[Past]
MATAPOS akong bihisan ni Mama ng magandang damit ay nagpunta kami sa malaking bahay na katabi ng sa amin. Mahigpit ang hawak ko sa regalong hinanda para sa anak ng kaibigan ni Mama. Ang sabi kasi ay ngayon ang dating ng mga ito mula sa ibang bansa.
Ang kwento pa nga ni Mama ay kaibigan niya ito noong highschool hanggang sa ngayong may kanya-kanya na silang pamilya. Nag-migrate sa ibang bansa at nanatili roon nang maraming taon. Bumalik lang ang mga ito sa bansa para raw hawakan ang business na minana ng asawa ng kaibigan ni Mama.
At dahil ang mga ito na ang mamamahala ng business ay rito na maninirahan ang buong pamilya kaya ang dating bakanteng lote sa tabi ng bahay namin ay pinatayuan ng isang malaking bahay.
Ang anak na lalake ng kaibigan ni Mama ay halos kasing edad ko kaya ilang buwan ding excited sa pagdating nila at talagang naghanda ng regalo para rito. Gusto kong makalaro ito at maging kaibigan.
“Ayan na sila,” ani Mama na nakatingin sa papalapit na kotse.
Hindi ko naman alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba at mabilis na nagtago sa likod ni Papa.
Ugong nang humintong sasakyan ang sunod kong narinig kaya sumilip ako. Si Mama ay nakalapit na sa kotse. Unang lumabas ang isang magandang babae na agad yumakap kay Mama, kasabay ng isang lalakeng halos kaedad naman ni Papa. “Namiss kita Ester,” ang sabi pa ng babae. Mukhang ito na ang sinasabi ni Mama na kaibigan.
“Ako rin, namiss kita nang husto,” ang tugon ni Mama.
Si Papa naman ay humakbang din palapit kaya bigla rin akong napasunod. “Kumusta ang biyahe?”
“Ayos lang kahit nakakapagod,” ang tugon ng babae at pagkatapos ay napatingin sa akin. “Ito na ba ang anak niyo? Hi, ako nga pala si Janette but you can call me tita Janette. At siya naman si tito Steve,” ang pakilala niya sa lalake.
“H-hello,” ang tugon ko. “Welcome po.”
“Wow, nakakatuwa naman,” at hinaplos ang buhok ko. “I’m sure magkakasundo sila ni Caleb.”
Caleb? Ito siguro ang pangalan ng anak niya. Nabaling ang tingin ko sa kotse. Bakit hindi pa ito lumalabas?
Binuksan ni tito Steve ang pinto ng kotse. “Caleb, nandito na tayo, lumabas ka na,” ang utos pa nito.
Mabilis naman akong ngumiti at halos mabali na ang leeg sa kakasilip habang nakakapit pa rin sa pantalon ni Papa pero hindi pa rin ito lumalabas.
“Caleb, sige na, lumabas ka na r’yan,” ang utos ni tita Janette sa pinakamalambing na tonong narinig ko.
Ilang sandali pa ay may lumabas na maliit na sapatos sa kotse. Ayan na, palabas na siya!
Mula sa paa ay unti-unting umakyat ang paningin ko sa mukha ng— Bigla kong nabitawan ang regalo at bumagsak sa kalsada. Mabilis din akong nagtago uli sa likod ni Papa.
“Kenan,” si Mama sa mababang tono. “Anong ginagawa mo?” May kunot sa noo, mukhang hindi nagustuhan ang ginawa ko.
“Naku, baka nabigla lang siya sa itsura ni Caleb,” ani tita Janette. “Napaaway kasi ito sa school kaya puro pasa ang mukha.”
“Pero kahit na, nakakahiya naman sa inyo,” tiningnan ako ni Mama. “Kenan, ‘di ba may ibibigay ka kay Caleb?”
Napalunok ako ng laway tapos ay pinulot ang nabitawang regalo. Muli kong tiningnan ang mukha ni Caleb na nakatingin na pala sa akin. Mukha itong galit kahit nakatingin lang naman.
Parang ayoko nang ibigay ang regalo!
“For me?” ang tanong niya na nakatitig na sa hawak ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko makuhang sumagot hanggang sa ilahad niya ang kamay. “Can I have it?”
“Hinihingi niya ang regalo Kenan, ibigay mo na,” ani ni Papa.
Hindi ko magawang kumilos dahil sa kaba. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko kahit nakatitig lang siya sa akin. Nakakatakot!
