"Hello?" Sambit ni Ryan ng iangat nito ang telepono. Nagising siya sa ingay ng tumunog ang telepono, kaya pupungay-pungay itong umupo sa kama. "I'm sorry...." Umiiyak na sambit ni Lyca. "Bakit ka nag so-sorry?" Nagtataka na tanong ni Ryan sa paos na boses."Ang akala ko, okay na ako. Akala ko na buo na ako ng tinanggap kita sa buhay ko Ryan... I'm sorry," Pag amin niya sa kasintahan habang umiiyak. Ika dalawa na ng hating gabi ng makapag desisyon si Lyca na tawagan ang kasintahan dahil hindi siya makatulog. Nakokonsensya siya sa kanyang nararamdaman. Ayaw niyang saktan ang kasintahan kaya habang maaga pa ay gusto niya itong kausapin at humingi siya ng tawad. Isang linggo na kasi ang nakakalipas simula ng magkita sila ni Austin at manumbalik ang pagmamahal niya sa binata na inakala niyang matagal ng nakabaon sa limot ng makilala niya at tanggapin ang kasintahan na si Ryan. "Hindi kita maintindihan, babe. Nasaan ka? Pupuntahan kita," may pag aalala na sabi ni Ryan sa kanya. Agad-ag
"Long time no see, Ryan." Bati ni Austin kay Ryan. Seryosong umupo lang si Ryan sa katapat na bakanteng upuan. Kasalukuyan silang nasa isang sikat na restaurant at nagkasundo na magkita at mag usap ng masinsinan. "Bakit ka pa nagpakita? Anong kailangan mo Austin?" Seryosong tanong ni Ryan kay Austin."Ibabalik ko ang tanong mo Ryan, anong kailangan mo? Alam kung alam mo kung sino ang may atraso sating dalawa," giit pa ni Austin. "Hindi ka tumupad sa usapan Austin, at may kasunduan tayo!" Nagiging madiin na ang pagsasalita ni Ryan sa bawat pagbigkas niya ng mga kataga. "Kasunduan? Anong kasunduan ang sinasabi mo Ryan? Tang ina naman Ryan! Pina bantayan ko lang sayo si Lyca! Pero bakit shinota mo ang babaeng minamahal ko!?" Gigil na tanong ni Austin kay Ryan. "Binigyan kita ng kasunduan Austin! Wag mong sabihin na nakalimutan mo! Sinabihan kita na kapag hindi ka dumating sa araw na iyon ay pagsisisihan mo! Matagal na panahon akong nagtiis na hindi magtapat kay Lyca, minahal ko na si
Nililipad-lipad ng hangin ang mahabang buhok ni Laica habang nakaupo siya sa dalampasigan at hinahampas ng maliit na alon ang kanyang paa. Tela malalim na nag iisip habang nakatanaw sa araw na palubog na. “Laica! Anak, halika na at nakahanda na ang hapunan.” Tawag ni manang sa dalaga, ang mayordoma ng mansion ng mga Salazar. Nilingon ni Laica ang babaeng may edad, si manang. Nginitian lamang niya ang babae saka bumalik ang tingin sa araw na palubog. Masaya siya na pinagmamasdan ito, noon pa man nung bata pa siya ay hilig na niya manuod ng sunset tuwing nagpupunta sila sa dagat ng kanyang magulang. “Babe?” Nag angat ng tingin si Laica ng marinig niya ang boses ni Ryan. Nasa likuran na niya pala ang binata habang nakatayo. “Okay kalang ba?” Tanong ni Ryan at tumabi ito sa dalaga. Tipid lang ang ngiti ng dalaga sa binata at muling bumaling sa napaka gandang araw na palubog. “Hali na kayong dalawa!” Muling tawag ni manang kina Laica. Hinintay muna ni Laica na lumubog ang araw bago
****LAICA****FIRST POV“I'm sorry, Austin hindi ko alam. Sana nadamayan kita,” mangiyak-ngiyak kong sambit.“Tapos na yun, Laica. Ang importante ngayon ay ligtas ka, at kailangan kong ipakulong si Ryan.” Aniya. Kasalukuyan kaming nasa labas ng hospital nakaupo at nakatitig sa isa’t-isa ang aming mga mata, para akong nauuhaw sa namumulang labi ni Austin. Nakakaakit na halikan, unti-unting naglalapit ang aming mga labi at naglapat ito. Napapikit ako, at napasinghap ng hangin ng naamoy ko ang mabangong hininga ni Austin. Kusa na rin na bumuka ang aking bibig, para itong initusan na sumunod sa galaw ng labi niya. Napaka lambot ng kanyang labi kay tamis halikan. Maya-maya ay naaalala ko na nasa public place pala kami kaya ako na ang kusang bumitaw sa labi ni Austin, baka makalimutan kong nasa labas kami ng hospital at baka kung saan pa abutin ang nakakapanabik na halik niya. “I’m sorry, L-Laica.” Aniya nakayukod.