Syempre, walang problema sa Skull Club na makatrabaho si Donald. Ang problema nila ay sa dad niya ilang taon na ang lumipas, hindi ang anak. At saka, mahilig magpaulan ng pera si Donald—mas pabor siya sa kapangyarihan kaysa sa kayamanan. Kung mauubos ang lamang ng wallet niya para madala ang mga kaibigan niya sa magandang lugar, gagawin niya yon nang hindi kumukurap.May katotohanan sa paraan niya. Kung naging matipid siya, hindi aangat nang ganito ang entertainment business niya. Sino ba naman ang Skull Club para tumanggi sa malaking alok ng pera?Sa tulong ng Skull Club at pagkakakilanlan niya bilang anak ni Matthews Sr. kaya siya naging malaya siya sa Eastern Island. Doon, sinabi niya kung sino siya—kaysa magtago—para masiguro ang kaligtasan. Basta nasa Isla siya, walang kapangyarihan ang pulis para hulihin siya.Walang interes na ngumiti si Nollace. “Hindi mo siya tinulungan?”Nilagay ni Sunny ang tasa sa mesa. “Tinulungan ko si Matthews Sr. dahil sakim lamang siya. Hindi siya
Tumabi ang mga lalaki, pinakita ang daan patungo sa barko. “Oras na para sumakay sa ride niyo, ma'am. Aalis na ang barko pagkatapos ng 15 minutes.”Mas excited pa si Sandy lalo na kunin ang alok. Dinala siya ng mga tauhan sa kaniyang kwarto bago agad na tinanong, “Pasensya na sa abala, pero kailangan niyong ibigay ang phone niyo sa amin, ma'am.”Nagtaka si Sandy. “Why?”“Nag-aalala si Mr. Matthews na baka may nag bug sa phone mo para malaman kung nasaan siya. Mas mabuti nang patayin mo ang phone mo at ibigay mo sa amin bago tayo makarating sa Eastern Island.”Nagdalawang isip ang babae pero naalala niya kung gaano kaingat si Donald at sumunod siya.Umalis ang liner sa pier. Mukhang malayo na ang dalampasigan habang nasa kwarto si Sandy. Hindi siya mapakali. Binuksan niya ang pinto at lumabas ng corridor bago pumunta sa deck.Dalawang lalaki ang magkausap habang naninigarilyo pero agad napagtanto ni Sandy na hindi sila ang kaninang escort niya. Hindi rin sila mukhang Orasian.Hin
Ang dagat lalo na ang 10-odd-mile na layo lang ang nakikita nila, wala itong katapusan. Kahit na ang swimmer ay mapapansin na nawawalan sila ng lakas habang naghahanap ng lupa o tulong, kasama ang init ng katawan nila na unti-unting kinukuha ng malamig na tubig. Lalo na pag walang sapat na paghahanda at kagamitan, sigurado na ang kamatayan.Hinawakan ng dalawang bodyguard si Sandy sa lahat ng makakaya nila pero mahirap ang pangyayari na yon. Nabasa ng pawis ang kamay ni Sandy habang dumudulas sa braso.Lumapit si Colton sa railing at sumigaw, “Nagpapakamatay ka ba!?”Walang emosyon na tumawa si Sandy. “Mas gusto ko pang mamatay kaysa makita ko kayong magyabang!”Nagulat si Colton. “Sandali—”Umalis ang babae sa pagkakahawak sa abot ng makakaya niya. Nawala siya sa balanse sa pwersa, at bumagsak siya, diretsong nahulog ng dagat sa baba.Nilamon siya ng tubig.May dumating na mga speedboat mula sa kalayuan. Dalawang helicopter ang umikot sa taas ng dagat, papalapit sa barko ni Col
“Sayang ang ilang araw na pag iyak ngayong alam na natin na buhay si Nollace, hindi ba?” sabi ni Waylon.Tumayo si Colton. “Kailangan ko na pumunta sa opisina.”Tinanong siya ng kapatid niya. “Kumusta si Freyja?”Natigil si Colton maglakad. Mahirap mabasa ang tono niya nang kaniyang tanungin, “Bakit mo tinatanong?”Tumawa si Waylon. “Akala ko ayos lang para sa kapatid na mag-alala tungkol sa kalagayan ng sister-in-law niya.”Sinabi sa kaniya ni Colton na ayos lang si Freyja bago sila sabay na umalis sa mansion.Sa kalayuan, sa tahimik na lawa, isang lumang gazebo ang makikita sa malinaw na tubig. Hawak ni Nicholas ang fishing rod sa kamay niya at coffee mug sa kabilang kamay. Sa malapit ay may nakahandang pagkain sa mesa. May nakabantay na mga bodyguard sa gazebo, sinisigurado na walang sisira sa kapayapaan nila.Nakapangalumbaba si Daisie. Tahimik siyang nakatayo sa pwesto niya nang halos kalahating oras na ngayon, pero hindi niya pa nakikita na may mangyari sa fishing rod. Hab
May biglang naalala si Daisie at ngumuso. “Kung ligtas siya, bakit hindi niya ako tinawagan o bumalik?”Hindi ba niya alam kung gaano siya nag-alala? Akala niya ay hindi niya makikita ulit si Nollace.Bumuntong hininga si Waylon. “Hindi ligtas na makasama ka habang buhay si Donald.“Daisie, nakatuon lagi ang atensyon ni Nollace sa mga detalye. Hindi niya ilalagay sa panganib ang buhay niya kung hindi siya sigurado. Gusto ka niyang makasama kaya kailangan niyang alisin ang lahat ng harang. Kailangan mo siyang pagkatiwalaan.”Yumuko si Daisie.Alam niya ang nasa isip ni Nollace. Po-protektahan siya lagi nito. Kahit ano pang gawin niya, kahit na may pagkukulang siya, hindi niya sasaktan si Daisie. Hindi niya kailangan maging perpektong lalaki basta si Nollace siya.Hinagis ni Nicholas ang pain sa tubig na nagsimulang bumaba at mabagal na sinabing. “Maswerte ang bata na iyon.”Tumawa si Waylon. “Oo nga. Paano ka makakatakas kung hinila ka sa ilalim ng tubig? Iniligtas pa siya ni Mr.