Lumapit siya at kinuha sa akin ang regalo. “Thank you,” ang sabi niya pa pero hindi naman nakangiti. Hindi siya masaya sa regalo ko!
“O ayan, okay na sila,” ani tito Steve. “Ang mabuti pa ay pumasok muna tayo sa loob ng bahay.” Nag-umpisang lumakad sila Mama papasok sa bahay at mabilis naman akong sumunod.
Pero paglingon ko ay naiwan sa labas si Caleb na nakatitig sa regalo. Huminto ako at kahit may kunting takot ay bumalik ako. “Hindi ka papasok?” ang tanong na halos hindi magawang isatinig dahil sa takot sa kanya.
Umangat ang tingin niya sa akin. “Anong laman nito?” ang tukoy niya sa regalo.
“Ano—” napanguso ako. Nagdadalawang isip kung sasabihin sa kanya kung ano ang laman. Mukha kasing hindi na bagay sa kanya ang binigay ko. “R-robot.”
Kumurap siya at bahagyang naningkit ang mga mata. Sabi ko na nga ba, e! hindi niya magugustuhan ang binigay ko. “K-kung ayaw mo, ibalik mo na lang sa ‘kin.”
“No, I like it. Nagustuhan ko,” aniya at ngumiti.
“Talaga?!” bigla akong natuwa. “Ako ang pumili n’yan no’ng nagpunta kami sa mall,” pagkatapos ay napatitig sa mga pasa niya sa mukha. “Masakit?”
“Ang alin?”
“’Yang nasa mukha mo,” nang umiling siya ay halos pumalakpak ako. “Ang tapang mo naman!” tapos ay nilapit sa mukha niya ang index finger. “Natinik ako no’ng isang araw habang kumakain ng isda. Sobrang sakit kaya umiyak ako,” ang kwento ko.
“A, okay.” Pagkatapos ay naglakad papasok sa bukas na gate. Sumunod naman ako hanggang sa huminto siya sa garden.
“Pa’no ka nagkaroon n’yan?” Naku-curious kasi talaga ako.
“Sinuntok ako ng classmate ko.”
“Ang sama naman niya!”
“Don’t worry, sinuntok ko rin siya sa mukha.”
Hala! Bad rin pala siya. “Pero masama ang makipag-away. Ang sabi ni Mama ay paparusahan ang batang nakikipag-away.”
“Talaga?”
“Oo, kaibigan ko nga lahat ng classmate ko, e.”
“Pero wala ako nu’n.”
“Ha?”
Tumingin siya sa akin. “Wala akong kaibigan.” Hindi halata pero mukhang malungkot siya nang sabihin iyon.
Kawawa naman siya. Kaya para pagaanin ang loob niya ay ngumiti ako at hinampas ang d****b sabay sabing, “Simula ngayon kaibigan mo na ‘ko.”
“Pero kanina lang ay takot na takot ka sa ‘kin.” Muling naningkit ang mga mata niya at mukhang inaabangan kung ano ang magiging reaksiyon ko sa sinabi niya.
Napanguso ako habang nakatungo. Pinaglaruan ko rin ang mga daliri nang sabihin ang, “N-nabigla lang kasi ako sa itsura mo kasi mukhang nakakatakot. Sorry.” Nahigit ko naman ang hininga nang bigla niyang nilapit ang mukha sa akin. Na sa sobrang lapit ay halos maduling ako.
“Hindi talaga masakit, kung gusto mo ay hawakan mo pa.” Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa pisngi niyang may pasa. Biglang nanginig ang kamay ko at mabilis na binawi nang madikit ang daliri sa pisngi niya. Baka kasi nagpapanggap lang siya na hindi pero ang totoo ay masakit pala talaga ang pasa niya sa mukha.
“Bakit ka nga pala inaway ng classmate mo?” Iyong mga classmate ko kasi mababait kaya kasundo ko lahat.
“I don’t know, bigla niya ‘kong inaway.”
May gano’n ba? Basta na lang nang-aaway ng walang dahilan? “Ako, hindi kita aawayin dahil magkaibigan na tayo ngayon,” tumitig siya sa akin. Mukhang hindi siya naniniwala kaya nag-isip ako ng ibang paraan para ipakitang totoo ang sinabi ko. “Gusto mong sumama sa ‘kin? Marami akong laruan sa bahay. Sini-share ko lahat sa mga kaibigan ko.” Hinawakan ko ang braso niya at hinila para puntahan muna sila Mama at magpaalam na lilipat sa bahay.
