Share

Chapter 2

MARCO

New York.

"Where's Wayne?" nakangiting tanong ko sa mga kaibigan kong may kanya-kanyang kandong na babae pagbalik ko ng table.

We were bar-hopping.

Nababagot ako at naririndi sa bunganga ni Mom sa bahay. Sabayan pa ng sandamakmak na sermon ni Dad tungkol sa kompanya. Na para bang pinapabayaan ko naman iyon. Pakiramdam ko sinasakal ako at unti-unting pinapatay. Daig ko pa ang bata para pakialaman nila. Parang lahat na lang yata ng galaw ko mali, nakikita nila. Noong una si Miguel. Pinagpipilitan nila itong umuwi ng Pilipinas. Nang hindi nila ito makumbinsi umuwi ako naman ang pinagdidiskitahan.

Alam mo 'yong parang isang taong gulang na bata na first time matutong maglakad kaya kailangan bantayan? 'Yon..! Parang ganun ang tingin nila sa akin. Tinuturuan ako kung ano ang dapat kong gawin.

"Nasa VIP room." nakangising sabi ni James habang naglalakbay ang kamay nito sa katawan ng babaeng parang sawang nakapulupot sa kanya. "Asan na 'yong kasama mo? Ang bilis n'yo ah."

I smirked then held the glass of whiskey and straightened up in my mouth the whole contents.

That's how sexual relationships really are, right? Kaswal na pakikipagniig in a ramdom girls, no string attached, hindi man lang inisip na mag-level-up ang trato sa kanila. But don't get me wrong, I am definitely respectful to my date. Pinapaalam ko kaagad sa kanila ang stand ko. Never akong nagpaasa at lahat naman sila pumapayag sa gusto ko. In fact sila pa nga ang nagbibigay ng kondisyones sa akin and that's fine with me.

I am not a selfish lover and I know how to please women that they end up begging for more. Pero hanggang doon lang ang kaya kong gawin. Ayaw ko man aminin sa sarili ko, nagsasawa na ako sa mga escapades ko sa iba't ibang babae. Though magagaling sila, pero at the end of the day it felt like there was something missing in my inner being. Hindi ko matukoy kung ano but I think I'm just craving for more to fill a deep inexplicable void inside of me, into my core. A deep happiness aside from satisfying my sexual needs. A deep affection in my being more than just physical connection during sex.

But then again, hindi ko maipaliwanag, hindi ko matukoy kung anong klaseng kakulangan ba ang hinahanap ko. At mas lalong hindi ko alam kung paano mapupunan iyon. It should be from a very special girl... I don't know and I'm not sure. And hell...No. I'm not asking for love.

I asked another glass of whiskey to the bartender saka iginagala ang paningin sa dance floor ng maagaw ng isang babae ang atensyon ko--napakagandang babae papasok sa loob ng club. She was wearing a red dress na hapit na hapit sa katawan at isang dangkal lang ang taas mula sa tuhod. She got long milky legs. Sa uri ng damit na suot nito kitang-kita ang alindog na dulot ng makurba nitong katawan. Walang kahit anong taba sa tiyan at napakaliit ng bewang! And damn... her rich cleavage was evident because of the low neckline of the dress she wears.

Pakiramdam ko parang tumigil saglit ang pag-ikot ng buong paligid ko. The noise of the people around me and the loud music just vanished all of a sudden while drooling and staring at her without blinking my eyes.

Who is she? Bakit ngayon ko lang ata siya nakita dito?

Seeing a sight like this was quiet unexpected...!

Hanggang sa namalayan ko na lang na pigil-pigil ko na pala ang paghinga kanina pa. That girl is damn gorgeous! Though she had light make-up, still looks elegant and fabulous! Para akong nahipnotismo sa kanyang ganda. Sukat doon pumintig ng pagkabilis-bilis ang puso ko, sumisirko-sirko ang aking buong sistema.

