Maagang nagising is Thelma dahil sa mga naii-isip niya. Karga ang anak ay dahan-dahan niyang hinalikan ang noo nito."Hindi ko hahayaang pati ang anak ko ay manakaw pa sa akin."Maya-maya lamang ay nakita niya si Along Pesing na humihikab pa habang papalapit sa kanya."Thelma. Ang aga mo naman ata nagising? Alas sais pa lang ah?""Uhm.. Aling Pesing, pwede ko ba po muna iwan sainyo ang anak ko?""Huh? Bakit? Saan ka pupunta?""May pupuntahan lang po ako sandali. Hindi naman po ako magtatagal.""Huh? Eh mag-agahan ka muna? Mag-lu-luto muna ko ng agahan.""Tulog na naman po si Kio, hindi naman po siya umiiyak ng grabe.""O sige, basta bilisan mo lang ah. Hindi ka pa naman nag-agahan.""Maraming salamat po."Dahan-dahan niyang binigay kay Aling Pesing ang natutulog na anak.'Sandali lang ako anak.'"Mag-iingat ka ah!" saad nito at nakangiting tiningnan ang tahimik na natutulog na sanggol.Napatango naman si Thelma at agad na kinuha ang jacket niya na puti at may hood. Mabilis siyang naka
"Wala kang magagawa, Thelma. Ayaw mo man o gusto ay sasama ka sa akin. Maging ako, ayaw kitang kunin, pero dugo ko pa rin ang nanalaytay sa iyo," wika ni Mauricio Ferrer habang naka-pandekwatrong upo sa isang gawa sa kawayang upuan at sinisindihan ang tubo ng sigarilyo na hawak nito. "Pero...mas gusto ko po rito," wika ni Thelma pero bumuga lamang ng usok ang kanyang ama at matalim na tumitig sa kanya. "Huwag ka ng magmatigas! Gusto ng ina ko na kunin kita dahil kung hindi ay hindi niya ako mamanahan," walang emosyong saad nito at huminga ng malalim at tumayo na sa pagkaka-upo nito."Huwag kang mag-alala dahil hindi naman kita ipapakilala bilang anak ko. Mamumuhay ka sa mansyon bilang isang katulong, 'yun ang kasunduan namin ng lola mo. Wala dapat maka-alam na may anak ako sa labas dahil masisira ang imahe ko at ng mga Ferrer, naiintindihan mo?" Pahabol na saad nito kay Thelma pero wala lang siyang imik at marahang napatango. Kung siya ang papiliin ay mas mabuting nandito siya mag-is
Lunod na lunod na si Thelma sa ginagawa sa kanya ng lalaking kahalikan nito ngayon. May napapahiyaw rin na mga manonood at ang iba naman ay nagpatuloy lamang sa pakikipag sayaw. "You really make me hot, Milady," asik ng lalaki sa baritonong boses nito. Thelma unconsciously smiled from what he heard from the man. Maya-maya lang ay naramdaman niya na binuhat siya nito in a bridal position habang papalayo sa marami tao na nasa loob ng bar. Nawala sa pandinig ni Thelma ang maingay na tugtog kaya biglang kumalma ang isip niya at ipinilig ang ulo nagbabakasakaling matauhan siya pero naramdaman niyang ibinagsak siya ng lalaki sa isang malambot na kama. Nanlalabo ang tingin na pinagmasdan niya ang lalaking bumuhat sa kanya pero bigo pa rin siya na makilala ito. Maya-maya pa ay nagsimula na naman nitong ilapit ang mukha sa kanya at nakaramdam siya ng animo'y kuryenteng tumawid sa pagitan nila. Nagkatitigan sila nang matagal kahit na pareho silang estranghero sa isa't isa ay parang may koneks
"Pa! Huwag po! Parang awa niyo na!" Umiiyak na wika ni Thelma habang tinatamo ang masasakit na hampas sa likod ng kanyang ama gamit ang sinturon na binigay ng kanyang pangalawang ina. Rinig niya ang paghagikhik ni Morissa kaya napatuon ang tingin niya roon pero inirapan lamang siya nito at bumalik na sa pagkain ng almusal nito. "You are not allowed to go out in your room until I told you so!" Sigaw ng ama niya matapos siyang hagupitin ng sinturon nito sa likod niya. Nagalit din ang ama niya dahil sa suot niya na kita na pati likod niya. "Hon, Ang blood pressure mo niyan!" Pagsabat ng step-mom ni Thelma na narinig niya galing sa labas ng kwarto. "Nag-sisisi akong kinuha ko pa yan doon, dapat sana pinabayaan ko na yan kung hindi lang naki-usap si mama na kunin yan hinding-hindi ko yan papa-apakin sa bahay ko. Isa lamang siyang kahihiyan sa pamilyang 'to!" Sigaw ng ama niya na sinasadyang lakasan ang boses para marinig niya. Sa direksyon nito ay mukhang
