KAKAMOT-KAMOT sa tiyan at papikit-pikit pa ang mga mata nang lumabas sa kwarto. Mula sa sala ay napansin kong may tumayo mula sa sofa at lumapit sa akin. “Good morning,” ang bati niya.
Pero dahil ang amoy agad ng niluluto ni Mama ang prinoseso ng utak ay hindi ko siya pinansin at dumiretso sa kitchen area. “’Ma, ang bango.” Saka lumapit para makita ang niluluto niyang garlic fried-rice. Nilanghap ko pa bago lumapit sa electric kettle. Buti may mainit pang tubig para makapagkape.
Matapos makapagtimpla ay pumunta ako sa labas ng bahay. “Anong ginagawa mo rito? Ang aga mong nangapit-bahay, a.” Sabay sulyap kay Caleb na kanina pa ako sinusundan.
“Wala kasi akong magawa sa bahay.”
Sa laki ng bahay niya, wala pa siyang magawa? “O, ba’t dito? Ke-aga-aga ang pangit na ng umaga ko."
“Si Tita naman ang nagyaya sa ‘king pumasok at dito na mag-almusal.”
Hinipan ko ang mainit na kape sabay higop. “Umuwi ka na habang hindi pa kita pinapaalis.” Ang tingin ay nasa malayo, iniiwasang mapatingin sa kanya at baka sumakit pa ang mga mata.
“O sige, kung ‘yan ang gusto mo. Babalik na lang ako mamaya.”
“Kahit ‘wag na.” Hindi na ko sumulyap nang umalis siya.
Nang nangangalahati na ang iniinom ay saka ako pumasok sa loob.
“Nasa’n si Caleb?” ang tanong ni Mama nang ilapag ang isang mangkok ng fried-rice.
Napalingon pa ako sa likod nang mapansin si Papa na mukhang kagigising lang. “Umuwi sa kanila,” ang sagot ko.
“Bakit? Inaya ko pa naman ‘yun na rito na mag-agahan.”
Sinadya kong magkibit-balikat bilang sagot, “Biglang umalis—!” Nahinto ako nang mahagip ito ng paningin.
“O, Caleb, mabuti at bumalik ka, halika, kumain ka muna.”
“Thank you, Tita.” Pagkatapos ay naupo sa tabi ko.
Nang tumalikod si Mama at nagtitimpla naman ng kape si Papa ay hinila ko ang damit niya palapit sa akin. “Ba’t ka bumalik?” ang bulong ko.
“Sabi mo kasi umuwi, kaya ginawa ko. Pagkatapos ay bumalik para mag-breakfast.”
Umirap ako. Ang sarap lang isigaw sa mukha niya ang, “Wala bang pagkain sa inyo at dito ka nakikikain?!” Pero hindi ko naman pwedeng gawin iyon sa harap nina Mama at Papa. Binitawan ko ang damit niya bigla nang humarap si Mama.
Kinuha niya ang pinggang malapit sa akin at muntik pang madikit ang pisngi niya sa labi ko, mabuti na lang mabilis ang reflexes ko at nakaiwas.
“Caleb, ikaw na ang maglead ng prayer,” ang utos ni Papa pagkaupo.
Pinikit ko ang mata at pinagsalikop ang mga kamay.
“Lord God, Heavenly Father, bless us and these Thy/Your gifts which we receive from Thy bountiful goodness. Through Jesus Christ our Lord. Amen.”
Please, ilayo niyo rin po ‘tong katabi ko sa akin. Amen.
Dinilat ko ang mata at kumuha ng pinggan pero agad inagaw sa akin ng katabi ang hawak. “Akin na ‘to, at ito ang sa ‘yo,” ang sabi niya sabay bigay ng pinggan niyang puno na ng pagkain.
“Thanks,” ang nasabi ko na lang kahit labas sa ilong.
“Kumain ka lang ng marami Caleb,” ang sabi ni Mama at ito na mismo ang nag-serve ng pagkain para sa katabi ko.
“Salamat, Tita, kaya gustong-gusto ko rito sa inyo, e.”
“Kahit dito ka na tumira ay ayos lang,” ang tugon ni Mama at saka natawa.
Ito na naman tayo. Kahit noon pa man ay paborito na si Caleb.
