“I really like this place. Ilang taon na ang bahay na ito?” tanong niya at ginala ang tingin sa buong cave house. Kababalik lang nila ni Luca ng Pilipinas after ng honeymoon nila sa Istanbul at Georgia, at dito agad sila dumeretso sa cave house nito sa Cagayan Valley.
“7 years? Pinagawa ko ito pagkatapos kong ipatayo ang bahay ko sa Luzon. You want wine?” Tumango siya bilang tugon sa tanong nito. Nasa kusina ito at siya naman ay nasa sala pinagmamasdan ang mga painting sa wall. Ang sabi sa kanya ng asawa nabili nito ang mga painting sa isang underground auction.
“Matagal na rin pala,” komento niya at hinarap ang pinaka malaking larawan. Bigla niyang naalala doon nga pala nakatago sa likod ng larawan ang tank ng isa sa mga alagang ahas ni Luca. Gamit ang buong tapang, lumapit siya sa painting at pinindot ang buton doon para makita ang cage.
“Sino ang nag-aalaga sa kanya noong nasa New York ka?” tanong niya pag
Carnation’s POV “Sigurado ka?” tanong ni Samantha nang tanggihan ko ang offer niyang ihatid ako sa sakayan ng bus. “Hindi na, dadaan pa kasi ako ng library. Kailangan kong manghiram ng books report ko kasi sa Friday,” paliwanag ko at ngumiti sa kanya. Sumimangot ito at napilitan na tumango. “Sige, basta bukas ihahatid ka namin sa inyo, okay? Ingat ka sa daan ah? Alam mo naman ang panahon ngayon maraming manyak!” Tumango ako at kumaway sa kanya. Pumasok naman ito sa service niya bago kumaway sa akin sa bintana. Bumalik ako sa building ng school para magtungo sa library. Totoong may report ako sa Friday at kailangan ko ng materials na magagamit. Saglit lang naman ako sa library, nanghiram lang ako ng books pagkatapos ay umuwi din. “Uulan pa yata…,” sabi ko sa sarili at tumingala sa langit. Sana naman hindi tumuloy ang ulan at wala akong dalang payong. Huminga ako ng malalim bago matulin na tumakbo patungo sa gate 2 ng school, mas malapit kasi sa bus stop kung doon ako dadaan. Hi
Sloan’s POV "This is Wregan Leath and Gludox Portoni, my fuck'n bestfriends. Sila 'yong sinasabi ko sa iyong malupit sa chicks!" I examined the two gorgeous men Primus introduced to me. Una kong napansin ang halos perpektong mukha ng lalaking tinawag niyang Wregan. Tulad ko, matangkad ang ito pero sigurado akong mas mataas ako sa kanya ng ilang sentimetro. Meron itong mata na parang sa fox at tigre, mabangis, matalim at tila maraming tinatago ngunit mukha din naman puno ng kasiyahan kung kumislap ang mata nito. Matangos ang ilong niya may maliit na nunal sa ibabang dulo. Hindi na ako magtataka kung totoo man na malupit ito pagdating sa mga babae. Halata sa datingan… Sunod ko namang na sinuri ang lalaking tinawag ni Primus na Gludox. Hindi tulad namin ni Wregan, may kaliitan ang tangkad ng lalaki pero mas maliit pa rin tingnan si Primus dito. Napakaputi ng balat nito na tinalo pa yata si snow white sa kaputian. Mukha naman itong pusa, cute pero hindi katiwa-tiwala. Yung tipo ng cute
Napalunok nang malaki si Carnation nang makita ang papel na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nanginginig ang kamay na kinuha niya ‘yon at tinanggap ang ballpen na inilahad ni Mist. "Sigurado ka na ba dito?" Nakagat ni Carnation ang ibabang labi at tinitigan ang hawak na papel. "Sa sandaling lagdaan mo ang kasunduan, hindi ka na pwedeng umurong." Hindi siya nakatugon kaya nagsalita muli si Mist. "Pag-isipan mo nang mabuti.” Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Hindi marangal ang trabaho na gusto niyang pasukin, pero wala siyang choice. 'Di sapat ang kinikita niya upang tustusan ang pagpapagamot ng ama, pambayad ng mga utang nila at panustos sa pamilya. "Pwede ka pang umatras," alok ni Mist sa kanya. Sunod-sunod na umiling si Carnation. "Hindi po. Buo na ang pasya ko," matatag na sagot niya. "Gipit na gipit na talaga?" Malungkot s'yang ngumiti at tinanguan ang kaharap. Nang sumailim sa mahabang gamutan sa sakit na lymphoma ang Daddy ni Carnation. Nalubog sila sa u
"Kulang 'to," sabi ng step-mother ni Carnation na inilahad ang Five Thousand Pesos. Si Leonora ang second wife ni Clementine, ang Daddy ni Carnation. Nagpakasal ang mga ito dalawang taon pagkatapos mamatay ng Mommy niya—inatake sa puso ang kawawang ginang. Nahihiyang tumungo si Carnation, 'di magawang salubungin ang tingin ng madrasta. "Wala na po akong pera…tita. Iyan na lahat ang sahod ko mula sa part-time sa convenience store at gasoline station." Gustuhin man niyang magbigay ng malaking halaga, limang libo lang ang meron siya. "Alam ko naman na ginagawa mo ang lahat para kumita, pero kulang talaga Carnation. Sa gamot pa lang ng Daddy mo, hindi na kasya ang limang libo." Hindi nagsalita si Carnation at nanatiling nakatungo. Hindi niya magawang mangatwiran sa madrasta dahil totoo ang sinabi nito sa kanya. Kulang na kulang ang kinikita niya. Ngunit, ano ang magagawa niya? Hindi siya makakuha nang malaking trabaho dahil kulang siya sa experience at wala siyang mataas na edukasyon.
