Share

'Till I Found You
'Till I Found You
Author: Lauren H.

Prologue

Ang Saint Peter University ay isang sikat na unibersidad sa bansa. Kilala ito sa paghubog ng mga mahuhusay at pinakamahuhusay na propesyonal sa iba’t ibang larangan at industriya. Maging sa ibang mga bansa ay namamayagpag ang prestihyosong paaralan sa mga patimpalak sa ano mang larangan- mapa sining, palakasan, komersyo o akademiko.

Ang reputasyon ng SPU ay maaring ihalintulad sa mga kilalang unibersidad na nabibilang sa Ivy League sa Estados Unidos. De calibre.

Nabansagan ring eskwelahan ng mga elitista ang SPU dahil karamihan ng mga estudyante rito ay nabibilang sa alta sociedad.

Ang mga buildings ng school campus ay naka-pattern sa mga palasyo sa Europa na inspired by Victorian Architecture. Ang mga matatandang istraktura ang nagsisilbing main attraction ng eskwelahan. Isang siglo man ang tanda ng mga istraktura sa paaralan, matatag pa rin itong nakatayo sa lupa dahil sa masusing pag-aalaga sa mga ito.

Isa pang signature ng SPU ang mala-fashion week na dating ng hangin sa buong eskwelahan. Ang mga estudyante ng SPU ay malayang naisusuot ang ano mang naisin nila.

Self-expression and Creativity ang ilan sa mga values na hinihikayat sa mga Peterfolks.

Sa araw na ito, nag-iba ang ihip ng hangin sa SPU. Ang mga mamahaling sasakyan na wari bang naka-exhibit sa parking lot ay napalitan ng tents ng mga masasarap na pagkain, novelty items, photo booths at palaro. Mayroon ding mga inflatable playgrounds na nagkalat sa iba’t ibang bahagi ng eskwelahan.

Punong-puno ang mga playgrounds ng mga bata at matatanda na magiliw na naghaharutan, naghahabulan at nagtatalunan. Sa gitna ng napakalawak na open ground ay may entablado kung saan nagaganap ang Battle of the Bands sa pagitan ng mga departamento ng SPU. Ang ramp way naman para sa mga sasakyan ay napuno ng makukulay na sulat ng chalk dahil ginawa itong isang napakalaking Freedom Wall.

Even the most luxurious students were able to trade their stilletos for rubbershoes, their branded bags for towels, and custom made coats for simple red and purple tees as they served as the children’s ates and kuyas. Ang mga estudyanteng sanay na pinagsisilbihan, ngayon ay masayang nagsisilbi sa mga taong dumayo sa kanilang pinakamamahal na Alma Mater. Maging ang mga alumni na kinabibilangan ng mga sikat na personalidad sa buong bansa ay naroon din upang makisaya.

Para sa ika-siyam na pung anibersaryo ng SPU, nag-deklara ang SPU ng Open House. Binukasan ang pribadong eskwelahan para sa lahat. Ang mandato ng SPU sa mga estudyante, staff at organisasyon na kanyang nasasakupan ay malugod na tanggapin at magbigay saya sa sinomang pumasok sa kanyang tarangkahan.

Isang batang babae ang lumilibot sa buong unibersidad. Nanlalaki ang mga mapupungay at bilogan niyang mga mata sa mga nakikita niyang makukulay na palamuti sa paligid. Ang kanyang maliliit at mapuputing mga ngipin ay hindi maitago ng kanyang kulay rosas na labi.

Nakatali sa isang mataas na pigtail ang medyo mahaba at kulot niyang itim na buhok. Halos humampas ito sa kanyang mukha sa tuwing lilingon o lilinga siya sa mga bagay na nakakakuha ng kanyang atensyon.

Panay-panay ang hagikhik ng bata sa tuwing may clown o stilt walker siyang nakakasalubong sa naninikip nang daanan dahil parami na ng parami ang mga tao. Mahigpit ang hawak ng batang babae sa kanyang maliit na teddy bear at isang case ng Ferrero Rocher.

