DALAWANG ARAW matapos ang alitan sa pagitan namin ni Felix ay hindi man lang ito nagparamdam. Hindi naman ako worried kasi alam kong magkakaayos din kami.
Hindi ko nga lang alam kung sino ang unang lalapit dahil pareho kaming mataas ang pride at ayaw tumanggap ng pagkatalo.
Pupuntahan ko na lang ito mamaya sa department nito, tutal at pareho naman naming alam ang schedule ng isa’t isa. Kakausapin ko ito mamaya at susuhulan ng pagkain para bati na kami.
Pagkatapos ma-lock ang pinto ay nilabas ko sa garage ang motor at hinila para ilabas sa gate nang makita si Felix na nakaupo sa may gutter.
“Ang tagal mo namang lumabas.” Pagkatapos ay tumayo at pinagpagan ang puwetan ng suot na pantalon.
“Anong ginagawa mo rito?”
“Ano pa ba? Edi sinusundo ka, sabay na tayong pumasok sa University.” Lumapit siya sa nakaparada niyang motor at binigay sa akin ang isang helmet. Matapos ay kinuha sa akin ang motor ko at binalik sa loob.
Pagbalik niya ay nagsalita ako, “Hindi ko naman sinabing sasabay ako sa ‘yo.”
“Nakikipagbati na nga ako tapos ikaw pa ‘tong pabebe.”
“Ito na ‘yung peace offering mo?”
“Anong gusto mo, haranahin pa kita? Bigyan ng chocolate and flowers?”
“Wala naman akong sinabi.” Pagkatapos ay sinuot na sa ulo ang binigay niyang helmet.
“Sabay tayong mag-lunch, libre ko. Saka hintayin mo rin ako mamaya after class, ihahatid kita pauwi.”
“Naks, ang effort mo naman sa pakikipagbati, ililibre mo talaga ako?” Basta kasi usapang pagkain, ang kuripot niya.
“Oo, kaya okay na tayo, ha?” In-on na niya ang makina ng motor sabay tapik ng upuan banda sa likod niya. Pinapasakay na ako.
Kumilos naman ako at sumakay na sa likod niya sabay sabing, “Pag-iisipan ko muna.”
“Kung makaasta ka parang girlfriend kita, a!” bahagyang tumaas ang tono ng boses niya.
“Ayaw mo nu’n, ngayon pa lang ipina-practice na kita.” Hindi pa kasi ito nagkaka-girlfriend dahil late bloomer, puro crush-crush lang at ayaw pang manligaw.
“Parang ayoko na tuloy magka-girlfriend— humawak ka nang mabuti.” Pagkatapos ay pinatakbo na niya ang motor nang mabilis.
Ang sarap sa pakiramdam ng hangin na tumatama sa balat ko. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa University at ibinaba niya ako sa mismong parking lot ng department ko. “Salamat,” saka binalik sa kanya ang helmet. “Sige, mauna—“
“Wait!” agad niyang pigil. Pagkatapos ay hinubad ang suot na helmet. “Okay na tayo ‘di ba?”
Tumango ako. “Oo naman, bakit gusto mo bang magpa-hard-to-get pa ‘ko?” At bahagyang nangiti.
Nilapag niya ang helmet sa may hita at saka ako pinakatitigan. “Okay na tayo agad na parang walang nangyari… kaya bakit kay Caleb, hindi mo magawang magpatawad?”
Nawala ang ngiti ko sa tanong niya. “Dahil magkaiba naman ang sa inyong dalawa. Wala kang ginawang kasalanan sa ‘kin, pero siya….?” Pagkatapos ay nailing, walang balak tapusin ang sasabihin dahil alam naman na niya ang tinutukoy ko.
“Pero pa’no kung may ginawa rin akong kasalanan sa ‘yo ng hindi mo nalalaman? Hindi mo rin ba ako patatawarin tulad ni Caleb?”
Naningkit ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin? For example lang ba o may katotohanan na ang sinasabi niya?
“Hindi ko alam.” At sana nga lang ay wala siyang gawing ikasasama ng loob ko dahil siya na lang ang kaibigang pinagkakatiwalaan ko nang husto.
Tumango-tango siya sa sagot ko at saka muling sinuot ang helmet. “Sige, kita na lang tayo mamaya.”
