Share

KABANATA 7

SA kanunog-nunogan, inihilera ni Xorxell ang mga maleta niya.

"X-Xorxell, galit ka ba?"

Kanina pa kasi ito tahimik. Kahit na wala itong sinasabi. Alam ni Lexi na galit ito. Gusto niya lang itanong para sa confirmation. Pagkatapos kasi nilang makausap si Zeus Ferrer sa opisina nito, ay walang kahirap-hirap na namang hinila ni Xorxell ang mga gamit niya. When at one particular house—no, is this a villa? Cabin? Maybe it was. O kung ano man ang tawag doon ay nagmukha rin iyong pangkaraniwang tahanan kagaya sa bahay nila sa probinsya. Amazement enveloped her. Bago pa man kasi sila makapasok sa bahay nito ay may nadaanan din silang naglalakihang mga mansyon na tila ay may nagaganap na pasiklaban kung sino ang may malalaking mansyon.

"...magbibihis lang ako. Huwag ka nang mag-abala pang iakyat ang mga bagahe mo. Ako na ang bahala riyan. Better yet, do you want to take a shower?"

"W-with you?"

Kung tanga siyang tunay ay parang gustong pukpukin ng martilyo ni Xorxell ang ulo niya. Nagpeace sign nalang siya. Bigla-bigla ba naman kasing sinamaan siya nito ng tingin na parang hindi maganda ang sinagot niya dito.

"You're answer is quite tempting. Well do you mind?"

"Na ano?"

"Taking shower with me."

Siya naman ang tinaasan ng mga balahibo dahil kakaiba ang naging dating ni Lexi sa magaspang at baritonong boses ng binata. Xorxell then smirk. "Wala ka pala e. Magsasalita ka tapos hindi mo naman gagawin,"

"Ehh?"

Tumalikod na ito. Parang out of curiosity ay gusto niyang itapon ang katawan sa likuran nito. Ilingkis ang mga binti sa baywang nito at sabay silang maligo ni Xorxell sa isang shower. Ang likuran nito ay masyadong hantad para sa isang pangkaraniwang lalaki na physically fit. My God, Xorxell Diaz. Why are you like that?! Literal na you take my breath away na talaga.

Pero ano 'raw?

Pinaltok niya ang sarili dahil sa kung ano-ano nalang ang kanyang iniisip. Mabuti nalang at nawala na si Xorxell kaya sinarili na lamang niya ang mga bagay-bagay na ang binata ang pinaka-hot issue.

Doon niya napagtuonan ng pansin ang kabuuang desinyo ng bahay nito. The wall was well mixed with a paint that if she's not mistaken was perfectly done with yellowgreen and gray color. Ang mga furnitures na kung hindi man nakasabit ay mayroong nakapatong naman sa bawat stalls. Napangiti si Lexi. In a particular man like Xorxell Diaz, with this not so broad motif. Matanong nga mamaya kung sino ang designer ng bahay nito. Wala. Gusto niya lang purihin.

Nang mapadako ang tingin ni Lexi sa mga maleta niya. Thinking about Xorxell with his hardest times pulling it up with his two hands. Alam niyang napagod ito dahil nga'y may kabigatan ang mga gamit niya. Or she's just the only one thinking that he was exhausted.

"...huwag ka ng mag-abala pang iakyat ang mga bagahe mo. Ako na ang bahala riyan. Hmmp, para namang gagawin nga niya e baka nga pagkatapos ng pagligo niyon ay titihaya nalang sa kama dahil sa pagod. Tse! Huwag ako Xorxell,"

Dahil matigas ang ulo niya ay inabot niya ang handler ng dalawang maleta upang hilahin iyon paakyat. Nasa kalagitnaan na siya ng makaramdam ng pagod dahil tunay ngang mabibigat iyon. Bakit noong si Xorxell ang naghila ay hindi man lang ito hinihingal?!

Napaka-unfair talaga ng mundo.

