Share

Kabanata 2025

“Syempre, alam ko naman na hindi ka ganun.” Binaba ni Maisie ang tinidor niya at sinabi, “Titingnan ko muna si Daisie.”

Nakaupo si Daisie sa kama at nakahawak siya sa kaniyang hita. Madilim ang kwarto dahil sinara niya ang mga kurtina at hindi niya binuksan ang ilaw. Nang pumasok si Maisie, naningkit ang mata ni Daisie dahil sa liwanag na pumasok sa kwarto.

Lumapit si Maisie sa kaniya. Nang makita niya ang namamagang mata ni Daisie, tinanong niya, “Bakit ka nagtatago sa kwarto mo at umiiyak?”

Pinunasan ni Daisie ang mata niya at umiling. “Hindi ako umiiyak.”

Umupo si Maisie sa gilid ng kama at hinaplos ang pisngi ni Daisie, “Huwag ka na umiyak. Hindi pa patay si Nollace pero pinaglalamayan mo na siya ngayon.”

May biglang lumabas sa mata ni Daisie at tinanong niya, “May pinagkaiba ba iyon?”

“Syempre, meron. Nawawala lang naman siya. Hindi natin alam kung buhay ba siya o patay tapos nawawalan ka na ng pag-asa?”

“Sinasabi ng mga tao na pag mataas daw ang paniniwala mo, mas malaki
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status