"Good afternoon Sir," bati ng bawat empleyado na nadadaanan ni Luca. Tango lang ang tugon niya at tuloy-tuloy na naglakad. “Barnald, kumusta ang paghahanap ninyo ng mga bagong Niña?” tanong ni Luca sa apatnapu't tatlong taong gulang na assistant. Patungo sila ngayon ng office niya sa 3rd floor ng Casa de Lujuria. “Meron tayong dalawang aplikante na nakuha, sir. Isasalang sila sa physical test ngayong darating na linggo,” magalang na sagot naman ni Barnald sa boss. “Hindi ba’t minimum of 3 applicants ang sinabi kong puwedeng isalang sa physical test?” kunot ang noo na tanong niya sa assistant. “Yes, sir.” “So, bakit dalawa lang? 'Wag kayong magsagawa ng physical test nang dalawa lang ang aplikante. Aksaya sa oras!" “Pipilitin kong makahanap ng pangatlong aplikante, Sir.” Tinanguan niya ang assistant at nanguna nang lumabas ng elevator. Pag-aari ni Luca ang Casa de Lujuria, isang exclusive nightclub sa loob ng SSL Hotel—Seven Sins Luxury Hotel—na partnership business niya at ng k
"Bumisita ka para malaman mo." Tinitigan ni Carnation ang invitation card, itim ito at may design na dahon na kulay itim at ginto sa kanang bahagi. Sa harap nakasulat sa malaking letra ang pangalan ng nightclub; sa ibaba naman ay quote na nakasulat sa mas maliit na letra. 'A place where your hidden desire unleash, like a pleasure in paradise' "We're here," imporma ng driver. Napalingon si Carnation sa labas ng bintana. "Dito na nga po tayo, hindi ko napansin." Hinarap niya si Mr. Lust at nagpasalamat, "Maraming salamat sa libreng sakay, Sir." "No problem, iha. Masaya akong nakatulong sa 'yo. Magkita na lang tayo sa susunod kung sakaling tanggapin mo ang inaalok kong trabaho." Ngumiti siya dito. "Pag-isipan ko po…." "Mag-ingat ka." Sukbit ang bag, bumaba siya nang sasakyan. Kumaway si Carnation sa mga nagmagandang loob bago tuluyang naglakad papasok ng ospital. Tumila na ang ulan, may kulay bughaw na sa langit tanda na ilang oras na lang sisikat na ang araw—wala na naman siyan
Huminga ng malalim si Carnation bago pumasok ng Seven Sins Luxurious Hotel. Narito siya upang tanggapin ang alok na trabaho ni Mr. Lust. "Good afternoon," bati niya sa receptionist. "Good afternoon Ma'am, how may I help you?" "Ahm…magtatanong lang. Saan ba ang papuntang Casa de Lujuria?" Malaki kasi ang hotel at duda siyang mahahanap niya agad ang pasilidad ng siya lang. "May invitation pass ba kayo Ma'am?" "Meron! Ito." Pinakita ni Carnation ang hawak na invitation card. Nginitian siya ng receptionist, nagpaalam ito na may tatawagan lang sa service phone. Pagkatapos ay pinaupo siya nito sa lounge area, ang sabi ay may susundo raw sa kanya sa lobby. Maya-maya, isang maganda at matangkad na babae ang lumapit kay Carnation, napatayo agad siya. "Hi!" bati niya sa babae at nginitian ito. Tulad ng driver ni Mr. Lust, mukhang may dugong banyaga ang babae. "Ikaw si Carnation?" Tumango siya't ngumiti sa babae. "Ako si Mist, itinalaga ako ni Mr. Lust para i-tour ka sa Casa de Lujuria."
"Welcome to Casa de Lujuria—a place where your hidden desire unleash, like a pleasure in paradise," sabi ni Mist nang may ngiti sa labi. Excited na tumakbo si Carnation patungo sa dulo ng platform, humawak siya railings at namamangha na nilibot ang paningin sa napakalaking bulwagan. Ito na yata ang pinaka malaking hall na nakita niya! Hindi niya lubos akalain napakalaking lugar pala ng Casa de Lujuria. Mula sa kinatatayuan, sumilip si Carnation sa ibaba ng platform at nakita niya ang LED DJ booth na nasa pagitan ng kambal na grand staircase; naglalaro naman ang kulay nito sa pink, light blue at black. Sa dulo ng hall naroon ang rectangular stage na may dalawang bilogang stage na nakadikit sa magkabilang dulo. Sa gitna ng mga bilogang stage ay may poles. Sa ibaba ng stage, nagkalat ang puting lounges at lumen LED tables. "Obviously, that's the stage," imporma ni Mist at tinuro ang direksyon ng stage. "Ang mga lounges sa ibaba ay para sa regular members ng casa. Ang lounge naman na par