Share

UNRESTRICTED DESIRE
UNRESTRICTED DESIRE
Author: ARJEAN APOLINARIO

PROLOGUE

A picture-perfect couple, that couldn't wish for anything more since they seemingly have everything anyone could ever want... but with one exception-

Gabriel Mondragon... mayaman, gwapo, at isang 'one woman man'. Lahat na yata ng bagay na gugustuhin ng isang lalaki ay mayroon na siya, a famous name in business world, a smooth-sailing, happy 5 years married life with Rowena Mondragon... a socialite, beautiful, fine woman, na kilala sa larangan ng fashion industry, at ginugusto ng halos lahat ng mayayaman at kilalang business man noong dalaga pa ito ngunit tanging sa kaniya lang nagpatali ng pang-habang buhay. Akala ni Gabriel ay nasa kaniya na ang lahat, na wala na siyang mahihiling pa... na buo na siya at masaya kasama ang kaniyang pinakamamahal na asawa. Ngunit akala niya lang pala dahil lahat ay nagbago nang magdesisyon  na silang bumuo ng isang masaya at malaking pamilya ni Rowena.

A month of trying to conceive a child hanggang sa umabot ng isang taong pagsusubok makabuo ay walang nangyari. Halos lahat na yata ng paraan, positions ay sinubukan na nila upang mabuntis si Rowena ngunit hindi talaga sila biniyayaan.

At isa na lang ang tanging bagay na hindi pa nila ginagawa, at iyon ay ang magpatingin sa eksperto kung may problema ba sa kanilang mag-asawa kung kaya't hirap silang makabuo ng bata.

Isang check-up result na nagpabago ng takbo ng kanilang buhay mag-asawa, at ang unti-unting pagkawasak ng kanilang pagsasama.

"Mr. Mondragon, you had no problems at all. Kahit isang dosena ay kayang-kaya mong makabuo because of your healthy and normal sperm count." Napangiti naman si Gabriel sa ibinalita ng doktora.

Ngunit napansin nito ang malungkot na pagdako ng pansin ng doktora sa kaniyang pinakamamahal na asawa kaya hinawakan niya ang mga palad nito at hinaplos ang kaniyang mukha.

Napatingin naman si Rowena kay Gabriel, mga tinging may takot sa maaaring sambitin na resulta ng kanilang doktor tungkol sa kalagayan niya, na maaaring magpabago ng lahat sa kanilang magandang relasyon.

"But sad to say this, Mrs. Mondragon... we diagnosed that you have a Polycystic ovary syndrome that causes you in difficulty of bearing a child."

"W-what?" Hindi makapaniwalang tugon ni Rowena na nagpaluha sa kaniya, niyakap naman siya kaagad ni Gabriel. Yakap na nagpaparamdam sa asawa na 'everything's going to be alright.'

Ngunit magiging 'alright' pa ba ang lahat kung makilala ni Gabriel Mondragon ang isang Rafaela Santiago... ang babaeng makakatulong sa kaniya upang mabuo ang kulang sa kaniyang buhay.

A casual business deal that becomes entangled because of the unrestricted desire of Gabriel Mondragon to his contracted baby-maker, Rafaela Santiago.

"Inupahan, at binayaran mo lang ang matres ko, hindi para maging

kabit mo."  -Rafaela Santiago

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status