Tumigil na parang slow motion sa paglalakad ang babae saka nagpalinga-linga, parang may hinahanap na tao or... upuan? Hindi ako sigurado.

Subrang daming tao sa loob ng club. Halos lahat ng mesa ukupado na. Pati ang dance floor puno ng nag-iingay na mga tao. Nagsisisigawan sa kasiyahan habang sinusundan ang malakas at maharot na tugtog, buhay na buhay, umiikot, masaya, makulay. Ngunit tanging sa kanya lamang nakatuon ang aking buong atensyon, ang pumupuso kong mga mata at bahagya pang nakangangang mga labi.

Holy crap... I want her..! kaagad na umalingawngaw sa lumulutang kong utak saka napakurap-kurap ng ngitian n'ya ako. What...? Kaagad akong nahimasmasan sa ginawa niya. Nagpalinga-linga pa ako saka tumingin sa aking likuran para masigurong sa akin nga siya nakangiti. Pero sa akin nga!

Teka... kilala n'ya ba ako?

Nagtatakang tanong ko pa sa aking sarili habang nakangiting naglalakad ito palapit sa kinaroroonan ko.

"Hi." she greeted me ng huminto siya mismo sa harapan ko.

Her sexy voice assaulted my ears just like her angelic face while standing in front of me, grinning ear to ear. Wow... I was star struck with her beauty!

Napatitig ako sa kanyang mukha. "H-Hello." kandautal ko pang balik bati sa kanya saka tiningnan ang bakanteng upuan sa tabi ko malapit sa counter. "You can join me here." imbita ko kaagad sa kanya.

Muling iginala niya ang mga mata sa loob ng club saka ako nakangiting binalingan. "Okey."

I smiled saka inilahad ang aking kamay sa kanya. "I'm Jeff--"

"Marco?" nakangiting dugtong n'ya pa sa pangalan ko. Nagtataka ko s'yang tiningnan. She laughed. "I'm Sofia. Sofia Collins. I'm one of your fan..."

"Fan?" nakakunot-noong sabad ko sa kanya.

"Music."

"Oh... wow..." I chuckled. "I didn't know I had a fan. I'm not that famous you know." nakangiting sabi ko sabay simsim ng whiskey sa aking baso. "What do you want to drink?" tanong ko sa kanya.

Nginitian n'ya ako saka binalingan ang bartender. "Five shots tequila, please?"

"Whoa!" bulalas ko matapos marining ang inumin na in-order n'ya. "Are you planning to get drunk tonight?"

She chuckled. "Actually yes." sabi n'ya saka binalingan ang tequila shots na linapag ng bartender sa harapan n'ya. Na-amused ako ng parang tubig na nilagok n'ya lang ito. As in walang ngiwi man lang or nasamaan ng lasa na gumuhit sa maganda niyang mukha! Ni hindi nga ginalaw o tinikman man lang ang kalamansi. Hindi ko akalain na magaling siyang uminom. "Ikaw, bakit ka nagpapakalasing?" nakangiting tanong niya sa akin.

Bigla akong nasamid sa iniinom kong whiskey ng bigla siyang mag tagalog.

I was like, WHAT..? How come..?

Pinagtawanan niya ako sa naging reaction ko.

"You know how to..."

"Speak tagalog?" she laughed saka tinungga muli ang isa pang shot ng tequila. "My Mom is a Filipina."

"Oh... I see." tumango-tango ako saka muling umorder ng alak. This time I ordered tequila shots too.

Kung saan-saan napunta ang kwentuhan naming dalawa. Our converstion was smooth and free. Nagtatawanan, walang halong pagkukunwari. Minsan napapahampas pa siya sa braso ko. Na para bang matagal na kaming magkakilala. Komportableng-komportable sa isa't isa.

Habang tumatagal na nakatitig ako sa maamo n'yang mukha at nakikinig sa masaya niyang boses habang nagkukwento lalo akong naaakit, para akong hinahatak palapit sa kanya.