Tumingin si Nollace. “Mr. Southern.”Nakasuot siya ng riding gear na may brown boots ar may dalang pulang horsewhip na maliwanag sa ilalim ng araw. Mukha siyang mapayat, ang bewang at balikat niya ay iba kumpara sa ibang lalaki, at kahit na 5’7” siya, mukha siyang mahina.Pinaglaruan niya ang horsewhip habang nakatingin sa mga tao. “Kung gusto mong sumali, pwede ko silang sabihan na turuan ka, pero baka hindi mo kayanin.”Ngumiti si Nollace at inangat ang sleeves niya pagkatapos ay bumaba sa hagdan. “Kung handa ka magturo, handa akong matuto. Ayos lang sa akin na maraming matutuhan.”Humalukipkip si Cameron at naningkit. Seryoso sa pagkatuto ang lalaki na to mula sa Yaramoor.Nang makita ng estudyante si Cameron na palapit, huminto sila. “Sir.”Kumaway si Cameron at sinabing, “Ito si No—”“Neal Beck.” Pinigilan siya ni Nollace at kalmadong sinabi, “Ang pangalan ko.”Napagtanto ni Cameron na ayaw ni Nollace ilabas ang pagkatao niya kaya sumabay siya. “Okay, gustong matuto ni Mr.
Mabagal na ininom ni Cameron ang tsaa niya at tumawa. “Organisasyon lang sila sa ilalim ng Southern Clan. Hangga't binabantayan natin ang interaksyon nila kay Puzo, hindi natin kailangan bigyan ng atensyon ang babae.Natuwa ang butler.Sa ilang taon, lumaki si Cameron katulad ni Sunny noong bata pa siya. Magagawa niyang pamunuan ang pamilya. Pero, may naisip siya at tahimik na bumuntong hininga.Kapag nalabas ang pagkatao ni Cameron, baka humarap sa gulo ang Southern Clan dahil hindi si Cameron ang inaakala nilang siya.Sa Bassburgh, sa Goldmann mansion…Binaba ni Nolan ang dokumento at inangat ang kilay kay Waylon. “Pupunta ka rin sa East Island?”Tumango si Waylon. “Narinig ko na bibista si Tita Saydie sa Southern Clan at gusto kong makita ang bayani ng Southeast Eurasia, si Sunny Southern.”Naningkit si Nolan at kinatok ang kamao niya sa mesa. “Magulong lugar yon at labas sa hawak natin. May kapangyarihan din doon ang underground gang ng Ora.”“Alam ko.” Yumuko si Waylon pag
Nilagay ni Nolan ang kamay niya sa kaniyang noo. “Makakaagaw masyado ng atensyon ang pagkakakilanlan mo.”Hindi lang dahil sa itsura niya—kahit sinong nakakita ng balita ay malalaman ang pagkatao niya bilang isang kilalang actress at isang Goldmann.Ngumiti si Daisie. “Magpapanggap ako kung ganoon. Hindi naman mahirap magpanggap.”Sumang-ayon na lamang si Nolan dahil hindi siya mananalo doon.Pagkatapos ng ilang araw, handa na si Saydie ar Waylon. Walang airport sa East Island. Ang pinaka malayong plane at makakapunta lang sa coastal town sa kalapit na bansa at mula doon, sasakay na ng barko ang mga bibisita.Nasa pier ang barko at lumabas mula doon, sumandal sila sa sasakyan habang naghihintay kay Waylon. “Aalis ang barko pagkatapos ng 15 minutes.”Tiningnan ni Waylon ang relo niya at 10:00 a.m. na.Sa oras na yon, si Daisie na nahuli ay may dalang luggage at tinawag sila. “Waylon, Tita Saydie.”Humarap si Saydie at nagulat. “Daisie?”Tumingin si Waylon sa gawi niya at tumaw