Share

Half Crazy

Inilahad ni Enrico sa harapan ni Enrique ang dalawang bags ng Nike. Nang suriin ni Enrique, isang Air Jordan 1 at isang Lebron 10 and laman ng mga bag.

“Kararating lang ni Dad galing business trip sa US. Pasalubong daw niya sa atin ‘yan. Ma-una ka nang pumili,” anunsyo ng nakatatandang si Enrico.

Hindi napigilan ni Enrique ang mapangisi. “Hinintay mo talaga akong maka-uwi para papiliin ng sapatos?”

Umiling si Enrico. “Huwag kang feeling. May tinapos lang ako, hindi kita hinintay.”

Ang totoo, parehong gusto nina Enrico at Enrique iyong Air Jordan. Iyon nga lang, alam rin nilang pareho nilang gusto iyon kaya nag-aalangan sila sa pag-pili.

“Air Jordan 1, Kuya. Ang tagal mo nang naghahap nito, and look, it’s our size… Pero papaano ba ‘yan, gusto ko rin.” Isang makahulogang tingin ang ipinukol ni Enrique sa kapatid pero hindi iyon pinatulan ni Enrico..

“Eh, ‘di sa’yo na. Wala namang problema sa akin ‘yon. 'Yong Lebron na lang ang sa akin. Pero pahiram naman ako paminsan-minsan,” nakangitin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status