"may s-sinabi kase sa akin 'yung Adrian. A-ate, okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko rito.
Agad nanlaki ang kaniyang mata. Isinarado nya ang pinto ng aking kwarto saka lumapit sa akin."Anong sinabi nya sa'yo?" Matapang na tanong niya. Kahit na ganoon pa man ay ramdam kong kinakabahan siya."A-apat daw ang umaangkin sa'yo minsan" sagot ko saka tumungo."Ikaw bata ka, hindi ko alam na chismosa ka rin" pikon na sabi nya. "Ikaw na nga ang best bait-baitan, ngayon kinacareer mo na rin ang pagiging chismosa. You're unbelievable. At tsaka, kailan ka pa nag-alala sa akin, ha? Kailan pa kayo nag-alala sa akin?" May bahid na sama ng loob na dugtong nito."Ate, I'm just worried about you. Kapatid kita, kaya dapat ako ang karamay mo" sabi ko."Well, hindi ko kailangan ang ramay mo. Ito ang tatandaan mo ha, malalagot ka sa akin kapag isinumbong mo ako kina Nanay at Tatay" bilin nito bago lumabas.Ako naman ay naiwan na lamang na tulala sa nangyari. Bakit ganoon, gusto ko lamang naman na samahan siya.Ilang sandali pa ay nagbihis na agad ako. Bitbit ang notebook at ilang listahan ng assignment ay nagtungo na ako sa sala. Naroon pa rin ang aking mga magulang. Hinanap ko si ate, pero wala siya roon."Ang tagal mo naman, anak" reklamo ni Nanay."Pasensya na po, 'nay, humiga lamang po ako saglit. Medyo pagod po kase e" pagdadahilan ko."Oh siya, upo ka na dito. Mag meryenda ka muna bago gumawa ng assignment" bilin niya."Patayin ko muna ang TV para makapag focus ka, anak" sabi naman ni Tatay.Tumango na lamang ako rito.Inabot ako ng isa't kalahating oras sa pag-aaral. Tinawag na lamang ako nina Nanay at Tatay para maghapunan.Dumiretso muna ako sa aking kwarto saka inilagay doon ang aking gamit.Nang makarating sa kusina ay nakita kong kumpleto kami. Naroon din si ate. Agad na sumilay ang aking ngiti dahil rito. Sa wakas, kumpleto na ulit kami sa hapag.Letchon manok at gulay ang aming ulam. Habang kumakain ay hindi maiwasang magtanong ni Tatay kay ate."Vanessa, kamusta naman ang pag-aaral mo?""Doing good, 'tay" sagot ni ate saka sumubo ng pagkain."Sana lamang ay bawasan mo na ang pag-gala mo at pag-uwi ng gabing-gabi na. nagkakababae ka pa namang tao. Hindi mo alam ang takbo ng utak ng mga tao sa labas" pangaral ni Tatay.Sa halip na sumagot ay nagpatuloy na lamang si ate sa pagkain.Nabaling naman sa akin ang usapan."Ikaw, anak, Marisse, saan mo balak mag kokehiyo?" Tanong ni Tatay."Doon na lamang po sa San Fermin, 'tay. Para malapit lapit po, para makauwi rin ako dito" sagot ko."Ayaw mo ba sa University ng ate Vanessa mo? Maganda iyon, magkakasama na kayo" suggest ni Tatay.Lumingon muna ako kay ate. Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na niya ako. "Gusto ko 'yan, 'tay" nakangiting sagot nito."Oh, iyon naman pala e" si tatay."Sige po, pag-iisipan ko pa po" sagot ko.Mahaba-haba pang kwentuhan ang namayani sa amin habang kumakain. Si ate naman ay tahimik lamang na kumakain.Pagkatapos namin kumain ay si ate na ang inutusan ni Nanay na maghugas ng plato kaya naman ay bumalik na rin ako sa aking kwarto.Bago matulog ay naisipan ko munang icheck ang social medias ko. At siyempre, napangiti na lamang ako ng makita na may message sa akin si Martin. Agad din nawala ang ngiti ko ng makita ko na nag message si Patricia. Hay, nanghihingi na naman 'to ng sagot sa assignment. Babaeng 'to talaga.MartinHi, Marisse. Kamusta?Agad naman akong nagtipa ng mensahe saka ipinadala sa kanya.MarisseHi, Martin. Okay