Sa ‘di kalayuan, natanaw niya ang isang batang lalaki. Hindi pa man nakakalapit, pansin na ng batang babae ang bagsak na balikat ng batang lalaki. Ang buong atensyon ng huli ay nakatuon sa mga nag-ba-basketball sa kiddie court. Nang makalapit na, narinig ng batang babae ang malalim na buntong-hininga ng batang lalaki.

She silently studied the boy, while the latter continued to helplessly watch the other kids on the court. The little boy’s hair was neatly brushed up in front while the back part was combed in place. He was wearing a white sweatshirt paired with a khaki pair of short pants which emphasized his long skinny legs.

Tumayo ang batang babae sa harapan ng batang lalaki. “Hello,” nakangiting bati ng batang babae.

Sandaling napakunot ang noo ng batang lalaki sa kanyang narinig at saka niya unti-unting binalingan ng blankong tingin ang batang babae.

“You like?” masiglang alok ng batang babae sa chocolate na hawak niya ngunit tinitigan lang ito ng batang lalaki.

Nang walang makuhang reaksyon mula sa batang lalaki, ang batang babae na mismo ang naglagay ng tsokolate sa kamay ng batang lalaki, “hay naku, kunin mo na! Heto!”

“Than… thank you,” nakayukong pasalamat ng batang lalaki. Pilit niyang itinatago ang pamumula ng kanyang pisngi.

“You’re welcome,” nakangiting sagot ng batang babae bago siya umupo sa tabi ng batang lalaki.

“My mommy told me that chocolates help people be happy. This place is so happy but you look so sad. That’s not nice,” maamong pahayag ng batang babae.

Isinubo ng batang lalaki ang tsokolate na ibinigay sa kanya at saka niya muling ibinaling ang tingin niya sa mga batang naglalaro sa kiddie court.

Napansin naman ng batang babae ang pananabik sa mata ng batang lalaki habang pinapanood ang mga naglalaro.

“Do you want to play with them?” tanong ng batang babae.

“Yes, but my friends do not want to play with me,” malungkot na sagot ng batang lalaki na hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa mga batang masayang naglalaro.

“But why? Do they bully you? Come, let’s talk to them!”

Saglit na natigilan ang batang lalaki sa matapang na reaksyon ng batang babae, ngunit ilang sandali pa ay unti-unti ring natawa ang batang lalaki.

“Why are you laughing?” nakakunot-noong tanong ng batang babae.

“You’re so brave,” natatawang pahayag ng batang lalaki.

“My daddy told me to always be brave because I’m a big girl now, and I hate bulllliiieess!”

“But they are not bullying me,” seryosong sabi ng batang lalaki.

“But you said that they do not want to play with you,” nalilitong tugon ng batang babae.

“Yes, because I have asthma. My friends are afraid that I might have an attack,” malungkot na paliwanag ng batang lalaki.

“Too bad, they look like they’re having fun,” dismayadong pahayag ng batang babae.

“You can play with them if you want. I can talk to them for you,” pag-alo ng batang lalaki.

“But you will be alone.”

“I will be fine,” kibit-balikat na sabi ng batang lalaki habang nakangiti ng matipid.

Napa-isip sandali ang batang babae. Nabaling ang tingin nito sa mga batang naglalaro. Gusto niyang sumali sa kanila pero ayaw naman niyang iwanan mag-isa ang batang lalaki sa tabi niya.

“No, I will stay here with you. I do not know how to play basketball anyway,” buong loob na sabi ng batang babae bago ngumiti ng pagkatamis-tamis.

“A—Are you sure?” gulat na tanong ng batang lalaki.

Isang masiglang tango ang sagot ng batang babae. Dahilan ito para magliwanag ang mukha ng batang lalaki bago sumukli ng isang maaliwalas na ngiti.

“You know, my mommy always tells me to eat veggies so that I will be strong. Maybe you are sickly because you do not eat veggies. You have to eat veggies so that your asthma will not attack anymore. Veggies do not always taste good but my mommy says they are good for your health. She says, we need to eat them so that we can have the energy to play aaaallll we want,” paliwanag ng batang babae.