“Dati na kayang nakatira rito si Caleb, ‘Ma. Hanggang ngayon nga narito pa rin ang mga gamit niya,” ang singit ko habang nakatungo sa pagkain. Pero bigla na lang napaatras nang lumapit ang mukha niya.
“Hindi mo tinapon?” ang bulong niya habang ang lawak ng ngiti sa labi.
Bakit ko itatapon, hindi naman sa aking gamit iyon. Saka, baka biglang magtanong si Mama kung nasaan ang mga gamit niya.
“Ha? May naiwang gamit dito si Caleb?” ang tanong ni Papa sabay tingin kay Mama.
Umiling si Mama. “Hindi ko alam, ngayon lang kung hindi sinabi ni Kenan.”
“Hindi mo alam ‘Ma?!” Halos mabitawan ko ang kutsara sa sinabi. Kung alam ko lang na hindi niya pala alam ay dapat matagal ko na iyong sinunog.
Naramdaman ko ang kamay ni Caleb sa balikat ko. “Thank you at iniingatan mo pa rin ang gamit ko kahit sobrang tagal na.”
Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. “Tumigil ka d’yan, malapit ko nang itusok sa kamay mo ‘tong tinidor,” ang bulong. Pagkatapos ay biglang ngumiti nang ubod tamis. “No, problem bestfriend,” ang sagot ko na pinariring pa kanila Mama. Kinuha ko ang kamay niyang nasa balikat para alisin.
Balian ko kaya muna bago bitawan?
*****
NAKAHIGA AT HUMIHINGA pa naman ako kahit bored na bored na. Nagmamanhid na ang likod ko dahil sa kakahiga.
B*wes*t kasi na Caleb ‘yun. Wala na yatang balak umuwi sa kanila. Simula pa kaninang umaga hanggang sa matapos ang tanghalian ay narito. Ni hindi na nga ako nakapanuod ng palabas sa television kasi nakatambay siya roon sa sala kapag sinisilip ko.
Kaya ang kupas na kulay puting kisame na lang ang pinanuod ko. Mayamaya pa ay may kumatok sa pinto. Hindi ako nagsalita at baka kasi si Caleb lang ang nasa labas ng kwarto ko.
Ilang sandali ay unti-unting bumukas ang pinto. Hindi ko pa man tuluyang nakikita ang mukha ay alam ko ng siya nga ang nasa pinto.
“Bakit?!”
“Kanina ka pa—”
“Subukan mong ipasok ‘yang madumi mong paa makakatikim ka talaga sa ‘kin,” ang banta ko nang humakbang siya papasok.
Mabilis siyang umatras. “Malinis ang paa ko, saka anong klaseng patikim ba ‘yang sinasabi mo?” ang tanong niya sabay dila sa labi.
Ang m*nyak.
“Umalis ka na nga! Kunti na lang magiging kulungan na ‘tong kwarto ko dahil sa ‘yo.”
“Dahil kinukulong ko ang puso mo?” tapos ay natawa. “Pick-up line ‘yun, hindi ka kinilig?”
“Kinilabutan ako.”
Mayamaya ay sumandal na lang siya sa pinto dahil hindi naman siya pwedeng pumasok. “Kenan, hindi talaga ako pwedeng pumasok?” sinandya niyang paliitin ang boses na parang nagpapa-cute. “Nangangawit na ang beautiful legs ko.”
Ay, talaga namang hinahamon ang pasensiya ko. “Ano ba, umalis ka na,” ang ulit ko na nakahawak na sa unan para ibato sa kanya kung sakaling magpupumilit siyang pumasok.
Bumuntong-hininga siya bago tumango. “Okay, aalis na ‘ko kung ‘yan ang gusto mo.”
Bumangon ako sa kama at saka iwinasiwas ang kamay. “Bye, ‘wag ka ng babalik.”
Nang isara niya ang pinto ay roon lang ako lumapit at pinakinggan kung nakaalis na siya. Nang wala nang marinig ay roon ko lang binuksan ang pinto.
Yes, wala na siya. Malaya na ulit ako!
Lumabas ako sa kwarto at tumakbo papunta sa sala para sumilip sa bintana kung saan makikita ang gate namin na kasasara lang.
“Anong sinisilip mo r’yan?” ang tanong ni Papa kaya nilingon ko ito.
