hindi napigilan ni Carnation ang pag-alpas ng mahinang tawa. 'Di niya alam na may cute side pala itong supladong assistant ni Mr. Lust, Barnald is cute when he's annoyed, nagiging sparkly ang mata nito at nagpa-pout ang lips. "What's funny?" Bumaling sa kanya ang binata. "Are you making fun of me?" suplado nitong tanong ang tingin ay nasa daan lang. Napa-iling si Carnation at inismiran ito. "Can you please stop doing that?" saway nito sa kanya. "Doing what?" "Stop acting cute, will you?" Marahas niyang pinaling ang ulo upang harapin ang binata. "Hoy, ikaw! Hindi ako nagpapa-cute!" "Eh, ano 'yang ginagawa mo? Ngayon-ngayon lang. . . ayan, nagpa-cute ka sa 'kin!" akusa muli nito. Nanlaki ang mata ni Carnation sa paratang nito. "Ang kapal naman talaga ng mukha mo Barnald! Hindi nga kasi! Kung magpapa-cute man ako, 'di sayo. . . kay Wregan siguro p'wede pa," bulong ni Carnation sa huling linya
Komportableng nakaupo sa kanyang swivel chair, hinarap ni Luca ang kanyang bisita. Ang sabi ni Barnald, tatlong araw ng pabalik-balik sa opisina niya si Mr. Sandoval, hindi lang sila nagpang-abot ng matanda dahil nagtatago siya at may iniiwasan na makita. Para siyang multo, lulubog, lilitaw sa sariling nightclub. “Sinadya talaga kitang puntahan dito Mr. Lust, hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa 'yo. Ilang araw na akong pabalik-balik dito sa Casa de Lujuria upang kausapin ka." “Sa natatandaan ko Mr. Sandoval malinaw ang pagtatapos ng huli nating pag-uusap. Walang dahilan para mag-usap tayo," malamig na tugon ni Luca. Bumaba ang tingin niya sa briefcase na inilatag ni Mr. Sandoval sa ibabaw ng kanyang solid wood office table. Tumaas ang isang kilay niya nang buksan nito ang briefcase at tumambad ang napakaraming pera na laman n'yon. “What’s this?” Luca chuckled. “Sinusuholan mo ba ako Mr. Sandoval?” natatawang paratang niya sa matanda, hindi naman nito itina
Napalingon ang lahat sa pinto ng conference room nang bumukas iyon. Magkasunod na pumasok ng silid sina; Wregan, Primus at Gludox, ang triad ng Underground Society at founder ng Seven Sins Association—ang kinabibilangang samahan ni Luca. Ang SSA ay isa lamang sa mga asosasyon sa ilalim ng Underground Society. Ang triad, si Luca at iba niyang kaibigan ang pitong orihinal na miyembro ng samahan. Itinatag nila ang samahan sa layunin na palawakin pa ang koneksyon at kapangyarihan ng Triad, higit sa lahat ni Wregan. Marami ng miyembro ang samahan, at kabilang sa bagong kasapi ng SSA ang nakababatang kapatid ni Luca, si Farkas. "Sa tuwing may pagpupulong, kayong tatlo na lang palagi ang huling dumarating," puna ni Dean Leath. Ang ama ni Wregan at kasalukuyang Underground Society king.
Nagmamadaling lumabas ng opisina niya si Luca nang marinig ang report ni Barnald, nanggugulo na naman daw sa Casa de Lujuria si Mr. Sandoval. Hindi talaga matinag ang matandang iyon, ngayon pa lang nanggigigil na siyang sapakin ito sa mukha. Pagdating ni Luca ng main floor nagkakagulo pa rin ang mga staff at guests. Hindi niya tuloy makita ang nagaganap sa unahan niya dahil sa kumpulan ng mga tao sa harap. “What is happening here?” tanong niya sa matigas na boses. Gumilid agad ang mga tao nang makita siya at makilala. “Isa po sa mga guest ang nanggugulo sir, may niña siyang kinaladkad palabas. Mabuti na lang at nakita ng bartender natin at hindi natuloy ang pagkuha sa babae.” Pumitik agad ang kaba sa dibdib ni Luca nang marinig ang paliwanag ng staff, isa sa mga niña niya ang sapilitang kinaladkad palabas ng casa. That mustn't be her! Hindi natapos ng staff ang pagkukwento nang iwan niya ito upang makita ang nagaganap sa unahan. Labis siyang nagulat nang maki