Naipilig ko ang aking ulo sa tinatakbo ng utak ko saka nagpaalam sa kanya at pumunta ng banyo. Nakita ko pa ang makahulugan na tingin at ngisi ng mga kaibigan ko ng dumaan ako sa harapan nila. Nagkibit balikat lang ako at hindi sila pinansin.

Pagbalik ko galing banyo natanawan ko siyang may nilalagay sa kanyang bag habang nagpapalinga-linga sa paligid.

Kaagad ko siyang nilapitan then held her arm. "Are you okey? You look... tense." sabi ko.

"Yeah, I'm okey." nakangiting sabi niya habang pasulyap-sulyap sa mga kaibigan ko.

"They're my friends." sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Tumango-tango siya saka ngumiti sa akin. "I see." sabi niya sabay dampot sa panibagong in-order n'yang inumin.

I felt something weird habang nakatingin sa balisa niyang mukha pero hinayaan ko na lang. Hindi ko na masyadong pinagtuunan pa ng pansin. Baka dala lang ng halo-halong alak na nainom ko kaya nakakaramdam ako ng ganito, kakaibang kaba na hindi ko mawari.

Hanggang sa kapwa na kami may tama ng alak. Umiiba na din ang pakiramdam ko. Para akong nanghihina na inaantok na iwan pero um-order pa rin ako ng panibagong inumin, Heineken beer.

"Do you have a boyfriend?" bahagya ng nakapikit ang mga matang tanong ko sa kanya.

She laughed. "Bakit mo naitanong?"

"Baka kasi may bigla na lang lumapit dito at suntukin ako. Kanina ko pa napapansin na parang may... hinahanap ka? Kanina noong pabalik akong galing mens room parang balisang-balisa ka. May... naghahanap na ba sayo? Sa phone... tumawag?"

Tumawa siya ulit sa sinabi ko. "I'm single and alone kaya malabong manyari 'yang sinasabi mo. Si... M-Mom lang ang tumawag sa akin kanina. First time ko sa club na 'to, na-amazed lang ako sa ganda ng lugar." sabi niya saka muling tinungga ang kanyang beer. "Ahm... I gotta go to the ladies room." paalam n'ya sa akin.

Kaagad siyang tumayo ngunit muntik na siyang mabuwal ng ihakbang n'ya ang kanyang mga paa. Kahit nanghihina na ako mabilis ko siyang nahaklit sa kanyang bewang. I know may tama na ako, pero ang ipinagtaka ko bakit ganito ang pakiramdam ko?

Napahawak ako sa aking ulo at bahagyang ipinilig iyon ng parang tinatalo na ako ng matinding antok.

Fuck..! Bakit ngayon pa ako nakakaramdam ng ganito?

"Are you okey?" nag-aalalang tanong n'ya sa akin.

"Yeah, come on... I'll take you there." sabi ko saka inalalayan siya papunta sa ladies room.

Naglalakad na kami sa hallway ng tuluyan akong manghina. Napahawak ako sa aking ulo saka sumandig sa pader.

"Hey JM, are you alright?" narining ko pang nag-aalalang tanong niya sa akin pero wala na akong lakas pa. Unti-unting nagdilim ang aking paningin saka nawalan ng malay.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog ng maalimpungatan ako sa hindi ko kilalang kwarto. Sapo ang ulo na dahan-dahan akong bumangon. Nagulat pa ako at unti-unting nanlaki ang aking mga mata ng makita kong naka-hubo't hubad ako pati ang isang babaeng katabi ko sa kama.

Bumaling siya ng higa saka dahan-dahan na nagmulat ng kanyang mga mata. Ngumiti siya pagkakita sa akin. "Kanina ka pa ba gising..." natigilan siya ng makita ang itsura ko. Kaagad siyang bumangon saka lumapit sa akin, hinawakan ang braso ko. "Okey ka lang?"

