Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako no'ng makita ko na naman ang isang liwanag sa bandang dulo ng building na 'to. Napalunok ako at walang pagdadalawang-isip na patakbok pinuntahan kung saan nanggagaling ang liwanag. Napamulagat ako at bahagyang napaatras. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa nakikita ko ngayon. Ipinikit ko ang aking mata at kinusot 'yon at muling iminulat na nagbabakasakali na guni-guni ulit ang aking nakita. Ngunit ngayon ay nananatili itong nandoon. Naglakad ako ng bahagya para lalo pang tingnan ang kakaibang bagay na ito. “Portal?” Ang pagkamangha ay hindi maalis sa buong sistema ko dahil para itong napapalibutan ng kuryente sa paligid nito at sa gitna nito ang itim at parang walang hangganang lagusan. Hindi ko maramdaman na pumipikit ang mata ko, siguro dahil ito sa sobrang pagkamangha at gulat kaya bago pa ako tuluyang mawala sa sarili ay tumalikod na ako at akmang aalis na. Siguro ay pakana lamang ito ng mg
"Inuulit ko, bakit ka naririto at saan mo nakuha ang suot mo?!" Galit na galit s'ya. Pikon! sigaw ko sa isip ko. Kahit abot-abot ang kaba ay nagawa kong sumagot sa aking isip. "H-hindi ko alam, nagising na lamang ako na naririto na ako. At itong suot ko, paborito ko 'tong pang araw-araw dahil masarap sa pakiramdam at presko," sagot ko dahil 'yun ang totoo. Tiningnan ko naman s'ya at nakita ko na bumalik na sa normal ang ekspresyon ng kanyang mukha. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa nakita. "Ginagaya mo ba ako?" Napataas naman ang aking kilay sa narinig, anong ginagaya? "'Yung padalawa mong sagot, ganu'n na ganu'n din ang aking sagot kanina." "E, 'yun din ang nararamdaman ko kapag suot ko 'to," depensa ko. Kasalanan ko bang pareho kami ng nararamdaman. "May hinahanap ako kasama ang grupo ko. Isang kriminal na ninakaw ang portal sa palasyo." Ang pagtataka ay bumalik sa akin, lalo akong
Taimtim lamang akong nagmamasid sa buong paligid. Habang 'yung Leonardo ay inaasikaso si Prinsipe Lucas. Puno ng mga antigong kagamitan ang buong bahay. Simple lamang at maaliwalas at parang hindi lalaki ang nakatira rito. Halatang napaglipasan na ng panahon ang bahay ngunit mukhang matibay at tatagal pa. Habang nililibot ko ang paningin ay hindi pa rin ako makapaniwala, bago lahat sa paningin ko ang nakikita. Ang mga ikinikilos ng nasa paligid ko at ang mga lumalabas sa mga bibig nila. Napalunok naman ako dahil sa kaba. Ano ba 'tong napasok ko? "Ehem." Isang pekeng tikhim ang narinig ko kaya naman dali dali kong hinanap ang nagmamay-ari no'n. Nakita ko naman si Leonardo na nanlilisik na nakatingin sa akin malapit kay Prinsipe Lucas. "Sino ka at paano mo nakilala ang Prinsipe?!" sigaw nito, ang garalgal na boses nito ay nagbibigay ng takot sa buo kong kalamnan. Agad kong nadala ang dalawa kong kamay sa magkabila kong tenga dahil sa takot at gulat.
"Subukan mong tumukas at gumawa ng mali sisiguraduhin kong 'di ka na sisikatan ng araw," turan ni Leonardo pero inirapan ko lang s'ya. Masyadong mapagbintang dahil sa kanya may nagalit sa'kin ng wala naman akong ginagawang masama. Nakita ko naman na pinuntahan ni Monica si Prinsipe Lucas at umupo sa tabi nito habang si Leonardo naman ay nasa isang sulok lang at maigi akong binabantayan ng mga mapanuri niyang mata.Argh! Nakakainis! Hindi ko sukat akalain na magiging ganito ang buhay ko ng isang iglap. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng mundo dahil sa hindi makatarungan nitong pagtrato sa akin. Wala akong magawa kun'di sumunod sa utos nila dahil kung hindi ay baka isa na akong malamig na bangkay. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng talukap ng aking mata. Siguro ay sa pagod at sobrang pag-aalala, maya-maya pa ay hindi ko na namalayan na binalot na pala ako ng kadiliman.~*~Napuno ng tawanan ang buong sasakyan.
