Nang magising ako mula sa malakas na alarm ng cellphone ko'y, kaagad akong tumayo at mabilis na naligo. Ganito na ang daily routine ko, at sanay na rin ako. Kulang bente minutos na nga lang din ako maligo, sa sobrang pag mamadali. Pasado alas sais na rin kasi ng gabi at may trabaho pa ako.
Mula ng mahiga ako pasado alas siyete ng umaga at natulog ay hindi pa ako kumain. Ni hindi na nga rin ako nag tanghalian, dahil nakalimutan kong i-set ang alarm sa cellphone ko ng tanghali. Tapos ngayon ay gabi na, pero ni itlog wala pa akong naluto kahit isa!
"Putris! Ganoon katagal akong natulog? Pagod na pagod lang ang peg ko?!" singhal ko sa aking sarili. Sabagay, hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko, ikaw ba naman ang araruhin ng kung ilang ulit! Mabuti nga't nakaramdam pa ako ng hiya kahit papaano, kung hindi sa ospital sana ako didiretso.
Sa araw-araw na ginawa ni Lord, ay ito na ang nakasanayan kong gawain. Uuwi ng umaga upang kumain at matulog, bago gigising sa gabi, kakain, maliligo at papasok na ulit sa trabaho. Labag man sa kalooban ko, pero kailangan. Wala naman kasi akong pwedeng asahan kun'di ang sarili ko lang.
Matapos ang ilang minuto sa banyo, ay nag bihis na rin ako. Sinuot ko ang super duper short short na kung tawagin nila ay 'singit short'. At tinernohan ng yellow off shoulder tank top, habang puting converse shoes naman sa paa. Nag lagay din ako ng lip at cheek tint para hindi naman ako mag mukhang maputla. Okay na sa akin ang light make-up, bukod kasi sa hindi naman ako marunong mag make-up... wala rin talaga akong pambili ng make-up!
Pinasadahan ko pa ng tingin ang sarili ko sa malaking salamin mula ulo hanggang paa. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti, sa sarili kong replika. Sa taas kong 5'6" at katamtamang hubog ng katawan, sinong mag aakala na bente anyos lang ako? May mangilan-ngilan din siguro bukod sa mga kasama ko sa Club-V, ngunit kadalasan ay wala.
Kinulot ko ang dulo ng lampas kili-kili kong buhok, bago nag wisik ng pabango sa palapulsuhan at likod ng aking tenga. Kinuha ko na rin ang nag-iisa kong LV also known as 'Lumang Vag' bago sinukbit sa aking balikat. H&M tank top, Fubu na short at Converse na sapatos. Lahat ng iyan ay ang pang malakasang tatak ng mga kasuotan kong naghuhumiyaw na made in Divisoria!
Nang makasigurong wala na akong nakalimutan ay lumabas na ako, at nag tungo sa 'Karinderya ni Kurdapya'. Si Aling Corry o Kurdapya, ang siyang nagmamay-ari ng apartment na inuupahan ko. Ngayon ang araw ng bayaran para sa renta, kaya naman kinuha ko ang tatlong libo sa wallet ko, bago tinawag si Aling Corry.
"O Jewel, ang aga mong mag bayad ngayon ah," bungad sa akin ni Aling Corry bago ko iabot sa kaniya ang pera.
"Ganoon po talaga Aling Corry, bagong sahod po kasi." Nakangiting sagot ko naman sa kaniya.
"Ang bango ah! Aling Corry magpatugtog ka nga riyan ng magandang musika, ng maranasan naman namin ang sayawan nitong si Jewel." Tumaas ang isang kilay ko ng dahil sa lalaking nag sabi no'n. Ngunit ganoon pa man, ay nginitian ko pa rin siya, tsaka sanay na rin kasi ako sa kanila.
Kahit gabi na ay may mangilan-ngilan pa rin na kumakain dito sa karinderya. Karamihan nga lang ay ang mga lalaking tambay sa kanto, at ang mga naglipanang 'marites' sa daan.
"May sampung libo ka ba?" nakataas kilay kong tanong sa kaniya. Sanay na ako sa mga lalaking ito, ngunit kahit naman ganyan sila ay maaasahan at mabait naman. Mahilig lang din silang magsalita na parang mga manyakis, pero kahit kailan ay hindi pa nila ako binastos ng literal.
