Share

Kabanata 4

Kabanata 4 : Caelum

Tumagal rin kami sa hospital ng mga ilang araw pa. At nahihirapan na ako sa bagay na iyon, lalo na't mas naging sensitibo ang pang-amoy ko, kinakabahan pa naman ako dahil baka bigla na lamang akong mauhaw, at dugo ng tao ang mainom ko.

Ngunit, sa hindi ko malaman na dahilan, hindi ako nakaramdam nang kahit anong uhaw? Hindi man lang ako nagutom, o kahit nakaramdam man lang nang kahit anong pagkatuyot sa aking lalamunan.

Mukhang nakatulong ang binigay na basbas ni Tito Sebastian sa akin. Simula noong araw na iyon ay binigyan niya ako ng basbas upang makontrol ko ang aking pagka-uhaw kapag nakaka-amoy ako ng sariwang dugo.

At mukhang umepekto iyon sa akin, kaya hito ako ngayon? Nakakalapit ng maayos kay Caelum. Ako ang nag-aalaga sa kanya kapag tulog ang kanyang ina, lalo na ngayong nakauwi na kami sa kanilang tahanan.

Inimbitahan akong, dito muna ako maninirahan kahit ilang buwan lamang, bilang kasama nila sa bahay at magbantay sa kanilang anak. Hindi ako makapaniwa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status