Napatingin naman ako sa isang gawi kung saan ang mga antigong pinggan ay bigla lumutang at mabilis na bumulusok sa gawi nina Leonardo at Monica. Napaigtad ako at bahagyang napaatras. Halos himatayin ako sa nakita.Pinggan na lumulutang?Ang buong akala ko ay tatama na ito sa kanila ngunit may tila isang enerhiya ang pumipigil dito. Napatingin naman ako kay Monica na nakataas ang isang kamay at nakatapat ito sa mga lumulutang na pinggan na tila pinipigilan nito ang pagtama sa kanila ni Leonardo."Hindi rin ba isang kalapastanganan ang sigawan n'yo ang inyong Prinsipe?" Nalipat ang tingin ko sa Prinsipe na ngayon ay nakatayo na rin. Hindi siya sumisigaw ngunit ramdam mo ang galit at inis doon."Hindi siya nabibilang sa atin at hindi kailanman. Kaya hi
"Mahal na Prinsipe." Saka ito tumungo na parang nagbibigay galang."Bakit ang tagal mo? Halos abutin ka na ng tanghali!"Sa halip na pakinggan ang sinabi ni Monica ay napatingin ito sa akin. Mabilis naman akong napatayo sa aking pagkakaupo sa sahig."Siya ba ang tinutukoy n'yo mahal na prinsipe?" tanong nito sa mababang boses habang ang kanyang mga tingin ay hindi maalis sa akin."Siya nga." Imbes na ang prinsipe ang sumagot ay si Leonardo ang nagsalita na ngayon ay nakatingin na rin sa akin."Nahanap mo ba ang pinapahanap ko sa'yo?" tanong ni Prinsipe Lucas. Mabilis na tumango ang kausap ng prinsipe."Pau
Halos maputol ang hininga ko sa aking narinig mula kay Mathias, hindi maaari!"Ngunit hindi ko kayo kauri at hindi ako pwedeng mamuhay kung segu-segundo ay nasa kapahamakan ang buhay ko!" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko. Hindi ko kaya na napapaligiran ako ng mga bampirang ito."Huminahon ka, Cenn." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Prinsipe Lucas."Gumawa kayo ng paraan! Hindi ako nabibilang dito at hindi ko kayang isipin na pwedeng ni isa sa inyo ay pwedeng pumaslang sa akin!" Gusto kong umiyak sa pag-aalala, hindi ito pwede!"Naiintindihan ka namin ngunit ito ang sinisigurado ko, hindi ka nila sasaktan. Mga kaibigan ko sila at mabubuti silang bampira."Mabubuti? Walang mabuti kapag natukso kana!"Kaya may Rainepha ka, 'yan ang magiging proteksyon mo laban sa mga bampira. Hindi nila maaamoy ang dugo mo hanggat suot mo 'yan." Turo ni Monica sa singsi
Tumatama ang preskong hangin sa aking balat na nagmumula sa buong kagubatan. Tinatahak namin ang labasan nitong gubat habang nakasakay sa karwahe ng sa gano'n ay makapunta kami sa pamilihang sinasabi ni Prinsipe Lucas. Suot ko ang isang makapal na balabal na pagmamay-ari ni Monica. Dapat ko raw isuot iyon para matakpan ang suot ko, para hindi magtaka ang ibang bampira, baka raw isipin nila na isa ako sa maharlika. Kahit na hindi ko maintindihan ang sinasabi niya na maharlika ay sinunod ko na lang dahil alam ko namang ito ang mas makakabuti sa akin. Habang naririnig ko ang mga tadyak ng kabayo ay napahawak naman ako sa bulsa ng panjama ko. Nakapa ko ro'n ang wallet ko, nakita ko 'yon kanina habang isinusuot ko ang balabal ni Monica. Napangiti ako dahil hindi nila nakita 'yun. Kun'di ay paghahatian pa nila ang pera ko. Akala ko ay wala ng natira sa akin ngunit hindi pala. Itatago ko na lang iyon baka kase magamit ko pa. Mula sa bulsa ay napadako ang aking kamay