"Ay ang mahal naman!" reklamo ng isa pang lalaki. Habang ang isa namang lalaki na medyo may kapayatan ay tumayo, ngunit nanatili sa kinalulugaran niya bago nag salita.
"Ako Jewel walang sampung libo, pero pangako bibigyan kita ng magandang lahi. At saka, mahalin mo lang ako gagawin kitang reyna sa kantong ito!" Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa sinabi ng lalaking iyon.
Dumukot ako ng isang daan sa wallet ko bago inabot sa kaniya. "Ayan oh! Punta kang drug store, bili kang vitamins. Pataba ka muna, bago mo 'ko gawing reyna. Mahirap na, isang bulate na lang kasi ang pipirma kukunin ka na! Aba ayaw kong maging byuda ng maaga!" Nagtawanan ulit silang lahat hanggang sa ipinagtawag na ako ng tricycle ng lalaking payat.
Kumaway pa ako sa kanila na ginantihan naman nila ng flying kiss pagka-alis ng sinasakyan kong tricycle. Kailangan lang naman na pakisamahan sila ng maayos at respetuhin, upang ganoon din ang ibalik nila sa iyo. Minsan kasi, kung sino pa ang mga mukhang tarantado at tambay sa kanto, ay dinaig pa ang mga taong edukado.
Habang lulan ng tricycle ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at kaagad na sinagot ng makita kong tumatawag si Aiza. Isa sa mga kasamahan at kaibigan kong maituturing sa Club-V na pinapasukan namin.
[Jewel anong petsa na?! Kanina ka pa hinahanap ng mga customers!] Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko dahil sa matinis niyang boses sa kabilang linya.
"On the way na! Ito na nga oh lumilipad na 'tong tricycle na sinasakyan ko!" pabirong sagot ko. Sina Gladys at Aiza ay hawak din ni Mommy Vicky. Silang dalawa lang din ang kaibigan at nakakasama ko palagi sa Club-V
[Nako bakla bilisan mo! Ikaw din, ang gwapo ng mga fafa dito ngayon sa v.i.p! Sige na at hahanap ako ng porn-ever kong mayaman. Alam mo na, dilig sa umaga at dilig sa gabi, upang perlas mo'y malaki ang maiuwi!] Hindi ko mapigilang mapatawa ng dahil sa sinabi niya. Tumango na lang din ako na akala mo'y kaharap ko lang siya. Matapos 'yon ay pinatay ko na rin kaagad ang tawag.
"Manong wala na po bang ibibilis itong eroplano n'yo?" nakangiting tanong ko sa tricycle driver.
"Nako Ma'am todo na po ito," nahihiyang sagot niya naman. Hinayaan ko na lang dahil wala naman akong magagawa. Dinama ko na lang ang simoy ng polluted na hangin. Sa dinami rami ba naman ng pabrikang nag kalat dito sa Pinas, idagdag pa ang mga b****a, ewan ko na lang kung may sariwang hangin pa.
***
Kaagad naman akong hinila ni Aiza ng mamataan niya ako. "Bakla, ang aga mo para bukas!" eksaheradang sambit niya.
"Daig ng maagap ang masikap," baliwalang sagot ko naman. Umani rin ako ng mahinang kurot sa tagiliran mula sa kaniya.
"Mag bihis ka na, sunod ka sa v.i.p ha! Ikaw naman ang sumayaw at mababali na ang tadyang namin ni Gladys!" Umakto pa siyang masakit ang baywang. "Bigatin ka na talaga Jewel, lahat di-tatak ah!" nakangising giit niya pa.
Umikot naman ako sa harap niya bago kumindat. "Divisoria lang sakalam!" sagot ko at nagpatuloy ng pumasok sa silid namin.
Sa isang silid ay tatlo kaming gumagamit nina Gladys at Aiza. Kaagad kong nilagay ang gamit ko sa mesa ko bago kinuha ang mala sailor moon na damit. Iyon ang nakita kong suot ni Aiza kanina, kaya malamang na ganoon din ang dapat kong suotin.
Mabilis lang akong nag palit ng damit. Muli rin akong nag lagay ng lip at cheek tint bago lumabas. Hindi naman kasi ako nag lalagay ng makapal na make-up, huhulas lang din naman. Baka mag mukha pa akong baklang inaagnas, edi walang kita!