Nang mawala na siya sa paningin ay saka ako kumilos para pumunta sa klase… pero hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina. Sobra akong binabagabag na tipong kinakabahan na ako. “Sana wala lang ‘yun,” ang bulong ko bago pumasok sa room.
*****
NAGPALIT ako ng damit at sinuot ang jersey. Magpa-practice ako ngayon sa court dahil bukas na ang schedule ko sa basketball try-out. Pagkatapos ay kinuha ang sapatos nang makatanggap ng message mula kay Caleb.
Caleb:
What’re you doing right now?
Hindi ko pinansin ang message niya at pinagpatuloy ang ginagawa. Nagsisintas na ako ng sapatos nang muli siyang nag-text.
Caleb:
Nasa labas ako, practice tayo sa court dahil bukas na ang try-out.
Ano?! Magpa-practice rin siya? Bakit ngayon pa, dapat kanina pa niya ginawa. Ayoko siyang makasama sa court.
Padabog kong hinubad ang sapatos at saka nahiga sa kama. Kung kinakailangan na magpagabi ay gagawin ko ‘wag lang siyang makita sa court.
Ang yaman-yaman naman niya ba’t hindi na lang niya ginawang basketball court ang lupa nila na katapat lang ng mismong bahay nila para hindi siya nakiki-practice ro’n sa basketball court dito sa subdivision.
Ilang sandali pa ay tumatawag na siya kaya s-in-ilent ko ang cellphone. Naisipan ko na lang na lumabas ng kwarto at manuod ng palabas sa television. Tumabi ako kay Papa na nanunuod sa sports channel.
Napansin kong pinapalabas ang isang battle game na hindi ko napanuod noong isang araw. “Buti naman ay may replay nito.”
“Nagpapa-replay sila kapag Sunday,” ang komento naman ni Papa.
Napalingon naman ako banda sa likod nang mapansing dumaan si Mama mula sa labas na may dalang eco-bag. “Kenan,” ang tawag niya sa akin. “Nadaanan ko si Caleb sa labas, ang sabi ay magba-basketball daw kayo ngayon.”
Napapikit agad ako ng makaramdam ng yamot. Panira talaga ng mood ang isang ‘yun. Hindi niya ako mapilit kaya kay Mama lumapit para hindi talaga ako maka-iwas.
“Ha? hindi ko alam, wait puntahan ko lang ho sa labas.” ang pagkukunwari ko. Normal lang akong naglakad palabas ng bahay pero pagbukas ng gate ay halos ibato ko sa kanya ang suot na tsinelas. “Nanunuod ako, kaya ikaw na lang,” nagtitimpi at halos pigil hininga kong sabi.
“Ah, okay. Sana nag-reply ka na lang para hindi ako naghihintay.”
Wow! So, parang kasalanan ko pa ngayon?! Nagpipigil na nga lang akong i-block ang number niya, e!
“Sensiya,” ang labas sa ilong kong tugon tapos ay sinara na ang gate. Bumalik ako sa loob para muling manuod.
Mamaya na lang akong gabi magpa-practice. Bukas naman ang court hanggang 8 PM.
“O, kumusta?” ani Mama.
“Ah…” nag-isip agad ako ng palusot. “G-gusto ko kasing panuorin ‘to—“ sabay turo sa television. “Hindi ko kasi ‘to napanuod no’ng Friday.”
Tinitigan muna ako nang matagal ni Mama bago tuluyang umalis. Muntik nang mahulog ang puso ko do’n, a! buti na lang at nakalusot.
*****
NANG GUMABI na at matapos maghapunan ay nagpaalam ako na lalabas at magpupunta sa bahay nina Caleb. Pero ang totoo ay sa covered court lang ako pupunta.
Pasimple ko na ngang nilagay sa labas ang bola at basketball shoes para hindi nila mahalata na nagsisinungaling ako. Nang magawang makalabas ay mabilis kong kinuha ang bola at sapatos sabay takbo palabas ng gate. Sa may gutter ko sinuot ang sapatos at pagkatapos ay pa-dribble-dribble na pumunta sa court. Nilapag ko muna sa bench ang bola nang makarating. Matapos ay inayos ang sintas ng sapatos na hindi ko nagawa kanina sa takot na baka lumabas si Mama at makita ako.