"Hula ko'y isang oras ang itatagal bago ko marating ang dulo. Sige, ilaban mo iyan Lexi." She made an ecstatic kick na hindi sinadyang napatid ang maleta na nasa kanan niya. Na-out of balance si Lexi. Kasabay ng pagbulusok ng maleta niya pababa ay napasabay ang kanang paa niya na naging dahilan kung bakit pahiga siyang bumagsak sa hindi niya mabilang kung ilang palapag na iyon ng hagdan. Lexi made a total grunt of pain. Hindi siya nakagalaw dahil parang may kung anong nangyari sa mga boto niya. Lumagutok ang bagahe niya na tumama sa kung saan sa ibaba. Ngunit hindi niya na makuhang tingnan iyon dahil ultimong ulo niya ay hindi maigalaw.

"Ano ang ingay na—shit! Alexis!"

The moment she heard Xorxell's worried voice. Doon bumagsak ang mga luha niya. Labis ang nararamdaman niyang sakit. At kahit na tuwalya lamang ang tanging nakatakip sa katawan nito. Hindi naging hadlang sa binata para lapitan siya na naroon sa guwapong mukha ang labis na pagkataranta.

"Shit! Shit! L-Lexi, what have you—"

"M-masakit..." She cried whimpering. Daig niya pa ang naikama sa unang pagkakataon. Xorxell never tried to get her up.

Sa mabilis na pangyayari ay namalayan na lamang niya ang sariling nakahiga na sa stretcher. Tinawag kasi ni Xorxell si Owen at ang binata, kabilang ang iilang miyembro ng FVC ang naglikha ng mga iilang hakbang para hindi lalala ang kung anomang nangyari sa katawan niya. Upang ilipat siya sa stretcher.

Hindi pa rin humihinto ang mga luha niya sa pag-agos at ang kamay ni Xorxell na mahigpit na humahawak sa kanang kamay niya ay siyang pinaghuhugutan ni Lexi ng lakas sa mga oras na iyon. Maya't-maya h********n ng binata ang noo niya. Umuusal ng mga salitang magiging okay lang siya.

"M-mamamatay na ba ako?" She asked between her sob.

"No. Si Owen ang titingin sa lagay mo. Just please darling don't lose hope hmm? Papakasalan pa kita."

Rinig ni Lexi ang ungol ng kalalakihan na katulad ni Xorxell ay tinutulak na rin ang stretcher. Muli siyang napangiwi nang maramdamang inangat ang katawan niya para ilipat sa clinic bed.

"...oh, please Owen. Don't look at me. Like that,"

"Malala ang naging bagsak ni Lexi. She needs to fully undergo—"

"What the fuck!"

Ang pagdating ni Zeus Ferrer ang siyang nagkumpirma na kailangan niyang mailipad agad sa isang pribadong hospital. Inangat niya ang tingin kay Xorxell na nakayuko ang ulo at nakatunghay sa kanya na mahigpit ang hawak sa mga kamay niya. Nagtatagis ang bagang nito. Kaya nabahala na naman siya.

Sakay sila this time sa private chopper na pagmamay-ari ni Zeus Ferrer.

"You can curse me...or anything you want to do. Matigas kasi ang ulo ko para hindi sundin ang gusto mo sa palaisipang baka napagod ka kakahila sa mga maleta ko mula pa doon sa NAIA—"

"Please Lexi. Don't make it hard for me."

"Hindi ko naman talaga alam na iyon ang mangyayari—" natigilan siya ng hinaplos nito ang pisngi niya. Masuyo at marahan. Ramdam ni Lexi ang pag-iingat. "Huwag ka ng magsalita. Hindi ako galit." Umuklo ito para gawaran siya ng mahabang halik sa noo na sinasabayan ng paghaplos ng binata sa kanyang ulo, Alexis felt security. Naipikit niya ang mga mata unconsciously when she heard a soft and seductive chuckle.

Si Xorxell Diaz ang salarin.

"You do feel fantasies with my kisses huh? You're a great liar." Sa manghang tono ay umangat ang sulok ng labi nito para ngitian siya. Isang ngiti na masasabi niyang mas sincere sa buong pagkakataong kaharap niya ito.

"Nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Was enough for her to feel at ease dahil nandito nga ang lalaking minsan niya nang pinapatay sa isip.

Humigpit ang hawak niya sa kamay nito.