Pagkapasok ko sa v.i.p room, kung saan karimahan sa mga customers ay businessman at mayayaman, ay kaagad kong nilapitan ang emcee. Ipinaalam ko lang na narito na ako para sa late night dance. Naghanda na rin ako sa likod ng stage, at hinihintay na lang na tawagin ang pangalan ko.
"Ladies and gentlemen, lets us all welcome the star of the night... Jewel!" Isang masigabong palakpakan ang narinig ko, bago pumailanlang ang mapang-akit na musika.
Dahan-dahan akong lumabas habang umiindayog sa malamyos na musika. Nag-iisa lang akong sumasayaw sa gitna ng intablado, na parang pinaliligaya ang aking sarili. Dama ko ang malalagkit na titig sa akin ng mga kalalakihan at ang matalim na tingin naman ng ibang kababaihang narito rin. Nang napalitan ang tugtog at bahagyang bumilis, ay bumilis din ang kilos ko.
Nang-aakit, may gigil at walang pakialam na hinubad ko ang pang-itaas kong damit. Natira na lang ang maikling palda pati ang kulay pula kong bra. Dinig na dinig ko ang halos kapos-hiningang reaksyon ng mga nanunood. Ngunit sa gitna ng maharot na musika, at ibat-ibang reaksyon ng mga tao'y nakaramdam ako ng kakaiba.
Tila ba may mariing nag mamasid sa katawan ko. Pakiramdam ko pa nga ay sinusundan niya ang bawat kilos ko. Hindi ko tuloy maiwasang ilibot ang mga mata ko sa mga nanunood na narito ngayon. Nakita ko sina Aiza at Gladys na nasa table ng anim na kalalakihang nag-iinom. At ng tignan ko isa-isa ang mga lalaking naroon, nakita ko ang isang pares ng matang mariin na nakatingin sa akin.
"Pucha!" mariing bulong ko sa aking sarili sabay kagat sa labi, upang 'di ako mahalatang nag mura.
Ang lalaking iyon! Bakit narito siya? Nakita ko pa ang pag ngisi niya sa akin bago ako bumaling sa ibang direksyon. Pinilit kong umakto at sumayaw ng normal hanggang sa matapos ang musika. Ngumiti lang ako sa lahat at nag flying kiss bago nag mamadaling umalis sa intablado.
Kung pwede lang na magkulong na lang ako sa silid namin ay ginawa ko na. Ayaw kong makitang muli ang lalaking iyon!
"Jewel dito!" sigaw ni Aiza ng mapadaan ako sa gawi nila. Ikinumpas ko lang ang kamay ko, dahilan upang malaman niya na pupunta ako sa banyo.
Nagmadali akong maglakad lalo na ng mapansin ko na naman ang lalaking iyon na sinusundan ako ng tingin. "Bakit ba kasi bilog ang earth?!" nagmamaktol kong tanong sa aking sarili.
Nang malapit na ako sa c.r ay halos mapatalon ako ng may humagit sa baywang ko. "Not so fast woman!"
Nagkunwari akong ngumiti sa kaniya.
"Sorry... But, do I know you?" maang ko pang tanong. Ngumisi naman siya bago ako isinandal sa pader.Pakiramdam ko'y lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok no'n. Kulang na lang nga ay himatayin ako ng dahil sa uri ng titig niya. Sinapo niya ang baba niya bago tumingin sa taas, umaaktong nag-iisip ng malalim.
"Talaga ba? Hindi mo ako kilala? Hmm..." balik tanong niya. Hinigit niyang muli ang baywang ko, at hinila palapit sa kaniya. Habang ang isang kamay niya ay nakalapat sa pader, sa bandang balikat ko.
"Sorry, hindi kita maalala e. Nag kita na ba tayo? Friends of friends?" muli kong tanong. Umaasang sa pamamagitan no'n ay makalusot ako sa kaniya.
Tumawa siya ng malakas, tila aliw na aliw sa inaakto. Bahagya niya ring itinaas ang mukha ko upang matitigan siya. "Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo ang lahat?" Humaplos sa mukha ko ang mabango at mainit niyang hininga ng sabihin niya 'yon, bago nag patuloy.
"Steven or Steve... Paulit-ulit mong sigaw. I thought I satisfied you that night, but I guess I'm wrong... Dahil wala ka na ng magising ako. Do you want me to help you remember all that happened that night?" halos pabulong niyang sambit malapit sa labi ko.
