Share

Chapter 7

Mabilis akong naglakad hanggang sa marating ko na ang kusina. Napasandal agad ako sa pader habang hawak ko ang dibdib ko.

Anak ng!!

Inuutusan ko ang lupa na lamunin na ako ngayon na!

Napaigting ako nang biglang pumasok dito si Keira na nanggaling sa back door. Natigilan siya ng makita ako at nagulat pa sa presensya ko.

"Ayos ka lang po ba Ma'am?" Lumapit ito sakin at sinuri ang buong pag mumukha ko.

"Ang pula ng mukha mo Ma'am ah" napakunot ang noo ko ng tonog parang nanunukso itong si Keira.

"New blush on po ba iyan Ma'am?" taas-babang kilay pa nitong sabi sakin.

"Huy Ikaw Keira Ah" diko mapigilang magka utal utal sa sinabi ko. Pumunta ako sa may ref at binuksan ito.

Teyka bakit ko ba binuksan to?

"Psst" napalingon ako kay Keira at kasalukuyan na itong nakasandal sa pader na pinagsandalan ko kanina. Naka crossed arm pa ang babae at ang tingin niya sakin ay nanunukso.

Nakasimangot ako.

"Mukha kang butiki dyan" sabi ko nalang at isinarado nalang ang ref. Napabusangot ang mukha ni Ke
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status