Nag-stretching ako pampakundisiyon. At ng pagpawisan ay nagsimula na ako. Patakbo akong lumapit sa basketball ring habang nagdi-dribble at pagkatapos ay sh-in-oot ang bola.
Paulit-ulit kong ginagawa ang three point shot. Pagbagsak ng bola ay kinuha ko ito at muling nag-shoot pero nagkamali ako ng lapag at na-out-of-balance sanhi kung bakit natapilok ako. Naitukod ko ang kanang kamay at nadaganan.
Impit akong napasigaw nang maramdaman ko ang sakit sa braso. Na sa sobrang sakit ay parang nabali ata.
“Kenan!”
Biglang sumulpot sa tabi ko si Caleb. “Sobrang sakit ba?” halata ang pag-aalala sa boses.
Hindi ko na makuhang sumagot sa sobrang sakit at tanging tango na lang ang nagawa.
“Halika, tutulungan na kitang tumayo,” maingat niya akong tinayo at dinala sa labas ng court. “Kukunin ko lang sandali ang kotse, hintayin mo ‘ko rito, babalik ako agad.”
Napaupo ako nang umalis siya. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa sakit. Ilang sandali pa ay may ilaw na tumapat sa akin at huminto ang isang sasakyan. Lumabas si Caleb na bagamat kalmado ay halata sa mga mata ang kaba. Muli niya akong itinayo at dinala sa kotse. Doon lang nag-sink in sa utak ko kung bakit niya ako pasasakayin sa kotse niya? “Ba’t ko kailangang sumakay?” ang naisatinig ko pa kahit nahihirapan na.
Maingat niyang kinabit ang seatbelt sa akin. “Sa hospital tayo.” Pagkatapos ay pinatakbo na ang sasakyan.
“Pero—“
“No, Kenan!” biglang tumaas ang boses niya na bahagya kong ikinagulat. “No but, pupunta tayo sa hospital at ipapatingin ‘yang kamay mo!” humina ang boses niya pero ramdam ko pa rin ang galit kaya hindi na lang ako nagsalita.
Patingin-tingin ako sa kanya kaya hindi nakaligtas sa paningin ko ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa manibela. “Ano pa lang ginagawa mo sa court?” bigla kong natanong. Sakto kasing dumating siya kung kailan ako naaksidente.
Pero hindi niya ako sinagot kaya hinayaan ko na lang.
Agad akong inasikaso pagkarating sa hospital at nilagyan ng cast sa braso. Pinayuhan pa ng doctor na huwag munang galawin ang braso hanggang sa loob ng dalawang linggo.
So, pa’no na ang basketball try-out?!
Hindi ko matanggap na muli na naman akong hindi matutuloy sa basketball try-out. Ito na ‘yung chance ko, e! malapit na ako sa pinapangarap ko tapos gan’to pa ang mangyayari. Bakit ang malas-malas ko naman?!
Nakakapanghina ng katawan at utak ang sitwasiyon ko ngayon.
“Gusto mo bang mag-stay muna sa bahay? Baka kasi biglang magtanong sina Tita at Tito sa nangyari sa braso mo.”
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nanatili lang ang tingin sa labas ng kotse.
“O, kung gusto mo ay ipagpapaalam kita—“
“No need. I can handle this myself,” ang sagot ko.
Huminto ang kotse sa tapat ng bahay ko. Mabilis siyang lumabas at binuksan ang pinto sa aking side.
“Are you sure na ikaw na ang bahala?” ang pahabol niya pa bago ko buksan ang gate.
“Yes,” ang tipid kong sagot at bago ko isara ang gate ay nagpasalamat ako sa kanya. “Thank you para rito sa braso ko… pero hindi ibig sabihin ay pinapatawad na kita. Hindi sapat ‘tong ginawa mo ngayon.”
Kahit medyo may kadiliman sa pwesto niya ay naaaninag ko pa ring napangiti siya. “I know,” ang tipid niyang sagot. “Good night.”
“Okay.” At saka tumalikod na para pumasok sa loob ng bahay.
Malayo-layo pa ang kailangan niyang gawin para tuluyan ko siyang mapatawad.
