Share

Chapter 5: Para-Paraan

Pagkatapos kong magbihis, agad na naming hinanap ni Hannah ang aming classroom. Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilang pa simpleng luminga-linga sa daan. Hanggang ngayon, nabibilib pa rin ako sa laki ng eskwelahang ito.

Kaya naman pala dubbed as one of the most beautiful campuses in the world kasi malinis at maayos. Ni wala akong maipintas. Natanaw ko sa hindi kalayuan ang tarpaulin ng SPU Kings swim team. Naka-print doon ang kanilang ad para sa varsity try-out.

Napangiti ako nang makita ko ang larawan ng isang Olympic swimming pool dahil isang alon ng alaala ang nagbalik sa aking isipan.

                                                   *********************************

Summer

Na-isipan namin ni Hannah na maglakad-lakad muna pagkatapos naming kumain. Napadpad kami sa pool area ng Villa Sandejas.

Pinakamaingay sa may bandang kiddie pool kung saan nag-e-enjoy ang mga bata. Habang samay iilang mga guests naman ang nagswi-swimming sa katabing adult pool.

Ang ilang guests ay nag-re-relax habang nakababad sa hotspring, nagkwekwentohan at in-e-enjoy ang mga cocktail drinks na nanggaling sa katabing bar area. May mga guests din na nag-su-sun bathing sa pool side. Ang iba naman ay nakatambay sa veranda ng restaurant.

Dumiretso sa may bar area si Hannah kasi nauuhaw raw siya, ako naman naglakad-lakad muna.

Nasa may pool side ako nang isang grupo ng mga batang nagtatakbuhan ang sumalubong sa akin. Pilit ko silang iniwasan para hindi nila ako mabangga. Kaya lang nawala ako sa balanse at noong lumingon ako, bumungad sa paningin ko ang kulay asul na tubig sa swimming pool na handa na akong saluhin.

“Aaaaahhhhh!” napatili ako. I tried to balance myself , but to no avail. I just closed my eyes and took a deep breath preparing for the fall.

“Miss!” I heard a voice call.

Handa na akong mahulog pero sa halip na tubig ang maramdaman ko sa aking katawan, isang malakas na braso ang sumalo sa aking baywang. Sa unti-unting pagbukas ng aking mga mata, I could not help but hold my breath at the sight that greeted me. Any girl in my situation will also surely feel suffocated if the first thing she sees after opening her eyes is an overly handsome knight-in-shining-armor.

He has the most mesmerizing pair of amber eyes that I’ve ever set my sight on. Worry is visible in them but that did not make him any less attractive. His strong jaws make him look more manly and his thin lips adds more to his already overflowing sex appeal.

Heto na ba ‘yong moment sa mga fairy tale kung saan kailangang dumialogue ang prinsesa ng, ‘my hero?’

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nagpigil-hininga. Basta ang alam ko, he smells good, very  masculine.

Hindi ko na rin alam kung gaano na kami katagal sa posisyon naming halos magkayakap. Para kaming mga teen stars na naka-posing para sa promo poster ng isang Star Cinema kilig movie. Naramdaman ko na lang na itinayo niya ako kaya pilit ko na ring binawi ang aking balanse at tumayo ng maayos.

The moment I was able to see the whole of him, it finally sunk in to me that he looks familiar.

Oh, how could I forget? Hello there Mr. Yummy.

“O—Okay – ehem- okay ka lang ba?” he asked me in a slightly hoarse voice.

“Ah…ha? Ah…eh… Oo. Okay lang ako. Salamat, ha,” I answered awkwardly.

“Mabuti naman,” he nodded, satisfied by my answer. Thereafter, a warm smile drew on his face.

At that moment, pakiramdam ko, na-estatwa ako. His perfect white teeth showed as his lips parted to form a captivating smile, which made me want to melt like ice crème under the hot summer sun. His smile is the kind that other people would call a “Killer Smile.” Ito ‘yong tipo na makikita mo sa toothpaste commercial habang may kumakanta sa background ng, “nothing can come between us, nothing can separate us.” Ganern!

“You should be more careful, medyo madulas dito sa pool area,” muli niyang sabi.

This is awkward, wala akong masabi. Lihim na lang akong natawa sa sarili ko. Kasi naman, twenty na ako pero feeling ko, para akong isang fourteen year old na nag-fa-fan girl kasi finally naka-meet and greet na niya ng back-to-back ang mga Oppa-bias niya sa BTS at Exo.