“Si Caleb, ‘Pa.”
“Nagpaalam ngayon-ngayon lang, babalik daw sa kanila.”
“Ah,” ang sagot ko pero deep inside ay halos magtatatalon na ako sa tuwa.
Bumalik ako sa kwarto. Kinuha ko ang laptop nang maisipang maglaro na lang online. Panatag na ang loob ko dahil nakaalis na ang asungot. Makakapag-relax at makakapaglaro na ako.
Sa sobrang pagka-busy nga ay hindi ko na napansin ang oras hanggang sa pumasok si Mama sa kwarto. “Nasa labas sila Kevin at mga kaibigan niya, niyayaya kang maglaro ng basketball.”
“Talaga?” Nahinto ako sa paglalaro sabay kuha sa cellphone na may mga messages mula kay Kevin. Kanina pa ito nagba-vibrate pero hindi ko pinapansin dahil hindi ko pwedeng iwan ang nilalaro ko.
Dali-dali kong niligpit ang laptop at lumabas sa kwarto hanggang sa may gate.
“Oy, sorry. Ngayon ko lang nabasa ang messages mo.” Napatingin ako sa suot niya at pati sa mga kasama niya. Lahat sila ay naka-basketball jersey.
“Okay lang,” ang sagot niya at saka nag-dribble ng bola.
“Sandali lang, ha? Magpapalit ako.” Tumakbo ako pabalik sa bahay para magpalit ng jersey.
Nang matapos ay saglit lang ako nagpaalam kay Mama at Papa at sumama na kila Kevin. Dahil walking distance lang naman ang basketball court sa bahay ay hindi ko na dinala ang motor. Tutal at naglakad lang din naman sila Kevin papunta sa bahay.
Nang makarating sa covered court ay agad akong nag-warm up sa tabi malapit sa mga bench habang ang mga kasama ay nagso-shoot na ng bola. Matapos pagpapawisan ay nakisali na ako sa kanila.
“Hoy!” biglang sigaw ni Kevin kaya napatingin ako sa direction kung saan siya nakatingin.
Si Caleb na nakapang-basketball jersey rin at papunta sa direction namin.
“Sinong nag-aya sa kanya?” ang tanong ko.
“Ako,” ang sagot ni Kevin. “Nabalitaan kong nakabalik na siya kaya agad akong nagyayang maglaro. O, ‘di ba, parang tulad lang no’ng dati.”
Ang dating tinutukoy niya ay ang madalas naming paglalaro ng basketball. Sila ang magka-edad pero hindi ganoon ka-close dahil medyo malayo-layo ang bahay ni Kevin dito. Mga dalawang kanto ang layo. Tulad ng iba ay wala rin siyang alam sa totoong sitwasiyon namin ni Caleb. Tanging si Felix lang ang nakakaalam.
“Nakabalik ka na palang hay*p ka, hindi ka man lang nagsabi,” ang kausap niya kay Caleb.
“Hindi pa rin nagbabago ‘yang bibig mo,” pagkatapos ay napatingin sa akin. “Hindi mo suot?”
Kaya napatingin ako sa suot niyang sapatos. Ang binigay niya ba ang tinutukoy?
“Hindi,” ang sagot. Baka masabihan pang couple shoes kami kung sinuot ko iyon ngayon. Mahilig pa namang mangantyaw itong si Kevin.
“Wow, hanep ang suot mo, a!” ang pansin ni Kevin sa suot niyang sapatos kaya nagsilapitan din ang iba.
Tumalikod ako para lumayo sa kanila. Talagang sinasadya niyang suotin ang sapatos para mapansin. Pasikat talaga.
Ilang sandali na akong naghihintay na simulan ang laro pero busy pa rin sila sa pagkukwentuhan kaya ako na lang muna ang mag-isang nagdi-dribble.
Nang matapos sila na parang isang taon ang tinagal ay naggrupo-grupo na kami.
At ako ang nakatokang magbantay kay Caleb. Napaka-easy, yakang-yaka ko lang ang pagbabantay sa kanya. Dahil kahit ni minsan ay hindi niya pa ako natatalo. Mas magaling ako sa kanya. Nagkataon lang na mas nauna siyang nakapasok ng basketball team sa school.
Tapos nang time ko na para maging miyembro ay sinira naman niya ang pagkakataon ko.