"Thank you..."

"Don't thank me. Iyon ang responsibilidad ko bilang lalaki at bilang mapapangasawa mo."

Parang gusto niya tuloy bumangon sa hinihigaang stretcher para halikan ito. Muli, nakaramdam si Lexi ng kakaibang pintig ng puso. Just Xorxell Diaz speaking random words ay tila nagwawild na ang mga organismo sa loob ng kanyang tiyan.

Alam niyang malaki ang koneksyon ng mga taga-FVC. Pero hindi ni Lexi inaasahang ipapasok siya ni Xorxell sa isang VIP room na naka-VIP patient. Kaya mabilis ang atensyon ng mga Doctor at nurses na inilaan sa kanya. Hinayon lamang ay hindi nga umalis si Xorxell sa kanyang tabi. Just a seconds and minutes. Tanging si Xorxell lamang ang gustong makita niya pagmulat ng mga mata. Kahit nga nang makaramdam siya ng biglaang antok na kanina ay wala namang indikasyon ay nataranta si Lexi.

"X-Xorxell...huwag mo akong iwanan please,"

"I do. Dito lang ako," huling alaalang narinig niya ang boses nito bago tuluyang nilamon siya ng dilim.

——————

HINDI ni Lexi alam kung ilang oras siyang natulog. Basta pagmulat niya ng mga mata ay madilim na sa labas at nang marinig ang boses ng mga lalaking nag-iingay sa mahabang sofa ay gustong maghisterya ni Lexi nang makitang wala si Xorxell doon. Biglang nataranta siya.

Si Jackson ang unang nakapansin sa kanya.

"Hey, Miss Montejano—"

"S-si Xorxell?" Agad ang naitanong niya.

"Lumabas muna dahil may importanteng—"

"P-pakitawagan please, gusto ko siyang..." Makita. Hindi niya maidugtong kaya bumaling si Jackson kay Barkley. "Tawagan mo. Sabihin mo nagising na ang loveydovey niya."

"Okay."

Hindi pa man naabot ni Barkley ang cellphone sa center table ay bumukas na ang pintuan ng kanyang ward room. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang si Xorxell iyon. Bagaman suot ang black jacket na nakahood. Kilalang-kilala niya pa rin kung sino iyong pumasok. Bitbit ang maraming plastik ng pagkain sa magkabilang kamay...

"Xorxell! Nagising na si Miss Montejano. Hinahanap ka."

Huli na para sawayin niya si Jackson. Agad ang pagbaling ni Xorxell sa kanya. Tinanggal ang hood sa ulo. Inilapag ang mga bitbit sa lamesa at dagliang nilapitan siya. Hindi na makontrol ni Lexi ang malakas na tibok ng puso niya nang pagkatapos makita ang pag-aalala sa mukha nito ay agad na bumawi sa pagngiti sa kanya.

"Hi,"

"Saan ka g-galing?"

She maybe sounds rude. Subalit hindi iyon binigyang pansin ni Xorxell. "Buying foods for us and..." Nilingon nito ang mga kaibigan na ngayon ay kanya-kanyang check sa pagkaing binili nito. "—for those Dino's. Well, uhmm...are you fine now?" Hinila nito ang plastic chair para umupo sa tagiliran niya. Pero bago iyon ay wala sa sariling tinabing ni Xorxell ang iilang hibla ng bumuhok na humaharang sa mukha niya kung kaya't labis na naman ang pagtambol ng dibdib niya na parang anumang oras ay maririnig na iyon ng binata.

"There. You are a good sight to be watch ng walang hadlang sa mukha mo. I um, ah. Nakausap ko ang doctor. For the meantime ay bawal kapang i-discharge despite the fact na kailangan pa nilang suriin ang kabuuang problema sa likuran mo. You bleeds Lexi. And a little more scratches. All the more, I am perplexed that something bad not happened to you. Hindi ko kaya iyon."

"...dahil talagang hindi napapakali iyang si Xorxell na palakad-lakad dito habang tulog ka." Si Henjie na may pagkaing napasak sa bibig.