***<[°o°]>***
[Past]NAABUTAN ko si Caleb na nagsisintas ng sapatos pagpasok sa kwarto niya at nakasalampak sa sahig kaya sinamahan ko siya at tinulungang sintasin ang isang sapatos.“Thanks,” aniya at hinaplos ang buhok.“Para mapadali dahil baka maunahan tayo ng iba sa court.”“Hindi ‘yan,” pagkatapos ay tumayo at kinuha ang bola sa tabi. Sumunod ako sa kanya nang lumabas na siya ng kwarto. Tuloy-tuloy kami hanggang sa kusina. “Magdala tayo ng tubig, sa ‘yo ‘to.” Sabay bigay ng tumbler na may pangalan ko. Pareho kami ng design at kulay, ang pinagkaiba lang ay nilagyan niya ng pangalan para hindi malito kung alin ang kanino.“Si Felix kaya, anong ginagawa ngayon?” ang nasabi ko nang lumabas na kami ng bahay at nagpunta sa covered court.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa niya ngayon?”“Ewan ko du’n, sinabih
[Past]BUMUKA ang bibig niya at bumuwelo ng sasabihin, “Ngayon ko lang nalaman na…” sinadya niyang bitinin ang sasabihin para talagang ma-curious ako ng husto.“Ano? Anong nalaman mo, pabitin ka naman, e.”“Ngayon ko lang nalaman na tsimoso ka pala. Siyempre, ba’t ko sasabihin sa ‘yo, e, secret nga.”“Pambihira naman! Ano nga kasi, ba’t ayaw mong sabihin?” ang pangungulit ko pa pero tinalikuran na niya ako at naglakad na palayo. “Hoy, Felipe! Ang KJ naman nito!” ang habol ko naman.Pero ayaw na niyang magsalita. Kainis! Curious na curious na ako, e. “E, ano namang pinag-usapan niyo ni Caleb sa loob?” ang tanong na lang nang makahabol sa kanya.“W-wala, may pinabibili lang siya sa ‘king gamot.”Gamot? May kailangan pa ba itong inumin na wala sa clinic? Nakakaduda naman. “Sure?” ang p
[Past]NASA harap na ako ng restaurant na sinasabi ni Nikki. Dito kami magkikita ngayon dahil may importante raw siyang sasabihin. Sobrang excited nga ako dahil may kutob akong sasagutin na niya ako ngayon sa wakas.Nagpatulong pa nga ako kay Caleb ng magandang susuotin dahil wala na akong maisip. Siya na rin ang bumili ng bulaklak na dapat kong ibigay sa oras na magkita kami ni Nikki.Sa entrance pa lang ng restaurant ay sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Marami ring pumapasok na idea sa utak ko. Ano ang dapat kong maging reaksiyon? Sisigaw ba ako sa tuwa o magtatatalon?Sa totoo lang ay hindi ko alam. Pero ang sabi ni Caleb ay dapat kalmado lang ako sa oras na sagutin na ako ni Nikki pero kaya ko ba iyong gawin? Isipin pa nga lang na um-‘oo’ siya ay baka magwala ako sa sobrang saya.Huminga muna ako nang malalim sabay buga para alisin ang kaba sa katawan ng tuluyan nang pumasok sa restaur
[Past]MABILIS kong ikinubli ang sarili sa kanila. Ang pader na ginawang panangga upang hindi nila makita ay siya ring nagbibigay ng suporta sa akin nang biglang manghina.Ilang beses akong umiling. Hindi, imposible itong nakikita ko. Pinaglalaruan lamang siguro ako ng mga mata. Nagkamali lang ako sa nakita.Tama… nagkamali lang ako. Imposibleng hawak ni Nikki ang kamay ni Caleb.“Hello, Kenan?” rinig kong sabi ni Caleb kaya mabilis kong tiningnan ang cellphone. Hindi ko napansin na sinagot niya pala ang tawag ko.Kailangan kong makalayo muna sa lugar para hindi niya mapansin na nasa paligid lang ako at nakita sila. Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa mapagod. “H-hello?” ang tugon ko matapos tuluyang makalayo.“Ba’t ka napatawag?”Lumunok muna ako ng laway para alisin ang bara sa lalamunan. “Lunch break na kasi, nasa’n ka?” Pl