Nang payagan ay mabilis ko siyang hinila at tumakbo papunta sa bahay. Dumiretso sa kwarto at nilabas lahat ng laruan ko. “Simula ngayon ay kung anong akin ay sa ‘yo na rin, kasi magkaibigan na tayo.”
Unti-unti ay napangiti siya. Hindi ko alam kung anong meron pero gumaan ang pakiramdam ko nang tuluyan na siyang ngumiti na abot hanggang mata.
*****
ANG MGA KATAGANG binitawan ko noong mga bata pa kami ay siya ring ginawa niya. Na kung ano ang akin ay siya ring kanya kaya inagaw niya ang babaeng gusto ko noong highschool at ngayon ay mukhang balak niya muling ulitin ang kasalanan. Pero this time ay hinding-hindi na ako papayag na magtagumpay siya.
Kung kailangan kong ilayo si Mary Rose ay gagawin ko huwag lang makalapit si Caleb.
Matapos ang lunch ay sabay rin kaming umalis sa cafeteria ni Felix. “Next time, lalagyan ko na talaga ng yelo ‘yang ulo mo. Masiyadong mainit, baka kung wala pa sigurong mga tao sa paligid ay baka sinuntok mo na sa mukha ‘yung si Caleb.”
“Kasalanan niya dahil mukhang uulitin niya uli ‘yung kasalanan niya sa ‘kin dati.”
“Pero hanggang kailan ka ba magagalit sa kanya? Hindi naman pwedeng forever dahil hindi naman totoo ‘yun, walang poreber.”
“Hanggang hindi na kumukulo ang dugo ko ‘pag nakikita siya.”
Nailing siya at mukhang disappointed sa sinabi ko. “Ito, payong kaibigan lang, ha. Sobrang tagal niyo ng magkaibigan at marami na kayong pinagdaanan. Sana hindi masayang ‘yung friendship niyo dahil lang sa minsan siyang nagkamali at nakagawa ng kasalanan sa ‘yo.”
Naiintindihan ko ang punto niya. “Pero sana naisip niya muna ‘yan. Na sa sobrang tagal na naming magkaibigan at marami nang pinagdaanan ay nagawa niya pa akong lokohin. Hindi ako ang dapat na pinapayuhan mo rito Felipe… siya dapat ‘yun.”
“Tang*nang ‘yan, Felipe na naman ang tawag mo sa ‘kin. Ang seryoso nang usapan natin dito tapos lalagyan mo ng kalokohan, makaalis na nga.” Tumalikod siya at tuluyan nang umalis. Hindi na nakuhang magpaalam.
Napabuntong-hininga ako. Biglang nakaramdam ng pagod matapos ang nangyari. Ang mas mabuti pa ay maghanap ako ng pwedeng tambayan dito sa malapit dahil mamaya pang alas-dos ang sunod kong klase.
Naisipan kong puntahan na lang ang pagodang nadaanan ko noon habang naglilibot. Malapit lang iyon sa faculty building bago pa marating ang Education department.
Nang malapit na at tanaw ko na ang pagoda ay nakatanggap naman ako ng message galing kay Caleb.
Caleb:
Where are you now?
Hindi ako nag-reply at nagpatuloy lang sa paglalakad nang muli siyang nagpadala ng message. This time ay picture na ni Mary Rose ang laman ng message.
Caleb:
Mary Rose Amistoso. Accounting. From XXX province. Farmer ang parents at may isang nakababatang kapatid na lalake.
Bakit ang dami niya ng alam kay Mary Rose kaysa sa akin?! Unfair! Pangalan lang alam ko tapos siya ay napakarami na. Anong ginawa niya para makuha ang impormasiyong ito?!
Kenan:
What do you want? Anong ginawa mo kay Mary Rose?
Caleb:
Relax. Nagtanong-tanong lang ako.
‘Lang?’ Eh, ako nga na nakasama ito ng isang oras ay pangalan lang ang alam tapos siya ay nagtanong-tanong lang?!
Kenan:
Malaman ko lang na may ginawa kang masama sa kanya, humanda ka talaga sa ‘kin.
Caleb:
Don’t worry, wala akong gagawing masama. In one condition.
Sinasabi ko na nga ba! May masama talaga siyang plano kaya pinadalhan niya ako ng picture at information ni Mary Rose.
