ILANG minuto din na naghintay sa hapag kainan sina Eliana bago bumalik ang magkapatid na Ivan at Louisse mula sa seryosong pag-uusap nang mga ito. Madilim ang mukha nang mga ito nang humarap sa kanilang mga naroon.“This family dinner is just a waste of time,” pahayag ni Louisse saka tumingin sa kapatid nitong si Ivan. “Let’s go home and celebrate on our own.”Sinenyasan ni Louisse ang mga anak na sumunod sa kanya. Bagaman naguguluhan ay umahon sa kani-kanilang upuan ang magkakapatid na Alvi, Denisse at Denver kasama ang mga kapareha ng mga ito.“What happened, Tita?” Lakas loob na tanong ni Sylvia na pinigilan pa ang tiyahin na umalis. “Ano pong nangyari sa pag-uusap niyo ni Papa?”“Ang ama niyo na lang ang tanungin ninyo dahil mukhang siya ang may problema sa mga desisyon niya para sa pamilya ninyo. Ayokong madamay ang pamilya ko sa mga desisyon niya kaya kami na ang iiwas.” Louisse snapped at her brother before leaving.Nagpaalam lang ang magkakapatid sa kanila saka umalis ngunit b
NAGISING si Eliana na masakit ang ulo at nilalamig. Nang tingnan niya ang sarili, namilog ang mata niya nang makitang wala siyang saplot at tanging kumot lang ang proteksyon niya sa katawan. Inalala niya ang nangyari ng nagdaang gabi. Ang natatandaan niya ay nagkukwentuhan sila ni Sylvan habang umiinom ng alak. Nalasing siya at... Natutop niya ang bibig nang maalala ang ginawang paghuhubad sa harap ni Sylvan at ang mga insecurities na sinabi niya rito. Nasabunutan niya ang sarili sa sobrang kahihiyan sa mga ginawa dahil sa impluwensiya ng alak. Kaya habang sinesermonan ang sarili ay dali-dali siyang naligo at nagbihis para hanapin si Sylvan. Nagising kasi siya na wala ito. Baka naturn off ito sa mga pinaggagawa niya. Wala ito sa sala at kusina nang bumaba siya pero nasa harap pa ng kanyang bahay ang Mercedes Maybach nito. Imposible naman na umalis ito at iniwan na sa kanya ang mamahalin nitong sasakyan. Sumilip siya sa labas ng bahay only to find the man she’s looking for, busy wi
HINDI sinasadya ni Sylvan na marinig ang pag-uusap ni Elian at ng ina nito sa cellphone. Lumabas siya sandali para bumili ng pagkain para sa kanilang hapunan. Mahaba ang naging tulog ni Eliana dala na rin ng pagod nito sa nangyari sa kanilang dalawa.Gigisingin na sana niya ito para maghapunan nang marinig niyang kausap nito sa cellphone ang ina nito. Pinakinggan niya ang usapan ng mga ito at doon niya nalaman na kaarawan pala ni Eliana sa susunod na araw.Nalaman din niya na gusto siya nitong isama kaya siguro ito nagtatanong kung busy siya sa nga susunod na araw. Sylvan felt guilty for saying that he’s busy.Hhininta niya na matapos ang pag-uusap ng mag-ina bago siya pumasok sa silid. Nadatnan niya si Eliana na nahihirapang tumayo kaya inalalayan niya ito.“Huwag ka muna tumayo kung hindi mo pa kaya,” aniya. Inalalayan niya itong makaupo na nakasandal sa headboard ng kama. “Dadalhan na lang kita ng pagkain dito.”“Thank you,” Eliana put down her phone on the night tavle. “Akala ko i
GABI na nang makarating sina Eliana sa kanilang bahay kung saan sinalubong sila ng kanyang magulang at mga kapatid.“Ate!” Agad siyang sinalubong ng yakap ng kanyang bunsong kapatid na si Elijah. “Kanina kanpa namin hinihintay.”Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid. “Binata ka na, Elijah.”Parang kailan lang ay binibilhan niya pa ito ng mga laruan na pambata pero ngayon ay hindi na yata laruan ang gusto nito. Kasunod ng kapatid niya na yumakap sa kanya ang kanyang Mama at Papa.“Welcome back, Eli,” turan ng kanyang ina saka siya niyakap.“Namiss ko kayo ng sobra, Mama at Papa.” Niyakap niya ang mga magulang saka nagamano sa mga ito. “Mga kaibigan ko nga po pala.”“Magandang gabi po,” bati ng kanyang mga kasama na nakabuntot pala sa kanya.Muntik na niyang makalimutan ang kanyang mga kasama dahil sa sobrang pananabik sa pamilya.“Mga kaibigan ko nga po pala.” Pinakilala niya isa-isa ang mga kasama sa kanyang pamilya bago sila pumasok sa loob ng bahay. “Pangungunahan ko na kayo ha? Hind