"I'm telling you, Alexis. That man, Xorxell Diaz was—"

"Gusto mong bawiin ko iyang kinakain mo, Henjie?"

"Sabi ko nga. Kakain na." Binalingan na siya ulit ni Xorxell.

"Gusto mong kumain?"

Sa sinabing iyon ng binata ay doon lang siya nakaramdam ng puwang sa sikmura. Inangat niya ang tingin kay Xorxell at tumango. Ngumiti na naman ito na siyang nagpalusaw sa kailaliman ng tiyan niya.

Tumayo ang binata at ito na ang nagpresentang lagyan ng mga pagkain ang Plato. Pero nagulat siya ng umupo ito sa gilid ng kama niya. She knows what he is trying to imply pero tumanggi siya.

"Hindi pa ako imbalisadong tao Xorxell kaya ko."

"Ang huling naalala ko ay naaksidente ka sa labis na katigasan niyang ulo mo." Sa galit na tono kasabay nang pag-atuyaw muli ni Henjie.

"Baka 'raw kasi malunok mo ang kutsara sa bibig, at tiyak triple na naman ang pag-aalala niyan. Ikaw pa naman ang—"

"Isang huling hirit pa Henjie." Tonong nambabanta. Para mahika na biglang tumahimik si Henjie kaya itinuloy ni Xorxell ang panunubo sa kanya. Inalalayan muna siya nito pasandal sa headboard ng kama kung kaya't amoy na amoy ni Lexi ang pabango nito na nanunuot sa kanyang ilong. Hindi niya tuloy napigilan na ilapit pa lalo ang mukha sa didbdib nito.

Ano ba iyan Lexi. Ikaw lang yata ang hangal na pasyenteng inienjoy ang pagbibigay tulong sa iyo ni Xorxell. Kontra ng munting tinig sa isip niya kaya ipinilig niya ang ulo na napansin rin naman ng binata.

"Something's wrong?" Tanong ni Xorxell nang makabalik na sa pwesto nito.

"Ang bango mo kasi. Hindi ko napigilang amoy..." Natutop ni Lexi ang bibig. "N-no. Hindi iyon ang sinabi ko," nakakalitse talaga!

Nang marinig ang halakhakan nina Henjie, Jackson at Barkley. Doon lamang pinamulahanan si Lexi ng mukha.

Nakakahiya.

"Huwag mo nalang silang pansinin. Iisipin ko nalang na wala kang sinabi."

"Naks, Xorxell Diaz. Bumabanat tayo ah?!"

"At mas lalong huwag kang makinig sa mga katarantaduhan ng mga iyan. Say, ah..." Na sinunod niya naman para maisubo ang pagkain sa kutsara na hawak nito. Natigilan si Xorxell nang sa ikaapat na subo ay iwinasiwas niya ang kamay. Dahil may naalala.

"Kumain ka na ba?"

"Busog ako." Sagot nito kaya umiling siya. "Dapat kumain ka rin. Alas otso tayong dumating sa FVC at gabi na ngayon kaya kung sasabihin mong busog ka—"

"Kakain ako. Pagkatapos mo. Huwag kang mag-alala."

"Hindi kita inalala. Para sa taong kagaya mo. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom."

"Halatang hindi ka sa'kin nag-alala. Kakain nga ako. Pagkatapos mo. Isang subo pa oh? Para naman magkaroon ng laman iyang tiyan mo. Dapat may resistensya ka."

Sino naman ang babaeng hindi bibigay sa malambing ngunit magaspang na tono na ibinigay ni Xorxell? Siya lang. Kaya nga'y hindi niya alam kung ilang sandok ng kanin at ulam ang naubos niya dahil totoong ganado siya sa pag kain.

Pagkatapos niyang makainom ng tubig ay nagpaalam si Xorxell para kumain na rin sa lamesa palayo sa kanya. Tinitigan niya ng mariin ang bawat galaw nito. Gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Lexi nang makitang ang kutsarang ginamit niya ay ang kutsarang ginamit rin nito.

Bumaling sa kanya ang binata. Muli ay nagpakawala ito ng malambing na ngiti.

And O to the M to the G!

Parang gustong mangisay ni Lexi sa...kilig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status