Share

Chapter 18

DAHIL sa nangyari, napasubo tuloy ako. Kailangan kong panindigan lahat ng sinabi ko. Kaya ko naman lahat eh, kaya kong matuto, kaya kong magpakaseryoso. Kaya lang, ito talaga ang pinakaproblema ko. Paano ako bababa? Paano ako uuwi? At paano ako papasok nang maaga bukas? At sa mga susunod pang araw. Alangan namang gawin ko talaga ang sinabi ko? Maghahagdan ako pababa't panaog? Jusko baka pagdating ko sa dulo lantang gulay na ako.

Tumayo na ako sa mesa ko. Ewan ko rito kay Francisco nagbi-bisi-bisihan pa sa trabaho. Pinag-encode niya ako kuno maghapon. Bait-baitan naman ako.

Pati tuloy pagtawag ko sa kaniya ng 'Sir France' natutunan ko. For me, hindi maganda pakinggan. Mas maganda pa rin ang Francisco, mas bagay sa kaniya. Mas masungit pakinggan.

Paglabas ko ng office niya, nakita ko si Carlo, busy pa rin. Relaxed lang ang awra niya pero ang bilis ng type niya sa computer. Pigil ang hiningang naupo ako sa couch na halos kaharap niya.

"Yes, Ma'am? Pauwi ka na?" puna niya sa akin. Ito ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status