"Ano bang gusto mo?! Wala ng next time, kaya tigilan mo ako. Nakatikim lang ng masarap na luto ni lord, hindi na nalimutan?" Tinulak ko siya ngunit daig ko pa ang tumulak sa pader. Ni hindi man lang siya natinag!
"Honestly, nainis ako ng magising ako na wala ka sa tabi ko. Pero nagulat din ng makita ko kung gaano kaayos ang unit ko. Wala naman sa usapan na maglilinis ka bago ka umalis ng walang paalam. Ginawa mo pang tindahan ang wallet ko, nagpapalit lang pero wala namang binili." Lumapit pa siya sa akin at itinapat ang bibig niya sa tenga ko bago bumulong.
"Sisingilin ko lang 'yong isang daan na kinuha mo. And baby... Marami pang next time so better get ready."
***
"Bro musta birthday mo? Nagustuhan mo ba 'yong regalo namin sa'yo?" nakangising tanong sa akin ni Daryl. "Umo-o ka, hindi pwedeng hindi!" giit niya pa. Narito kaming anim ngayon sa Club-V. Matapos ang ika dalawampu't isang kaarawan ko kahapon, ay muli kaming nag celebrate dito. Sabi nga nila 'extended celebration' pero ang totoo, mga patay gutom lang talaga silang lima."Aba dapat lang ano! Ang mahal ng ambagan natin doon ah!" sagot naman ni Matteo.Pito kaming magkakaibigan, Justine, Lucas, Daryl, Matteo, Janrick, Nico at ako. Pero sa aming magkakaibigan, si Janrick palang ang ikinasal kaya naman hindi namin s'ya kasama ngayon. Isa pa, baka patayin kami ng amazona niyang asawa, kapag niyaya namin sa club ang uhuging iyon. Higit sa lahat, bawal na ang hindi fresh sa grupo at pinangunahan 'yon ng bilasang si Janrick.
"Bakla, type ka yata nang isang lalaki doon sa grupong 'yon ah." Tinuro pa ni Gladys ang grupo ng anim na kalalakihan, kung saan naroon si Steve. "Gwapo ha, laki pa ng muscle oh!" giit niya pa. Ako naman ay nagkukunwaring walang pakialam sabay inom sa hawak kong beer.Hindi ko rin tuloy maiwasang mapatingin sa gawi nila habang tumatagay. Wala namang itulak kabigin sa magkakaibigang iyon. May mukhang Espanyol, Pinoy, 'yong iba naman ay hindi ko matukoy. Pero si Steve, mukha siyang Black American na kinula ng dalawang araw, kaya pumusyaw ng kaunti."Maliit etits niyan day!" biglang singit ni Aiza na ikinasamid ko. Pakiramdam ko'y kinulang ako ng hangin sa katawan bigla ng dahil sa sinabi niya. "Sabi kasi nila, kapag malaki ang muscle... kikiam lang ang nasa ibaba." baliwalang saad niya pa.Kung saan man nakuha o narinig ni Aiza an
Pangit naman palang kabonding ni Sir! Aba sabi niya 'give me five sec.' pero halos dalawang oras na akong nilalangaw dito'y hanggang ngayon ay wala pa rin siya! Iyong totoo, dinner date pa bang matatawag ito gayong alas singko na ng umaga?!Balak ko na sanang mag tawag na ng tricycle upang umuwi na lang ng tuluyan. Ngunit biglang may humintong sasakyan sa mismong harapan ko. Tinted ang salamin no'n kaya naman hindi ko maaninag ang nasa loob. Hindi rin ako sigurado kung sino ang nasa loob, kung kaya't baliwalang nag lakad na ako. Sa ika limang hakbang ay hindi ko maiwasang mapatalon ng bigla akong businahan ng sasakyan. Ano bang problema ng isang 'to?Tinitigan ko ang itim na kotse na para bang nakikipag titigan ako sa nakasakay roon. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang mahinang vibrate ng cellphone ko sa bulsa, kaya naman kaagad kong kinuha 'yon."What are you waiting
'Be my girlfriend... A paid girlfriend to be exact'Hanggang makarating kami sa rooftop at ngayon nga ay nakaupo na'y nasa isip ko pa rin ang sinabi niyang 'yon. Ganoon ba ang tingin niya sa akin? Akala niya ba ay pera pera lang talaga ang habol ko kaya ko ginagawa ang ganitong trabaho?"Hey, kanina ka pa tahimik ah. Dont you want the food?" Hindi ko maiwasang titigan lang siya at paminsan minsan na tignan ang mga nakahain.Gaano ba kababa ang tingin sa akin ng lalaking ito para bayaran ako? Akala niya ba lahat ng babae ay mahuhumaling sa kaniya? Aminado naman akong gwapo siya, macho at mayaman. Total package kung sabihin ng iba. But... I didn't accept money for the sake of it. I have my fucking reason!"Gaano ba ako kababa sa tingin mo?" seryosong tanong ko. Gusto kong malaman kung ano ba ang opinyon niya sa akin, matapos ang nangyari sa amin ng gabing iyon.