Ahh! Isipin ko pa lang ang nangyari noon ay nabubwesit na ako.
Itinaas ko ang kamay para sa akin ipasa ang bola. “Okay!” ang sigaw ko nang mahawakan na ang bola.
Pumihit ako pakanan para—
Sa isang iglap ay naagaw sa akin ang bola. Ni hindi ko na nga nagawang kumurap nang mai-shoot niya ang bola sa ring. At talagang 3 points shoot pa ang ginawa.
Pa’no niya nagawang maagaw sa ‘kin ang bola ng gano’n kabilis?
Sa buong laro ay nagmukha akong katawa-tawa dahil lagi niyang naaagaw ang bola sa akin. Tapos hindi ko pa magawang makapuntos dahil naba-block niya agad.
Ang score? 65-47. Lamang sila ng 18 points.
Agad akong naupo at kulang na lang ay mahiga dahil sa pagod.
“Grabe, Caleb, ngayon lang kita nakitang ganito maglaro,” ang dinig kong komento ni Kevin. “Ang akala ko ay tagilid tayo dahil nasa kabila si Kenan. Pero dahil sa ‘yo, ang laki ng ipinuntos natin.”
Nakakainis talaga! Halos kapusin na ako ng hininga kakahabol tapos parang wala lang sa kanya at may pangiti-ngiti pa.
Nakatungo ako at naghahabol ng hininga nang may lumitaw na kamay sa paningin ko.
“Ayos ka lang?” ang boses ni Caleb. “Halika, tulungan na kitang tumayo.”
Inangat ko ang tingin at saka siya tinignan nang masama sabay tabig ng kamay niya. “Kaya kong tumayo,” pinagpagan ko ang puwetan matapos magawang tumayo. “Kevin, uwi na ‘ko.” Hindi ko na hinintay na magsalita siya o kung sino man sa kanila at agad nang umalis.
Halos ibagsak ko pasara ang gate nang pumasok sa bahay. Mabuti na lang at wala sa paligid si Mama o si Papa kundi malalaman nilang wala ako sa mood.
Hindi ko na sinara ang pinto ng kwarto nang mabilis hinubad ang basang jersey at malakas na binato sa sahig.
B*wes*t talaga!
“Kenan.”
Agad akong napalingon nang marinig ang boses niya. “Umalis ka.”
Pero hindi siya kumilos at sa halip ay pumasok sa kwarto ko. At talagang sinara niya pa ang pinto.
“Ayokong ulitin ang sinabi ko, kaya alis na,” hindi ko itinaas ang boses sa takot na baka marinig ni Mama at Papa. Nanatiling kalmado ang boses ko kahit sobrang inis na inis na.
“Gusto ko lang makipag-usap.”
“Wala tayong dapat pag-usapan.”
“Hindi, kailangan nating—”
Mabilis niyang nailagan ang binato kong unan. Hindi ako nakuntento at binato pa siya ng isa pang unan.
“Ano ba, Kenan!”
Dinampot ko ang librong nasa side-table at ito naman ang binato sa kanya. Napahawak siya sa noo nang matamaan doon.
Sa isang iglap ay nag-iba ang tingin niya. Biglang tumalim at mabilis akong sinugod. Hindi ko na nagawang makakilos nang tinulak niya pahiga sa kama at hinawakan ang magkabila kong kamay.
“Ano ba! Bitawan ko nga ako.” Pilit akong nagpupumiglas pero ang lakas niya.
“Ayoko.” Matalim ang tingin hanggang sa unti-unting bumababa at lumalapit ang mukha sa akin.
“A-anong ginagawa mo?!” Sa unang pagkakataon ay kinabahan ako habang nakatitig sa mga mata niyang nanlilisik.
“Bakit, natatakot ka ba? Wala pa ‘kong ginagawa kaya relax lang,” ang bulong niya na halos gahibla na lang ang layo sa mukha ko.
Hindi!!!
