Share

Chapter 15

Dumating ang tanghali. Maaga pa lamang, sa palagay ko ay alas once pa lamang ng umaga nang magdala ng pagkain ang tauhan ni Adrian.

"Magpakabusog ka na ngayon" ani nito saka ngumiti.

Agad akong kinilabutan.

Wala ng paligoy-ligoy pa ang tauhan na ito saka lumabas na sa kwarto. Hindi na sana kakaininin ni Marisse ang pagkain ngunit naalala niya na kailangan n'ya ng lakas para mamayang hapon. Kailangan n'ya ng lakas para sa pagtakas.

Habang kumakain ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon ang panibagong tauhan ni Adrian. Hindi naman pinansin ng tauhan si Marisse saka dumiretso sa bintana.

"What are you doing?" Tanong ni Marisse.

"Isasarado ang bintana" sagot ng lalaki. "Bulag ka ba?" Tanong pa nito.

Napa-sigh na lang si Marisse saka naalala ang sinabi ni Darwin kaninang umaga.

"P-pero kumakain ako" ani ni Marisse.

"E ano naman?" Tanong ng tauhan.

"Madilim, syempre" ani ni Marisse.

"E'di buksan mo 'yung ilaw" sagot ng lalaki bago umalis. "Pakabusog ka ha" dugtong pa nito bago tuluyang umalis.

Dali-dali namang inubos ni Marisse ang pagkain saka naluluha na naman. Ilang sandali pa siyang nakaupo bago niya napagpasyahan na mahiga.

Kailangan ko ng lakas at pahinga para sa plano mamaya.

"Omg" usal ko saka bumangon. Nakatulog pala ako!

Agad kong pinakiramdaman ang paligid. Agad na binalot ako ng kaba at takot dahil wala man lang akong maramdaman na tauhan ni Adrian.

Wala na akong inaksaya pang oras. Dali-dali akong bumangon mula sa kama saka tinungo ang upuan na malapit sa bintana, kung saan ay doon ko raw hihintayin sina Anthony.

Habang nakaupo ay hindi ko na naiwasan na sumilip sa bintana. Gabi na pala.

Agad akong napaluha. Papaano kung maya-maya lamang ay nandito na sina Mayor para sunugin ang bahay na ito. Papaano kung hindi na nila ako mailigtas.

Habang pinapahid ang luha na naglalandas sa aking mata ay naramdaman ko na lamang na may yumakap sa akin. Sa gulat ay agad akong napatingin rito.

"D-dumating ka" ani ko at mas lalong naiyak.

"Told you" sabat naman ng isa.

It was Anthony and Darwin.

"Salamat" ani ko sa dalawa.

Pinahid naman ni Anthony ang luha ko saka muli akong niyakap.

"Anthony, mamaya na 'yan. Tulungan mo muna ako dito, bilis. Mamaya ay nandito na sina Mayor. Kailangan natin silang maunahan" ani ni Darwin. Kumalas naman sa pagkakayakap sa akin si Anthony saka dali-daling binuhat ang isang bagay patungo sa aking kama.

"A-ano 'yan" ani ko sa kanila.

"Ito ang ipapalit namin dito sa'yo, para hindi nila malaman na buhay ka" ani ni Darwin. Tumango naman ako.

"Papaano nga pala tayo makakalabas dito?" Tanong ko sa dalawa.

"Don't worry, Marisse. Kami na ang bahala" sagot ni Darwin.

Nang maiayos na ang kapalit ko ay nauna nang lumabas si Darwin mula sa bintana.

Papaano na nagkameron ng lagusan pababa mula sa bintana na ito.

Habang tinatahak ang likod ng bahay na ito ay hindi ko maiwasang maiyak na naman.

Nang makarating sa sasakyan ay agad nang pinaandar ni Darwin ang sasakyan palayo sa bahay.

"Listen, Marisse. I don't know kung magugustuhan mo ang plano namin ni Anthony sa'yo, but please, makinig ka muna" ani ni Darwin sa akin.

Si Darwin ang driver sa sasakyan, samantalang kami naman ni Anthony ay nasa backseat.

"Hmmm, what is that?" Tanong ko.

"Si Adrian or si Mayor, kapag nalaman nila na buhay ka, tiyak hindi sila magdadalawang isip na, you know" ani nito saka sandaling natigilan. "Napag-isipan kase namin na, doon ka muna sa Isla nina Cedric. Don't worry, walang nakaka-alam na mayroon palang isla sina Cedric. You know him naman s'ya diba?" Ani nito.

Mula sa backseat ay tumango naman ako.

"Naiintindihan ko kayo. Pumapayag na ako. " Walang pag-aalin langan na sagot ko.

"Okay, good. Sa ngayon, sa penthouse ko muna kayo mag oovernight. Sasamahan ko kayong dalawa, of course. Tapos tatawag ako mamaya sa guards ko para magbantay sa penthouse. Syempre, hindi ko naman sila papagsootin ng guards uniform, just in case na ano. Alam n'yo na" mahabang sabi ni Darwin. "Hindi tayo puwede sa penthouse, condo, or isla nina Anthony" dagdag pa nito. "Tapos bukas na bukas rin, by 3 in the morning, tataas tayo sa rooftop ng penthouse ko. Nandoon na ang helicopter na sasakyan natin papunta sa isla nina Cedric" bilin pa nito.

"S-salamat" ani ko sa kanila.

"No worries" sagot ni Darwin. "And by the way, ihahatid ko lang kayo papunta sa isla nina Cedric. Hindi ako pwedeng magtagal doon. Baka may makahalata. Pero, I'll make my best para makabisita sa inyo" ani muli nito.

"P-pwede bang f-favor" pagsingit ko rito.

"Hmm, what is it?" Tanong ni Anthony mula sa tabi ko.

"P-pwede bang wala kayong pagsasabihan nito? Kahit sino, except Patricia, of course. Pero kung ayaw n'yo naman na malaman ni Patricia, okay lang" ani ko.

"Hey, I understand. Kaibigan mo ang pinsan namin. Pero, gustuhin mo man, parang mas makabubuti na huwag muna natin sabihin sa kaniya. I'm sure maiintindihan naman ni Pat 'yon pagdating ng araw. Madaldal pa naman ang babaeng 'yon, baka mamaya kapag sinabi natin sa kaniya, baka bigla na lang s'yang madulas" sagot ni Anthony.

Tumango na lamang ako.

"I agree" ani naman ni Darwin.

8:34 na nang makarating kami sa penthouse ni Darwin.

Agad niya akong iginaya sa magiging kwarto ko sa gabing ito. Sinabi n'ya rin na may gamit na ako doon sa maleta. Bukas ay basta ko na lamang ito bibitbitin para sa pag-alis namin.

Nang makapaglinis ay tinawagan na ako ni Anthony para kumain.

"Sa loob ng dalawang taon, ngayon lamang ulit ako nakakain ng maagan ang kalooban" ani ko sa mag-pinsan.

Bahagya namang natigilan ang mga ito.

"I didn't know na aabot na pala sa ganoon ang ate mo. Image, ipagpapalit ka for a million pesos" ani ni Anthony.

"Hmmm" ani ko. "Ako din. I didn't know that, too. Bakit kaya masama ang loob n'ya sa akin ever since?" Dagdag ko pa.

Habang kumakain ay paminsan-minsan naman kaming nagkukwentuhan ni Anthony. Paminsan-minsan ay nakikisali rin sa usapan si Darwin.

Nang makakain ay sinabihan nila ako na magpahinga na kaya naman ay dali-dali akong natulog kaagad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status