[Past]NAHIGIT ko ang hininga sa narinig. Matagal ng may gusto si Nikki kay Caleb? At ano iyong sinasabi niya na ‘something’? May nangyayari ba sa kanila na hindi ko alam?!“Wala akong dapat i-explain,” ani Caleb at muling sinubukang kunin mula kay Nikki ang cellphone na pilit namang itinatago sa likod.“’Yan! D’yan ka magaling. Hindi porket hindi ako nagtatanong, e, hindi ka rin nag-i-explain—“ sandaling natigilan si Nikki nang magtagpo ang mga mata namin.Mabilis akong nagtago. Pambihira! Nakita niya ako!“You know what? I’m tired of this. Ayaw mong mag-explain, right? So, pa’no pala kung si Kenan na ang magtanong? Humingi ng explanation?”“Don’t bring him up. Wala siyang kinalaman dito.”“Really? sigurado kang wala? Kasi kung iisiping mabuti… lahat ng ‘to, dahil sa kanya. And guess what?! An
MATAPOS kumain ay bumalik ako sa kwarto para magsipilyo at kunin ang bag. Tapos ay bumalik sa kusina para tingnan kung tapos na maghugas ng pinggan si Caleb. Siya na rin kasi ang nagpresintang gawin ang mga gawain sa bahay na hindi ko pa magagawa sa ngayon tulad nang paghuhugas ng pinggan.May magandang maitutulong din pala kapag na-i-injured. Ligtas ako sa household chores!“Ito, o,” sabay bigay sa kanya ng susi ng bahay at pati na rin ng gate. “Ikaw na ang magsara at i-lock mo, ha? Sige, aalis na ‘ko.” Kailangan ko ng mauna dahil magku-commute pa ako dahil hindi ako makakapag-motor sa lagay ko ngayon.“Wait, sabay na tayong pumasok.”“Magkaiba tayo ng course.”“Same university.”“Nagsasawa na ‘ko sa pagmumukha mo.”“Ako hindi.” At saka nangiti.Pero hindi ko na siya pinansin at tuloy-tuloy
HINANAP ko agad si Caleb paglabas sa gymnasium pero wala na ito, mukhang kanina pa nakaalis kaya sinubukan kong tawagan pero ayaw naman sagutin at hinahayaan lang na mag-ring ang cellphone.Kainis! Bakit ayaw niyang sagutin? Umiiwas ba siya?!Mahigpit ang hawak ko sa cellphone na kulang na lang ay madurog ito sa sobrang inis. Humanda talaga siya sa akin!Mabilis ang hakbang papunta sa department niya nang matigilan… hindi ko alam ang schedule niya!Sa laki pa naman ng department nila ay hindi ko alam kung saan ko siya unang hahanapin. Muli akong nag-dial at tinawagan this time si Felix, baka alam nito kung nasaan ang kailangan. “Hello? Sa’n ka ngayon?” ang tanong pagkasagot niya sa tawag.“Ca—feteria,” ang sagot niya. “Punta ka rito, kumakain ako.”“Kasama mo si Caleb?”“Hmmp! Kaaalis lang, bakit?”Pambihira!
PAGKATAPOS niya iyong sabihin ay tinalikuran niya ako at sumakay sa kotse. Pabagsak pa nga niyang sinara ang pinto ng kotse.Ha! siya pa talaga ang may ganang magalit ngayon na akala mo ay walang atraso sa ‘kin. At nagawa pang ipalanghap sa akin ang usok mula sa tambutso. Nagpigil lang akong magmura nang malakas dahil baka may ibang makarinig sa akin.“Ang gag* lang talaga ng isang ‘yun.” Pagkatapos ay inamoy-amoy ang sarili. Tatabi pa naman ako mamaya kay Mary Rose, baka kumapit na sa akin ang amoy ng usok.Hindi naman ako agad nangamoy usok pero mas mabuti ng makasiguro kaya bago pumunta sa klase ay dumaan muna ako sa restroom para magpabango. Nang nasa tapat na ng classroom ay huminga ako nang malalim. Mula sa pwesto ko ay nakikita ko si Mary Rose na ang mga mata’y nakapako sa akin. Napangiti pa nga siya habang sinisenyasan akong lumapit at tumabi sa kanya.Oh, My Rose, here I come