“MA, may trabaho ako ngayon.” Nilakasan ni Eliana ang boses upang marinig ng ina na nasa kabilang linya ang kanyang sinabi.Kasalukuyan kasi siyang naghahanda para pumasok sa trabaho nang tumawag ang Mama niya. Isa siyang interior architect sa Denisse Mendoza Firm o mas kilala bilang DM Firm. “Puro ka na lang trabaho, Eli. Hindi naman tayo naghihirap para isubsob mo ang sarili mo sa trabaho. Kaya pa naman namin ng Papa mo na buhayin kayong magkakapatid.” Heto na naman ang litanya ng kanyang Mama tungkol sa kanyang pagtatrabaho.Mahinang bumuga ng hangin si Eliana at pinagpatuloy ang pagsisipilyo.“Hindi ka na pabata, Eli. Mag-asawa ka na para hindi na kami nag-aalala ng Papa mo sa iyo.”Pinaikot ni Eliana ang mata sa narinig mula sa ina. Lagi na lang kasi nito pinipilit na mag-asawa na siya dahil magte-trenta na daw siya. Nagpunas siya ng bibig nang matapos magsipilyo saka kinuha ang cellphone at inalis sa pagkaka-loud speaker para mas makausap ang ina.Nagtungo siya sa kwarto para
KAGAGALING lang ni Sylvan sa firm na pagmamay-ari ng kanyang pinsan na si Denisse. His father asked him to work together with Denisse for the construction of DREAM House. DREAM stands for De Rueda Enterprise and Mendoza. DREAM House will be the safe haven for the De Rueda's and Mendoza's. Vacation house kung baga. Si Tita Louisse, ang Mama ni Denisse, ang pinakaclose na kapatid ng Papa niya kaya naman laging suportado nila ang isa't isa. Lalo na ngayon na nagsisimula si Denisse na makilala sa larangan ng arkitektura dahil sa magagandang feedback ng mga clients nito. Naalala niya ang naging usapan nila ni Denisse. “The DM Firm has been on the run for more than eight years now, Den. I wonder what’s behind the success of your firm except for the fact that you have a lot of connections.” Ang totoo ay hindi ang pag-a-arkitektura ang pangarap ni Denisse. She wanted to be a doctor, but architecture and engineering ran in their blood kaya wala itong choice kung hindi maging arkitekto. “Wel
ALAS kwatro na ng hapon kaya medyo busy na ang kalsada nang lumabas sila. Karamihan ng mga tao ay papauwi na galing trabaho ganoon din ang mga estudyante sa paaralan. Dumiretso si Sylvan sa parking area sa harap ng firm kung saan nakapark ang kotse nito. Iba talaga kapag kamag-anak ng boss. Samantalang siya ay sa basement pa ang diretso dahil doon nakapark ang kotse ng mga empleyado.“Kunin ko lang ang kotse ko sa basement.” Paalam niya rito ngunit sa halip na magsalita ay binuksan nito ang pinto sa passenger seat ng kotse nito.“Isang sasakyan na lang tayo para hindi mahirap sa pagtravel. Rush hour na kaya mas mahirap kapag dalawang sasakyan pa tayo. Antipolo lang naman site.” wika nito habang hinihintay siyang kumilos.“Paano ang kotse ko? Paano ako uuwi mamaya at paano ako papasok bukas?”Sylvan gave her a blank stare. “Get in, Eliana. You’re wasting our time.”Padabog siyang naglakad at sumakay sa kotse nito. Pagkaupo niya ay agad niyang naamoy ang pabango ni Sylvan sa loob ng kot
4 KINABAHAN si Eliana nang tumawag ang Papa niya pagkasakay niya ng kotse ni Sylvan. Ganoong oras kasi tumatawag ang mga magulang niya dahil alam ng mga ito na nasa bahay na siya nang ganoong oras. But this time, wala pa siya sa bahay at sigurado siyang maraming itatanong ang mga ito. Video call ang tawag ng ama kaya agad nitong nakita na nasa loob siya ng kotse at wala sa bahay na inuupahan niya. “Hindi ka pa nakakauwi, ‘nak?” tanong ng kanyang Papa Leandro. Inilayo niya ang cellphone kay Sylvan upang hindi ito makita ng ama. “Hindi pa po. Pauwi pa lang po ako.” “Nasaan ka?” singit ng kanyang Mama Edna. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Sinong kasama mo?” “Binisita lang po namin ang site para sa project na gagawin namin. Kasama ko po ang engineer namin kaya ‘wag po kayong mag-alala.” Sinulyapan niya si Sylvan na seryosong nagmamaneho. The toned muscles on his arms were flexing every time he steers the wheel. Nakikita niya ang kalakihan ng muscle nito dahil sa suot nitong pol