“Tuuulloooong! Help! May nalulunod!”

Halos mapatalon ako noong may narinig akong malakas na sigaw mula roon sa kabilang dulo ng swimming pool. Pareho kami ni Mr. Yummy na tumingin sa pinanggalingan ng boses.

Sa sobrang gulat ko, nanlaki talaga ang mga mata ko. Eh papano, si Hannah ‘yon! Nalulunod na siya sa seven feet deep na bahagi ng swimming pool. Nakaramdam na ako ng matinding kaba at aligagang nagpalinga-linga para humanap ng pwede kong gawin para tulongan si Hannah.

“Oh my gosh, Hannah Banana!” napasigaw ako.

Mas lalo pa akong nag-alala noong unti-unti nang lumubog ang kabuoan ni Hannah sa tubig. Nagmadali akong tumakbo papunta sa seven feet side. Pero bago pa man ako makarating doon, nakita ko na ang isang lalaki na walang alinlangang nag-dive sa pool. Walang kahirap-hirap siyang lumangoy para sagipin si Hannah.

I had no choice but to stand there and wait.

Ilang saglit pa, the guy  surfaced from the water. I felt my heart in my mouth the moment I saw an unconscious Hannah being held by that guy.  He had his left arm around Hannah’s neck keeping it tilted, while his right hand was paddling in the water. 

Agad akong lumuhod sa pool side para alalayan ang lalaki  na i-ahon si Hannah. I was ready to call an ambulance to rush her to the hospital, but I was dumbfounded when Hannah threw me a low-key and playful wink.

Ai, leche!

Hindi ko alam kung matatawa, mabubwisit, maiiyak, magagalit o bibigyan ko na lang siya ng jacket bilang premyo sa kagila-gilalas niyang actingan.

Baliw  na talaga!

Pero hindi pa roon nagtapos ang lahat. Naka-score pa ang loka-loka ng lips-to-lips. Naku, talaga naman. Pasalamat ka sa CPR, Hannah Banana.

Kitang-kita ko ang pobreng lalaki na ginagalingan ang pag-re-resuscitate niya kay Hannah. Mukhang alam na alam pa naman niya ang ginagawa niya, kaya lang inuuto lang naman ni Hannah, eh.

Napayuko na lang ako para ma-itago ang mga maliliit na ngiti na hindi ko mapigilang kumawala mula sa labi ko. Kagat-labi na rin ako para pa rin pigilan ang sarili sa pagtawa. Ibang klase talaga ang nagagawa ng kalandian.  

Pagkatapos ng tatlong attempts ng mouth to mouth resuscitation, kunwaring nakarecover na si Hannah. Kung hindi lang niya ako kinindatan kanina, malamang naniwala talaga ako sa kanya. 

“Miss, are you okay!”nag-aalalang tanong ng lalaking sumagip sa kanya. Simpleng tumango lang si Hannah para sumagot.

“I’ll bring you to the clinic,” agad na tugon ng lalaki.

Binuhat niya si Hannah, bridal style, papasok ng hotel.

“That was impressive. She’s… creative.”

Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likod ko, si Mr. Yummy. Nakasandal siya sa counter ng bar at may hawak na dalawang baso ng juice tapos, unti-unti nanaman siyang ngumiti sa akin.

Oh no! Makaka-score rin kaya ako ng lips to lips kapag kunwaring nahimatay ako sa harap niya?

Siya na ang lumapit sa akin kasi hindi nanaman ako makagalaw. Inabot niya sa akin ‘yong isang baso ng juice. “Uminom ka muna, mukhang kinabahan ka sa ginawa ni… Hannah Banana? Is that her name?”

‘Hannah Banana?’ That made me laugh.

“Hannah. Just Hannah. I like calling her Hannah Banana, though. Uhmm… er… na—nakita mo ba ‘yong ginawa niya? Hindi mo naman siya isusumbong, ‘di ba?” I asked hopefully.

“Of course not!” walang alinlangan niyang sagot.

After a few moments of silence, he held out his hand for a shake.

“By the way, I’m Enrico.”

“Hello, I’m Lorryce,” pakilala ko rin. Then, I took his hand.

“Lorryce,” he paused, “nice to meet you.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status