***<[°o°]>***
MARIIN akong pumikit nang maramdaman ang hininga niya sa mukha ko. Saan ko ba dapat ibaling ang mukha? Sa kanan ba o kaliwa? Mas mabuting huwang na lang akong gumalaw at baka may kung ano pang dumikit sa labi ko. Please, please, please. Muntik pa akong mapasigaw nang tuluyang may maramdaman sa labi. "Sobrang sakit no’ng ginawa mo. Nabukulan ata ako.” Bigla kong idinilat ang mga mata at nakitang malayo na ang mukha niya. Bumalik na rin sa normal ang mata niya, hindi na galit. Agad kong tinabig ang kamay niyang tumakip sa bibig ko, ito pala ang dumikit. “Ilayo mo nga ‘yang madumi mong kamay,” baka kung ano pang pinaghahahawak niya. “Kadiri, dumampi pa talaga sa labi ko.” “Mas mabuti na ‘yan kaysa iba ang dumampi.” “Ano?” Ano na namang pinagsasasabi nito? Umalis siya sa ibabaw ko kaya agad akong bumangon at lumayo sa kanya. Baka kasi itulak na naman niya ako. “Kenan?” si Mama. Agad kong inayos ang itsura na
“Magkaibigan lang kami ng Kuya mo,” ang sabi ko kay Faith. “Imposibleng mangyari sa ‘min ‘yang mga BL series na pinapanuod mo, ‘di ba?” sabay tingin kay Felix.Tumingin muna siya sa akin nang matagal pero hindi naman nagsalita.Pagkatapos ay kinuha ang isang basong tubig para uminom. Nang maubos ay ibinaba niya rin ang baso sa mesa. “Anong klaseng tanong 'yan, kahit pa siguro ikaw na lang ang natitirang tao sa mundo ay hindi kita papatulan, may taste naman ako 'no.”“Huwaw, mas gwapo naman ako kaysa sa 'yo 'no, 'di ba Faith?” ang tanong ko na agad nitong tinaas ang kamay na naka-thumbs up.“’Wag mong awayin si kuya Kenan,” ang baling pa nito kay Felix.“Ewan ko sa inyo,” ang komento niya tapos ay tumungo sa pagkain.Si kuya Fernan at ate Anna ay napapangiti at naiiling sa amin. Tanging si baby Kyle lang ang abala sa pag
SOBRANG saya at ang gaan-gaan nang pakiramdam ko. Kulang na nga lang ay magwala ako dahil sa wakas! Wala na si Caleb. Kagabi ko lang kasi nalaman na bumalik na pala ito sa Canada noong isang araw dahil tulad rito sa Pilipinas ay umpisa na rin ng pasukan doon. Usually, nakakatamad pumasok sa first day of school… pero kung ganito ba naman ang mababalitaan ko ay bakit ako tatamarin? Todo birit nga ako sa banyo habang naliligo kapag naiisip na wala na si Caleb at hindi na siya babalik, hopefully, forever na sanang huwag bumalik! “Ang ganda ata nang gising mo? Kanina ko pa naririnig ang boses mo habang kumakanta-kanta ka,” ang puna ni Mama nang maupo ako para saluhan silang mag-almusal. “Hehehe,” natawa lang ako dahil hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoong dahilan kung bakit ako masaya. “Excited ka ba sa first day mo sa University?” ang tanong niya at saka nilagyan ng sinangag ang pinggan ko.
ILANG BESES akong umiling nang sabihin niya na gusto niyang mag-stay rito sa bansa at makasama kami. Hindi pwede, maayos na ang buhay ko ngayon at sa kanya rin. Ano pa bang gusto niya? Balak niya bang guluhin muli ang buhay ko, tapos ano? Kapag may nasaktan ulit ay bigla siyang aalis? Umatras ako, dahan-dahan hanggang sa kumaripas na ako nang takbo makalayo lang sa kanya habang naiisip ang ginawa niya noon. Hindi. Hindi! Mariin kong pinikit ang mga mata para maalis sa isip ang nangyari noon— “Aray!” Bigla kong naidilat ang mga mata nang may mabunggo. Una kong napansin ang nagkalat nitong gamit sa paligid at sunod ay ang isang babaeng nakaupo na sa sahig. Nakatungo ito at dum*d***g sa sakit. Mabilis naman akong lumapit at tinulungan itong makatayo. Matapos ay kinuha ang bag nito at isa-isang pinulot ang mga gamit na nakakalat. Nang matapos mailagay ang huling gamit ay saka lang ako t
[Past]MATAPOS akong bihisan ni Mama ng magandang damit ay nagpunta kami sa malaking bahay na katabi ng sa amin. Mahigpit ang hawak ko sa regalong hinanda para sa anak ng kaibigan ni Mama. Ang sabi kasi ay ngayon ang dating ng mga ito mula sa ibang bansa.Ang kwento pa nga ni Mama ay kaibigan niya ito noong highschool hanggang sa ngayong may kanya-kanya na silang pamilya. Nag-migrate sa ibang bansa at nanatili roon nang maraming taon. Bumalik lang ang mga ito sa bansa para raw hawakan ang business na minana ng asawa ng kaibigan ni Mama.At dahil ang mga ito na ang mamamahala ng business ay rito na maninirahan ang buong pamilya kaya ang dating bakanteng lote sa tabi ng bahay namin ay pinatayuan ng isang malaking bahay.Ang anak na lalake ng kaibigan ni Mama ay halos kasing edad ko kaya ilang buwan ding excited sa pagdating nila at talagang naghanda ng regalo para rito. Gusto kong makalaro ito at maging kaibigan.