Nawala din ang pag-aalala ni Thelma dahil hindi na ni-lock ng step mother niya ang kanyang kwarto dahil narinig niya ang boses nito at yabag nito paakayat sa kwarto nito. Ilang oras lang ay dumating si Morissa habang sumisigaw kaya tila naalimpungatan siya sa sandaling pagkaka-idlip at napabangon. "Mom! Mom! I'm hungry! Where is Thelma!?" Inis na sigaw nito sa labas. "Oh, honey! You're already here!" Wika ni Devyn sa kanyang anak na nakabusangot. "Where is that slapsoil bitchichay!? Nagugutom na ako!" Pagpadyak nito sa sahig at inis na tinungo ang sofa na sinundan naman ni Devyn. "Nakalimutan mo na ba? She's locked in her room, she can't go out," wika ni Devyn na ikinabusangot ulit ng anak na dahilan para inis na mapasabunot sa buhok nito. "Urgh! I'm really pissed right now! How can we eat? Malilintikan talaga sa akin 'yang bitchichay na 'yan!" Mabilis na tumayo si Morissa sa pagkaka-upo at mabilis na tinungo ang kwarto ni Thelma na ik
Agad napakapit si Thelma sa pinto ng kwarto niya nang makaramdam siya ng hilo. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang wirdo nang pakiramdam niya. Kakatapos pa lang niyang mag-walis sa labas, mag dilig ng mga halaman, maglaba at mag-luto ng hapunan ng kanyang mga amo at ngayon lang siya ulit nakapasok sa kwarto niya, sa eksaktong ala sais na ng gabi. Nauna na rin siyang kumain para hindi na niya makaharap ang mga amo, o para hindi na siya kumain ng mga tira-tira pa ng mga ito. Prutas lahat ang kinain niya na nakapagpa-taka sa kanya dahil sa hindi niya ginagalaw ang mga prutas na nasa ref pero halos maubos niya na ang mga ito. Siguro ay dahil sa sobrang gutom na niya ay ang mga ito ang nagustuhan niyang kainin. "Siguro sobra lang ang pagod ko," wika niya at hinimas himas ang ulo habang papasok sa kwarto. Dalawang linggo na ang nakakaraan simula ng maka-one night stand niya ang isang 'di kilalang lalaki at bumalik na siya ulit sa pagsisilbi sa kanyang mga am
What!? Why did you call me? Does it have to do something with Cohen?" Iritang wika ni Morissa habang kausap ang kaibigan na si Mirabel sa kabilang linya. "Hoy, girl! Yes! It's really about him. I heard a bad news from his office,," pabulong na wika ni Mirabel sa kabilang linya. Agad naman napatigil si Morissa sa paglibot nang tingin sa mga loob ng restaurant na kinaroroonan nito na pag-aari ng Dad niya para hanapin ang client niya. "B-Bad news!?" Agad na tanong ni Morissa kaya agad siyang naupo sa bakanteng silya muna para makinig ng mabuti sa sasabihin ng kaibigan."What bad news!? Is it about Marcellus? Did something happens to him!? Tell me, hurry!" "Calm down, girl! Hindi ko lang nasabi ito noong mga nakaraang linggo sa 'yo kasi may mga inasikaso pa ako para sa irerelease na pabango pero ngayon this is it girl. I heard Mr. Marcellus and his Secretary talking about-" naputol ang sasabihin ni Mirabel ng may dumating na tatlong babae sa cr na kinaroroonan niy
Chapter 7 "Anong sabi mo?" Agad na tanong ni Marcellus dito at mabilis na sinenyasan ang secretary nito na lumabas at isarado ang pinto. Lihim naman na napangisi si Morissa dahil nakuha niya ang atensyon ng lalaki. "I am the woman you make out with noong gabing pumunta ka sa YOLO bar. Panagutan mo ako, Marcellus," wika ni Morissa. "Of all the people, Morissa. It's impossible!" Wika ng lalaki na hindi makapaniwala sa sinasabi ng babae sa kanya. "It's possible, Marcellus. Wala ka nang magagawa. Sobrang lasing ka ng gabing 'yun kaya hindi mo matandaan," paliwanang pa ni Morissa. "Prove it," tipid na wika ni Marcellus. Bigla namang natigilan si Morissa dahil sa sinabi ng lalaki. Hindi niya alam kung paano mapapatunayan iyon kaya agad siyang nag-isip ng iba paraan. Biglang napangisi ang babae na ikinakunot naman ng noo ng lalaki, "I'm pregnant. And that night, i'm wearing the La Lady Peach Perfume that I bought here in your