Kenan:
What it is?
Caleb:
Later at home.
Ano na namang binabalak niyang gawin at gusto niya pang sa bahay? Hindi ba pwedeng pagpahingahin niya naman ako?! Pagod na ako rito sa University tapos pati ba naman sa bahay?
***<[°o°]>***
[Past] BIGLANG nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan nang makaramdam ng kiliti sa tenga. Kahit hindi ko imulat ang mga mata ay alam ko ng si Caleb ang salarin. Sa araw-araw ba naman niyang ginagawa ito sa akin ay kahit pandama ko ay kabisado na ang gawain niya. “Naman, e!” ang reklamo ko at iwinasiwas ang kamay sa paligid para itaboy siya. “’Wag kang magulo, natutulog pa ‘ko, e.” Pero sa halip na hayaan ako ay mas lalo pa siyang nanggulo. Ngayon naman ay hinihingahan ang tenga ko. Minulat ko ang mata at inis na nilamukos ang mukha niya. Ngunit ayaw niya talagang tumigil at tinatapik lang palayo ang kamay ko at muli na namang aatake sa aking tenga. “Bumangon ka na kasi r’yan, mali-late na tayo,” aniya nang huminto. Napatingin ako sa ayos niya dahil naka-uniform na siya at dala ang backpack bag na nakasabit sa isang balikat. “Sinabihan kami ni Ma’am na hindi siya magkaklase ngayon kaya ayos l
KANINA pa ako palinga-linga sa paligid. Maraming dumaraan na mga estudiyante pero hindi ko pa napapansin si Mary Rose. Ngayon ang subject na magkaklase kami at binabalak kong magpapogi points kaya naisipan ko itong hintayin sa labas ng room para sabay kaming pumasok. “Hi,” panay naman ang bati ko sa mga students na pumapasok na sa room lalo na ang mga babae. Nang sa wakas ay na-spot-an na ng mga mata ko si Mary Rose ay agad akong kumilos. Sumandal ako sa pader, inayos ang nakasukbit na bag sa balikat at saka nilagay ang parehong kamay sa bulsa. Inilapat ko rin ang kanang paa sa pader para magmukha talaga akong cool. Pero nagtaka ako nang kahit nasa harap lang ako ng pinto ay hindi niya ako napansin at nagtuloy-tuloy lang. “H-hi, Mary Rose.” Ang habol ko sa kanya. “O, hi Kenan.” Sabay ngiti. Tinuro ko iyong labas ng room. “Hindi mo ba ‘ko napansin kanina sa labas?” “Sa labas?” Tapos ay umiling. Ouch
HINDI maalis ang ngiti sa mukha habang ka-text si Mary Rose. Kahit nga nagkaklase si Sir ay panay ang padala ko ng messages. Sayang talaga at wala kaming same class ngayong araw kaya hindi ko siya makikita.Pero pwede naman sigurong mag-meet kami sa lunch?Felix:Sa’n ka?Biglang text ni Felix. Ano naman kayang kailangan nito sa ‘kin ngayon?Kenan:Bakit?Felix:Punta ka na rito.Tinutukoy niya siguro ay ang pagpapalista namin sa basketball club. Ang chance na pinakahihintay ko. This time ay sisiguraduhin ko ng magiging member ako ng basketball team. Noong isang araw in-announce na may registration ngayon at hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Ito ang isa sa mga pangarap ko kaya hindi ko ‘to palalampasin.Kenan:Wait, papunta na.Ang reply ko at pagkatapos ay nagmadali na, kung ba
DALAWANG ARAW matapos ang alitan sa pagitan namin ni Felix ay hindi man lang ito nagparamdam. Hindi naman ako worried kasi alam kong magkakaayos din kami.Hindi ko nga lang alam kung sino ang unang lalapit dahil pareho kaming mataas ang pride at ayaw tumanggap ng pagkatalo.Pupuntahan ko na lang ito mamaya sa department nito, tutal at pareho naman naming alam ang schedule ng isa’t isa. Kakausapin ko ito mamaya at susuhulan ng pagkain para bati na kami.Pagkatapos ma-lock ang pinto ay nilabas ko sa garage ang motor at hinila para ilabas sa gate nang makita si Felix na nakaupo sa may gutter.“Ang tagal mo namang lumabas.” Pagkatapos ay tumayo at pinagpagan ang puwetan ng suot na pantalon.“Anong ginagawa mo rito?”“Ano pa ba? Edi sinusundo ka, sabay na tayong pumasok sa University.” Lumapit siya sa nakaparada niyang motor at binigay sa akin ang isang helmet. Ma