"Hey Jewel, were here." Kaagad akong napalingon kay Brent, na ngayon ay nagtatakang nakatingin din sa akin. "Kanina pa kita kinakausap, pero parang wala ka sa sarili. Are you okay?" "Sorry, pagod lang ako." Tinignan ko rin ang likurang bahagi ng sasakyan kung saan naroon ang mga anak ko. Ngunit ngayon ay wala na. Wala na rin ang mag asawang Smith. "Kanina pa sila bumaba, baka ngayon ay nasa lobby na sila. So, lets go?" patanong niya pang sabi. Ganoon ba ako katagal nakatulala habang binabalikan ang nakaraan? Ilang taon na rin naman ang nakalipas, siguro naman ay nakalimutan niya na ako. Baka nga pamilyadong tao na siya ngayon. Sabagay, ano bang dapat kong asahan sa isang Steven Anderson? Napabuntong hininga'ng isinukbit ko ang bag sa balikat ko bago lumabas. Hindi ko na rin hinintay pa si Brent na ngayon ay abala sa mga gamit namin, na n
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nag krus muli ang landas naming dalawa ni Jewel. Two days had gone fast but I'm still thinking about her. How she cried that day as I touched her. How she look at me with fear and begging me to leave her alone. Do I look like a monster?! Ni minsan ay wala pa akong sinaktan, at kahit kailan ay hindi man lang sumagi sa isip ko ang manakit ng babae. But Jewel, she seems afraid about my presence. Hindi naman siya gano'n five years ago. And yes! That was five long fucking years ago when I realized that I loved her! I love her that time, to the point that I almost lost myself just to take her away in that fucking Club-V! "Hey honey, bakit gising ka pa? Are you tired?" Dahan-dahang humaplos mula sa balikat ko pababa ang palad ni Laura. Dama ko rin ang pagnanais niyang angkinin ko siyang muli tulad ng ginawa namin kanina. But my mind was occupied by one
R-18'Make love to me'Hindi ako nakasagot kaagad ng sabihin niya 'yon. But one thing for sure, I wanted to grant the favor that she's asking me to do. Hindi ko alam kung ano ang iniisip at nasa isip niya, ngunit natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa gitna ng kama kasama siya. Kapwa walang saplot at tumutugon sa halik ng isat-isa. "If you're not comfortable with this, just let me know." I whispered as I kiss her bare shoulder, down to her chest. "Would it be painful just like the first night we shared?" she asked curiously. I remember how she bite her lower lip trying to control her sob, due to the unexplainable pain she felt that night. Aminado akong naging marahas ang pag angkin ko sa kaniya ng gabing 'yon, ngunit kung alam ko la
Hindi pa man tuluyang sumasanib ang diwa ko sa katawang lupa ko'y tumayo na ako. Kanina ko pa rin kasi naririnig ang maingay na sigawan, at halakhak nina Stephen at Sancho.Ibinalabal ko lang ang puting roba sa aking katawan, bago pupungas pungas na pumunta na sa kusina."Morning Mom," magkapanabayang bati sa akin ng kambal kong anak. Ngumiti naman ako at hinalikan ang magkabila nilang pisngi.Parang kailan lang, ang liliit at iyakin pa silang dalawa. Pero ngayon, kulang na lang ay tumalon na ako mula rito sa 15th floor pababa sa ground floor. Ang titigas na ng ulo at sobrang kulit na nilang dalawa. Tulad ngayon, saan man ako lumingon ay puro kalat nila ang nakikita ko sa buong unit na ito. Nakakahiya naman sa mag lilinis na pupunta rito kapag nag check-out na kami.