[Past] BIGLANG nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan nang makaramdam ng kiliti sa tenga. Kahit hindi ko imulat ang mga mata ay alam ko ng si Caleb ang salarin. Sa araw-araw ba naman niyang ginagawa ito sa akin ay kahit pandama ko ay kabisado na ang gawain niya. “Naman, e!” ang reklamo ko at iwinasiwas ang kamay sa paligid para itaboy siya. “’Wag kang magulo, natutulog pa ‘ko, e.” Pero sa halip na hayaan ako ay mas lalo pa siyang nanggulo. Ngayon naman ay hinihingahan ang tenga ko. Minulat ko ang mata at inis na nilamukos ang mukha niya. Ngunit ayaw niya talagang tumigil at tinatapik lang palayo ang kamay ko at muli na namang aatake sa aking tenga. “Bumangon ka na kasi r’yan, mali-late na tayo,” aniya nang huminto. Napatingin ako sa ayos niya dahil naka-uniform na siya at dala ang backpack bag na nakasabit sa isang balikat. “Sinabihan kami ni Ma’am na hindi siya magkaklase ngayon kaya ayos l
KANINA pa ako palinga-linga sa paligid. Maraming dumaraan na mga estudiyante pero hindi ko pa napapansin si Mary Rose. Ngayon ang subject na magkaklase kami at binabalak kong magpapogi points kaya naisipan ko itong hintayin sa labas ng room para sabay kaming pumasok. “Hi,” panay naman ang bati ko sa mga students na pumapasok na sa room lalo na ang mga babae. Nang sa wakas ay na-spot-an na ng mga mata ko si Mary Rose ay agad akong kumilos. Sumandal ako sa pader, inayos ang nakasukbit na bag sa balikat at saka nilagay ang parehong kamay sa bulsa. Inilapat ko rin ang kanang paa sa pader para magmukha talaga akong cool. Pero nagtaka ako nang kahit nasa harap lang ako ng pinto ay hindi niya ako napansin at nagtuloy-tuloy lang. “H-hi, Mary Rose.” Ang habol ko sa kanya. “O, hi Kenan.” Sabay ngiti. Tinuro ko iyong labas ng room. “Hindi mo ba ‘ko napansin kanina sa labas?” “Sa labas?” Tapos ay umiling. Ouch
HINDI maalis ang ngiti sa mukha habang ka-text si Mary Rose. Kahit nga nagkaklase si Sir ay panay ang padala ko ng messages. Sayang talaga at wala kaming same class ngayong araw kaya hindi ko siya makikita.Pero pwede naman sigurong mag-meet kami sa lunch?Felix:Sa’n ka?Biglang text ni Felix. Ano naman kayang kailangan nito sa ‘kin ngayon?Kenan:Bakit?Felix:Punta ka na rito.Tinutukoy niya siguro ay ang pagpapalista namin sa basketball club. Ang chance na pinakahihintay ko. This time ay sisiguraduhin ko ng magiging member ako ng basketball team. Noong isang araw in-announce na may registration ngayon at hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Ito ang isa sa mga pangarap ko kaya hindi ko ‘to palalampasin.Kenan:Wait, papunta na.Ang reply ko at pagkatapos ay nagmadali na, kung ba