[Past]NAABUTAN ko si Caleb na nagsisintas ng sapatos pagpasok sa kwarto niya at nakasalampak sa sahig kaya sinamahan ko siya at tinulungang sintasin ang isang sapatos.“Thanks,” aniya at hinaplos ang buhok.“Para mapadali dahil baka maunahan tayo ng iba sa court.”“Hindi ‘yan,” pagkatapos ay tumayo at kinuha ang bola sa tabi. Sumunod ako sa kanya nang lumabas na siya ng kwarto. Tuloy-tuloy kami hanggang sa kusina. “Magdala tayo ng tubig, sa ‘yo ‘to.” Sabay bigay ng tumbler na may pangalan ko. Pareho kami ng design at kulay, ang pinagkaiba lang ay nilagyan niya ng pangalan para hindi malito kung alin ang kanino.“Si Felix kaya, anong ginagawa ngayon?” ang nasabi ko nang lumabas na kami ng bahay at nagpunta sa covered court.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa niya ngayon?”“Ewan ko du’n, sinabih
[Past]BUMUKA ang bibig niya at bumuwelo ng sasabihin, “Ngayon ko lang nalaman na…” sinadya niyang bitinin ang sasabihin para talagang ma-curious ako ng husto.“Ano? Anong nalaman mo, pabitin ka naman, e.”“Ngayon ko lang nalaman na tsimoso ka pala. Siyempre, ba’t ko sasabihin sa ‘yo, e, secret nga.”“Pambihira naman! Ano nga kasi, ba’t ayaw mong sabihin?” ang pangungulit ko pa pero tinalikuran na niya ako at naglakad na palayo. “Hoy, Felipe! Ang KJ naman nito!” ang habol ko naman.Pero ayaw na niyang magsalita. Kainis! Curious na curious na ako, e. “E, ano namang pinag-usapan niyo ni Caleb sa loob?” ang tanong na lang nang makahabol sa kanya.“W-wala, may pinabibili lang siya sa ‘king gamot.”Gamot? May kailangan pa ba itong inumin na wala sa clinic? Nakakaduda naman. “Sure?” ang p
[Past]NASA harap na ako ng restaurant na sinasabi ni Nikki. Dito kami magkikita ngayon dahil may importante raw siyang sasabihin. Sobrang excited nga ako dahil may kutob akong sasagutin na niya ako ngayon sa wakas.Nagpatulong pa nga ako kay Caleb ng magandang susuotin dahil wala na akong maisip. Siya na rin ang bumili ng bulaklak na dapat kong ibigay sa oras na magkita kami ni Nikki.Sa entrance pa lang ng restaurant ay sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Marami ring pumapasok na idea sa utak ko. Ano ang dapat kong maging reaksiyon? Sisigaw ba ako sa tuwa o magtatatalon?Sa totoo lang ay hindi ko alam. Pero ang sabi ni Caleb ay dapat kalmado lang ako sa oras na sagutin na ako ni Nikki pero kaya ko ba iyong gawin? Isipin pa nga lang na um-‘oo’ siya ay baka magwala ako sa sobrang saya.Huminga muna ako nang malalim sabay buga para alisin ang kaba sa katawan ng tuluyan nang pumasok sa restaur
[Past]MABILIS kong ikinubli ang sarili sa kanila. Ang pader na ginawang panangga upang hindi nila makita ay siya ring nagbibigay ng suporta sa akin nang biglang manghina.Ilang beses akong umiling. Hindi, imposible itong nakikita ko. Pinaglalaruan lamang siguro ako ng mga mata. Nagkamali lang ako sa nakita.Tama… nagkamali lang ako. Imposibleng hawak ni Nikki ang kamay ni Caleb.“Hello, Kenan?” rinig kong sabi ni Caleb kaya mabilis kong tiningnan ang cellphone. Hindi ko napansin na sinagot niya pala ang tawag ko.Kailangan kong makalayo muna sa lugar para hindi niya mapansin na nasa paligid lang ako at nakita sila. Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa mapagod. “H-hello?” ang tugon ko matapos tuluyang makalayo.“Ba’t ka napatawag?”Lumunok muna ako ng laway para alisin ang bara sa lalamunan. “Lunch break na kasi, nasa’n ka?” Pl