“No. It’s okay, Austin.” Nakangiti kong sabi. Ilang saglit na tumahimik
Humahangos si Lucas na halos magkabangga-bangga na dumating sa hospital dahil nabalitaan niya ang nangyaring aksidente, nabangga kasi ang kotsing sinasakyan ni Leah at ang asawa nito na si Noel sa isang ten weeler truck na basta na lamang sumulpot sa harapan ng kotse ng magkatipan. "Miss saan dinala ang mag asawa na naaksidinte? Car accident" Hingal na hingal itong nag tanong sa nurse na nakita niya. "Duon po sir," agad naman tinuro ng nurse kung nasaan ang hinahanap. Patakbong lumapit ang binata dito at agad na hinawi ang kurtina, nakita niya agad si Leah na inaasikaso ng doctor at nurse, duguan ito at marami ang natamong sugat sa mukha sanhi ng bubog ng sasakyan. "Doc kumusta po siya?" Tanong nito sa Doctor na halata ang pag-aalala sa boses at mukha. "Sa ngayon kailangan pa namin siyang obserbahan. Ngunit, maaaring magka Traumatic brain injury, ang pasyente," saad ng doctor habang hindi siya nililingon dahil nasa pasyente ang atensiyin nito. "Ano po ba mangyayari sa kanya d
"Lucas, bakit ngayon kalang dumating?" Nagtataka itong nagtanong sa binata habang may inaayos sa kaha niya. Sila ay parehong nagtatrabaho bilang kahera sa isang convenience store. "10 minutes palang akong late Leah" angal nito habang nagkakamot sa ulo na tela nangati. "Dapat sumabay kana kasi sakin sa motor kanina, nagiinarte kapa kasi," ang tinutukoy ni Leah ay ang kanyang segunda manong motor. "Sus gusto mo lang tyansingan ako kaya gusto mo na palagi ako aangkas sa motor mo," yamot itong sumagot. "Eh ano naman, ayaw mo pa nun? ikakasal din naman tayo eh dami mong arte." Tumahimik na lamang si Lucas saka dumiritso nalang sa staff room. Kailangan nilang mag working student para makapag tapos sila pareho ng pag aaral. Si Leah ay nag-aaral bilang nurse. Mahirap lang ang pamilya nila kaya kailangan niyang kumayod para sa mga pangarap niya, gusto niyang iangat sa kahirapan ang magulang niya. Kahit na nagiisa lang siyang anak. Samantalang si Lucas ay pinag aaral ang sarili sa kurso
"Lucas! Hintayin mo ako!" Hinihingal na lumapit si Leah sa binata. "Bakit ba?" Inis na tanong ng binata sa dalaga. "Uuwi kana ba? Ang usapan natin ha? Magkita nalang tayo mamaya, dun parin sa paborito nating park." nakaharap ito sa binata habang naglalakad ng paatras. "Oo na!" Nakasimangot ito, dahil napipilitan lamang siya sa gusto ng dalaga. Ayaw niya sana sa pinaplano ng dalaga pero makulit ito. "Ayaw mong sumabay sakin? Ikaw mag drive." sambit ulit ng dalaga na naka ngisi pa at tela nagpapa cute. "May dadaanan pa ako, mauna kana." Nilagpasan niya si Leah at tumakbo. "Nakaka inis talaga yun." Ngumuso nalang ito habang tinatanaw papalayo ang binata. Hindi mapakali si Leah sa kanyang kinatatayuan, nauna na siya dumating dito sa park at bente minutos na siya nag hihintay sa binata pero hindi parin ito dumadating, medyo naiinis na siya sa binata halata ito sa mukha niyang hindi maipinta. Habang si Lucas ay natatawang nakatanaw lang sa di kalayuan kay Leah, panay ang pabalik-bali
"Pre, lunch tayo." Tawag ni Lucas sa ka office mate nito na si Sammy at bestfriend niya. "Sige wait mo ako tapusin ko lang ito." Tumayo si Lucas at sumilip sa ginagawa ng kaibigan sa harap ng computer. Maya maya lang ay tumayo na ang kaibigan. "Let's go. Saan tayo pre?" Sambit ni Sammy habang papalabas na sila ng opisina. "Mr.Salazar." Agaw pansin ng isang lalake na medyo may edad. "Mr.Garcia" Lumapit siya sa lalake at kinamayan ito. Si Mr.Wiliam Garcia ay isang attorney ng may ari ng kompanyang pinagtatrabahuan niya. Hindi niya kilala ng personal ang may ari ng kompanya pero ayon sa attorney ay kilala daw siya nito. "Are you going out for lunch?" Tanong ng attorney. "Yes, do you want to come with us, but we will only have lunch at a fast food chain." "Yeah of course, i really admire you even though your work is good, you still save yourself." Tinapik ang balikat niya ng attorney. "Kailangan kasi sir, kailangan mag ipon para sa gamot ng nanay, at may regular check up siya." W