Share

Kabanata 54

Napasalampak ako sa mga tuyong dahon matapos ang putok na ‘yon. Akala ko, katapusan ko na. Akala ko mamamatay na ako sa kamay ng lalaking mahal ko, pero dalawang sunod-sunod pa na putok ang narinig ko.

Rinig ko rin ang sunod-sunod na lagabog sa harapan ko. At hindi ko magawang tingnan kung ano ‘yon.

Humagulgol ako habang nakatakip sa tainga ang mga kamay kong nanginginig. Hindi ko rin magawang idilat ang mga mata ko kahit naririnig ko pa na may papalapit sa akin.

“Aya, tumayo ka na." Napabalikwas ako nang nararamdaman kong may humawak sa akin at niyakap ako.

Narinig ko ang sinabi niya. Alam kong si Ancel ang yumakap sa akin ngayon, pero hindi ko magawang tingnan siya. Hindi ko magawang hawakan siya.

“Aya, sorry…natakot ka, but I have no choice, kailangan kong gawin ‘yon. Iyon lang ang paraan para maligtas ka,” parang maiiyak na sabi ni Ancel. Haplos-haplos na rin niya likod ko.

Hagulgol pa rin ang sagot ko. Pero kamay ko ay mahina nang sinuntok-suntok ang dibdib niya. Ni ang sab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Para akong nanunuod Ng Movie action ,Nako Naman Hindi mapuruhan si Ancel Kong matamaan man. Paano Nayan pag Hindi Sila makaligtas baka pahirapan Sila Ng Tudo ni Jax na dimonyo .
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status