Muling napangiti ang batang lalaki. Pakiramdam niya ay nahahawaan siya ng enerhiya ng batang babae.

“Just like my mom. She always tells me to eat vegetables, too.”

Ilang sandali pang nagkwentuhan ang dalawang bata habang pinagsasaluhan nila ang dalang Ferrero Rocher ng batang babae. Ikinwento ng batang babae kung gaano kasaya ang mga laro na nasubukan niya roon sa fun fair. Dahil sa galing magkwento ng batang babae ay parang naramdaman na rin ng batang lalaki kung gaano kasaya ang makipaghabulan, magtatatalon at makipaglaro sa ibang mga bata.

“I want to play with you,” maya-maya’y napabulalas ang batang babae.

“Me too,” agad na segunda ng batang lalaki, ngunit agad rin namang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi, “but, I can’t.”

“I know. That’s sad. Can you promise me something then,” tanong ng batang babae.

“What is it?”

“Promise me that you will be strong and healthy so that next time, you can already play with me. We will have so much fun,” excited na sabi ng batang babae.

“Okay. I promise! We will play,” buong-loob na sagot ng batang lalaki.

Itinaas ng batang babae ang kanyang hinliliit para sa isang pinky promise. Hindi naman nagdalawang isip ang batang lalaki para abutin iyon.

“Wait, I still don’t know your name,” pahayag ng batang babae noong napagtanto niyang kanina pa sila nagkukwentuhan ngunit hindi pa rin nila alam ang pangalan ng isa’t isa.

“I’m-” naputol naman kaagad ang pagpapakilala ng batang lalaki nang isang malakas na baritonong boses ang kanilang narinig.

“Lorryce,” agad na lumingon ang batang babae sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa kanya.

“Oops, that’s my brother. I guess I have to go.”

Bago tuluyang makaalis ay iniabot muna niya sa batang lalaki ang hawak na stuffed toy.

“His name is Ferrero and he’s my best friend. I’ll leave him here so that you will not be alone. Take care of him for me, okay. I’ll get him back when we see each other again. Bye!”

Hindi pa masyadong nakakalayo ang batang babae noong muli siyang napalingon sa pagtawag ng batang lalaki.

“Wait! What’s your name?”

“My name is Lorryce Cologne Manansala Rivera,” nakangiting pakilala ng batang babae.

“I’m Enri*****”

Hindi na narinig ni Lorryce ang pakilala ng bagong kaibigan dahil tumigil sa pagitan nila ang isang roaming ice cream kiosk na may malakas na tugtog at tuluyan na silang napaghiwalay ng mga taong dumudumog sa ice cream kiosk na namamgitan sa kanilang dalawa.

“Did you give away Ferrero?” tanong ng lalaki na kani-kanina lamang ay sumundo kay Lorryce.

Magkahawak-kamay na naglalakad papunta sa kanilang sasakyan ang dalawa.

“Nope, Kuya. I just lent Ferrero because my new friend is alone,” nakangiting sagot ng bata.

“So, what’s the name of your new friend?”

“I don’t know, I did not hear because the ice cream song was so loud.”

“How will you get Ferrero back?”

“We promised to see each other again.”

Hindi maitago ng kuya ni Lorryce ang kanyang natatawang reaksyon.

“You promised to see each other again? You don’t even know his name,” Lorryce’s brother reasoned.

“Kuya, we sealed our promise with a pinky swear. He promised that he will be strong and healthy so that the next time we see each other, we can already play together. I believe in his promise! And when we see each other again, I will already know his name!”

“Okay, if you say so,” natatawa pa ring comento ng kanyang kuya.

Tuwang-tuwa ang kuya ni Lorryce sa kanyang napaka-inosenteng kapatid. Hindi na rin siya nagtaka kung bakit ganoon na lamang katindi ang paniniwala ng anim na taong gulang niyang kapatid sa pangakong binitawan ng isa pang batang wala ring kamuang-muang.

Naiintindihan niyang hindi pa ganoon kahubog ang mga pag-iisip ng mga bata sa totoong kahulugan ng pangako, pero hindi niya maiwasang mamangha sa napaka purong pag-iisip ng kapatid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status