lang ako. Ikaw ba, kamusta?Agad naman itong nagseen. Bilis ah!MartinI'm good, too.MartinMay gagawin ka ba sa Linggo?Agad akong napangiti.MarisseAh, wala naman siguro. Bakit mo nga pala naitanong?MartinSimba tayo? Tapos ipapasyal na rin kitaNag-isip isip muna ako at hindi muna nag reply sa kaniya.MartinHey, don't need to presure yourself. Naiintindihan ko kung ayaw moMarissePumapayag na akoMartinReally?MarisseOo e, kaso ano, magpapaalam pa rin ako kina Nanay at Tatay.MartinNah, don't do that. Kung okay lang, pwede ba akong pumunta sa inyo sa Sabado? Ipagpapaalam kase kitaNapangiti lalo ako sa reply nito. Green flag.MarisseWala kase dito sina Nanay at Tatay sa Sabado, lagi silang nasa bukid. Pupunta rin ako doon para magdala ng tanghalian at meryendaMartinOkay then. Kung gusto mo naman, pupunta ako d'yan sa inyo para tulungan ka. Sasama na rin ako sa bukid.Alas-nueve na ng matapos kami sa pagpapalitan ng mensahe. Pagkatapos icharger ang cellphone ko ay natulog na ako.Kinabukasan, nagising na lamang ako dahil ni Nanay."Anak, alas-sais na. Maya-maya ay late ka na" bungad nya sa akin."Good morning, 'nay" bati ko rito."Oh sya, maghanda ka na" ani ni Nanay.Ako naman ay dali-daling naligo at nagbihis. Mabilisan ko na ring inayos ang aking gamit sa bag, ang cellphone ko ay inilagay ko na rin sa aking bag para hindi ko makalimutan maya-maya. Pagkatapos ay nagmamadali akong lumakad papunta sa kusina. Doon ko naabutan sina Nanay at Tatay na nag aalmusal."Kain na, anak" si Tatay."Pasensya na po, tinanghali ako ng gising" sabi ko. "Si ate po ba?" Tanong ko sa mga ito."Naka alis na ang ate mo. Maaga daw ang klase nya ngayon" sagot ni Nanay. "Sige na, kain na" dugtong nito saka ipinaghila ako ng upuan.Naupo naman ako sa tabi ni Nanay saka nagsandok ng kanin. Habang kumakain ay nasabi rin sa akin ni Nanay na naipaghanda na niya ako ng lunch. Aniya ay ayos na daw ito at basta ko na lamang dadalhin.Pagkatapos sa pagkain ay dali-dali na akong nag-ayos ng sarili.Humihingal na naglalakad ako papasok sa room nang makarating sa school. Papaano ay kaunting minuto na lamang ay late na ako."Aga mo ngayon ah" sarcastic na ani ni Patricia. Nginitian ko na lamang ito. "May utang kang kwento sa akin mamaya" dagdag pa nito saka hiniram ang notebook ko na may sagot sa assignment namin."Kabado na ako, akala ko hindi ka papasok. Wala sana akong sagot. Lagot ako kay Ma'am Rose mamaya" aniya habang nagsusulat."Dapat pala umabsent na lamang ako" pabirong sabi ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin.Bago pa man makarating si Ma'am Rose ay natapos na agad si Patricia sa panggagaya.Nang macheckan ay syempre, perfect din ang score niya."dahil pinagaya mo ako at perfect din ang score ko, libre kita" nakangiting sabi ni Patricia nang recess na. "Sabi mo 'yan ah" sabi ko sa kaniya. "Oo naman, g na" sagot niya saka dali-dali akong hinila palabas ng room. Nang makarating sa canteen ay as usual, maraming estudyante. Medyo nahirapan pa kami na maghanap ng table. Mabuti na lamang at nag offer 'yung pinsan ni Patricia na makitabi kami sa kanila. Wala na akong nagawa nang maka-oo si Patricia. "Ah, Bes, anong gusto mo?" Tanong niya sa akin pagka-upo ko. "Anything" sagot ko rito saka umalis na siya para bumili ng pagkain namin. Naiwan naman akong mag-isa kasama kasama ng pinsan ni Patricia. Naroon din ang kaibigan ng lalaki. "So, ikaw pala si Marisse" usal ng lalaki. Napatingin na lamang ako rito saka tumango. "I'm Anthony" dagdag pa nito. "Nice meeting you" sagot ko na lamang. "Nice meeting you, too. So, this is my friends" usal nya saka ipinakilala ang mga kaibigan. Si Jhamir 'yung lalaki na matangos ang ilong, more