Mariin akong napapikit habang hinihilot ang aking sentido ng sumakit ang ulo ko.

F*ck, paano ako napunta dito? Anong nangyari? Ang tanda ko nawalan akong malay sa hallway ng banyo. Pero bakit nakaganito kaming dalawa?

Nakakunot noo at nagtatanong na mga matang tiningnan ko siya. "Did we... are we..." sambit ko na halos hindi ko mahanap ang tamang salitang gusto kong sabihin sa kanya.

She chuckled. "You mean did we had s*x last night?" sabi niya saka tiningnan ang nagkalat naming damit sa lapag. "What do you think?" balik tanong niya sa akin.

Lalong sumakit ang ulo ko sa sinabi niya at ng wala akong maalala sa nangyari sa aming dalawa kahit anong pilit kong piga sa aking nawiwindang na utak.

Mapakla siyang tumawa ulit sa naging reaction ko. "Ganyan ka ba talaga pagkatapos mong makuha ang isang babae, nagkaka-amnesia?"

"Hell No!" mabilis na sagot ko sa kanya ng lumayo siya sa akin, bumaba ng kama saka dinampot isa-isa ang kanyang mga damit sa lapag. "It just that, I can't remember anything happened last night, sorry." sabi ko saka mabilis na rin bumaba ng kama sabay pulot sa lapag ng mga damit ko at sinuot.

"Subra kang lasing kagabi kaya dinala kita dito sa Condo ko." sabi niya sabay tingin sa kama.

Napamulagat ang aking mga mata ng makita kong may dugo sa kobre no'n saka salubong ang mga kilay na binalingan siya. "I-I'm so sorry Sofia wala talaga akong maalala sa nangyari. Ang tanging naaalala ko lang 'yong sinamahan kita papunta ng ladies room--" tumigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang naging reaction niya sa sinabi ko. Kaagad ko siyang linapitan saka niyakap. "I really like you... I do... wala lang talaga akong maalala. But I'm happy knowing that I am your first lover and..." sinapo ko ang kanyang mukha. "I want to know you better and want you to be my girlfriend, can I... court you?"

Nagliwanang ang mukha niya sa sinabi ko saka tumango-tango. "Yes, of course. Why not?" nakangiting sabi niya sa akin.

I smiled and kissed her forehead. "Thank you Sofia." sabi ko sabay kapa ng cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon ngunit wala akong mahawakan maliban sa walet ko.

"Are you looking for your phone?" sabi niya sabay alis sa harapan ko, naglakad papunta sa drawer sa gilid malapit sa kama. Kinuha ang cellphone ko. "Baka kasi mabasag kaya nilagay ko muna dun sa ibabaw ng drawer kagabi." sabi niya habang inaabot sa akin ito.

"Oh... thanks." sabi ko then turned it on. Hinanap ko ang phonebook. "Can you type your phone number?"

Tiningnan niya ako saka nakangiting kinuha ang phone na inaabot ko sa kanya. Mataman akong nakatitig sa kanya habang nilalagay niya ang kanyang number. Hindi ako makapaniwala na may nangyari nga sa aming dalawa at nandito ako sa Condo niya. First time mangyari 'to sa akin na wala akong maalala at nakitulog pa sa ibang Condo and I am screwed big time!

This is strange but damn... I want her!

"JM?"

"Ha?"

"Sabi ko ihahatid na kita--"

"No... I mean, magpapasundo na lang ako sa kaibigan ko."

"I insist." ngumiti siya sabay hawak ng kamay sa aking pisngi. Napapitlag pa ako ng maramdaman ko ang init sa kanyang kamay na dumampi sa aking mukha. "Masyado pang maaga. Nakakahiya naman kung bubulabugin mo pa ang mga kaibigan mo, pwede naman kitang ihatid."

Matagal akong napatitig sa kanya at wala sa sariling tumango.

