Share

Kabanata 17

PAGTATAMPO

“Wala nga ‘to, Maya. Ako pa ba?” tinapik pa ni Rosell ang sariling ulo.

“Nasaktan ka na naman dahil sa’kin. Pangalawang beses na ‘to,” malungkot niyang hayag habang nakatingin sa benda ng ulo ng kaibigan.

“Ano’ng pangalawang beses? May nangyari din ba noon na hindi ko alam?” biglang sabat ni Kael.

Halos mapatampal sa noo si Rosell dahil sa kaniyang kapabayaan. Siya nama’y hilaw na napangiti. Muntik na nilang makalimutan na kasama pala nila ngayon si Kael at hindi nito alam ang tungkol sa nangyari noon sa bar ni Simon. Ang pagkakadroga sa kaniya at ang muntik nang pananamantala sa kanila ng kaibigan.

Nagsenyasan sila ni Rosell para gumawa ng irarason. Hindi nila pwedeng sabihin iyon kay Kael lalo na’t padalos-dalos ito sa mga ikinikilos.

“Wala lang ‘yon. Natamaan lang ako ni Maya habang naggagapas ng mga damo sa hacienda,” pagsisinungaling ni Rosell na bumenta naman sa lalaki.

“Nagtatrabaho pa rin kayo dun? You should have taken a break or find a more decent job. Your
desantrix

Thank you all, trixs, for reading this story! Stay tuned for more updates ;) Huwag kalimutang mag-iwan ng ratings and reviews. And vote, vote, vote!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status