Wala na akong sinayang pang oras. Agad na akong lumabas sa aming bahay, saka pumara ng masasakyan. Nang makarating ay para na din akong namatay. Mabigat sa loob akong lumapit sa kinaroroonan ng aking mga magulang. Wala pa ring tigil ang aking pag-iyak. There's a lot of people out there. Naroon din ang mga pulis, may ambulansya rin pero huli na. Wala na ang mga taong nagpapalakas sa akin. Paano na ako nito. Tulala pa rin ako sa nangyari. Samantalang si Martin at Patricia naman ay hindi umaalis sa tabi ko. "Kain ka muna, Marisse. Kailangan mo rin ng lakas" usal ni Martin saka iniabot sa akin ang tinapay at inumin. "Hindi ako nagugutom" tanging sagot ko. Hindi ko pa rin maiproseso ang nangyari. Napaka biglaan naman. "Sige na, kahit konting subo lang, try mo" ani niya. Hindi ko na lamang ito inintindi. Ang gutom, pamamanhid ng mukha at katawan ay bale wala lamang, wala pa ito sa kalahati ng nararanasan ko ngayon. Kasalukuyan kaming nasa morgue. I wonder kung nasaan si ate. Marahil a
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Naririto kami ni Martin sa tabi ng sapa. "Happy monthsary, baby" aniya saka ako hinagkan sa pisngi. Kasalukuyan kaming nakausap sa mat na inilatag niya. Mayroon din doon na mga pagkain. At siyempre, may iniabot din siyang bulaklak at kwintas. "I love you so much" dagdag pa nito. "Happy monthsary, Baby. Thanks for coming into my life" sagot ko naman. "Isang buwan na lang, graduate ka na ng Grade 12. Big girl na ang baby ko" aniya saka natawa."Hey, para naman akong sanggol d'yan e" sabi ko saka ngumuso. "E ano naman, baby naman kita" natatawang sabi nya. "Malapit na ako grumaduate pero wala naman sina Nanay at Tatay" malungkot na sabi ko saka tumingin sa malinis na tubig. Agad naman akong niyakap ni Martin. "Don't worry, I know, kung nasaan man sina Tito at Tita, super proud sila sa'yo. Ang galing galing kaya ng running for With Highest Honor ko. At isa pa, hindi ka naman namin pababayaan nina Mommy at Daddy. Pangako, naroon kami sa gr
As usual, pagkauwi ko sa bahay ay ganoon na naman ang nangyari. Sinunod ko muna ang utos ni ate, dahil kung hindi ay masasaktan na naman n'ya ako. Ayaw ko nang mangyari ang bagay na iyon dahil nag-aalala ang mga kaibigan ko. Nakikita kase nila na may mga pasa ako sa katawan...Kasalukuyan akong nakaupo sa kama, kakatapos ko lamang sa mga gawaing bahay. Naalala ko sina Nanay at Tatay. Siguro kung nandidito pa pala ay hindi ko mararanasan ito. Sa bukid ay hindi na rin ako masyadong nakakapunta dahil si ate na ang namamahala rito. Kamusta na kaya ang mga tao roon? Maayos ba silang tinatrato ni Ate? Dinadalhan din kaya ni ate ang mga iyon ng meryenda at tanghalian? "Hoy gising" rinig kong ani ni Ate. Hala, nakatulog na pala agad ako kagabi sa kakaisip. Agad naman akong bumangon saka humarap sa kaniya. "Mag linis ka ng bahay. Bilis" utos n'ya saka lumabas na sa kwarto ko. Inumpisahan ko nang magluto at maglinis muli. Sobrang dami niyang ipinagawa ngayong umaga kaya naman ay late na ak
