Share

Chapter 17

MAGHAHAPON na nang matapos ang meeting. Matapos ng insidenteng iyon ay nanahimik na lang ako sa kinauupuan ko. Seryoso ang mga taong kasama ko habang nag-uusap tungkol sa mga bagay na tinatamad akong intindihin dahil nasa wikang Ingles. Paminsan-minsan sumusulyap ako kay Tom Cruise-lookalike kapag siya na ang nagsasalita. Ini-imagine ko kung totoo nga ang sinabi ni Francisco kung may asawa't anak na nga ito. Sana all na lang.

Nang matapos ang meeting ay batid kong may magandang balita. Nakangiti nang bahagya si Francisco nang magpaalam sa mga ka-meeting. Pero nang mapatingin siya sa akin, bigla siyang napasimangot. Sinimangutan ko na lang din siya. Umalis na kami pagkuwan. Ako na saling-pusa, nakasunod lang sa dalawang lalaki na nag-uusap pa rin hanggang sa makasakay ulit kami ng kotse.

"Go home now, Ms. Magbilao. Bukas na lang ulit," walang emosyong sabi ni Francisco pagtigil namin sa may parking lot ng kompanya niya.

"S-Sigurado ka? Three PM pa lang?" kunwa'y kaswal na maang ko.

"O
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status