Ngumiti siya saka ginagap ang aking kamay at hinatak palabas ng Condo niya. Napasunod na lang ako sa kanya. Dumeritso kami sa kanyang kotse saka nilisan ang lugar. Wala kaming kibuan sa buong byahe. Tahimik lang din siyang nagmamaneho, samantalang ako gulong-gulo ang aking utak, pilit inaalala ang nangyari sa aming dalawa kagabi. Pakiramdam ko kasi parang may iba, may maling nangyayari. Pero hindi ko matukoy kung ano. Siguro naninibago lang ako dahil ngayon lang ako nakakita ng katulad niya. Nang babaeng nagpatibok ng puso ko, gumugulo ng aking utak at buong sistema ko, at kaagad ko pang hinangad na mapa sa akin without even think twice! Bakit ba ako nagkakaganito sa babaeng 'to?

Damn... nasisiraan na ata ako ng ulo!

Isang oras din ang tinagal ng byahe namin bago narating ang bahay. Nagulat pa ako ng biglang huminto ang kotse at sabihin niyang nakarating na kami.

Nagtatakang nilingon ko siya. "I don't remember na sinabi ko sayo ang address ng bahay namin."

She smiled sweetly at me. "I told you, I am one of your fan."

Napatitig ako sa kanyang mga labi sa ganda ng ngiti niya sa akin. Damn... "So... you mean you're stalking me?"

"Stalker..." tumawa siya. "Yeah... that's how the fanatics did, right? Stalked someone they like and I'm one of them. I want you, so I search everything about you."

I chuckled. "Yeah right... so, kailangan ko na bang kabahan? Seems like you know me well, samantalang ako pangalan at tirahan mo lang ang alam ko."

Tinawanan niya ako ulit. "Kung gusto mo talagang makilala ang isang tao gagawa ka ng paraan para malaman mo kung ano ang buong pagkatao niya."

"Great... I think you're right." tumango-tangong sabi ko sa kanya. "So, are you free tonight? Will fetch you up later around seven."

"Whoa..! Is that an invitation...?" bulalas niya sa akin

"Yes... our first date."

"Pwede ba akong tumanggi?"

"No... kakasabi mo lang kanina diba? And I want to know more about you." sabi ko sabay tanggal ng seat belt.

She laughed. "You're fast, Mr. Del Carpio."

I smirked. "I guess you don't know me at all." sabi ko saka binuksan ang pinto ng kanyang kotse. "Will be there in front of your condo tower before seven, so be ready." then I wink at her and went out the car.

Pinagtawanan niya ako sa sinabi ko. Nakita ko pa siyang umiiling habang nakangiting nakatitig sa akin saka pinaandar ang kanyang kotse. Kumaway ako sa kanya at nanatili sa labas ng gate ng bahay, nakatanaw sa papaalis niyang sasakyan hanggang sa mawala ito sa paningin ko saka ako pumasok.

"Saan ka galing kagabi at ngayon ka lang umuwi?" bungad sa akin ni Dad pagbukas ko pa lamang ng main door.

I heaved out a deep sighs. "Papasok ako ng opisina kung 'yan ang inaalala mo."

He gritted his teeth. "Hindi yan ang inaalala ko JM!" dumadagundong na sigaw niya sa akin. "'Yang pag-a-addict mo kasama ng mga barkada mo ang pinupunto ko sayo! Hindi mo pa rin ba titigilan 'yan ha?!"

Tiningnan ko siya saka naglakad papasok sa loob ng bahay. "Tinigilan na namin. Matagal na. But drinking alcohol and had fun once at a time is not bad at all right?" sabi ko saka siya nilampasan.

Tiningnan niya ako ng masama sa sinabi ko pero hindi na siya umimik pa.

Dumeritso ako sa kwarto saka naligo. Pagkatapos ko magbihis lumabas ako ng bahay at nagtungo sa opisina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status