"where have you been?" Bungad ni Vanessa kay Marisse."N-nag date lang po kami ni Martin" sagot ni Marisse. May takot na itong nararamdaman. Isang malakas na sampal ang inabot ko sa kaniya. "How dare you na unahin pa 'yang paglalandi mo kesa pagsilbihan ako" sigaw n'ya. "Ate, I'm sorry" sagot ko ay naiyak na lamang. "Mag umpisa ka na sa gawain mo dito sa bahay" utos n'ya. "Ate, p-pero may assignment pa po ako" ani ko. "And so? Kung hindi mo sana inunan 'yang paglalandi mo, masarap na sana ang buhay mo ngayon" ani ni ate saka padabog na pumasok sa kwarto n'ya. Nagbihis lang ako saka gumawa na ng gawaing bahay. Inuna ko muna na ipagluto s'ya bago naglinis ng buong bahay. Mabilis na lumipas ang mga buwan. Isang linggo na lamang ay graduation na namin. Finally. Para sa inyo ito, 'nay at tatay. "Hoy, hindi ako uuwi dito sa loob ng isang linggo ha. May lakad kami ng boyfriend ko. All you need to do is maglinis dito. Naiintindihan mo ba?" Utos niya. Tumango naman ako. "Ate, hindi ka
Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Kanina pa itong nagriring. Alas dose na pala ng gabi. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag na ito. Si Martin pala. Inis kong pinatay ang cellphone ko saka bumangon. Hindi pa pala ako nakakapagbihis. Maski ang make up ko ay nagulo na rin. Natawa na lang ako habang nakaharap sa salamin. Nang makapagbihis at maalis ang make up ay binuhay kong muli ang cellphone ko. Agad naman akong napangiti sa dami ng pagbati nila sa akin. Maingay pa rin ng group chat namin nina Anthony, Jhamir, Angelo, at Patricia. Nagtipa ako ng mensahe saka isisend iyon. Marisse: Congratulations, guys! I'm so proud of y'all! :)Jhamir : Himala, gising ka pa >_
WARNING ⚠️ Medyo SPG sa dulo⚠️"Gising na s'ya mamaya, Boss. Anong plano sa kanya?" Iyan agad ang narinig ko. Agad akong nagmulat ng mata, mabilis na dumaloy sa sistema ko ng wala akong makita kun'di puro itim. Pinakiramdaman ko ang aking kinalalagyan. Nakapiring. Tama, nakapiring ako, may busal ang bibig, nakatali ang kamay at paa. Sinubukan kong sumigaw ngunit nahihirapan talaga ako."Boss, gising na ang bisita mo" maya-maya ay ani ng isang boses, lalaki. Sino sila?"Ah, sige Boss, hintayin ko na lang po kayo" ani ng lalaki. Siguro ay may kausap ito mula sa telepono n'ya. At, sino naman ang 'Boss' na tinutukoy n'ya? Anong kasalanan ko sa kanila. Bigla ko na lamang naisip ang nangyari. Isasarado ko na sana ang pinto ng suit namin ni Patricia nang biglang may ilang naka all black men, may takip ang mga mukha ng mga ito saka tinakpan ang bibig ko pagkatapos noon ay heto na ako. Nasaan kaya ang mga kaibigan ko. Safe kaya silang lahat? Sana oo. Ilang sandaling natahimik ang paligid
Paulit-ulit ang nangyayari. Gabi-gabing lasing na pumupunta doon si Adrian. Hindi na ako nakatali sa upuan. Inilipat na n'ya ako ng kwarto. Ngunit hindi ko pa rin masasabi na malaya na ako. Hanging kailan pa ba ang pagtitiis kong ito. Hirap na hirap na ako. Kapag hindi ako sumusunod sa gusto ni Adrian ay sinasaktan n'ya ako. Narito ako ngayon sa kwarto. Naka-lock at maraming bantay sa buong bahay, maging sa labas. Sa tantya ko ay ang bahay na ito ay malayo sa kabihasnan. Parang nasa gitna ng gubat. Hindi ko alam kung anong petsa na ngayon, hindi ko rin alam kung ilang araw, linggo, o buwan, o taon na akong naririto. Walang-wala na akong pag-asa na makatakas pa. Hinahanap kaya ako ng mga kaibigan ko? Kamusta na kaya sila?Siguro ay masaya sila ngayon na nagagawa ang gusto nila. Siguro masaya sila na nakakapag-aral sila. Naiyak na lamang ako sa nangyayari sa akin. I'm so hopeless. Habang nakatanaw sa labas na puro matatayog na puno lamang ang nakikita ay biglang bumukas ang pinto.